JAKE POV
MALAKAS ang bagyo sa labas ng Hotel, dito pa yata tatama sa Cebu ang mata ng bagyo. Kaya naman maraming customer ang nag-cancel ng mga reservations. Well, gano'n naman talaga. Understood naman iyon. Sino ba naman mag eenjoy sa bakasyon kung may bagyo?
Napasulyap siya kay Rico na kasama niyang nagre-restock na naman ng mga sabon, towels at tissue sa mga hotel rooms. Habang pinagmamasdan niya ng matagal ang binata napapaisip siya kung bakit parang pamilyar ang mukha nito.
Napabuntong hininga siya. Nun nakaraan gabi na uminom sila, napansin niya iyon e', pinagmasdan niya ang mukha nito mula sa mga mata nito, na para bang mapanukso kung tumingin. Ah tantalizing eyes!
Ang mga labi nitong mapupula na humahalina sa kaniyang idikit ang labi niya sa mga labi nito. Shít !
Ano bang pumapasok sa isip niya!?
Marahas siyang umiling upang iwaksi ang pumapasok sa utak niya.
Anong nangyayari sa'kin? Bakit ganito siya mag isip kay Rico? Nababaliw na ba siya?
Humarap bigla sa kaniya si Rico. Ngumiti ito. "Pagod ka na?"
Kumurap-kurap siya habang nakatitig sa nakangiting mukha nito. Fúck! He felt it-! Parang nag-harakirí ang puso niya ng ngumiti ito. What the heck?
Gusto niyang sampalin ang sarili pero pinigilan niya baka kung ano isipin ni Rico sa kaniya.
"Okay ka lang ba? Hang over attack?" ani ni Rico at lumapit sa kaniya.
Napaatras siya sabay lunok ng laway.
"I-I'm fine... k-kulang lang yata ako sa tulog," nauutal niyang pagdadahilan. Bakit ba parang kakaiba ang kabog ng dibdib niya ng lumapit si Rico sa kaniya? Napailing-iling siya.
"Tsk! Hala- maupo ka do'n," itinuro ni Rico ang kama, na ginawa naman niya.
Naupo siya sa edge ng kama, ayaw niya malukot ang bedsheet. Nais lang niya makalayo ng kaunti kay Rico.
"Diyan ka lang. Ako na bahala magpunas ng banyo," anito at muling lumapit sa kaniya at nilagay sa kaliwang tenga niya ang bluetooth earphone nito na kanina pa nito suot.
Nagtataka ka siyang napatitig kay Rico. Matamis na ngumiti ito sabay tapik sa balikat niya.
"Soundtrip," nakangising sabi nito at bumalik na sa pagpupunas ng salamin ng banyo.
Pumainlanlang naman ang tugtog sa suot niyang earphone.
This song called ... Dilaw
Alam mo bang muntikan na sumuko ang puso ko. Sa paulit-ulit na pagkakataon na nasaktan, nabigo?
Nakatutok ang buong atensyon niya kay Rico na nakatalikod na tila sinasabayan rin ang kanta. Suot nito ang isang pares ng earphone.
Mukhang delikado na naman ako
Oh, bakit ba kinikilig na naman ako?
Pero ngayon ay parang kakaiba
'Pag nakatingin sa 'yong mata, ang mundo ay kalma....
Ewan ba niya pero may kung anong pumuno sa dibdib niya habang patuloy na pinagmamasdan ang katrabaho na si Rico. Napabuntong hininga siya. Kamukha lang nito ang taong nasa isip niya. Never siyang magkakagusto sa kapwa niya lalaki. Never.
Siguradong sigurado siya sa kasarian niya. Ngayon lang medyo nagugulumihanan siya sa nararamdaman. Tumayo siya sa pagkakaupo.
Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung mayro'n mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw...
Binalik niya kay Rico ang earphone at lumabas ng hotel room.
"Huh? Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Rico ngunit hindi siya nag abalang lumingon o sagutin man ito. Basta dire-diretso lang siya sa paglakad hanggang marating niya ang elevator.
Pinindot niya ang rooftop. Kailangan niyang huminga. Baka tuluyan siyang maubusan ng oxygen kung 'di pa siya lalayo kay Rico.
Nang makarating sa rooftop, malakas ang hangin.
Tang inang 'yan! Panira! May bagyo nga pala. Bwiset!
