Share

2

last update Last Updated: 2025-08-20 11:32:58

ERICA POV

After five years....

Mactan, Cebu.

KUNG NAKAKAMATAY ang talim na tingin ni Clarissa sa kaniya, kanina pa siya siguro nakaburol. Bumuntong hininga siya saka tumingin uli sa repleksiyon niya sa vanity mirror.

"Bagay naman ah! Sige na ipasok mo na ako sa work mo please... please, Cla. Kailangan ko lang talaga ng trabaho at matutuluyan," pagmamakaawa niya sa matalik niyang kaibigan na si Clarissa.

Sumimangot ito kasabay ang pag-iling iling. Halatang diskumpiyado ito sa balak niyang gawin sa buhay.

"Kaya kitang ipasok sa hotel pero kailangan lalaki-"

"Look at me! Mukha na akong lalaki, 'di ba?" umikot pa siya sa harap ni Clarissa.

Bumuga ito ng hangin.

"Mukha kang tomboy. No- mukha kang lalaking bakla.. kaso nga pag nabuking ka, yari tayong dalawa, mas lalo na ako baka matanggal ako sa trabaho. Ayokong mangyari 'yon." May bahid na pag aalala sa mukha ni Clarissa.

Nauunawaan naman niya ito. Ilan taon na rin itong housekeeper sa JMorris Resort and Casino sa Mactan, Cebu. Ayaw lang nito mawalan ng trabaho, dahil ito lang ang tumatayong breadwinner sa pamilya nito.

Habang siya, lumayas siya sa poder ng step-father niya. Hindi na niya kayang pakisamahan ang step-father niya. Simula nang mamatay ang Nanay niya two years ago, palagi na lang siyang pinagtatangkaan na molestiyahin sa tuwing nalalasing ito. Mabuti na lang at black belter siya sa Judo napapatumba niya ang step-father niya ng walang kahirap-hirap.

Subalit itong nakaraan linggo may nangyari hindi niya inaasahan. Kamuntikan na siya maibenta sa isang matandang manyakis na Chinese at magahasa ng wala sa oras. Nakatakas lang siya ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan siya magtatago. Kung kinakailangan baguhin niya ang itsura niya huwag lang siya matagpuan ng Step-father niya.

"P-Pangako. Hindi ako magpapahuli. Hindi kita ipapahamak," tinaas pa niya ang kanang kamay.

"Bakit hindi mo na lang ipakulong 'yang Step-father mong siraulo?"

Mabilis siyang umiling.

"Hindi gano'n kadali. Chief of Police siya sa Manila, marami siyang kilalang tao. Malakas ang kapit niya. Hindi ko siya mapapakulong ng walang matibay na ebidensya." Nag-ngingitngit na wika niya.

Hindi uubra ang simpleng sumbong lang. Walang mangyayari pag gano'n lang ang gagawin niya. Hahanap din siya ng butas para mapatumba ito. Sa ngayon, kailangan niyang mag-lie-low para hindi siya nito mahanap.

"Hay naku, Erica. Kinakabahan talaga ako rito sa gagawin natin-"

"Please, Cla. Ikaw na lang ang makakatulong sa'kin. Hindi ka kilala ng Step-father ko kaya hindi niya maiisip na sa'yo ako pupunta para humingi ng tulong. Trabaho at matutuluyan lang, pangako. Hindi kita ipapahamak sa trabaho. Aakuin ko mag-isa kung sakali magkabukingan man, please na..pumayag kana," pagsusumamo niya sa kaibigan. No choice na talaga siya.

Humugot ng malalim na hininga si Clarissa saka matiim siyang tinitigan.

"Sige na nga. Akin na ID mo at resume mo."

Inabot niya rito ang fake ID na pinagawa niya pati na rin ang resume niya. Nangangailangan kasi ng janitor sa Hotel na pinapasukan nito. Ang kagandahan pa stay-in ang mga janitor, mayroon barracks room para sa mga janitor at sa ibang empleyadong lalaki sa Hotel.

"Seryoso? Rico Padigdig?" pigil ang ngiti ni Clarissa.

"Oo, ayos na 'yan. Pogi ko 'di ba?" sabay turo sa picture niya sa ID.

Bumunghalit na ng tawa si Clarissa maging siya hindi na rin niya napigilan ang pagtawa.

"Ang gwapo mo nga rito e' mukha kang totoy na baby face," natatawang sabi ni Clarissa.

Tinaas niya ang suot na black tshirt.

"Naka-chest binder bra na ako. Hindi na ba halata ang dibdib ko? Ano sa tingin mo?"

"Hmm, hindi nga halata pero ingat ka pa rin. Huwag kang basta-basta magtatanggal ng damit, kilala pa naman kita lalo pag lasing ka nagiging hubadera ka e!" sikmat nito sa kaniya.

Napaawang ang labi niya saka marahan kinurot ito sa tagiliran na napaliyad naman ito.

