"Hi, dude! Kumusta?" Nakangiti nang pumasok si Tyron sa office ni Aedam. Masayang-masaya siya, dahil nakabalik na ang kanilang kaibigan. Buong akala niya'y mawawala na ito, pero sadyang mabait ang nasa Itaas, binigyan ito ng panibagong buhay. Pero hindi pa dapat sila magpakasaya, hindi dapat pakampante, dahil ang taong may kagagawan ng nangyari ay hindi pa rin nahuhuli. Nagtatago na sa kasalanang nagawa.Nag-angat ng mukha si Aedam. Napangiti rin ito nang makita siya. Subalit agad na nagsalubong ang kaniyang kilay nang may mapagtanto. "Where's your eyeglasses?" "Huh? Salamin?" Naglumikot ang mata nito, hindi malaman kung naghahanap ba o nag-aapuhap ng sasabihin. "Nagbabasa ka nang walang suot sa mata?" muling tanong niya. "Ah, yun ba? Nababasa ko naman na e, kaya hindi ko na kailangan ang eyeglasses ko." Imposible!Hindi kailanman ginawa ni Aedam ang bagay na yun, dahil ang doctor ang may payo rito. "Nakakapagtaka naman. Naoperahan din ba ito sa mata?" naitanong niya sa sarili.I
Ilang araw nang laman ng isipan ni Meadow nabanggit na panagalan ng hospital, hindi siya mapanatag. Gusto sana niyang tanungin ang asawa, pero sa tuwing maghaharap sila ay palagi siyang natatameme. Isang araw, habang sakay ng kotse, patungo siya sa clinic para magpa-check up, si Cindy ang kasama niya, naraanan niya ang sasakyan ni Drake sa tapat ng isang coffee shop. "Nick, ihinto mo muna ang sasakyan," utos niya sa driver. Nang huminto ay mabilis siyang bumaba, sumunod sa kaniya si Cindy. Hinanap niya si Drake. Natagpuan niya itong nakapila. Noon pa man ay hilig na nito ang kape. Hinintay niya itong matapos. Ang mata niya ay nagmamasid sa paligid, may mga teenager na nakatambay roon at malalagkit ang titig sa binata. Sino ba naman ang hindi mapapatingin dito, wala itong tulak-kabigan tulad din ng asawa niya. "Ate, sino po ang hinihintay natin dito?" bulong sa kaniya ni Cindy. "Ang lalaking yun," itinuro niya ang lalaking nakasuot ng gray na t-shirt. Tulad ng asawa niya, mat
Hindi mapakali si Meadow, paroo't parito siya sa loob ng banyo. Paulit-ulit niyang pinag-iisipan ang mga agam-agam. Hindi lang isang beses na nagkaroon siya ng kakaibang kutob, pero binabalewala lang niya. Ipinikit niya ang mata, humugot ng malalim na hininga. Isang desisyon ang nabuo sa kaniyang isipan. Hinarap na niya ang pinto. Muntikan na siyang mapasigaw nang sa pagpihit niya door knob ay mukha ni Aedam ang nabungaran niya. Seryoso lang itong nakatitig sa kaniya, na para bang may alam sa naiisip niya. Dinaan na lang niya ang umusbong na takot. "Tinakot mo naman ako, sweetheart." Napasapo pa siya sa dibdib, saka'y pinong ngumiti. "Ang tagal mo namang lumabas," seryosong sabi nito. Hindi niya ipinahalata ang biglang pagdaan ng pagkabahala. Agad siyang umisip ng maidadahilan dito. Hindi naman siya nabigo. Pinasigla niya ang sarili. "Pinag-iisipan ko kasi kung mag-shower, pero parang masarap mag-swimming sa pool." Effective naman ang sinabi niya. Pansin niyang nabahala ito.
May agam-agam pa rin sa puso't isipan ni Meadow kahit nakapagpaliwanag na si Aedam sa kaniya. Ayon sa asawa, nakuha nito ang marka nang mangyari ang insidente. Sumabit ito sa sanga ng puno nang kasalukuyang tumatakas sa nag-aapoy na sasakyan. Hindi siya nagbigay ng kumento, itinikom na lamang niya ang bibig. May ilan pa siyang napupuna rito, pero lahat ay ipinagsasawalang-bahala na lamang niya. Ang importante ay masaya ang anak niyang si Avi. "Anong ginagawa mo rito?" Bahagyang nagsalubong ang kilay niya sa boses na biglang sumulpot sa likuran niya. Agad siyang napalingon, mukha ng asawa ang nabungaran niya, pero hindi yun ang boses nito. Si Rex...Boses yun ni Rex. Pero, bakit? Bakit nakikita niya sa asawa ang lalaking nagpahamak dito."I said, anong ginagawa mo rito?" Patalikod siya nitong niyakap. Pumulupot ang braso nito sa may kalakihang tiyan niya. Umalon ang lalamunan niya. Bakit biglang nanuyo yun? Nangapa siya ng sasabihin. "Pinagmamasdan ko lang ang paligid." Nasa harden
Ilang beses nang nagpapakawala ng hangin si Meadow. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang agam-agam sa isipan niya. May iba siyang nararamdaman, o baka'y sadyang paranoid lang siya. Tiningala niya ang kalangitan, nagkikislapan ang mga bituin. Taimtim siyang umusal ng panalangin. "Gabayan Mo po kami..." "Anong ginagawa mo rito?" Napakislot siya nang may magsalita sa bandang likuran niya. Si Aedam. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Pinakatitigan niya ang mukha nito... mukha ng lalaking minahal niya noon, pero sadyang may kulang ngayon. Hindi niya makapa kung ano. Lumapit na ito sa kinatatayuan niya. "I said, ano ang ginagawa mo rito?" Yumakap ito sa kaniya at sinamyo ang nakalugay niyang buhok. Gumanti siya ng yakap dito, pinakiramdaman kung ano ba nag nag-iba. "Uhm, nagpapahangin lang. Tapos na ba kayong mag-usap ni dad?" "Mmm... natagalan nga, may ikinuwento pa siya sa akin." "Ano naman ang pinagkuwentuhan niyo?" muling tanong niya kasabay ng pagsamyo sa amoy
"Daddy..." tili ni Avi. Patakbo nitong sinalubong ang ama. Kitang-kita ni Meadow ang pananabik sa mata ng anak. "Ang kulit talaga ng anak mo. Ilang beses na naming pinagsasabihan, pero ayaw kaming sundin," naiiling na pahayag ni Meadow. Gusto sana niyang tanungin si Aedam, dahil ang alam niya ay bukas pa tatanggalin ang benda sa mukha nito, pero hindi na siya makahanap ng tiyempo dahil sa anak. "Daddy..." "Baby ko." Bahagyang yumukod si Aedam para salubungin ng yakap ang anak. "Hi, baby. I've missed you so much." Binuhat nito si Avi at buong pagmamahal nitong pinupog ng halik.Humagikgik ang kanilang anak sa ginawa ng asawa. Hin*gkan nito sa leeg, sa may puno ng balikat, itinaas pa nito ang kamay ng anak para mah*likan ang kililiki. Alam niyang nakikiliti ito dahil panay iwas si Avi. Habang nakatitig sa kaniyang mag-ama ay may dumaang alaala sa kaniyang isipan. Dahil doon ay unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya. Si Rex. Si Rex ang gumagawa n'on sa anak niya. Para siyang natuk