Ipinasyal ni Ian ang nakababatang kapatid na babae sa park ng exclusive subdivision kung saan nakatira ang kaniyang pamilya. Paglabas niya sa trabaho ay doon siya dumeretso. Ika-labing-isang kaarawan ni Arianne sa susunod na linggo, pero sa araw na ‘yon niya nagpagpasyahang i-celebrate ang birthday nito.
Naghanap siya puwesto kung saan siya puwedeng maglatag ng picnic mat. Ilang oras na lamang at malapit nang lumubog ang araw pero pinili niyang pumuwesto sa ilalim ng manga. Presko sa pakiramdam ang lilim na hatid ng punong-kahoy na ‘yon. Gusto niya sanang ipasyal sa mas maganda at magarang lugar ang kapatid subalit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na pera. May posibilidad din na hindi siya pahintulutan ni Sonia dahil ikagagalit ‘yon ng kaniyang ama.
Mahigpit ang kaniyang ama pagdating sa seguridad ng kapatid at naiintindihan niya ‘yon. Napapayag niya lamang si Sonia dahil sa paglalambing ni Arianne at sa isang kondisyon; dapat na may kasama silang bodyguards. Isa-isa niyang nilabas ang mga pagkaing binili nang matapos niyang ilatag ang mat. Si Arianne naman ay umupo sa tapat niya.
Bumili siya ng fried chicken at spaghetti mula sa paborito nitong fast food chain, ‘yon lang kasi ang kaya ng kaniyang budget. At siyempre, hindi mawawala ang chocolate cake. Sinindihan niya ang kandila gamit ang lighter at kinantahan ng birthday song si Arianne.
“Blow the candle,” nakangiti niyang utos nang matapos kumanta.
Ilang segundo itong nakapikit bago nagmulat ng mata. Inihipan nito ang kandila at malawak ang ngiting tumingin sa kaniya. “Thank you, Kuya.”
“You’re welcome, my little princess.”
Nagsimula na silang kumain nang may mapansin si Arianne. “Kuya, bakit mayroong kulang?”
“Kulang?”
“Walang soft drinks at vanilla ice cream?” nakasimangot nitong tanong.
“Ah, ‘yon ba?” Napakamot siya sa ulo at nagkunwaring nakalimutan ‘yon. “Bawal ‘yon sa ‘yo, ‘di ba?” Pinagbawalan ito ni Sonia na huwag kumain o uminom ng malamig o matamis na pagkain dahil makakasira ‘yon sa boses ng kapatid.
“Birthday ko naman, eh!” maktol nito. “At saka wala naman si mommy.”
“Hindi ba kompleto ang birthday mo kapag wala ‘yon?” Tumango ito bilang tugon at tinapunan siya ng nagmamakaawang titig. “Sa tingin mo ba madaraan mo ako sa ganiyang drama?”Sinenyasan niya ang isang bodyguard ni Arianne na nakamasid sa di-kalayuan. Palihim niya itong inabutan ng pera at papel, doon nakasulat ang ipinabili niya. May convenience store malapit sa park kaya mabilis itong nakabalik.
“Nakakainis ka, Kuya!” Lumabi ito at inirapan siya. “Bawal ka kumain ng mga ‘to!” deklara nito.
“Okay!” nakangisi niyang turan. “Manong, kayo na ang umubos niyan,” aniya sa lalaking lumapit sa kanila.
Napatingin si Arianne sa bagong dating. Namilog ang mga mata ng dalagita nang mapagtantong para dito ang dala ng bodyguard. “Yehey!” bulalas nito. “Manong, huwag mo akong isusumbong kay mommy, ha?” Kinuha nito mula sa lalaki ang soft drinks at ice cream.
Tumango ang ginoo sabay ngiti. Nagpasalamat ang binata bago ito umalis. “Kompleto na ba ang birthday ng mahal kong kapatid?”
A smile danced on her lips and her eyes twinkled. “Thank you, Kuya. I love you.”
“I love you too.” Pinisil niya ang pisngi nito bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Kumain na tayo bago pa matunaw ‘yang ice cream.”
Masayang pinagsaluhan ng magkapatid ang pagkaing hinanda ng binata. Natutuwa siya dahil nagustuhan ni Arianne ang simpleng sorpresa na hinanda niya para dito. Malabo siyang makadalo sa engrandeng selebrasyon ng kaarawan nito kaya nauna na silang nag-celebrate.
“Kuya Ian, do you want to know my birthday wish?” tanong ni Arianne nang matapos silang kumain.
“Okay lang ba na malaman ko?”
Nawala ang kislap sa mga mata nito. “Sana magbati na kayo ni daddy.” Natigilan si Ian sa narinig. “Gusto kong umuwi ka na sa bahay. Ang lungkot kapag hindi kita kasama,” anito sa garalgal na tinig. Namuo ang luha sa gilid ng mga mata nito.
“I’m sorry, Arianne.” Lumipat siya sa tabi nito. Kinabig niya ang ulo ni Arianne patungo sa kaniyang dibdib at niyakap ito. “Sa ngayon, malabo pang matupad ang wish mo. I’m sorry.”
“Why? Mahirap bang makipag-ayos kay daddy?”
Naramdaman niya ang mainit na likidong bumasa sa suot niyang t-shirt. Napahigpit ang yakap niya sa kapatid. “Mayroong mga bagay na hindi mo pa maiintindihan. Pero huwag kang mag-alala, kapag maayos na ang lahat ay magkakasama na ulit tayo. Pangako.”
Nag-angat ito ng tingin. “Puwede bang sumama na lang ako sa ‘yo? Ayoko nang makulong sa bahay.”
“Gustuhin ko man, pero hindi puwede.” Pinunasan niya ang luhang naglandas sa mukha nito. “Ayokong pati sa ‘yo ay magalit si daddy.”
“Pero gusto kitang makasama, Kuya.”
“Don’t worry, Sonia will take care of you. Dadalawin din kita kapag nagkaroon ako ng oras.” At kung hindi siya pagbabawalan ng kanilang ama na makita ang kapatid. Gustuhin man niyang manatili sa tabi ni Arianne, pero higit ang kagustuhan niyang makawala sa poder ng kanilang ama.
“Ian, hinihintay ka ng daddy mo,” bungad na wika ni Sonia nang ihatid niya si Arianne. Umakyat naman agad sa kuwarto ang dalagita pagdating sa bahay. “Nasa library siya.”
“Aalis na ako,” balewala niyang tugon.
“Ian.” Hinawakan ni Sonia ang kamay ng binata upang pigilan ito. “Please, kausapin mo naman ang daddy mo.”
“Mag-aaway lang kami.” Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ng ginang sa kaniyang kamay. “Ikaw na ang bahalang mag-alaga kay Arianne para sa akin.”
She nodded but let out a harsh breath. “Hindi na ba magbabago ang isip mo?”
Bago pa siya makasagot ay nauliningan niya ang yabag ng kaniyang ama. “Ayokong pinaghihintay ako,” anito sa malamig na tinig.
“Uuwi na ako.”
“Ito ang bahay mo kaya saan ka pupunta?” Malumanay itong nagsalita ngunit mababanaag sa mga mata nito ang pagkayamot.
“Sa lugar na malayo sa ‘yo.”
Matalim na tingin ang ipinukol nito sa anak. “Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sa ‘yo. Humingi ka ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa mo at patatawarin kita. Kalilimutan ko ang mga nangyari upang makapagsimula tayong muli bilang mag-ama.”
“Ayoko,” mariin niyang tutol. Deretso niyang sinalubong ang tingin nito. “Hindi ko gagawin ang nais mo.”
Nagtagis ang bagang ng ginoo. Kinuyom nito ang mga kamay. “Kung ganoon…” Humugot ito nang malalim na hininga bago nagpatuloy, “Sa oras na tumapak ka sa labas ng pamamahay na ‘to, hinding-hindi ka na makakabalik.”
“Sa huling pagkakataon ay pagbibigyan ko ang hiling mo.” Buo na ang kaniyang pasya at hindi na ‘yon magbabago. “Ito na marahil ang huli nating pagkikita sa bahay na ‘to.” Hindi na siya babalik doon.
“Ian!” bulalas ni Sonia. Tahimik lamang itong nakikinig sa usapan ng mag-ama pero hindi na ito nakatiis. “Bawiin mo ang sinabi mo. Nabibigla ka lang.”
Umiling siya at matamlay na ngumiti. “Alagaan mong mabuti si Arianne.”
Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi
“Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa
(Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni
Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na
Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama
Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka