Share

Kabanata 4

Author: Against the Flow
Nasa kalagitnaan ng meeting si Dad nang matanggap niya ‘yung tawag. Walang pag-aalinlangan, dali-dali siyang umuwi.

Pagdating niya, binuhat niya agad si Wendy na mukhang namumutla, sabay sigaw, "Anak kita, Wendy. Walang makakapagpaalis sayo rito! At huwag mo nang banggitin ulit na aalis ka."

Noong una, akala ko may seryosong nangyari. Paglabas ko ng kwarto at nakita ko ‘yung eksena, parang nahulaan ko na ang nangyayari.

Hindi ako makapagsalita. Hindi naman mahina ang loob ni Wendy, at hindi rin siya takot sa dilim. Hindi siya matatakot sa saglit na pamamalagi niya sa storage room.

Hanggang sa sumigaw si Ian, "Kasalanan lahat ‘to ni Jennifer! Siya ‘yung nagkulong kay Wendy sa storage room! Sino ang nakakaalam kung hanggang kailan siya maiiwan doon kung hindi ako nakauwi?!"

Agad na umakyat si Dad, kinaladkad ako mula sa kwarto ko, hinila pa ‘yung buhok ko, at itinulak ako sa storage closet. Tinali niya ako habang galit na galit siyang nagsasalita, at noon ko tuluyang naunawaan—wala talagang puwang ako sa pamilyang ito.

"Ang sama mo talaga, Jennifer?!" sumisigaw si Ian, nagliliyab ang galit sa mga mata. "Paano mo nakuhang ikulong si Wendy? Babae lang ‘yan! Alam mo ba kung gaano siya natakot? Hindi na kita ituturing na kapatid! Ayokong may kapatid na masama!"

"Tama si Ian," dagdag ni Dad, matalim akong tinititigan."

"Bakit ka ganyan kalupit sa ganyang edad? Ang sama mo."

"Bahay ko ‘to, wala kang karapatang magkulong ng tao. Gusto mong ikulong si Wendy sa storage room, ‘di ba? Sige, doon ka rin manatili hanggang maramdaman mo kung ano ‘yung naramdaman niya!"

"Hindi ka lalabas hangga’t hindi ka totoong nagsisisi sa kasalanan mo."

Hanggang ngayon, naniniwala pa rin si Dad na ako ang may kasalanan. Tanging ‘yung pagsuko ko—‘yung literal na luluhod ako, iiyak, at magmamakaawa—ang hinihintay nila.

Masyado silang nagkamali. Hinding-hindi nila ‘yun maririnig sa akin.

Biglang nagsalita ang butler na nanginginig pa ang boses, "Mr. Stiles… Mr. Stiles! Patay na po si Miss Jennifer!"

Tumigil ang kamay ni Dad na nakaharap kay Wendy. Tinitigan ko siya, ayokong palampasin kahit pinakamaliit na reaksyon. Umaasa ba ako na makita kung may pagsisisi? O takot?

Wala akong nakita.

Sa halip, bahagya pa siyang ngumiti at napailing, waring nainis pa. "Ang kapal ng mukha."

"Patay daw? Kunwari lang yan."

Umiling siya at nagsalita, "Kilala ko ‘yung anak kong ‘yon. Gagawin niya ang lahat para mabuhay."

"Sabihin mo sa kanya tigilan ang pag-arte kung ayaw niyang tumawag ako sa crematorium. Doon, totoo na talaga siyang mamamatay."

Natulala ang butler, hindi makapaniwala.

"Ano pang hinihintay mo?" pasigaw na tanong ni Dad. "May tatlumpung minuto ka para linisin siya at mapaluhod para humingi ng tawad kay Wendy. Kung hindi, isama mo na rin siya umalis dito!"

"M- Mr. Stiles…" nag-alinlangan pa ‘yung butler, parang ‘di alam ang sasabihin.

"Gawin mo na!" at binato ni Dad ‘yung hawak niyang panghimagas sa butler—na para sana kay Wendy.

Wala nang nagawa ‘yung butler kundi umatras.

Binalingan muli ni Dad si Wendy na may matamis na ngiti, at pinunasan nang dahan-dahan ang bibig niya, "Wala na tayong dessert. Iba na lang ang kainin natin, ha?"

"At Wendy, pag nag-sorry na sayo si Jennifer mamaya, huwag mo naman siyang patawarin agad. Dapat makita mo muna siyang magmakaawa sayo. Sobrang bait mo kasi sa kanya."

