JAKE POV
Metro Manila, Philippines.
"JANITOR?" napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ng Daddy niya.
Oo, alam niyang may mga kondisyon ito bago nito ibigay sa kaniya ang pamamahala ng JMorris Resort and Casino isa sa prestihiyosong hotel sa Cebu. Katanggap tanggap pa kung gawin siyang HR Manager o Supervisor pero janitor? What the heck?
"What's wrong with being a janitor?" nakataas ang kilay na tanong ng Daddy niya. "FYI, ang lolo mo ay dating janitor bago naging matagumpay na businessman."
Napabuntong hininga siya.
"Sana man lang ginawa niyo na lang ako house boy nahiya pa kayo," sarkastikong sabi niya.
Umiling-iling ang Daddy niya.
"You still have a choice, Jake. Pwede kong ibigay sa pinsan mo ang pamamahala sa hotel at—"
"No way! Nope. Not happening," putol niya sa sinasabi ng Daddy niya sabay marahas na umiling.
Pinsan? Si Joey na walang alam kun'di kahambugan? Umingos siya at mabilis na tumayo sa kinauupuan saka matiim na tumingin sa Daddy niya.
Nagkibit balikat ang Daddy niya at seryosong tumingin sa kaniya.
"Tsk! Fine! I can do it."
"Sure you can. You're my son. Be a good Janitor for 3 months iyon lang ang hihilingin ko sa'yo."
Humaba ang nguso niya sabay taas ng kilay.
"Ano bang purpose ba't kailangan ko pang maging Janitor? Para saan pa ang pag aaral ko sa College kung ayan lang pala ang kondisyon mo para mapunta sa'kin ang hotel," halata sa boses niya ang iritasyon.
Tapos siya sa kursong Bachelor of Science in Hospitality Management. Kaya bakit pa niya kailangan maging Janitor sa sarili nilang hotel? Sana hindi na lang siya nag aral, nag janitor na lang sana siya agad.
"You'll see. Malalaman mo ang dapat mong malaman pag nasa ibaba ka. Makikita mo ang dapat mong makita, makikilala mo kung sino-sino ang mga taong dapat pagkatiwalaan at sa hindi."
"Hindi ba dapat nasa taas ako para malaman, makita at makilala ko kung sino ang nasa baba?"
"It's the other way around, son."
Bumuga siya ng hangin.
"Fine. Sino lang ang makakaalam sa pagiging Janitor ko?"
"Malalaman mo bukas. Pack your things. May magsusundo sa'yo sa airport pagbaba mo sa Cebu."
Dinaig pa niya ang sasali sa extra challenge ah!
Walang buhay na tatalikod na sana siya upang lumabas sa opisina ng Daddy niya nang magsalita muli ito na ikinalingon niya.
"–And, son. Make sure hindi ka matatanggal sa trabaho mo sa loob ng tatlo buwan."
Kumunot ang noo niya.
"What if I did?"
"Then, you'll lose."
Damn! Balak pa naman niya hindi seryosohin ang pagiging Janitor. Mukhang wala siyang lusot sa Daddy niya.
"Noted," aniya at tuluyan ng umalis.
******
KINABUKASAN matapos ang ilan oras na biyahe. Nakarating na rin siya sa JMorris Resort and Casino. Tumingala siya sa mataas na building hanggang sa tumaas ang sulok ng labi niya.
This is gonna be so lit !
"Tara na sa loob—" yakag ni Mang Piyo sa kaniya.
Ito ang head valet ng Hotel at ito lang din ang tanging taong nakakaalam kung sino siya. Nasa 60's na ang edad nito, hindi nalalayo sa Daddy niya.
Tahimik siyang sumunod, pagkababa sa parking lot imbes pumasok sa loob ng hotel naglakad sila patungo sa gilid ng hotel. Hanggang sa makarating sila sa isang apartment style na bahay.
"Dito ang barracks ng mga Janitor at maintenance na empleyado ng hotel," paliwanag ni Mang Piyo. Tumango tango naman siya.
Pagkapasok sa loob. Mayroon maliit na salas, may mahabang dining table, katamtamang laki na kusina, dalawang banyo at refrigerator.
