Share

Kabanata 2

Author: Ms. E
last update publish date: 2026-10-08 10:59:10

Kinabukasan, eksaktong alas diyes ng umaga, nakatayo si Elena sa tapat ng isang nagtataasang gusali na tila umaabot hanggang sa ulap. Santos Empire. Tumingala siya at pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga. Bakit ba kasi kailangan pang maging CEO ang mapapangasawa ko?” bulong niya sa sarili. Huminga siya nang malalim para kumuha ng lakas ng loob. Hindi naman ako takot. Kaya ko 'to. Ngunit sandali siyang natahimik at napalunok. Okay… medyo takot pala talaga ako. Marahan siyang humakbang pumasok sa marangyang lobby ng gusali. Agad siyang sinalubong ng isang nakangiting receptionist. Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo ngayon? Oo, mayroon. Kay Adrian Santos. Sa isang kurap, biglang nagbago ang maunawaing ekspresyon sa mukha ng receptionist. Nabakas doon ang tila gulat at matinding kaba. “Ah… ang tanging naisambit nito.“Ano 'yun? takang tanong ni Elena."Wala naman po, Ma’am. Bakit parang natatakot ka? Mabilis na umiling ang babae, subalit bakas pa rin ang pangamba sa mga mata nito. “Good luck na lang po sa inyo, Ma’am. Napakunot ang noo ni Elena sa narinig. Bakit parang pupunta ako sa sarili kong execution? bulong niya habang naglalakad patungo sa elevator. Hindi na sumagot ang receptionist. Pagdating niya sa executive floor, dahan dahang bumukas ang p***o ng elevator. At doon, agad niyang nasilayan ang pigura ni Adrian. Nakatayo ang lalaki sa harap ng malawak na salaming bintana, pormal na pormal sa kanyang mamahaling kasuotan. Hawak nito ang isang tasa ng kape habang seryosong nakatanaw sa malawak na siyudad. Nang marinig ang mararahang yabag ng mga sapatos ni Elena, hindi man lang ito nag-abalang lumingon. Late ka. Malamig at may awtoridad ang boses nito. Napatingin si Elena sa kanyang suot na wristwatch. Eksaktong alas-diyes. Dapat alas nuwebe pa lang, narito ka na. Hindi naman ako empleyado mo para utusan mo sa oras, giit ni Elena, sinusubukang panindigan ang sarili. Pero magiging asawa kita. Napanganga si Elena sa narinig. Hindi pa nga tayo kasal! Pero pumunta ka pa rin. Dahil wala akong ibang choice! “Exactly. Napapikit si Elena sa matinding inis. Napakakapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Inilapag ni Adrian ang tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa at marahang naupo sa kanyang swivel chair. “Umupo ka.Hindi ako aso para utusan mo. Hindi ko naman sinabing aso ka. Pero ganoon ang tono ng pananalita mo! Bahagyang umangat ang isang kilay ni Adrian, tila naliwawalan sa tapang ng babae. “May problema ka ba sa tono ko? Marami! Kung ganoon, isa isahin mo. Natigilan si Elena. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya nang husto o matatawa sa labis na kakarampot na emosyon ng lalaki. Basta… nakakainis ka. “Noted. Walang anu anoy itinulak ni Adrian ang isang makapal na bulto ng dokumento patungo sa kanyang direksyon. Basahin mo. Agad na kinuha iyon ni Elena at binasa ang pamagat. Marriage contract? Isang taon. Walang pakialamanan sa buhay ng isa't isa?” tanong ni Elena habang mabilis na binabasa ang mga kasunduan. “Oo. “Walang selosan? “Oo. Walang… pagmamahalan? Bahagyang tumahimik si Adrian. Tinitigan niya si Elena bago sumagot. “Wala. Hindi malaman ni Elena kung bakit tila may kung anong sumikip sa kanyang dibdib nang marinig ang huling salita. Isang pamilyar na kirot ang gumuhit doon, ngunit mabilis niyang itinago ang nararamdaman sa likod