"‘Wag kang masyadong mabait. Tandaan mo ‘yung mga sinasabi ko, Wendy."

Bahagyang ngumiti si Wendy, tapos nagkunwaring balisa at inosente.

"Sigurado akong nagsisisi na siya, Dad. Malulungkot naman siya ‘pag hindi ko siya agad pinatawad…"

"Napakabait mo talaga, Wendy," may halong pagmamalaki na sambit ni Dad.

Niyakap naman ni Ian si Wendy, nakangiti sa kasiyahan.

Napaka-perpekto, napakaayos nilang tingnan—isang pamilya na kunwari ay puno ng pagmamahalan.

Ito ang pamilya ko sa dugo?

Napangisi ako sa hapdi ng katotohanan, sinubukan kong lumayo—kaso bigla kong na-realize, hindi ko kaya. Nakagapos pa rin ako sa lugar na ‘to, nakagapos sa sarili kong bangkay.

Wala akong magawa kundi panoorin silang nagpapa-sweet sa harap ko, na parang isang telenovela na nagpakirot lalo sa puso ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 11

    Nang makarating kami sa istasyon ng pulis, sinubukan kong sumunod papasok sa interrogation room, pero para bang may pwersang pumipigil sa akin. Para bang nasusunog ang kaluluwa ko sa bawat pagtulak ko, at hindi ko na matagalang tiisin ‘yung sakit.Gusto kong makita siyang umamin sa lahat ng kasalanan niya.Paulit-ulit kong tinangkang pumasok, pero hindi ko talaga kaya. Bawat pagtatangka, parang nagliliyab ang kaluluwa ko, at sobrang hapdi na.Sa sumunod na mga araw, nagpalakad-lakad lang ako sa labas ng istasyon, umaasa na baka makasagap ng balita mula sa mga pulis na papasok at lalabas.Hindi ako nakakuha ng masyadong impormasyon, pero mayroon akong narinig na nakapagpasaya sa akin.Sapat na raw ang ebidensya para kasuhan si Dad ng murder, at inamin niya ang kasalanan. Malapit na raw siya hatulan, at malamang ay death row ang bagsak niya.Under investigation din ang kompanya niya dahil sa tax evasion.Akala ko ay makakalaya si Wendy, pero may nadiskubre rin ang pulis na siya pala ang

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 10

    Napabalikwas ‘yung dalawa, si Dad ang unang tumayo at nag-ayos ng damit. Luminga-linga siya, napabuntong-hininga nang makitang wala namang ibang tao.Ako man, gulat din—hindi ko akalaing kaya ko nang humawak ng bagay. Dahil sa instinct, tinest ko pa kung ano pang kaya kong gawin."Ah! May multo!" biglang sigaw ni Wendy, wari’y may nakita siyang anino.Napatigil ako. Kita niya ba ako?Paglaon, parang na-realize ni Wendy na wala namang tao. Yumakap uli siya kay Dad, nanginginig kunwaring natatakot."Yakapin mo ‘ko, natatakot ako."Bigla siyang naupo sa kandungan ni Dad, sabay tanggal pa ng pang-itaas.Nakita ko kung paano nagbago ang mood ng kwarto at naging intimate na ang kanilang mga kilos. Mahihinang ungol ang maririnig sa silid.Kung buhay pa ako, baka nasuka na ako.Nang nadadala na sa init ng katawan ang dalawa, biglang bumukas ang pinto.Labis na nagulat si Dad at naihi sa kaniyang pantalon. Naghabol ng unan si Wendy para takpan ang sarili, nakatitig sila sa pulis na nakatayo sa

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 9

    "Dapat inisip mo ‘yan bago mo ikinulong si Wendy! Huli na para humingi ka ng awa ngayon!""Mas pinaburan ka ng mga magulang natin nang napakatagal—nasulit mo na ‘yan! Si Wendy nga, wala nang nanay at tatay, ang kapal pa ng mukha mong i-bully siya?!""Sinasabi ko sa ‘yo, kapag sinaktan mo ulit si Wendy, hindi mo makakalimutan ang gagawin ko sa ‘yo!""Ang sama mo, Jennifer! Masyadong mabait si Dad sayo.""Ayoko ng kapatid na masama na gaya mo!""Sana mamatay ka na lang. Nakakahiya kang maging kapatid ko."Bumabalik-balik sa isip ko ‘yung mga salita ni Ian habang naghihirap ako sa kakapusan ng hangin at dilim ng storage room.Hindi ko alam kung ano nga ba ang naisip ko noon sa gitna ng ganoong desperasyon.Sobrang daming tumatakbo sa isip, masyadong mabilis para makapagsalita.Marahil pinagsisihan ko lahat.Pinagsisihan kong nangtiwala agad ako sa isang estranghera.Pinagsisihan kong hindi ko sinamahan sina Mom at Dad sa ancestral home, baka nailigtas ko pa si Mom.Pinagsisihan kong inuna

