Share

Chapter 3

Author: RIAN
last update Last Updated: 2021-12-03 15:55:09

"Gusto mong kumain kuya?" Seryosong tiningnan n'ya ang dalagang bahagyang natigilan ng makita s'ya. Nakasalampak ito sa sofa at nakataas ang nakatuping mga tuhod ng pabukaka. Kararating lang ni Gab at ang kinakapatid ang bumungad sa kan'ya sa sala. Kumunot ang noo n'ya at tiningnan ang estilo ng pagkakaupo nito.

"Ayusin mo nga 'yang upo mo!" Para s'yang tatay na nanita ng anak.

"Bakit?" Tiningnan nito ang sarili. "Anong masama sa pagkakaupo ko?" Tila naguluhan pa ito.

"Masama? Irish ilang taon ka na nga?" Umayos ito ng upo. Tiningnan ito ni Gab mula ulo hanggang paa at naiiling na nilampasan ito.

"Twenty-one." Nakanguso ito na lalong ikinainis ni Gab.

"Twenty-one, pero bakit ganyan ka pa rin magkikilos para kang teen-ager na ewan?" Naiinis siya sa ayos nito, magulo ang buhok at itinali kahit hindi pa nakakapag-suklay man lang. Idagdag pa ang nakakainis na kulay ng buhok nito. Nakasuot ng manipis na pantulog at naaaninag ang suot nitong panloob.

"Kuya. . ." Tumayo ito at sumunod sa kan'ya.

"Irish pwede ba kung makikipag-usap ka sa'kin magdamit ka ng maayos." Naghugis halfmoon  ang tsinita nitong mga mata, nababanaag ang suot nitong pang-ilalim.

"Kuya ito talaga ang pantulog ko eh. Mukha ba itong hindi pantulog sayo?" Inosenteng muling tanong nito.

"Pwes! Isuot mo 'yan kapag nasa kwarto ka at mag isa!" Asik ni Gab.

Napakamot sa ulo si Gab at inis na pumasok ng silid. Ilang araw n'ya pa lang itong nakakasama pero hindi n'ya na nagugustuhan ang mga pinaggagawa nito. 

"At pwede ba ayusin mo 'yung mga gamit mong nagkalat, napaka-burara mo!" Pahabol ng binata, nagkalat ang mga gamit nito sa sahig ng silid.

"Bakit ako ang magliligpit?" Maktol ng dalaga.

"Bakit kanino bang gamit 'yang mga 'yan?" Bakas ang pagtitimpi sa boses ni Gab. Isip-bata na nga, burara pa! Aniya sa isip. 

"Sa akin." 

"Pwes. . .matuto kang magligpit ng sarili mong gamit wala kang yaya dito na susundan lahat ng kalat mo!" singhal ni Gab.

"Ang sungit mo!" Narinig niyang sigaw nito.

Muli n'ya itong nilingon, pero mabilis na itong nakapasok ng silid. Naiiling na pumasok s'ya ng sariling kwarto. Napaka- spoiled. Pinaka-ayaw n'ya sa lahat.

Nakapagpalit na s'ya ng damit saka bumaba para kumain. Mag aalas-syete na ng gabi pero maghahapunan pa lang s'ya. Napaka-hectic ng schedule niya ng mga nagdaang araw dahil kailangan niyang mabakante ang susunod na dalawang linggo para sa kasal nila ni Irish. Napailing s'ya, hindi pa rin makapaniwalang ikakasal na s'ya rito.

Ininit niya ang nakitang ulam sa ref, wala ang mommy n'ya dahil madalas itong umuwi ng Antipolo kung saan 'dun talaga nakatira ang mga magulang. Mula ng s'ya na ang humawak ng negosyo nila bihira na itong umuwi sa bahay na tinitirhan niya ngayon. Pero sanay naman s'yang mag isa at mamuhay na walang kasama. Paminsan-minsan nga lang ay pumupunta ang mommy niya at natutulog doon ng ilang araw. Aalis lang ito kapag natiyak na kumpleto na ang pangangailangan niya sa loob ng dalawang linggo.

Matatapos na siyang kumain ng makita na pababa sa hagdan ang dalaga. Nagpalit na ito ng damit, nakasuot na ito ng ternong pantulog ngunit makapal na hindi gaya ng una nitong isinuot. Dahan-dahan ang paghakbang nito palapit.

"What?" Asik niya, atubili ito.

"Kuya pwede bang makitulog sa kwarto mo?"

"Ano?"

"Lagi kasi akong nananaginip ng masama eh." 

"Pwede ba Irish huwag kang isip-bata. Panaginip lang 'yun." Gusto n'ya ito muling singhalan pero parang may nasaling sa damdamin niya at nakadama s'ya ng awa.

"Sa States kasi katabi ko si Yaya Meding palagi eh." Paliwanag nito.

"Wala ka ng yaya dito Irish."

"Irish.." Napabuntong-hininga si Gab. Bakit ba kasi nakakaawa? Aniya ng isip ni Gab.

Nag-angat ito ng ulo. At umiiyak pa pala. Damn!  Hindi pa rin pala ito nagbabago. Napaka-iyakin.

"Fine, 'dun ka na matulog sa kwarto ko." Talo na naman s'ya. Biglang umaliwalas ang mukha nito at napangiti.

"Thank you Kuya!" Yumakap ito sa kan'ya. Pasimpleng inalis niya ang mga braso nito mula sa pagkakayakap sa kan'ya.

"Make sure na gan'yan palagi ang isusuot mo."

Tumango ito at patakbong tinungo ang silid n'ya.

Mahimbing na itong natutulog sa kama ng pumasok s'ya ng silid, yakap ang malaking teddy bear na dala pa nito galing states.

Tila napawi ang inis niya sa kaartehan nito ng mapagmasdan ang maamo nitong mukha. Larawan ng kainosentehan. Kinumutan n'ya ito, saka piniling sa sofa na lamang ng silid mahiga.

Parang kailan lang? Ito ang batang makulit na walang ginawa kundi guluhin ang bakasyon niya noon. Pero ngayon, dalagang-dalaga na ito at nakatakda pang ikasal sa kan'ya. Ngunit hindi dahil maganda ang dalaga, eh magugustuhan n'ya na ito. Kailangan n'ya lang tumupad sa pangako. Palilipasin n'ya lang ang ilang taon saka ito hihiwalayan. Kailangan n'ya lang talagang pagbigyan ang mga magulang nila.

Buo na ang plano n'ya at maghihintay lang s'ya ng tamang panahon. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog. Hindi naman ito nabigo. 

Maagang gumising ang binata, kailangan nilang isukat ni Irish ng isusuot para sa nalalapit na kasal. Masyadong mabilis ang lahat pero para sa kaniya mas dapat nga dahil ayaw n'ya nang patagalin pa. Dinampot ni Gab ang magazine na nasa harap, naiinip na tiningnan ang nilalaman. Pade-kwatrong isinandal n'ya ang likod sa malambot na sofa.

"Ang ganda mo talaga Miss Irish.." Namamangha ang baklang designer na tumahi ng wedding gown nito. Napapalatak ito habang pinapasadahan ng tingin ang dalagang isinukat ang damit-pangkasal.

"Bagay ba?" Tukoy nito sa isinukat na wedding gown, bareback ito na nagpalitaw ng maputing likod. Effortless dahil lumitaw ang ganda ng katawan n'ya at lalong lumutang ang makinis niyang kutis. Iginiya si Irish ng baklang designer palabas ng dressing room.

