Share

12. NOBODY 2

GANI

“Gani!” tawag sa akin ni Poyong na hindi ko nilingon. Nakakabuwisit na ang gago, eh! Ilang araw na kasi siyang panggulo sa katahimikan ko.

Binilisan ko ang paghakbang at binilisan din ng gago ang paghabol sa akin. Patawid na ako sa kalsada nang maabutan niya ako at pigilan.

“Ano ba?!” asar kong palag at inalis ang mga braso niyang nakayakap na sa akin. “Nababakla ka na ba?!” tanong ko nang makahakbang ako ng tatlo palayo sa kaniya pagkatapos ko siyang itulak.

“Tado ka naman, Gani, eh!” kumakamot na sabi nito. “Concern lang ako sa ‘yo kasi hindi ka na makausap ng matino. Tapos hindi ka na naliligo! Halos hindi ka na rin kumakain! Mag-ahit ka naman at pagupit! At saka… at saka mabaho ka na! Sana alam mo na pwede kang mabaliw sa ginagawa mo!"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Mabaho? Anong mabaho? Gago ito, ah!

Sakto naman na may mga estudyanteng dumaan sa gitna namin. At dahil nakaharang kami sa daanan ay napatingin sa amin, lalo na sa akin, pagkatapos ay nagtakip ng m
Sophia Sahara

Thank you for reading. Thank you for the gems.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
thanks sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status