Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa bumalik si Harry. Naiinip siya at hindi mapakali. Gusto niyang sumilip sa kabilang bahay ngunit pinigilan niya ang sarili. Nagpalakad-lakad siya sa kapiranggot na sala at nang magsawa ay umupo siya sa hagdan.
Wala silang upuan, maliban do’n sa dalawang monoblock chair na kasama ng mesa. Iniwan lang ‘yon ng dating nangungupahan do’n dahil malapit na ‘yong masira. Ang iba nilang kagamitan, partikular na sa kusina ay pinahiram lang ni Aling Nena pero kailangan nilang ibalik kapag nakabili na sila.
Hinilot niya ang sentido. Napagtanto niyang mahirap bumukod lalo na’t nag-uumpisa pa lamang siya pero kailangan niyang kayanin. Natapos niya ang isang semestre sa kolehiyo na hindi tumanggap ng allowance sa kaniyang ama kaya positibo siyang malalagpasan niya ‘yon. Umpisa pa lang ‘yon sa pagtupad ng sarili niyang pangarap kaya hindi puwedeng basta-basta na lang siyang sumuko.
“Tisoy!” Sunod-sunod na katok sa pinto ang nakapukaw sa kaniyang diwa. “Tisoy!” muling tawag ni Jessica sa kaniya. “May dala akong pagkain.” Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng dalaga. “May sakit ka raw sabi ni Harry. Kumusta ang pakiramdam mo?”
Nginitian niya ito. “Medyo okay na kumpara kanina,” pagsisinuwaling niya. Wala naman talaga siyang sakit. Nagdahilan lang siya para hindi matuloy ang date nila ni Sarah. Gusto niyang mag-isip muna nang mabuti bago gumawa ng hakbang. May plano na siya bago niya ito makilala kaya hindi puwedeng magpadalos-dalos siya. “Salamat sa pagkain.” Tinanggap niya ang dala nito.“You’re welcome.” Gumanti ito ng ngiti. “Gusto mo bang ipagluto kita ng may sabaw na pagkain? Puro kasi prito ‘yang binigay ko sa ‘yo.”
“Huwag na,” tanggi niya. “Okay na ‘to. Salamat.”
“Uminom ka ba ng gamot?” Alanganin siyang tumango. “Huwag kang mahiyang kumatok sa amin kung may kailangan ka.”
“Salamat.” Hindi niya inaasahang may magmamalasakit sa kaniya kahit nagbago na ang estado ng kaniyang buhay. “Nasa inyo pa rin ba si Harry?”
“Oo. Nanonood sila ng horror movie ni Sarah.”
“Silang dalawa lang?” Iniwan siya nito samantalang ito ang nagsabi sa kaniya na pag-isipang mabuti kung seryoso ba siya o hindi kay Sarah.
Tumango ito. “Actually, movie date n’yo dapat ‘yon at ipinagluto ko pa kayong dalawa dahil walang hilig sa kusina ang isang ‘yon.”
“Date namin?” takang tanong niya. “Sa bahay lang?” At horror movie pa ang panonoorin, kakaiba.
“Yup! Hindi naman kasi nakikipag-date ang isang ‘yon at isang malaking himala na napapayag mo siya.”
Then, he got it all wrong. He thought that she will demand something expensive from him like other girls do. Ang buong akala niya’y magyaya ito sa mamahaling restaurant o movie date sa sinehan. Iyon ang dahilan kung bakit ipinagpaliban muna niya ang pagbili ng gamit sa bahay, baka ma-short siya sa budget. Pero naunsyami naman ang date nila.
“Mayroon ka bang gusto sa kaibigan ko?” Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Seryoso. Hindi tuloy siya nakasagot at tinitigan na lang ito. “Sorry kung biglaan ang naging tanong ko. Nakababatang kapatid na ang turing ko kay Sarah kaya gusto kong malaman kung seryoso ka ba sa kaniya.”
Bakit dalawang tao na ang nagtatanong sa kaniya tungkol doon? Hindi naman niya ugaling gumawa ng bagay na makakasakit ng ibang tao kaya nga pinag-iisipan niyang mabuti kung totohanin na niya ang panliligaw sa dalaga o hindi. Friendly date lang ang paandar niya kay Sarah pero ang totoo, espesyal ‘yon para sa kaniya.
“I hope that you don’t get me wrong. Ayoko lang masaktan si Sarah.”
