A smile danced on his lips. He felt silly. It’s just a friendly date but his heart… Sinapo niya ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nakabibingi ang ingay. Hindi pa kumabog nang ganoon kalakas ang puso niya dahil sa babae.
“You look like an idiot!” Kinuha ni Harry ang tissue mula sa bitbit na supot, nilamukos ‘yon, at ibinato sa kaniya. Sapol siya sa mukha. “Hindi mo man lang napansin na kanina pa ako nakatayo sa pintuan.”
Nakaupo siya sa pangatlong baitang ng hagdanan. Bumagsak ang tissue sa kaniyang paanan kaya pinulot niya ‘yon at ibinato pabalik sa lalaki pero nakailag ito. “Masarap ba ‘yang dala mo?”
“Lugaw, itlog, at tokwa lang ‘to.” Tinungo nito ang mesa at inilapag doon ang bitbit na supot. “Nag-almusal na ako kaya sa ‘yo na lahat ‘to.”
“Salamat.” Tumayo siya at nilapitan ito. “Mamaya na ang date namin ni Sarah,” excited niyang balita rito habang isinasalin ang lugaw sa mangkok.
“Kaya pala ang lapad ng ngiti mo.” Napailing ito. “Seryoso ka ba sa kaniya?”
He lifted his shoulder in a half shrug. Sanay siyang pinagkakaguluhan ng mga babae pero iba si Sarah, ibang-iba. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay may kakaiba na itong naidulot sa kaniya. “Let’s see what will happen next.”
“Hindi ito ang tamang oras para sa ganyang bagay. Huwag mo sanang kalimutan kung bakit ka nagtitiis dito.”
Nawala ang ngiti sa kaniyang labi. “Alam ko ‘yon.”
“Mabuti naman.” Nakahinga ito nang maluwag. “Siya nga pala, nagkita kami ni Sonia kahapon. Isinama niya si Arianne.”
Tumango-tango siya. Siguro, kahit papaano’y naibsan ang lungkot ni Arianne nang makita si Harry. “Puwede ka namang bumalik sa kanila kung nahihirapan ka na,” aniya. Hinila niya ang monoblock chair at naupo roon. Inumpisahan niyang lantakan ang pagkain. “Hindi mo kailangang magtiis dito.”
“Huwag mo akong ipagtabuyan.” Tinapik nito ang kaniyang balikat. “Pinili kong samahan ka kaya mananatili ako rito. Isa pa, alam mo naman na mas gusto ko ang simpleng buhay, ‘yong walang nagdidikta sa gusto kong gawin.”
Natahimik siya. Kailangan nilang mahirapan nang husto para sa simpleng buhay na gusto nila. Weird pakinggan pero ‘yon ang totoo. Samantalang ang iba ay nagpapakahirap para sa marangyang buhay na inaasam. May punto ito, dapat na isipin niyang mabuti ang bawat hakbang na gagawin dahil maaari ‘yong makaapekto sa kinabukasan na pinapangarap niya.
PINAG-ISIPANG mabuti ni Sarah ang ‘friendly date’ nila ni Erhart. Kahit puyat siya dahil sa trabaho ay pinilit niyang gumising ng alas-tres ng hapon. Pinaghandaan niya talaga ang pagdating ng araw na ‘yon. Limang minuto bago mag-alas-singko ng hapon nang may kumatok sa pinto. Tamang-tama na tapos na siyang mag-ayos ng sarili. Nagsuot lang siya ng pambahay na t-shirt at shorts.Hinayaan niyang kumatok nang pauli-ulit ang binata bago ito pinagbuksan ng pinto. Laking gulat niya nang ibang tao ang bumulaga sa kaniya ngunit hind niya ‘yon pinahalata.
“Ikaw pala, Harry,” kaswal niyang wika. “Hinahanap mo ba si Jessica?” Sa palagay niya ay malapit na ang dalawa sa isa’t isa. Ikinuwento sa kaniya ng kaibigan na sabay nag-almusal ang mga ito kaya binilhan na lang siya nito ng lugaw at mag-isa siyang nag-agahan.