Ilan minuto lang siyang tumayo roon, siguro mga thirty minutes din bago niya naisip bumaba. Wala na si Rico sa 7th floor, kaya bumaba na siya sa lobby ng hotel.
Sakto naman naabutan niya nakaluhod si Rico sa isang may edad na babae. Mapustura ang Ginang at sumisigaw ito. Sinisigawan nito si Rico sabay duro pa. Kumunot ang noo niya. Hindi niya maiwasan dumilim ang mukha niya.
Lakas loob siyang lumapit.
"M-Maniwala po kayo... wala po akong kinukuhang gamit... hindi po ako ang nagnakaw..." pag mamakaawa ni Rico habang nakaluhod pa rin ito sa harap ng matandang babae.
"Sinungaling! Ikaw lang ang maaari kumuha ng alahas ko! Ipapakulong kita, sisiguruhin kong matatanggal ka sa trabaho mo! Hampaslupa!"
Tumikwas ang isang kilay niya dahil sa paraan ng pananalita ng Ginang. Sakto naman na dumating na ang Manager ng Hotel na si Mr. Sotto katabi si Mang Piyo.
Hinawakan niya sa braso si Rico at hinila patayo. Nagtatakang napasulyap si Rico sa kaniya.
"Tumayo ka, Rico." Tiim ang bagang na utos niya.
Humarap ang Ginang sa Manager at dinuro muli si Rico.
"He stole my jewelry! Fire him! Bakit kayo tumatanggap ng malilikot ang kamay dito sa prestige hotel niyo? So dissapointing!" Maarteng bigkas ng Ginang.
"Excuse me, Mrs. Cuneta. Kumalma po muna kayo-" singit ni Manager Sotto.
"How?! How can I be calm? Nawawala ang mga mamahaling alahas ko. You tell me how?!" singhal ni Mrs. Cuneta sa Manager.
Tumikhim siya. Taas noo humarap siya sa Ginang na matalas ang matang nakatanghod sa kaniya. Sinisipat siya mula ulo hanggang paa.
"Who are you?" mataray na tanong ng Ginang sa kaniya.
"Before you judge and accuse an employee, I hope you have checked the CCTV first," aniya sabay tingin sa gawi ng Manager at sumulyap kay Mang Piyo.
"Have you requested CCTV footage on the floor where the hotel room is located?"
"Ahm... Pinapa-check na," lumingon si Mr. Sotto kay Mang Piyo. "Tawagan mo na ang CCTV room."
Kaagad naman lumapit si Mang Piyo sa front desk ng lobby at nag-dial sa telepono roon. Ilan sandali pang may kinausap si Mang Piyo sa kabilang linya bago binaba ang hawak na telepono saka lumapit muli sa Ginang.
"Ano sabi?" ani ni Mr. Sotto.
Huminga ng malalim si Mang Piyo bago nagsalita habang siya hawak-hawak pa rin niya si Rico sa braso na nanginginig pa rin.
"I do apologize for the-"
Pumalatak ang Ginang. "Hah! See? I was right, magnanakaw ang empleyado niyo!"
Nahintakutan si Rico sabay mabilis na umiling-iling.
"No, po. Wala po akong kinukuha. Wala po talaga, hindi po ako ang-"
"Hindi ang empleyado namin ang nakita na kumuha ng alahas niyo at lumabas sa hotel room niyo, Mrs. Cuneta," putol ni Mang Piyo. Matapang na humarap ito sa mataray na Ginang.
"Ang kasama niyo pong binata ang kumuha. Ibibigay namin sainyo ang kuha ng CCTV katibayan na nagsasabi kami ng totoo at maibigay niyo rin sa pulisya." Maawtoridad na sabi ni Mang Piyo.
Tila binuhusan ng malamig na tubig ang mukha ni Mrs. Cuneta.
"Mrs. Cuneta, nag-check in po kayo kagabi ng past 11PM at ang teenager na lalaking kasama niyo. Lumabas ang teenager ng pasado 7AM na po. Kitang kita sa CCTV ang paglagay nito ng alahas sa sling bag nito suot saka umalis ng hotel. Sa kuha rin ng CCTV nag-check out po kayo ng 10:15AM, naglinis ang empleyado namin ng 1PM na po. Malabong malabo na po na siya ang kumuha ng alahas niyo po." Paliwanag ni Mang Piyo.
Halata kay Mrs. Cuneta na napahiya ito. Inismiran lang nito si Mang Piyo at si Mr. Sotto saka lumingon sa gawi nila ni Rico at tinaasan lang sila ng kilay.