“Gusto ko siyang maging kaibigan.” Sa wakas ay nakapagsalita na siya.
“Iyon lang ba talaga?” nananantiya nitong tanong.
“Hindi ko alam,” matapat niyang sagot. “Mahirap magsalita nang tapos lalo na’t hindi naman siya mahirap magustuhan.” Kahit na napakasuplda pa nito.
“Salamat sa pagiging honest mo.” Napangiti ito. “Alam kong tinatarayan ka niya pero mabait si Sarah. Hindi na ako magtataka kung mahuhulog ang loob mo sa kaniya kapag lalo mo pa siyang nakilala. Tingnan mo si Viggo—” Tinampal nito ang bibig. “Ang daldal ko talaga! Babalik na ako. ‘Bye!”
Mabilis itong naglaho sa kaniyang paningin. Iniwan niyang bukas ang pinto at pumunta sa mesa upang ilapag doon ang kaniyang bitbit na plato. Nagtatalo ang kaniyang isipan kung pupunta ba sa kabilang bahay o hindi nang biglang sumigaw si Jessica at Harry. Makalipas ang ilang segundo ay boses naman ni Aling Nena ang kaniyang narinig.“Bakit nagsisigawan kayo? Mabuti pang patayin n’yo ‘yang TV kung mag-iingay lang kayo!” tungayaw nito. “Istorbo!”
Maya-maya’y tumahimik na sa kabilang bahay. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at pinakiramdaman ang sunod na mangyayari. Ngali-ngali na niyang puntahan si Harry pero naudlot ‘yon nang lumabas ito sa bahay at sumunod naman si Jessica. Kumaway ang binata nang mapansin siya.
“May bibilhin lang kami,” paalam nito na tinanguan niya.
“Tisoy, huwag kang magpahamog. Pumunta ka na lang sa bahay kung nabo-bore ka diyan.”
“Okay!”
Magandang ideya ‘yon na kanina pa niya nais gawin. Magkukunwari siyang bumuti na ang pakiramdam. Kumatok siya sa kabilang pinto kahit bukas ‘yon. Napatingin si Sarah sa kinaroroonan niya pero agad nitong ibinalik ang tingin sa pinapanood. Nahiya siyang pumasok dahil sa pande-deadma nito sa kaniya. Balak na sana niyang umalis nang bigla itong nagsalita.“Mukha kang tanga riyan. Pumasok ka na!” singhal nito. Tumalima siya at tinabihan ang dalaga. “Ayokong magkaroon ng utang sa ‘yo kaya i-consider mo ‘to na date natin. Wala akong pakialam kung masama ang pakiramdam mo. Bawal magreklamo,” anito ngunit ang paningin ay nakatutok sa telebisyon. “Baka kasi mamaya bigla ka ulit mag-demand ng date.”
“Okay!” Hindi na siya makikipagtalo pa dahil nagsinuwaling siya rito.
Tahimik silang nanonood nang dumating ang dalawa at may dalang beer. Inabutan ni Jessica ng inumin si Sarah pero tumanggi ito. Binigyan din siya ng beer ni Harry subalit mabilis itong napigilan ni Sarah.”
“Hindi siya iinom,” deklara nito at tinabig ang kamay ni Harry bago siya binalingan. “Hindi ka iinom ng alak. Uminom ka ng tubig kung nauuhaw ka.”
“Pero—”
“Akala ko ba mayroon kang sakit?”
“Mayroon nga.” Napakamot siya sa ulo. Nakalimutan niya ang kasinuwalingang may sakit siya. “Pero medyo okay na ako.”
“Fine!” Medyo tumaas ang boses nito at pinaningkitan siya ng mata. “Uminom ka kung gusto mo. ‘Tapos hindi ka makakapasok sa trabaho kapag lumala ‘yang sakit mo. Maaapektuhan lang naman ang performance ng buong team ninyo. Newbie ka pa lang pero pasaway ka na! Kawawa naman ang team manager mo.”
Napatanga siya rito. Ang akala niya’y concern ito sa kaniya ‘yon pala sa ibang bagay ito nababahala.
“TM Sarah, relax ka lang!” natatawang wika ni Jessica. “Wala tayo sa trabaho at hindi naman under sa team mo si Tisoy.”