“Hindi,” anito sabay iling. “Ikaw ang sadya ko.”
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Bakit?”
“Pinapasabi ni Erhart na hindi matutuloy ang date ninyo dahil masama ang pakiramdam niya. Pasensya na raw.”
“That’s good to hear!” She beamed and clapped her hands enthusiastically. Nalukot ang mukha ng binata sa kaniyang ginawi kaya itinigil niya pagpalakpak. Napalis ang ngiti sa kaniyang labi. Mukhang na-misinterpret nito ang kaniyang sinabi.
“What I mean to say is…” Dapat mapigilan niya ang sarili na makapagbitiw ng mga salita na hindi kaaya-ayang pakinggan. “Masaya ako na hindi natuloy ang kunwaring date na ‘yon,” paglilinaw niya. “Magpagaling ‘ka mo siya dahil bawal magkasakit ang isang call center agent. Hindi puwede sa industriyang ‘yon ang mga sakitin,” lintanya niya at walang sabi-sabing isinara ang pinto nang matapos siyang magsalita.
Mahirap na, baka makita ito ni Jessica at imbitahin pa ito sa loob. Bakit kasi nagkasabay-sabay pa ang rest day nila. Nauna lang ng isang araw ang pahinga ni Jessica at Harry bago ang kanila ni Erhart. Bale, may isang araw sila na pareho ang day off.
“Sarah!” sigaw ng babae bago niya tuluyang maisara ang pinto. “Si Harry ba ‘yan?” tanong nito mula sa itaas. “Nandiyan pa ba siya?”
“Umalis na,” pagsisinuwaling niya. Nagitla siya nang biglang inilusot ni Harry ang kamay sa maliit na awang ng pintuan. Sumungaw siya roon. “Alisin mo ‘yang kamay mo! Gusto mo bang masaktan?” mahina subalit mariin niyang tanong.
“Anong gagawin mo sa akin kapag hindi kita sinunod?” nanghahamon ang tinig nito. “Iipitin mo ba ako?”
Hindi siya kumibo pero hinigpitan niya ang hawak sa seradura at idiniin iyon upang maipit ito. Umusal siya ng piping dalangin na sana’y hindi muna bumababa si Jessica.
“Aray!” pabulong na reklamo ng lalaki. Sumilip ito sa awang ng pintuan. “Aalis na ako. Pakawalan mo na ‘yang kamay ko.”
“Mayroon ka bang kausap diyan?” sigaw ni Jessica.
Kinabahan siya. Narinig niya ang yabag ng paa ng kaibigan kaya mabilis niyang binitiwan ang seradura. Patakbo niyang tinungo ang sofa at naupo roon. Naiwan niyang bukas ang pinto. Nanatili namang nakatayo sa labas ng pintuan si Harry kaya nagkunwari siyang bumalik ito. “May nakalimutan ka bang sabihin?”
Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol sa kaniya ng binata habang hawak nito ang nasaktang kamay. “Mayroon ba kayong ointment? Naipit kasi ‘yong kamay ko.” Umarte ito na para bang namimilipit sa sakit.
Nagkukumahog namang bumaba si Jessica, kulang na lang ay tumalon ito mula sa ikalawang palapag. “Bakit ka naipit?” Nilapitan nito ang binata at sinipat ang namumulang kamay ng lalaki. “Naku, wala kaming ointment! Masakit ba?”
“Hindi naman.” Binawi nito ang kamay kay Jessica. “Sige, babalik na ako sa bahay.”
Pinaikot niya ang mga mata. “Papansin,” bulong niya sa sarili.