Malinis naman tignan ang paligid. Not bad.
"Clean as you go ang patakaran dito sa kusina. Maaari kang magluto ng uulamin mo at kumain rito basta marunong kang maglinis at maghugas," ani ni Mang Piyo saka iginiya siya paakyat sa ikalawang palapag.
Kapansin-pansin ang tatlong kwarto na nakabukas ang mga pinto. Sa unang pinto may dalawang malaking bunk bed o double deck bed at may apat na lalaking nakahiga sa mga iyon.
"Mga bellboy at Valet sila. Galing sila sa Mindanao kaya andito sila sa barracks. Ang iba naman kasi uwian," wika pa ni Mang Piyo saka sila sumilip sa pangalawang kwarto. Parehas lang din may dalawang double bed na malaki.
"Dito naman mga staff sa kusina sila. Puro lalaki kayo rito, isa sa pinaka bawal rito ang magdala ng babae, gets? Kung mag iinuman, pwede sa ibaba sa salas."
Sumeryoso siya humarap kay Mang Piyo.
"Wala akong girlfriend."
"Nagpapaalala lang naman ako, Jake. Binilin ka sa'kin ng Daddy mo."
Walang buhay na tumango na lang siya. Sumunod nilang sinilip ang pangatlo kwarto na nasa dulo bahagi. Dalawang single bed lang ang nandoon, kumpara sa ibang kwarto may maliit na banyo sa loob niyon.
"Dalawa lang ang natutulog dito?" kapagkuwa'y tanong niya saka tuluyan pumasok sa loob.
"Hindi talaga ginagamit ito kwarto, kaso pinalagyan ko na lang para may magamit ka," itinuro nito ang kama sa kaliwa niya.
"Dito ka–"
Inilapag naman niya ang bagpack na dala sa kama at naupo. Hmm, infairness malambot naman ang kama. Hindi sasakit ang likod niya.
"Sino ang kasama ko rito?" naisip lang niya itanong dahil napansin niyang may kulay yellow green na unan at kumot sa kabilang kama sa tapat niya.
"Janitor rin gaya mo. Si Rico. Naka-duty pa iyon sa loob, maya gabi mo siya makikilala. Siya rin ang makakasama mo bukas sa first day mo. Sige, pahinga ka na—"
Tumango siya. Rico? Nagkibit balikat lamang siya. Mas okay na rin isa lang ang kasama niya sa kwarto. Ayaw din niya ng maingay. Huwag lang sana humihilik ang lalaking makakasama niya.
Nang iwanan na siya ni Mang Piyo, nahiga siya sa kama at napatitig sa kisame. Inilabas niya ang cellphone sa bulsa niya. Sakto naman nabasa niya ang mga chat ng mga kaibigan niya sa group chat nila.
B. Sarmiento: Yow! Congrats! @s.rebato
K. Morales: @s.rebato nice mayor!
O. Garcia: Iba ka talaga @s.rebato !!
S. Rebato: Fúckers! 🖕
Napangisi na lang siya at nag-type rin ng chat.
J.Morris: Happy Mayors Day!
Nag-laugh emoji lang ang mga kaibigan niya sa chat niya. Naubos ang oras niya sa kaka-chat at kaka-scroll sa social media, hindi niya napansin na mag alas-siete na pala ng gabi. Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon, bumungad sa kaniya ang isang... tomboy ba ito o lalaki?
Halatang nabigla rin ang bagong dating ng makita siyang nakahiga sa kama. Napaubo pa ito nang mapatingin ito sa katawan niya. Kumunot ang noo niya. Wala kasi siyang suot na pang itaas na damit at naka boxer short lang siya.
"Are you, Rico?" paniniguro niya.
"O-Oo," mahina at utal nito sagot.
Bakit parang hindi normal ang boses nito? Parang pinalaki lang nito ang boses para magtunog lalaki? Pinagmasdan niya si Rico na tahimik pumasok sa maliit na banyo.