"Whatever you say! Paki-send sa'kin ang kuha ng CCTV!"
"Yes, Maam." Si Mr. Sotto na ang nag-assist sa Ginang.
Habang hinila na niya si Rico paalis ng lobby at nakasunod sa kanila si Mang Piyo.
"I hope ma-ban na sa hotel ang Mrs. Cuneta na 'yan," nanggagalaiting parinig niya kay Mang Piyo. Alam na nito ang ibig niya sabihin.
"Ipapaalam ko 'to kay Mr. Morris." Ani naman ni Mang Piyo.
Pero mabilis na humarap si Rico kay Mang Piyo.
"Naku, 'wag na po. Baka lalo lang lumaki ang issue. Hayaan niyo na po. Napatunayan naman na. Please po. Wag na po," sumamo ni Rico.
Nagkatinginan lang sila ni Mang Piyo. Napabuntong hininga siya saka hinawakan sa magkabilang balikat si Rico.
"Sila na bahala do'n. Tara na balik na muna tayo sa barracks-" aya niya kay Rico na simpleng tumango na lang.
Pagkarating nila sa barracks, dumiretso agad ng higa si Rico sa kama nito. Padapa itong nahiga. Subsob ang mukha sa unan nito. Humihikbi ito, habang siya masuyong hinahaplos ang maiksi nito buhok.
Bakit parang apektado siya dahil umiiyak si Rico?
ERICA POV3AM NA....HINDI pa rin umuuwi o bumabalik ng barracks si Jake. Maaga siyang nagising dahil kailangan niyang maligo at magpalit ng sanitary napkin. Hindi niya nilalagay sa trash bin ang mga used pad niya, binabalot niya iyon ng papel at iniipon sa isang supot, saka niya ilalabas ang basura niya sa garbage area ng hotel o waste area.Mas safe iyon kaysa iwanan o pabayaan niya ang mga basura niya sa banyo o kung saan.Pagkatapon ng basura, kaagad naman siya bumalik sa kwarto. Napangiwi siya ng may pulang mantsa ang bedsheet niya. Tsk!Buti na lang at wala pa si Jake, delikado talaga pag may nakapansin o may makakita.Inalis niya ang bedsheet at pinalitan ng bago. Kinusot niya iyon sa isang katamtaman laki ng palanggana sa banyo saka ibinabad. Maya tanghali na niya babanlawan iyon.Nagbihis siya ng itim na jogger pants at itim din na oversize tshirt at humiga uli. Mamayang gabi pa ang shift niya kaya marami pa siyang oras para magpahinga.Muli siyang nakatulog, naalimpungatan n
JAKE POVKANINA pa niya pinagmamasdan ang bawat galaw ni Rico. Masyado itong konserbatibo, pansin lang naman niya.Sa tuwing maliligo ito, dala na ni Rico ang tuwalya at bihisan nito. Sa banyo ito mismo nagbibihis.Never pa niyang nakita si Rico na walang pang itaas na damit o maghubad ng damit sa harapan niya. Nahihiya ba ito? pero bakit naman? dadalawa lang naman sila sa kwarto, parehas naman sila lalaki.Hmm, baka naiilang? Tsk.Natigil lang siya sa pag iisip ng bumukas ang pinto ng kwarto nila. Si Onofre na naman."Rico! Jake! Tara, basketball tayo sa may labasan," pang aaya nito sa kanila.Bumaling siya kay Rico na para bang na-tense bigla."Ah... Eh... H-Hindi ako marunong mag-basketball," nakangiwing sambit ni Rico."Ganon ba? Nuod ka na lang. Ikaw, Jake, laro ka?"Nagkibit balikat siya. Day off naman nila. Wala naman masama kung magpapa-pawis siya."Game!" aniya sabay tayo."Ahm, kayo na lang. Magpapahinga lang ako–"Hindi na natuloy ni Onofre ang iba pang sasabihin sana ni Ri