“Wait lang,” awat nito sa lalaki. “Kung hindi ka busy puwede kang tumambay rito. Manood tayo ng pelikula.”Nakatalikod sa kaniya ang kaibigan samantalang nakaharap naman ang lalaki sa gawi niya. Sinenyasan niya ang binata na huwag tanggapin ang paanyaya ng dalaga ngunit dinedma siya nito.
“Sure,” nakangiti nitong tugon. Inaasar ba siya nito?
Pumasok si Harry sa loob ng bahay. Tila sinadya pa nitong tabihan siya sa two-seater sofa samantalang may iba naman itong mauupuan.
“Narinig ko ang usapan ninyo ni Sarah na may sakit si Tisoy. Sayang! Marami pa naman akong nilutong pagkain para sa movie date nila.”
Yes! Si Jessica ang totoong nagluto ng pagkain kahit maaga siyang nagising. Nandoon lang siya upang panoorin itong magluto. Ang totoo niyan, mas excited pa ito kaysa sa kaniya.
“Akala ko magde-date kayo sa labas?” usisa ng binata sa kaniya.
“Malabong mangyari ‘yon,” sagot ni Jessica. “Suwerte na si Tisoy na napapayag niya ang kaibigan ko sa gusto niya.”
“Dahil binigyan niya ako ng utang na loob na hindi ko naman hiningi sa kaniya,” depensa niya. “And let me clarify something, hindi ‘yon romantic date. Friendly date lang ‘yon!” Kahit hindi naman sila friends.
“Whatever!” She waived her hand dismissively. “A date is a date, romantic date man ‘yon o friendly date.”
“Ewan ka sa ‘yo!” Sasakit lang ang ulo niya kapag nakipagtalo siya rito. Tumayo siya. “Kayong dalawa na lang ang mag-date tutal, ikaw naman ang nagluto ng pagkain.”
Nagluto ito ng adobong bituka at atay ng manok, popcorn, fishball, kikiam, at squid ball. Hindi niya alam kung bakit nag-abala pa itong magluto samantalang mabibili lang ang mga ‘yon sa tabi-tabi. Napakatiyaga nito sa kusina samantalang siya ultimong pagprito ng itlog at hotdog ay kinatatamaran niya.
“Hep! Hep! Hep!” Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat kaya napilitan siyang bumalik sa upuan. “Diyan ka lang! Ikaw ang mahilig manood ng pelikula kaya huwag mo kaming takasan.”
“Anong genre ang paborito mong panoorin?” feeling close na tanong ni Harry sa kaniya.
Nahihiwagahan siya lalaking ‘to. Noong una, halos ayaw nitong pumasok sa bahay nila at parang ilag pa ito sa kaniya pero kabaligtaran ang ikinikilos nito ngayon. “Horror,” tipid niyang sagot.
Tinungo niya ang TV set. Nakahanda na ang pirated cd na kanilang panonoorin. Isinalang niya ang cd sa dvd player. Nabili niya ang TV set na ‘yon sa murang halaga mula sa dati nilang kapitbahay na umalis na roon. Mahilig siyang manood ng pelikula kaya binili niya ‘yon.
Agad siyang bumalik sa kaniyang puwesto nang mag-play ang cd. Wala siyang pakialam kung ayaw nito sa gusto niyang panoorin.
“Sarah, hahatiran ko lang ng pagkain si Tisoy. Baka nagugutom na ‘yon, kawawa naman.”
Teka, maiiwan siyang mag-isa kasama si Harry? Ayaw niya! “Ako na!” wala sa loob na presinta niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nailang sa presensya nito.
“Ako na ang maghahatid ng pagkain kay Erhart. Samahan mo na lang dito si Harry. Sandali lang naman ako.”Hindi na siya nakahirit pa dahil nagmamadali itong lumabas. Minsan, nalilito siya sa ikinikilos ni Jessica. Hindi niya malaman kung sino ba talaga ang gusto nito sa dalawang lalaki. Bakit kaya magulo ang takbo ng utak ng mga tao?
Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi
“Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa
(Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni
Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na
Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama
Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka