Share

6. BABY 2

GANI 

Nagising akong wala na siya sa tabi ko. Namputsa naman… inisa-isa kong dampot ang mga damit kong nakakalat sa sahig at ipinatong sa kama. Nasapo ko ang mukha ko habang  iniisip kung saan ko hahanapin ang babaeng iyon. 

Badtrip na kahit pangalan niya ay hindi ko pala nalaman. Huminga ako nang malalim. Bakit ko pa ba siya iisipin ay mukha namang walang halaga sa kaniya ang nangyari sa amin? At hindi ako ang na-virgin-an, siya! Dapat siya ang nag-iisip saan ako hahanapin pero bakit ako ang namomroblema? 

Napailing na lang ako at saka pumunta ng banyo para maligo. Pagpasok ay agad kong nakita na may naiwan siya. Ang panty niya na nasira ko pala. Iniwan niya na lang basta, hindi man lang itinapon sa basurahan. Maganda nga, burara naman. 

Dahil sa naisip ko na maganda siya ay kusa naman na nabuhay ang pagnanasa ko. Hindi ko alam bakit niya ako iniwan dito na ganito na lang pero… pero kahit virgin siya ay nakailan pa rin kami sa buong magdamag dahil sa lakas ng epekto ng droga sa kaniya.

Naniniwala naman akong nadroga siya. Hindi kaya ng na-virgin-an ang paulit-ulit na sex. Siraulo rin ang dalawang lalaki na iyon, siguradong sila ang kasabwat ng sinasabi niya kagabi sa akin na nakabunggo niyang babae sa mall habang palabas siya. Iyon lang daw ang posibleng pagkakataon para masaksakan siya ng droga. Nakakapagtaka lang ay wala raw siyang naramdaman na tumusok sa kaniyang karayom. Wala siyang naramdamang karayom kaya ang ending ako na ang tumusok sa kaniya at ‘yon… ‘yon ang damang-dama niya. 

Buwisit… pakiramdam ko tuloy ay nanamantala ako sa kahinaan niya. Pero kung hindi ako ang nakasama niya ay gano’n pa rin ang mangyayari. Ang masama pa ay baka ang dalawang kupal na iyon pa ang gumahasa sa kaniya kung hindi ko siya nakita na nahihilo. At least hindi ko siya ginahasa, seryoso ako, at handa ko nga siyang mahalin kasi iba ang tama ko sa kaniya kahapon pa lang pero… pero iniwan niya na lang ako nang gano’n na lang. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang napagsamantalahan sa aming dalawa.

“Hindi bale. Alam kong hahanapin mo rin ako, mahal ko…” kausap ko sa sarili at itinuloy na ang pagligo. Ayaw ko sanang maligo para maiwan sa katawan ko ang amoy ng babaeng pakakasalan ko kaso ayaw kumalma ng alaga ko at tigas na tigas na naman. 

Dapat talaga hindi ko na muna isipin ang babaeng iyon kaso… hinawakan ko ang kȃrgada ko na medyo masakit dahil parang nabugbog. “Kawawa ka naman…” kausap ko rito. “Masyado kang inabuso at pinagsamantalahan ng babae na ‘yon tapos iniwan ka na lang na walang dangal.” 

Inabuso? Oo, inabuso niya talaga ang pagkȃlalaki ko. Nakailang rounds na kami kagabi pero halos ayaw niya akong pagpahingahin. Pinagsamantalahan? Sobra pa. At talaga lang. Halos wala na akong dignidad kagabi sa mga ginawa niya.

Napapikit ako at saka ko binalikan ang mga nangyari sa utak ko para bilangin na rin kung ilang beses ba akong nilabasan… teka nga! Parang sampung beses yata at para na lang tubig ang nilabas kong semilya noong huli. Nakakawalang-dangal iyong bagay na ‘yon. 