Mukha pa itong bata para maging manager at sa tantiya niya ay magka-edad lang sila. Pero hindi rin nakakapagtakang ma-promote ito dahil halatang responsable ito at competent.
“Nagsasabi lang ako ng totoo at para din naman ‘yon sa kaniya. Paano siya magtatagal sa trabaho kung ganyan siya? Dapat nga nagpapahinga siya ngayon para gumaling siya agad.”
“Pero ang sabi mo kanina, ituloy natin ang date.” Natuon ang pansin ng lahat sa dalaga dahil sa kaniyang winika.
Saglit itong natigilan bago muling nakapagsalita. “So, kasalanan ko pala kung bakit ka nandito? Inutusan ba kitang tumanghod diyan sa may pintuan habang nanonood ako rito?”
“Hindi.”
“Iyon naman pala!” naiiling na turan nito. “Tutal nandito ka na, ayokong mag-aksaya pa ng panahon. Ayoko ring paulit-ulit na kinukulit at ayokong magkaroon ng utang na loob sa ‘yo.”
Marami siyang napansin sa dalaga sa maikling panahon na pagkakakilala niya rito. Palagi itong sumusunod sa rules, ayaw nitong nagsasayang ng oras, seryoso ito sa buhay, bungangera ito pero maalalahanin, at ayaw nitong mapalapit nang husto sa ibang tao.
“Oo na,” pagsuko niya. “Puwede bang mag-date na lang tayo nang matiwasay?”
“Makulit ka kasi!”
He chuckled. He grabbed her hand and held it tight. He leaned on her shoulder. He felt that her body stiffed for a moment.
“Hoy, Erhart!” Lalong lumapad ang ngiti sa kaniyang labi nang banggitin nito ang pangalan niya. “Bitiwan mo nga ako! Lumayo ka sa akin!”
Hindi niya sinunod ang sinabi nito. Nanatili siya sa ganoong puwesto at mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito kaya nagpumiglas ang dalaga.
“Masakit ang ang ulo ko kaya pahiram muna ng balikat mo.” Lulubos-lubusin na niya ang pagsisinuwaling. Tumikhim si Harry pero hindi niya ito pinansin.
“Nakakainggit naman kayo!” tili ni Jessica. Bitbit ang bote ng beer, hinila nito si Harry. “Doon tayo sa labas uminom. Istorbo lang tayo sa date nila.” Sumama naman si Harry at nagdala pa ito ng pulutan.
“Hoy, Jessica, huwag mo akong iwan!” sigaw ng dalaga subalit nag-flying kiss lang ito.
“Natatakot ka ba sa akin?” tanong niya rito nang masolo nila ang bahay.
“Hindi.”
“Kung ganoon, ipanatag mo ang ‘yong isip. Wala naman akong gagawing masama sa ‘yo.”
Nawalan ito ng kibo at hindi na pumalag. Niluwagan niya ang pagkakahawak sa kamay nito pero hindi niya binitiwan. Ipinikit niya ang mga mata. Ngayon lang ulit siya nakaranas ng literal na may masasandalang balikat sa loob ng mahabang panahon.
HINDI siya makapag-concentrate sa pinapanood. Wala siyang maintindihan dahil nahahati ang atensyon niya sa pelikula at sa lalaking nakasandal sa kaniyang balikat. Hindi ito kumikilos kaya sinilip niya ang mukha ng binata. Nakapikit ito.Ngali-ngali niya itong pitikin sa ilong pero hindi niya itinuloy. Napansin niya kasing malalim na ang paghinga nito. Mukhang nakatulog ang binata. Ginawa pa siya nitong unan. Walang hiya!
“Anong klaseng date ba ‘to? Noong una hindi mo ako sinipot pero bigla ka ring nagpakita. At ngayon, tinulugan mo naman ako. Sayang lang ang effort ko na mag-isip kung paano kita maiinis.” Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito at wala sa loob na hinaplos ‘yon. “Pasalamat ka dahil guwapo ka dahil kung hindi…”
Ano bang pinagsasabi niya? Nasisiraan na ba siya ng ulo? “Anyway, sana gumaling ka na. Under probation ka pa lang kaya huwag mong sayangin ang trabaho mo,” lintanya niya sa tulog na binata. At dahil wala na siya sa mood manood, ininom niya ang isang bote ng beer na naiwan sa lamesita.
Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi
“Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa
(Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni
Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na
Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama
Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka