Share

14. NAKED 2

GANI

Idinilat ko ang mga mata ko pero agad din akong napapikit dahil sa liwanag ng ilaw mula sa kisame. Nakakasilaw. Nakakabulag. Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bakal sa loob ng utak ko. Ipinilig ko ang ulo ko para sana mawala iyon pero lalo lang sumakit.

‘Pero teka… nasaan ako?’

Nagtataka ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Iniisip kung sino ang may-ari ng kuwarto at bakit ako napadpad rito. Pinilit kong bumangon at napangiwi ako sa masakit kong binti na nakabenda. Pinilit kong tandaan ang nangyari nakaraang gabi. May gulo at may pinatay.

Sino ang mga ‘yon? At sa dami ng lugar dito sa Maynila ay bakit doon pa sa amin nila naisipan magbarilan?

Muling kumirot ang ulo ko dahil sa pagbangon. Kinapa ko iyon at may benda din pala ang ulo ko. Pilit kong tinandaan ang nangyari kagabi. May bumaril sa akin at pupuruhan pa sana ako pero nanlaban ako, hanggang sa may naglagay ng sako sa ulo ko, kasunod ay ang paghampas ng kung ano, at iyon na ang huling natandaan ko.

Ako ba a
Sophia Sahara

Pasensya na sa mabagal na update dito. Inuuna ko kasi ang tapusin si Trace Dimagiba. Pero salamat sa mga naghihintay ng update dito kay Gani.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Tawang-tawa ako kay Gani...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status