Awtomatikong napatingin rito si Gab. Naramdaman ni Irish ang biglang pagtahip ng dibdib at bahagyang pamumula ng pisngi nang magtama ang paningin nila ni Gab. May kung anong kabang bumundol sa dibdib n'ya dahil sa paraan nang pagtitig ng binata. Nakipagtitigan s'ya rito pero tila napapasong nagbawi s'ya ng tingin. Kailan n'ya ba ito unang naramdaman? Teen-ager pa yata s'ya sa first crush n'yang kaklase na Varsity player ng campus nila. 

Bahagyang napanganga at natigilan si Gab pero mabilis ding nakabawi.

"Wala bang ibang design?" Ikinunot nito ang noo at nagkunwaring hindi n'ya nagustuhan.

"Sir?" Nadismaya ang designer, napatingin ito sa katabi.

"I mean. . .parang masyadong revealing."

Nag iwas na ng tingin si Gab at ibinalik ang paningin sa binabasa. Ayaw n'yang aminin sa sarili pero alam niyang bumagay sa dalaga ang isinukat nitong wedding gown. May bahagi ng damdamin n'yang nakadama ng excitement na makita itong naglalakad sa aisle habang papalapit sa kan'ya.

"Matagal pa ba?" si Gab, halata ang pagkainip. Ayaw n'yang magpatalo sa nararamdaman. Nakatingin ito sa suot na relo, ni hindi nabawasan ang ka-gwapuhan nito sa kabila ng pagsimangot.

Nagkatinginan ang dalawa at kapwa napangiti. Nakipag-beso na ang dalaga saka sumunod kay Gab na nauna ng lumabas ng shop. Hindi man lang s'ya nito ipinagbukas ng pinto kaya sa likod s'ya pumuwesto.

"Bakit 'dyan ka umupo? Ginawa mo pa akong driver." Asik nito. Napilitan s'yang lumipat sa tabi nito.

"Kuya. . ."

"Pwede ba Irish tigilan mo na ang katatawag sa'kin ng kuya. Una magiging mag-asawa na tayo! Saan ka naman nakakita ng mag-asawang kuya ang tawag sa asawang lalake?" Naiirita nitong tila sermon sa dalaga.

"Sige kuya." Hindi nito maituloy-tuloy ang gustong sabihin. Bakit ba kasi ang sungit-sungit nito? Aniya sa isip.

"Kuya na naman?" 

"Alright G-gab.." Nakakatakot naman itong mainis, pero nakakaasar ha dahil gwapo pa din? Hustisya naman!

"Saka pwede bang palitan mo na 'yang kulay ng buhok mo!"

"Gusto ko kasi ito eh."  Old school kasi, hindi alam ang uso! Sigaw ng isip ni Irish.

"Pwes! Palitan mo! Ayokong ikasal sa babaeng ganyan ang kulay ng buhok." Naiiling na itinuon nito ang paningin sa kalsada.

"Panget ba? Uso ito." Pakiramdam ni Irish, ito pa rin ang dating kuya Gab niya na lagi siyang sinisindak.

"Irish sinabi ng ayaw ko ng ganyang kulay!"singhal nito. Pambihira naman! sigaw ng isang bahagi ng utak ni Gab. Ipapakasal siya ng kaniyang mga magulang sa isang jejemon?

"S-sige..pwede bang pink? Fan kasi ako ng black pink eh." 

"Ayoko ng may kulay ang buhok okey! Is that clear?" Bahagya ng tumaas ang boses nito, sa lahat kasi ng ayaw ni Gab 'yung kinu-kontra siya.

"Sige." Sumimangot ito at sa bintana tumingin.

"At 'wag kang iiyak!" banta ni Gab. Pagdating talaga kay Irish parang lagi siyang mauubusan ng pasensya.

"Hindi ako umiiyak." lumabi ito na tila nagpipigil na mapahikbi.

"Magiging asawa mo na ako at matuto kang makinig dahil responsibilidad na kita."

Asawa daw? Baka kontrabidang yayo! Sigaw ng isip ni Irish.