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 8

    Kinagabihan, nagkulong si Dad sa study room, buo pa rin ang paniniwalang nakatakas ako.Para patunayan iyon, inisa-isa pa niyang pinanood ‘yung CCTV footage sa paligid ng villa.Wala mang camera sa loob ng bahay, covered naman ang labas. Bawat sulok ng labas ng villa ay kita—kung may pumasok o lumabas.Wala. Wala akong bakas na lumabas mula nang ikulong ako sa storage."Imposible ‘to!" sigaw niya sabay hagis ng laptop sa pader. Nabasag ito at nagkalat ang mga piraso."Nag-tamper siya ng footage! Matalino si Jennifer, kaya niya ‘tong gawin!"Wala pa akong nakilalang ganyan ka-walang utang na loob!"Hindi pa siya nakuntento, kinuha pa ang ashtray at itinapon din sa pader.Eksaktong pumasok si Wendy, may dalang gatas, bigla itong natigilan nang makita ‘yung ashtray na halos bumagsak na sa tabi niya. Nalaglag ang baso, kumalat ang gatas sa sahig.Kaagad siyang dinampot ni Dad, niyakap nang mahigpit."Shh… ayos lang, Wendy. Shh. Pasensiya ka na, hindi kita gustong takutin. Naiinis lang ako

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 7

    "Mr. Stiles…" Nagulat siya nang magsalita ang butler.Bigla na lang sinipa ni Dad ang tagiliran ng butler, dahilan para mapaatras ito. "Ano pang tinatayo-tayo mo? Palayasin mo agad ‘yang mga daga!"Siguro kasabwat mo ‘yang Jennifer na ‘yon, ano? Sino pa ang may pakana ng mga daga at ‘yang bangkay d’yan?!"Napangiwi ang butler, halatang masama ang loob at nasasaktan, habang tahimik ko silang pinagmamasdan.Hindi rin naman mabait si Butler—kilala siyang tuso—pero tauhan lang siya. Hindi gaya nina Wendy na may ibang motibo, sinusunod lang niya ang gusto ng ama ko."Hindi ko ginawa ‘yon, Mr. Stiles," maingat niyang paliwanag, pilit pa rin na kalmado. "Si Miss Jennifer po talaga ‘yan. Kayo naman po ang nag-lock sa storage. Ako lang ang nagbukas ngayon."Hindi nabawasan ang galit ni Dad. Sa halip, itinuro niya ang storage room at bumulyaw, "Hindi puwedeng patay si Jennifer! Kunwari lang ‘yan! Nagpe-pretend siyang patay para makatakas!""Hintayin niya at pag nahanap ko siya, babaliin ko ‘yun

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 6

    Naging seryoso ang mukha ni Dad nang hindi pa rin ako lumalabas matapos ang 30 minutes."Kalahating oras na! Anong akala niya, wala akong magagawa sa kanya?!""Ang tigas talaga ng ulo! Hindi pa rin niya naiintindihan ang kasalanan niya!""Hmph! Gusto kong makita kung ano pang kaya niyang gawin!"Sa gigil, hinagis niya ‘yung hawak niyang tasa ng tea, kumalat ang shards nito na lumikha ng matinis na tunog sa sahig.Tahimik akong nakamasid sa likuran, aliw na aliw sa nakikita. Sa likod ng galit ni Dad, napansin kong may konti ring pag-aalala, kahit hindi niya aminin. Napatawa tuloy ako nang bahagya nang napatid pa siya sa isang upuan sa pagtayo."Maghintay ka rito, Wendy. Hihilahin ko mismo si Jennifer dito para mag-sorry."Bumagsak ang mabibigat niyang hakbang patungo sa storage room, halatang puno ng inis. Paglapit niya sa pinto, may biglang daga na tumakbo palabas. Nagulat si Dad, umatras nang konti."Anong nangyari?! Bakit may daga dito?!"Nakatayo lang ang butler sa tabi, putlang-put

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status