Langyang buhay… Virgin pero ang lakas sa sex. Ibang klase. Pero ang mas ibang klase ay hindi ko nalaman ang pangalan niya. Katangahan. Sige lang siyang sabi sa buong magdamag na malalaman ko rin, basta maghintay lang daw ako mawala ang epekto ng gamot na sinaksak sa kaniya ay sasabihin niya. Para akong gago… Niloko niya lang ako! Walanghiyang babae iyon! Pinaasa ako masyado! 

******

“Tayo na ba?” tanong ko sa kaniya nang tawagin niya akong Gani Baby. “Totoo ‘yan ha?” 

“Yes,” sabi pa niya. Pagkatapos may sinabi siya sa English na naman, na ang naintindihan ko lang ay salitang ‘night’ na ibig sabihin ay gabi. Pero nagsabi na siya ng ‘yes’ kaya kahit masakit sa tȉti ko ang pagpasok sa kaniya dahil sa harang ay tiniis ko, masagad ko lang. 

Napausog pa siya at masakit man ang gawa ng mga kuko niya sa lilkod ko ay okay lang din. Alam kong nasasaktan siya at normal naman kasi nga first time niya. Hinalikan ko na naman siya habang nananakit na ang kȃrgada ko sa loob ng lagusan niya na tangina… ang sarap sa pakiramdam na akin iyon. Nagdesisyon na ako na hindi ako papayag na mawala siya sa akin, nahanap ko na ang babaeng handa kong mahalin at ilaan ang lahat ng pag-ibig ko kaya nang sumunod akong gumalaw ay dahil siya mismo ang humihingi niyon. 

“Masakit pa rin ba masyado?” tanong ko dahil kitang-kita ko sa mukha niya ang hapdi na nararamdaman. 

“Yeah… pero sige lang, igalaw mo lang. Baka mawala din ang sakit mamaya.”

Pinagbigyan ko siya habang nakatitig sa mga mata niya na kulay blue. Mata pa lang niya ay nalulunod na ako. Lunod na lunod na ako. Naglabas-masok lang ako nang dahan-dahan at ang kunot sa noo niya na dala ng hapdi na nararamdaman niya ay nakikita kong unti-unting nawawala. Ilang saglit pa ay umuungol na siya. Alam ko na mahirap sa babaeng na-virgin-an ang mag-enjoy sa una pero dahil siguro nadroga siya kaya kahit mahapdi pa ay ayaw tumigil ng katawan niyang humanap ng init mula sa akin. 

Pigil na pigil ko ang huwag labasan agad. Gusto kong mauna siya. Gusto ko pa ngang baguhin ang posisyon namin para hindi muna ako labasan, kaso, kapag inilabas ko ang kȃrgada ko sa kaniya ay baka mahapdi na naman kapag pinasok ko ulit. 

“Gusto kong ma-satisfy ngayong gabi,” sabi niya na nakapikit, “make me…”

“Baka labasan ako agad.” Tumigil ako sa paggalaw. Napailing habang kagat ang ibabang labi ko. Kailangan ko kontrolin ang libσg ko at kapag hinugot ko na naman ay siguradong lalabasan na ako kapag sinagad ko ulit. “Parang… argh… parang hindi na ako tatagal sa ‘yo.”  

“No! Hindi pwede!” sabi niya na nanlaki bigla ang mga mata. “Kailangan mong tumagal at ikaw lang ang solusyon sa kalagayan ko.” 

“Mahal… kanina pa ako libog na libog sa ‘yo. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap sa akin ang pagpipigil na—” 

“Paano naman ako?” tanong niya. “My body…”  Hindi ko na naman naintindihan ang mga sinasabi niya na kasunod. “You… me?” patanong ang tono niya sa huling sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nirereklamo niya pa pero basta na lang… pakiramdam ko ay ayaw niya yata na mauna ako labasan. Parang gano’n.

Kailangan kong baguhin ang posisyon namin kung gusto kong tumagal pa pero… tangina at nilabasan na ako. “Ugh…”

“What was that? Did you… now?” tanong ng ingliserang hindi ko na naman maintindihan ang ibang pinagsasabi. 