ERICA POVNANG makalabas na si Jake saka lang siya babangon para maligo. Bitbit na niya ang susuotin na damit at tuwalya. Sa loob na siya ng banyo madalas nagbibihis, mahirap na baka mahuli siya lalo ngayon may kasama siya sa kwarto kaya dapat doble ingat ang gawin niya.Matapos maligo at magbihis, mabilis niyang sinuklay ang maiksing buhok niya. At saka, marahan tinapik ang dibdib."Goodluck, Rico! Kaya natin 'to!" mahinang usal niya sa sarili.Pagkapasok sa hotel, sa employee entrance nakita niya si Clarissa na para bang inaabangan siya."Ric–!" lumapit agad ito sa kaniya."Ayos ka lang ba? Nabalitaan ko nangyari sa'yo," nag aalalang tanong nito.Marahil tinutukoy nito ang nangyari kahapon na pinagbintangan siya ng isang 'intrimitidang matandang guest ng hotel.Kiming ngumiti siya."Okay lang ako. Alam ko naman na malinis ang konsensiya ko kaya wala kang dapat ipag-alala sa'kin," hinawakan niya ito sa balikat.Yumakap naman bigla sa kaniya si Clarissa."Buti naman. Akala ko napaano
JAKE POVMALAKAS ang bagyo sa labas ng Hotel, dito pa yata tatama sa Cebu ang mata ng bagyo. Kaya naman maraming customer ang nag-cancel ng mga reservations. Well, gano'n naman talaga. Understood naman iyon. Sino ba naman mag eenjoy sa bakasyon kung may bagyo?Napasulyap siya kay Rico na kasama niyang nagre-restock na naman ng mga sabon, towels at tissue sa mga hotel rooms. Habang pinagmamasdan niya ng matagal ang binata napapaisip siya kung bakit parang pamilyar ang mukha nito.Napabuntong hininga siya. Nun nakaraan gabi na uminom sila, napansin niya iyon e', pinagmasdan niya ang mukha nito mula sa mga mata nito, na para bang mapanukso kung tumingin. Ah tantalizing eyes! Ang mga labi nitong mapupula na humahalina sa kaniyang idikit ang labi niya sa mga labi nito. Shít !Ano bang pumapasok sa isip niya!?Marahas siyang umiling upang iwaksi ang pumapasok sa utak niya.Anong nangyayari sa'kin? Bakit ganito siya mag isip kay Rico? Nababaliw na ba siya?Humarap bigla sa kaniya si Rico. N
ERICA POVNAPASULYAP siya muli kay Jake na abalang nag re-restock ng mga toiletries, towels at tissues sa bawat kuwartong pinapasukan nila sa 6th floor ng Hotel. Siya kasi ang naka-assign sa 6th floor hanggang 10th floor na mag-restock sa kada kuwarto at dahil may bagong new hire magkasama tuloy sila sa gawain. Nauna lang siya ng dalawang linggo rito.Huminga siya ng malalim. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. Tunay ngang maliit ang mundo! Sino bang mag aakalang ang lalaking nakilala niya sa Club na buong puso niyang ibinigay ang pagkababaé niya ilang taon ng nakalipas ay makikita niya uli. Parehas pa silang Janitor?! What the?Akala niya mayaman ang lalaki dahil mukhang rich kid ang datingan nito sa Club noon. Kaya takang-taka siya bakit nag apply itong Janitor at dito pa talaga sa Cebu. Tsk!Nagkibit balikat na lamang siya. Anyway, wala na siyang pakialam pa sa rason nito. Hindi naman siya nito nakikilala kaya no need para kabahan pa siya."I'm done. Is this the last ro
JAKE POVMetro Manila, Philippines."JANITOR?" napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ng Daddy niya.Oo, alam niyang may mga kondisyon ito bago nito ibigay sa kaniya ang pamamahala ng JMorris Resort and Casino isa sa prestihiyosong hotel sa Cebu. Katanggap tanggap pa kung gawin siyang HR Manager o Supervisor pero janitor? What the heck?"What's wrong with being a janitor?" nakataas ang kilay na tanong ng Daddy niya. "FYI, ang lolo mo ay dating janitor bago naging matagumpay na businessman."Napabuntong hininga siya."Sana man lang ginawa niyo na lang ako house boy nahiya pa kayo," sarkastikong sabi niya.Umiling-iling ang Daddy niya."You still have a choice, Jake. Pwede kong ibigay sa pinsan mo ang pamamahala sa hotel at—""No way! Nope. Not happening," putol niya sa sinasabi ng Daddy niya sabay marahas na umiling.Pinsan? Si Joey na walang alam kun'di kahambugan? Umingos siya at mabilis na tumayo sa kinauupuan saka matiim na tumingin sa Daddy niya.Nagkibit balikat ang Daddy niya a