Napaupo siya. Walang imik siyang nag abang sa paglabas ni Rico sa banyo. Nang lumabas na ito, nakapagpalit na ito ng damit. Naka jersey short ito na lagpas tuhod nito at malaking black tshirt.
Nagpunas ito ng towel sa mukha at naupo sa kama nito.
"Ilan taon ka na, Rico?"
"Ahm, 24–"
Inilahad niya ang kamay sa lalaking kasama niya.
"Nice to meet you, Rico. Call me Jake."
Parang nagdalawang isip pa itong abutin ang kamay niya, subalit nakipagkamay pa rin naman ito sa kaniya. Nagulat pa siya ng maramdamang malambot ang kamay ni Rico.
Mukha itong tomboy o sadyang baby face lang ang mukha ni Rico. Anyway, hindi naman ito matatanggap sa trabaho kung tomboy ito. May ibang trabaho naman na pang babae sa hotel.
ERICA POVNAPANGIWI siya dahil pasuray-suray sa paglakad si Jake kaya nakaalalay siya rito. Nakaabay ito sa kanya habang nakakapit naman siya sa beywang nito. Binabalanse niya ang bigat ng binata."W-Wait lang tayo ng taxi–" kapagkuwan na sambit niya.Namumungay ang mga matang napatango lang si Jake."I-I ... still can manage, Beauty. Come on, ikaw ang iha...hatid ko," biglang suminok si Jake at suminok uli."D-Damn, may naglagay yata ng betsín sa beer ko, fúck–"Kumunot ang noo niya. Totoo kaya? Marami din kasing lokoloko sa Club. Napabuntong hininga siya saka napailing."Nope. Lasing ka na. Kaya ikaw ang ihahatid ko," mariin niyang sabi kay Jake.Hindi naman ito kumibo na. Halatang nahihilo na dahil bumibigat na rin ang pagkakaakbay nito sa kaniya. Sakto naman na may taxi na dumaan, pinara niya iyon at huminto naman sa harap nila.Maingat na iginiya niya papasok si Jake sa backseat at saka siya naupo rin sa tabi nito. Sinabi niya sa taxi driver kung saan ang drop-off nila. Sumubsob
ERICA POVPAGSAPIT ng araw ng linggo. Tulog pa si Jake nang umalis siya upang magtungo kina Clarissa. Hindi niya muna sinabi sa kaibigan ang pagkakaroon niya ng komunikasyon kay Jake bilang Erica.Sinabi niya lang na e-extra siya sa Club bilang disc jockey, tutulungan naman siya ni Peewee dahil kakilala nito ang DJ na nasa Club."Hindi ako masyado magtatagal sa club, may lakad din ako, pero kakausapin ko muna 'yon kaibigan kong DJ, tapos ikaw na bahala–" paalala ni Peewee sa kaniya habang inaayosan na naman siya ng buhok.This time, nakasuot siya ng wig. Matibay naman ang pagkakalagay ni Peewee ng wig niya. Hindi basta basta natatanggal kahit may humila pa sa buhok niya, 'wag lang siya makikipag sabunutan ibang usapan na iyon."Salamat ha. Na-miss ko lang talaga mag-DJ," totoo naman ang sinabi niya pero syempre dahilan lang niya 'yon. Si Jake talaga ang rason niya.Humikab si Clarissa na nakahiga sa kama nito.Naroon sila sa kwarto ng kaibigan."Umidlip ka muna tutal gabi ka pa naman
ERICA POVKAAGAD niya kinuha ang cellphone. Totoo nga nag-text sa kaniya si Jake. Umakto siyang hihiga habang hawak ang cellphone. Naka-silent mode na iyon. Pa-simpleng binasa niya ang text nito.[Hi, beauty. Morning. Text me when you awake. ;) ]Pinigil niya ang mapangiti. Marahan niya binaba ang hawak na cellphone, sumulyap siya kay Jake na ngayon ay nakahiga na sa kama nito, patalikod sa kaniya.Napabuntong hininga siya. Umayos na rin siya ng higa, patagilid paharap sa likod ni Jake. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya pagbigay ng number rito? Paano na lang kung malaman nito kung sino siya?Mariin siyang napapikit. Ayaw na niya muna isipin. Magpapahinga muna siya dahil mamaya gabi may duty na naman sila.*****KAPANSIN-PANSIN ang tila pag iwas ni Jake sa kaniya, kanina pa nang pumasok sila sa hotel. Humiwalay ito sa kaniya. Sa ibang floor ito naglinis at nag-refill ng mga stocks sa mga kwarto.Gustuhin man niya tanungin ito pero pinigilan niya ang sarili. Mas okay nga 'yon