"Hoy-! Anong hubadera ka diyan? Naiinitan kasi ako pag lasing at saka no worries, matagal ko ng iniwasan ang alak. Hindi ako iinom. Promise!"

Tumaas ang kilay ni Clarissa sabay pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito.

"Talaga lang ha? Remember sa sobrang kalasingan mo sa Club na bigay mo ang 'bataan' mo sa lalaking 'di mo kilala."

Kumislap ang mga mata niya nang maalala na naman ang lalaking naka-one night stand niya five years ago. Aminado siyang naging wild talaga siya ng gabing iyon. Ayaw kasi maniwala ni Nanay sa kaniya noon na manyakis ang napangasawa nito kaya naman nag-part time job siya sa Club bilang disc jockey para wala siya sa bahay tuwing gabi.

Nagkataon lang na naakit siya sa guwapong lalaki sa Club. Napukaw nito ang atensiyon niya kahit nasa second floor ito ng Club kaya hindi na niya napigilan ang sarili ng lumapit ang lalaki sa puwesto niya. Hinalikan niya ang gwapong lalaki. Gosh! Those kissable lips na parang magnet na nakakahalinang halikan.

Namula ang pisngi niya nang bumalik sa isipan niya ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Kung paano siya sinamba at inangkin ng lalaki ng paulit-ulit. Hindi na nga niya mabilang kung naka-ilan rounds sila, ang alam niya madaling araw na ng tumigil sila sa sobrang kapaguran.

Pero imbes manatili siya sa tabi nito, tahimik siyang umalis at iniwan ang natutulog na lalaki. Nakalimutan na nga niya ang pangalan nito dahil sa kalasingan niya. Nawala siya sa tamang huwisyo at ayaw na niyang maulit pa iyon. Sapat na nawala ang pagka-birhen niya, hindi na siya iinom uli. Never na.

"Memorable naman 'yon. As if naman magkikita pa kami. Nasa Manila ang lalaking 'yon at ako.. nandito sa Cebu, mukha ng lalaki," nakangising wika niya.

Marahan lang natawa si Clarissa.

"Oh sya- ipapasa ko 'to sa HR mamaya. Dito ka muna sa bahay, tatawagan kita para sa update, okay?"

Tumango-tango. "Sige antayin ko tawag mo mamaya."

"Papasok na ako. Dito ka lang sa kwarto ko, nagsabi naman ako kina Inay na 'wag ka istorbohin rito," bigkas ni Clarissa. Pasimpleng tumango lang siya.

"Salamat, Cla."

"Pasok na ako."

Nang makaalis na si Clarissa para pumasok napatingin siya muli sa salamin saka marahan hinaplos ang maiksi niyang buhok.

Goodbye, Erica. Hello, Rico!

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • INTO YOU   40

    JAKE POVMALAKAS na hinampas niya ang lamesa dahil sa sobrang frustration. Hindi siya naniniwalang wala ng nararamdaman si Erica para sa kanya. Nope, I know ! She still loves me !"Bud, mas okay na wag mo muna lapitan ang ex mo kasi–"Naudlot ang pagsasalita ni Brian Sarmiento dahil pinukol niya ito ng tingin."She's not my ex ! Wala kaming proper break up kaya hindi kami mag ex !" inis na sigaw niya."Gagó ka? Kasal ka na, tanga. Hindi ka single bud. Married ang status mo and that makes her your ex," banat ni Shawn Rebato na may diin ang boses.Tang*na married status na yan !Napayuko na lamang siya. Hindi na niya alam ang gagawin sa sitwasyon niya."I don't love, Jolly," mahinang bigkas niya."Much better kung kakausapin mo si Jolly. Pag usapan nyo ang gusto mong mangyari. Ayusin mo muna ang sarili mo bago mo harapin si Erica," payo naman ni Morales.Kasalukuyan naroon sila sa madalas nilang pinupuntahan na Club sa BGC, Taguig. Mayamaya pa ay dumating na din si Garcia at Cooper.Tum

  • INTO YOU   39

    ERICA POVKAGAT KAGAT niya ang pang ibabang labi habang nakamasid kay Jake na nasa banyo na patuloy sa paghihilamos. Kinabahan siya baka kung ma-impeksiyon ang mata nito."I-Ikaw kasi– di ka nagsasalita, panay katok ka lang. Malay ko ba kung magnanakaw ka," paliwanag niya na may halong paninisi."May magnanakaw bang kumakatok?!" singhal ni Jake sa kanya na may sabon pa sa mukha.Napangiwi siya. Tama nga naman. Wala naman magnanakaw na kakatok pa. Tsk ! Pero kahit na, dapat nagpakilala ito para di siya natakot. Hmp !"Natakot kasi ako– kung nagpakilala ka sana agad," giit pa niya. Hindi tuloy niya maiwasan mapatitig sa magandang katawan ni Jake.Nahubad na kasi nito ang suot na leather jacket at damit kaya lantad sa paningin niya ang matipunong katawan nito. Napalunok siya ng laway nang dumako pababa ang tingin niya sa six pack abs at V-shaped body nito. Nanuyo bigla ang lalamunan niya. Umiwas siya ng tingin."O-Okay na? M-Masakit pa rin ba mata mo?" tanong niya na hindi nakatingin rit