ng isang matapang na anyo. “Perfect. Ngunit may isang kondisyon, habol ni Adrian. Ano? Titira ka sa pamamahay ko. Napaangat ang tingin ni Elena sa kanya, nanlalaki ang mga mata. “Ha? Magasawa tayo sa papel. Kaya kailangan nating mamuhay sa iisang bubong na parang tunay na magasawa para hindi pagdudahan ng publiko. Pero sinabi mo nang walang pakialamanan! Hindi ibig sabihin niyon ay may kalayaan ka nang matulog sa labas o kung saan mo man gustuhin. Napairap si Elena sa hangin. “Fine. Kinuha niya ang nakahandang bolpen. Ngunit bago pa man niya idikit ang dulo nito sa papel, may napansin siyang isang maliit na linya ng pangungusap sa pinakailalim ng kontrata. Bawal makipagrelasyon sa ibang tao habang umiiral ang kasal. Mabilis siyang nag-angat ng tingin kay Adrian. Bakit may ganitong klaseng patakaran dito? Para maiwasan ang anumang eskandalo. Para sa akin o para sa reputasyon mo bilang sikat na negosyante?Para sa ating pareho. Paano kung may manligaw sa akin sa loob ng isang taon na 'yan?” hamon ni Elena. Tumanggi ka. Paano kung sobrang gwapo ng lalaki? Hindi mahalaga. Paano kung isang milyonaryo? Hindi pa rin. Paano kung… mas gwapo pa sa iyo? Sa isang sandali, tila biglang nanlamig ang buong paligid. Binalot ng matinding tensyon ang silid habang seryosong nakatitig si Adrian sa kanyang mga mata. Walang mas gwapo sa akin. Napakurap si Elena, hindi makapaniwala sa narinig. Wow. Ano? Ang kapal din pala ng confidence mo, ano? Hindi ito usapin ng confidence. Dahan dahang tumayo si Adrian mula sa kanyang upuan at marahang lumapit sa kinaroroonan ni Elena. Katotohanan ito. Napatigil sa paghinga si Elena. Napakalapit na ng mukha nito sa kanya masyadong malapit para sa kanyang sariling ikabubuti. Naamoy niya ang bango ng mamahaling pabango nito na humahalo sa amoy ng kape. umatras ka nga, bulong niya, pautal utal dahil sa biglang pagwawala ng tibok ng kanyang puso. Bakit? Kinakabahan ako sa ginagawa mo. Good. Anong good doon?! Bahagyang sumilay ang isang tipid at misteryosong ngiti sa mga labi ni Adrian. “Hindi pala ako lang ang nakakaramdam ng kakaiba rito. Anong ibig mong sabihin? Ngunit bago pa man siya makapagtanong at makahingi ng paglilinaw, mabilis nang umatras si Adrian at naglakad pabalik sa kanyang pwesto. Pirmahan mo na. Upang matapos na ang labis na kaba, mabilis na idinikit ni Elena ang bolpen at pinirmahan ang dokumento. Pagkatapos ay padabog niyang itinulak ang kontrata pabalik sa lalaki. Ayan. Tapos na ang usapan. Kinuha iyon ni Adrian at maingat na sinuri ang kanyang lagda. Simula sa araw na ito. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Elena, may kung anong kislap na hindi maipaliwanag. asawa na kita. Napalunok si Elena, tila may bara sa kanyang lalamunan. Isang taon lang. Isang taon. Pagkatapos ng kontratang ito, maghihiwalay na tayo ng landas. Tumango si Adrian bilang pagsang ayon. Kung iyon talaga ang nais mo. Ngunit nang tumalikod si Elena upang tuluyang lumisan sa silid na iyon, hindi niya napansin ang isang kakaiba at malalim na ekspresyon na gumuhit sa mukha ng bilyonaryo. Dahil sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon ng pagiging malamig at kontrolado sa lahat ng bagay. May isang buhay na dumating na batid niyang hindi niya kayang mapasunod sa kanyang mga kamay. Ang babaeng bago pa lamang pumirma ng kontrata para maging reyna ng kanyang buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ISANG SAPILITANG PAGPAPAKASAL SA WALANG AWA NA CEO   Kabanata 64