ERICA POVSHE DIDN'T know what to say, she just stood there stunned in front of him with her lips parted.Humugot siya ng malalim na paghinga, para bang nanlamig ang buong katawan niya ng mga sandaling iyon. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa pamilyar na gwapong mukha ng lalaking kaharap niya.Walang iba kun'di si Jake. Yup, in the flesh! Nandito talaga siya.She slowly looked into his emotionless eyes. Galit ba 'to? Nakilala ba siya nito?"Erica, right?" matiim itong nakatingin sa kaniya.Yes! Of course, kilala siya nito bilang Erica. Hindi niya akalain matandain pala ito.Tumikhim muna siya sabay tango. "Y-Yeah."Napalunok siya ng laway ng lumapit ito sa kaniya. Sobrang lapit na halos maamoy na niya ang pinaghalong mint candy at amoy beer sa hininga nito."Ang tagal kitang hinanap, alam mo ba," paanas na sambit ni Jake."R-Really? Can I ask why?"Nagtaas baba ang balikat nito."I dunno... Masyado ka lang tumatak sa isip ko. Anyway, you're so hót while playing your remix," puri
ERICA POV3AM NA....HINDI pa rin umuuwi o bumabalik ng barracks si Jake. Maaga siyang nagising dahil kailangan niyang maligo at magpalit ng sanitary napkin. Hindi niya nilalagay sa trash bin ang mga used pad niya, binabalot niya iyon ng papel at iniipon sa isang supot, saka niya ilalabas ang basura niya sa garbage area ng hotel o waste area.Mas safe iyon kaysa iwanan o pabayaan niya ang mga basura niya sa banyo o kung saan.Pagkatapon ng basura, kaagad naman siya bumalik sa kwarto. Napangiwi siya ng may pulang mantsa ang bedsheet niya. Tsk!Buti na lang at wala pa si Jake, delikado talaga pag may nakapansin o may makakita.Inalis niya ang bedsheet at pinalitan ng bago. Kinusot niya iyon sa isang katamtaman laki ng palanggana sa banyo saka ibinabad. Maya tanghali na niya babanlawan iyon.Nagbihis siya ng itim na jogger pants at itim din na oversize tshirt at humiga uli. Mamayang gabi pa ang shift niya kaya marami pa siyang oras para magpahinga.Muli siyang nakatulog, naalimpungatan n
JAKE POVKANINA pa niya pinagmamasdan ang bawat galaw ni Rico. Masyado itong konserbatibo, pansin lang naman niya.Sa tuwing maliligo ito, dala na ni Rico ang tuwalya at bihisan nito. Sa banyo ito mismo nagbibihis.Never pa niyang nakita si Rico na walang pang itaas na damit o maghubad ng damit sa harapan niya. Nahihiya ba ito? pero bakit naman? dadalawa lang naman sila sa kwarto, parehas naman sila lalaki.Hmm, baka naiilang? Tsk.Natigil lang siya sa pag iisip ng bumukas ang pinto ng kwarto nila. Si Onofre na naman."Rico! Jake! Tara, basketball tayo sa may labasan," pang aaya nito sa kanila.Bumaling siya kay Rico na para bang na-tense bigla."Ah... Eh... H-Hindi ako marunong mag-basketball," nakangiwing sambit ni Rico."Ganon ba? Nuod ka na lang. Ikaw, Jake, laro ka?"Nagkibit balikat siya. Day off naman nila. Wala naman masama kung magpapa-pawis siya."Game!" aniya sabay tayo."Ahm, kayo na lang. Magpapahinga lang ako–"Hindi na natuloy ni Onofre ang iba pang sasabihin sana ni Ri