“Nilabasan na ako, mahal ko…”  Hinalikan ko siya na agad umiwas at itinulak ako. Pagkatapos, bumangon siya para sabihin na kailangan kong huwag hayaang lumambot ang kawawang alaga ko para malaman ko ang pangalan niya.

******

Katok sa pinto ang nagpatigil sa kung anong iniisip ko. May kumakatok at nasa banyo pa ako. Binalikan ako ng mahal ko. Sabi ko na nga at hindi niya ako matitiis eh. Mabilis kong binuksan ang pinto at nagkatinginan kami ng babaeng ngayon ko lang nakita. Potek… sino ‘to?

Masama ang tingin niya sa akin at nang bumaba ang mga mata niya sa katawan ko ay mabilis niya akong itinulak papasok sa banyo. Ang kasunod ay hinila niya ang tuwalya sa gilid at ibinato sa akin. 

“Suotin mo ‘yan kung gusto mong mabuhay ka pa,” utos niya. Ang tapang… ibang klase.

“Sino ka?” tanong ko. Masama ang tingin ko sa kaniya. Iniisip ko rin kung paano siya nakapasok sa kuwarto ay naka-lock man ‘yon. 

“Hindi kami narito para magpakilala sa ‘yo,” sabi naman ng isang babae na biglang pumasok na rin sa banyo. Maganda sila pareho at… at magkamukha? Pero kulay blue ang mata ng isa at ang bagong pasok ay kulay… brown? Orange? Hindi rin eh! Basta parang brown na orange o orange na brown. Ang may blue na mata ay kulay itim ang buhok at blondie naman ang isa. 

“Sino kayo? At anong ginagawa niyo rito?” tanong ko pa rin. “Ang babata niyo pa, nagpopokpok na kayo? Sayang buhay niyo, mga iha…”

“Anong nagpopokpok?” galit na lapit ng isa sa akin ni Blondie. 

“Stop it…” may karugtong pa ang sinabi ng isa, si Blackie, pero hindi ko nakuha dahil mahina nga ako sa Ingles pero may sinabi siyang pangalan na dahilan para matigilan ako. 

“Willow?” pagkaklaro ko sa pangalang narinig. 

“What the fuck…” Biglang may sumunod na naman na isa at pinasok na rin ako sa banyo. Iba naman ito, kulay brown na may pula ang buhok at kakaiba ang mga mata…blue na parang may orange. May diperensya yata sa mata ang babae na ito. 

“Ayos ah!” Natawa ako. “Triplets pala kayo…” 

“Magbihis ka,” utos ni Blackie at saka pinalabas ang dalawang kasama niya bago hinila ang pinto para isara at maiwan ako. 

Naiwan akong asar. Sino sila at bakit nabanggit iyong pangalan na Willow? Isa lang ang naalala ko sa pangalan na Willow, iyong chicks noon na maganda, na umiinom mag-isa sa bar kung saan napaaway ako kay Spencer. Matagal na iyon pero… pero paano kung si Willow na nalaglag ang card niya kakasunod sa akin, ay siya rin pala ang kasama ko kagabi? 

Napangisi ako. Isa lang ang ibig sabihin, siya talaga ang tadhana ko.

Nakangiti na akong lumabas ng banyo at napatingin sa akin ang tatlo. “Nasaan si Willow?” tanong ko sa kanila. Direkta na.

Nagkatinginan silang tatlo. Nag-usap sila at nagtalo-talo. Inglesan na naman sila kaya hindi ko maintindihan. Sa tunog ng salita nila ay parang nagdidiskusyon na. 

“Teka nga!” awat ko sa kanila at lapit. Napatigil na lang ako sa paghakbang nang ilabas ni Blackie ang dala niyang baril at itutok sa akin. 

“Puta… Huwag gan’yan, iha…” 

“Ipaliwanag mo ang nangyari,” utos ni Blackie.

“Nangyari?” tanong ko. “Anong nangyari ang gusto niyong ipaliwanag ko? At nasaan ba si Willow at kayo ang narito?” 

“Tama na ‘yan…” sabi ni Brownie na hinawakan ang baril na nakatutok sa akin para ibaba ni Blackie. “Huwag mo na siyang takutin, Genesis. Ang utos lang naman sa atin ni Willow ay siguraduhin na maituturo niya sa atin ang dalawang lalaki na sinasabi niyang muntik gawan ng masama si Willow. Iyon na lang ang gawin natin at ayaw kong magsayang ng oras dito.”

“Okay, sige… Ibigay mo na ang tseke, Levi,” ani Blackie. Ang tinawag naman nitong Levi ay si Blondie pala, na inabot sa akin ang isang tseke. 

“Ano ito?” usal ko.

“One million, hindi mo ba nababasa?” tanong ni Blondie sa akin.   

“Nababasa pero—”

“Swerte mo na lang ang isipin mo kaya binibigyan ka ng one million ni Willow,” putol ni Blondie sa sasabihin ko. “Kung ako lang ay tama na ang kape lang ibigay sa ‘yo. Masyado ka naman pinagpala at may one million ka pa para ituro lang ang dalawang lalaking iyon.” 

“Guwapo naman siya at maganda ang katawan, plus natulungan pa niya si Willow na hindi makuha ng dalawang iyon, kaya…” singit ni Brownie na kumibit pa ng balikat. 

“Teka…” asar kong sabi. “Isang milyon para sa pagturo ko sa dalawang iyon? Saan si Willow? Kakausapin ko muna siya.”

“Hindi na kailangan,” sabi ni Blackie na leader yata ng version nila ng Powerpuff Girls. “Kami na ang bahala sa paghahanap sa dalawang sinasabi mo. Sumama ka lang sa amin sa WEI pabalik para ma-review ang CCTV footage.” 

“Isang milyon…” ulit ko na naman. “Ano ako bayaran?” 

Nagkatinginan sila. “Oo,” sabay-sabay nilang sagot.

“Pakakasalan ko si Willow, sabihin niyo sa kaniya.” 

Muli ay nagkatinginan sila. Nagsalita na naman sila ng Ingles at wala na naman akong naintindihan. Nang harapin nila ako ay napabuntong hininga si Brownie at napailing si Blondie. 

“Hindi gugustuhin ni Mamita ang gaya mo para kay Willow. Mabuting magpasalamat ka na lang sa isang milyon, at isipin na tulong niya sa gaya mo kapalit nang pagligtas mo sa kaniya kahapon,” sabi ni Blackie.

“Pakialam ko sa Mamita ninyo,” asar kong tugon. “Sino ba ‘yon? Kasing-seksi at kasing-ganda ba ni Willow ko? Kung hindi rin lang ay hindi ako interesado,” pamimilosopo ko na lang. 

“Sumama ka na lang sa amin sa WEI. Wala namann nawala sa ‘yo para magdrama ka pa. Kailangan namin mahanap ang dalawang lalaki na sinasabi mo,” sabi naman ni Blackie sabay talikod at sumunod na rin ang dalawa.  

Napabuga ako ng hangin sa asar habang sinusundan sila tingnan palabas ng kuwarto. Ang totoo ay nakakainsulto ang isang milyon pero tatanggapin ko na lang. Tatanggapin ko para may magamit ako para mahanap si Willow. Hindi ako papayag na gano’n na lang. Hindi pwede dahil kagabi pa lang, no’ng umuungol na siya, ay alam ko na… siya lang ang babaeng pakakasalan ko. Tapos.

Sophia Sahara

Thank you po sa mga nag-aabang para kay Gani Baby ko. Salamat po sa mga nagbigay ng gems. And let me be inspired to update this story at least twice a week this month.

| Like
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Vanessa San Juan
hahaha pang isang milyon klng pla eh hahaha
goodnovel comment avatar
Christine Dinsay
hype gani lupit, hahahah
goodnovel comment avatar
Jenny
dami kong tawa sau Gani hahahaaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status