"Bakit ang daddy hindi ganyan kay mommy?" Naiiritang sinulyapan siya nito sa gitna ng pagmamaneho.

"Lumaki ka kasing spoiled at dependent! Alam mo bang hindi madali ang papasukin ko ng dahil sa pagpapakasal ko sayo!" 

"Ako din naman ah! Si Ji Chang-Wook ang gusto kong pakasalan hindi ikaw." Naluluhang sumulyap si Irish sa itinuring na kuya.

"May boyfriend ka pala bakit hindi mo kausaping pigilan ang kasal?" Inis na tiningnan ito ng binata. Gusto n'yang mapabuga ng hangin nang makita ang facial expression nito, para  itong teen-ager na hindi pinayagang umattend nang JS prom.

"Hindi ko s'ya boyfriend!" 

"Tawagan mo ngayon!" 

"Busy siyang tao." Namuo na ang luha nito at nagbabadya ng pumatak.

"Akong makikipag-usap." Napamaang ito na tila nahihiyang tumingin kay Gab, hindi makapaniwalang gagawin nito ang sinabi.

"Hindi n'ya ako kilala." Namumula ang pisnging nagyuko ito ng ulo.

Dahil sa narinig, inis na inihinto n'ya sa gilid ng kalsada ang sasakyan.

"What?! My God Irish! Alam mo bang napaka isip-bata mo?" Parang gustong yugyugin ni Gab ang katabi at sigawan ito na mag aasawa na ito at tigilan na ang pagdi-daydreaming dahil hindi na ito bata.

"Anong masama kung mahalin ko si Ji Chang-Wook?" Umiyak na ito ng tuluyan.

"Bakit pakakasal ka sa'kin kung si Ji Chang-Wook ang gusto mong mapangasawa?" Tila gusto niya pa yatang mang uto ng bata para makakuha ng sagot sa sariling tanong, pati yata siya ay nagiging nonsense na rin? 

"Ano?"

"Sabi ni Daddy mapapabuti ako kung ikaw ang mapapangasawa ko." Nakayuko na ang dalaga at pinahid ang luha ng likod ng palad.

"Then? 'Yun lang wala kang paninindigan man lang?" Isip-bata talaga! sigaw ng isip ni Gab. 

"Eh bakit ikaw?" 

"Mahal ko ang kompanya ko Irish. Bigyan mo ako ng mabigat pang dahilan kung bakit napapayag ka ng ganun kadali?" 

"K-ka-kamukha mo si Ji Chang-Wook."

Nakita ni Gab ang pagkinang ng mga mata nito. Kinilig pa yata?

"Ano?" Naiiling na tiningnan n'ya ito. 

"Korean Actor siya at sobrang fan n'ya ako, kamukha mo talaga kasi s'ya. Kaya okey lang." Nagyuko ito ng ulo na parang teen-ager na tila nahihiyang malaman ng magulang kung sino ang crush nito?

Korean actor? Nagmaneho na si Gab. Ewan niya kung matatawa sa dahilan ng katabi pero mas nanaig ang inis. Hindi n'ya na lang ito kinausap at  baka kung ano pa ang masabi n'ya. Napakababaw mag-isip. Sino ba naman ang hindi matatawa sa mga dahilan nito? Baka nga nagpapa-storytelling pa ito bago matulog? Punong-puno ng pantasya ang laman ng utak ng katabi. Naiinis na tinahak ng kotse niya ang papuntang opisina. Nakatingin ito sa kaniya at kahit hindi ito nagtatanong ipinaliwanag n'ya na agad kung saan sila pupunta.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Adah Dino
ok si gab matured n msydo hehehe mging masunurin k rin irish
goodnovel comment avatar
Missy F
mahal ko din si Ji Chang-wook uy
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha nakakakilig naman talaga ei
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 43- Ang Pagwawakas

    "Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 42

    "Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 41

    "Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 40

    Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 39

    "Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 38

    Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status