    Binging-bingi ang katahimikan sa buong sala nang gabing iyon. Sa gitna ng mesang babasagin, nakalapag ang kopya ng lumang resolusyong nahalungkat nina Adrian, Elena, Marco, at Isabella sa archive. Nakapako lang ang mga mata ni Adrian sa pirma at pangalan ng kaniyang yumaong ama, tila sinusubukang basahin ang mga sikretong nakatago sa bawat letra nito. "Kung talagang desidido si Dad na paimbestigahan ang mga kaduda-dudang transaksiyon na 'to, bakit biglang na-shelve ang resolusyon?" seryosong tanong ni Adrian, bakas sa boses ang pagtataka at inis. "Baka may pumigil sa kaniya," mahinang sagot ni Isabella, sabay buntong-hininga. "Pero kung sino man 'yon, hindi ko na alam." "Teka, Ma'am Isabella," singit ni Marco habang inaayos ang salamin niya. "Nabanggit n'yo kanina na may isang taong sobrang pinagkatiwalaan si Sir sa loob ng kumpanya. Baka siya ang makakasagot kung bakit hindi natuloy ang imbestigasyon." Tumango-tango ang matanda. "Kilala ko ang kapatid ko. Hindi 'yon basta-basta na

  • ISANG SAPILITANG PAGPAPAKASAL SA WALANG AWA NA CEO   Kabanata 63

    Bawat hakbang pababa sa lumang hagdanan ng gusaling iyon ay tila may mabigat na palubid na humihila sa dibdib ni Adrian. Ang amoy ng lumang papel at alikabok sa paligid ay lalo lamang nagpatindi sa tensyong namumuo sa pagitan nilang tatlo. Hawak-hawak niya ang kamay ng kaniyang asawa na si Elena, habang si Marco naman ay alertong nakabuntot sa kanilang likuran.Ngunit pagdating nila sa unang palapag, tila huminto ang ikot ng mundo.Isang pamilyar na bulto ng tao ang naghihintay sa mismong pasukan ng lumang gusali. Nakasandal ito sa pader, bihis na bihis sa kaniyang mamahaling amerikana na tila ba hindi bagay sa madilim at maruming lugar na iyon. Ang kaniyang mukha ay blangko, ngunit ang kaniyang mga mata ay may dalang kakaibang lamig."Adrian," bati ng isang baritonong boses na nagpatindig ng balahibo ng lahat. "Matagal na tayong hindi nagkikita nang ganito."Napatigil si Adrian. Diretsong tumingin siya sa lalaking naging bahagi ng kaniyang kabataan, ngunit ngayon ay tila isang estran

  • ISANG SAPILITANG PAGPAPAKASAL SA WALANG AWA NA CEO   Kabanata 62

    KINAUMAGAHAN. Maagang-maaga pa lang ay nasa tapat na sina Adrian at Marco ng lumang gusali ng Santos Empire. Pero hindi sila nag-iisa. Kasama rin nila si Elena. Hindi na kasi kayang maupo lang ni Elena sa bahay at magbuntong-hininga habang ang asawa niya ay mag-isang humaharap sa mga nakakatakot na lihim ng pamilya nito.Hinding-hindi ko siya iiwan sa laban na 'to, bulong ni Elena sa sarili habang mahigpit na hawak ang braso ng asawa."Sigurado ka bang narito pa ang archive?" seryosong tanong ni Adrian kay Marco. Seryoso ang mukha nito, walang bakas ng pagbibiro."Opo, Sir. Ayon sa tala ng legal department, hindi pa naililipat ang silid na iyon sa bagong gusali," sagot naman ni Marco na patingin-tingin sa paligid."Kung ganoon, hanapin natin ang taong may hawak ng susi."Ilang sandali pa silang nagtanong-tanong sa mga natitirang empleyado sa lumang gusali. Mukha na itong abandonado at multo ng nakaraan. Sa huli, itinuro sila ng isang matandang tagapangalaga—si Mang Juan—sa dating tang