  • INTO YOU   38

    ERICA POVNAPALINGON siya sa tulog na tulog na binata sa tabi niya. Naroon sila sa loob ng kotse nito, nakatulog si Jake habang nakaupo sa driver seat.Matapos siyang isakay nito sa kotse, mugto pa rin ang mga mata ay bigla na lang ito napapikit hanggang sa nakatulog na nga ito. Kung tutuusin, pwede na niyang iwanan ang binata pero hindi niya magawa.Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ni Jake habang pinagmamasdan ang gwapong mukha nito. Napabuga siya ng malalim na paghinga.Lord, if I could just have one thing... it would be this. Please, if we are truly meant to be, give this person to me. But if we aren't, please help me move on and forget him.Hindi niya namalayan na tumutulo na ang mga luha niya."Ang sakit lang ... dahil wala naman sa plano kong kilalanin ka, ni wala sa plano kong gustuhin ka pero–hinayaan kitang makapasok sa plano ko, sa buhay ko kahit 'di ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo tungkol sa pagpapanggap ko. Natatakot kasi akong magalit ka at ayawan mo ako... kaso

  • INTO YOU   37

    ERICA POV"HOW 'BOUT YOU? Hookíng up?" may halong pait ang paraan ng pagtatanong ni Jake habang matiim na nakatingin sa kanya.Iyon naman talaga ang goal nilang tatlo ngayon gabi pero hindi kasama sa goal ang magpadilig o makipag-flirt sa lalaking may asawa na.Inayos niya ang kaniyang messy look hairstyle at ngumiti sa binata."Yeah. Wala naman sigurong masama kung makipag-hóok up ako, SINGLE naman ako e," may diin na sabi niya na kinadilim ng anyo ni Jake."I’d just like to remind you that there is still some unfinished business between us," naging seryoso ang mukha nito."If you want, come with me, and let’s talk about it," dugtong pa nito.Pagak siyang natawa. Ano raw unfinished business? Napapailing siya sa sinabi ni Jake na titig na titig sa mukha niya.Bahagya siyang tumikhim bago nagsalita."Y-Yeah, right. Nakalimutan ko. Hindi nga pala ako nakapag pasalamat sayo, sa pagligtas mo sakin noon. Hindi na kasi ako nagkaroon ng chance makausap ka. Anyway, thank you sa ginawa mo. Uta

  • INTO YOU   36

    JAKE POVMAHIGPIT niyang hawak ang kamay ni Erica na kasalukuyang wala pa rin malay. Napasubsob siya sa kamay ng dalaga at dinampian ng maliliit na halik."She'll be okay. She experience a severe abdominal pain and some bruises all over her body. Mabuti na lang walang internal bleeding kaya magiging okay din siya–" wika ng doktor na sumuri sa dalaga.Napatango siya. "Salamat, Doc."Mayamaya ay umalis na rin ang doktor. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya na walang malalang problema ang dalaga sa katawan."T-Thank you sa pagligtas sa kaibigan ko–" maluha-luhang sambit ni Clarissa na nasa gilid ng kama ni Erica.He didn't think he’d make it just in time to rescue Erica. If he was late by even a couple of minutes, and something bad might have happened to her, he couldn't forgiven himself."I just did what was the right thing to do.""Kahit na, salamat pa rin. Ang dami nang pinagdaanan ng kaibigan ko. At least, ngayon... hindi na niya kailangan magtago pa. Malaya na siya."Bumuntong

  • INTO YOU   35

    ERICA POVONE YEAR LATER..."WELCOME TO SAVOY HOTEL," malawak at matamis ang ngiti niya sa lahat ng guests ng araw na iyon.Masaya siya dahil makalipas ng walong buwan ay na promote na rin sya mula sa pagiging Hotel Receptionist hanggang sa maging Area Manager na siya ngayon.Hindi naging madali ang naging desisyon niya. Pinili niyang bumalik ng Manila upang ayusin lahat ng properties na naiwan sa pangalan ni Nanay at Tiyo Ramon. Kahit wala naman siyang pakialam sa mga iyon, kinuha pa rin niya. Sayang."Has anyone told you yet that you're the prettiest lady I've laid eyes on here?"Napukaw ang atensiyon niya sa foreigner na nasa harapan niya. Ngumiti siya. Sanay na siya sa mga ganitong mga digahan ng mga mahaharót na foreigner.Pilit siyang ngumiti sa kaharap."I get that a lot. Thank you, Sir."Hiningi naman nito ang social media ínstagram niya na kaagad naman niyang binigay. Mahirap ng masabihang mataray sa ganitong klaseng trabaho, lalo na sa kanya na kaka-promote lang."We wish yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status