  • ISANG SAPILITANG PAGPAPAKASAL SA WALANG AWA NA CEO   Kabanata 61

    Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong sala matapos banggitin ni Marco ang pangalan ni Victor. Nagkatinginan sila, tila ba biglang bumigat ang hangin sa paligid."Bakit niya kailangang ipalipat ang mga lumang rekord?" basag ni Elena sa katahimikan, bakas sa tinig ang pagtataka at pangamba.Sumandal si Adrian sa sofa, nag-iisip nang malalim bago sumagot. "May posibilidad na may nais siyang itago. Lalo na ngayong alam niyang sinusuri na natin ang mga transaksiyon noong 2004."Agad na tumayo si Marco mula sa kinauupuan. "Sir, tatawagan ko ang legal department. Kailangan nating malaman kung saan eksaktong dadalhin ang mga dokumentong iyon.""Gawin mo," maawtoridad na utos ni Adrian. "Pero mag-ingat ka. Huwag kang gagawa ng anumang hakbang na magbibigay sa kaniya ng dahilan para maghinala."Maya-maya pa, marahang lumapit si Isabella sa kanilang kinaroroonan. "Adrian, may karapatan kang pigilan ang paglilipat na iyan. Isa ka sa mga haligi at bahagi ka ng pamunuan ng Santos Empire."

  • ISANG SAPILITANG PAGPAPAKASAL SA WALANG AWA NA CEO   Kabanata 60

    Maaga pa lang ay nagtipon-tipon na sina Adrian, Elena, Marco, at Isabella sa malawak na sala. Matapos ang matagal na pagkawala ng matanda, halatang sabik ang lahat na malaman ang mga sagot sa mga katanungang matagal nang bumabagabag sa kanila.“Tita, saan po ba kayo nagpunta matapos ang gulo sa lumang pagawaan?” panimula ni Adrian, bakas ang pag-aalala sa boses.Napabuntong-hininga nang malalim si Isabella bago sumagot. “May tumulong sa akin na makatakas mula roon, iho. Dinala niya ako sa isang ligtas na lugar. Hindi ako agad nagpakita sa inyo dahil alam kong may mga matang nakabantay sa bawat galaw natin.”“Sino po ang tumulong sa inyo?” singit naman ni Marco.“Isang dating tauhan ng pamilya,” sagot ng matanda. “Hindi ko muna sasabihin ang pangalan niya hangga’t hindi ako nakakasiguro na ligtas na talaga siya.”Hindi na nagpilit pa si Adrian at agad na lumipat sa mas mahalagang usapin. “Kung ganoon po, ano ang mga nalaman ninyo tungkol sa aking ama?”Tumingin nang diretso si Isabella

  • ISANG SAPILITANG PAGPAPAKASAL SA WALANG AWA NA CEO   Kabanata 59

    Malalim na ang gabi nang makauwi sina Elena at Adrian. Ramdam pa rin nila ang matinding pagod at tensyon mula sa nangyaring pagtakas ni Ernesto sa lumang garahe. Halos maghahatinggabi na at tahimik ang buong kabahayan.Ngunit pagpihit pa lamang ni Adrian pagbukas ng pinto, sabay silang natigilan. Sa gitna ng madilim na sala, sa ilalim ng bahagyang liwanag na nagmumula sa labas, may isang babaeng nakaupo sa sofa."Tita Isabella?" halos pabulong na sambit ni Adrian, hindi makapaniwala sa nakikita.Mabilis na napalingon si Elena sa matanda, nanlalaki ang mga mata sa gulat. "Tita Isabella? Kayo nga po ba 'yan?"Dahan-dahang tumayo ang matanda at bahagyang ngumiti, bagamat bakas sa mukha nito ang pagod at pag-iingat. "Magandang gabi sa inyong dalawa."Agad na lumapit si Adrian, halo-halo ang emosyon sa dibdib. "Paano kayo nakarating dito? Akala namin ay hindi na namin kayo mahahanap matapos kayong biglang mawala!""Pasensya na kung hindi ako agad nagpakita, Adrian," mahinahong sagot ni Isa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status