Share

Kabanata 5

Penulis: Against the Flow
Hindi naman ganito ang aming sitwasyon noong hindi pa dumadating si Wendy.

Noon, buo pa ang pamilya. May Mommy at Daddy na mahal ako, at si Ian noon ay simpleng bata pa lang.

Naglalaro kami ni Ian, binabasahan ako ni Mom ng bedtime stories, at dinadala ako ni Dad sa park para maglakad-lakad.

Lahat nagbago tatlong summer na ang nakakalipas.

Umuwi sina Mom at Dad sa ancestral home habang kami ni Ian ay naiwan dahil may pasok.

Ilang araw ang lumipas, bumalik si Dad dala ang dalawang balitang dumurog sa puso ko.

Una, naaksidente si Mom sa ancestral home. Hindi niya kinaya—pumanaw siya.

Pangalawa, bago pa man siya mamatay, nag-ampon daw sila ni Dad ng anak ng isang matalik na kaibigan—si Wendy.

Sa isang iglap, nawala ang Mommy ko, pero nagkaroon ako ng bagong "kapatid."

Noong una, natuwa pa nga ako sa pagkakaroon ng ate o bunso—basta’t kapatid. Inisip kong baka ito na lang ang huling "alaala" na naiwan ni Mom, dahil bago siya mamatay, inampon niya si Wendy.

Gusto ko rin naman ng kapatid na babae, kaya sinikap kong maging mabuting ate sa kanya.

Sinisiguro kong walang mambu-bully sa kanya sa school, at pinabantayan ko pa ‘yung mga kaklase niya.

Tinutulungan ko rin siya sa homework at inaalagaan pag nagkakasakit.

Ibinigay ko sa kanya lahat ng kaya kong ibigay bilang kapatid, parang tunay kong kadugo.

Pero isang araw, biglang nag-iba ang lahat.

Nagpunta ako sa classroom niya para dalhan siya ng ointment sa paso, pero narinig kong nagsasalita siya sa mga kaklase:

"Aksidente akong napaso ng ate ko," malambot at paawa niyang boses. "Ako talaga ang may kasalanan—hindi ko dapat binigay sa kanya ‘yung sobrang init na inumin."

"Pakiusap, huwag niyo nang siraan si ate. Mabait naman siya sa akin. Pinapagawa niya lang ako ng mga gawaing bahay at pinagsi-serve ng tea, pero hindi naman niya ako sinasaktan."

Napako ako roon, gulat na gulat sa mga kasinungalingan niya.

Hindi ko naman siya napaso—siya mismo ‘yung gustong magtimpla ng kape para kay Dad, pero pinalabas niyang inutusan ko siyang igawa ako ng tea.

Naparusahan na ako ni Dad noon dahil sa sugat niya, pero hindi ako nagreklamo. Nakokonsensya pa nga ako kasi hinayaan ko siyang makapasok sa kusina.

Pagkarinig ko sa ginagawa niyang paninira, hinarap ko siya sa school nang araw na ‘yon.

Doon na nagsimulang unti-unting magbago ang buhay ko—o baka noon pa nagsisimula na.

Tumigil si Dad sa pag-spoil sa akin. Hindi na rin ako sinusundan-sundan ni Ian tulad ng dati.

Naging dayuhan ako sa sariling bahay—ako ‘yung binubuntunan nila ng galit at sama ng loob.

Habang naaalala ko ‘yung nakaraang tatlong taon, nanginginig ang katawan ko. Marahil dahil patay na ako, manhid na ang kaluluwa, pero para bang bumalik ako sa storage closet uli.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 11

    Nang makarating kami sa istasyon ng pulis, sinubukan kong sumunod papasok sa interrogation room, pero para bang may pwersang pumipigil sa akin. Para bang nasusunog ang kaluluwa ko sa bawat pagtulak ko, at hindi ko na matagalang tiisin ‘yung sakit.Gusto kong makita siyang umamin sa lahat ng kasalanan niya.Paulit-ulit kong tinangkang pumasok, pero hindi ko talaga kaya. Bawat pagtatangka, parang nagliliyab ang kaluluwa ko, at sobrang hapdi na.Sa sumunod na mga araw, nagpalakad-lakad lang ako sa labas ng istasyon, umaasa na baka makasagap ng balita mula sa mga pulis na papasok at lalabas.Hindi ako nakakuha ng masyadong impormasyon, pero mayroon akong narinig na nakapagpasaya sa akin.Sapat na raw ang ebidensya para kasuhan si Dad ng murder, at inamin niya ang kasalanan. Malapit na raw siya hatulan, at malamang ay death row ang bagsak niya.Under investigation din ang kompanya niya dahil sa tax evasion.Akala ko ay makakalaya si Wendy, pero may nadiskubre rin ang pulis na siya pala ang

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 10

    Napabalikwas ‘yung dalawa, si Dad ang unang tumayo at nag-ayos ng damit. Luminga-linga siya, napabuntong-hininga nang makitang wala namang ibang tao.Ako man, gulat din—hindi ko akalaing kaya ko nang humawak ng bagay. Dahil sa instinct, tinest ko pa kung ano pang kaya kong gawin."Ah! May multo!" biglang sigaw ni Wendy, wari’y may nakita siyang anino.Napatigil ako. Kita niya ba ako?Paglaon, parang na-realize ni Wendy na wala namang tao. Yumakap uli siya kay Dad, nanginginig kunwaring natatakot."Yakapin mo ‘ko, natatakot ako."Bigla siyang naupo sa kandungan ni Dad, sabay tanggal pa ng pang-itaas.Nakita ko kung paano nagbago ang mood ng kwarto at naging intimate na ang kanilang mga kilos. Mahihinang ungol ang maririnig sa silid.Kung buhay pa ako, baka nasuka na ako.Nang nadadala na sa init ng katawan ang dalawa, biglang bumukas ang pinto.Labis na nagulat si Dad at naihi sa kaniyang pantalon. Naghabol ng unan si Wendy para takpan ang sarili, nakatitig sila sa pulis na nakatayo sa

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 9

    "Dapat inisip mo ‘yan bago mo ikinulong si Wendy! Huli na para humingi ka ng awa ngayon!""Mas pinaburan ka ng mga magulang natin nang napakatagal—nasulit mo na ‘yan! Si Wendy nga, wala nang nanay at tatay, ang kapal pa ng mukha mong i-bully siya?!""Sinasabi ko sa ‘yo, kapag sinaktan mo ulit si Wendy, hindi mo makakalimutan ang gagawin ko sa ‘yo!""Ang sama mo, Jennifer! Masyadong mabait si Dad sayo.""Ayoko ng kapatid na masama na gaya mo!""Sana mamatay ka na lang. Nakakahiya kang maging kapatid ko."Bumabalik-balik sa isip ko ‘yung mga salita ni Ian habang naghihirap ako sa kakapusan ng hangin at dilim ng storage room.Hindi ko alam kung ano nga ba ang naisip ko noon sa gitna ng ganoong desperasyon.Sobrang daming tumatakbo sa isip, masyadong mabilis para makapagsalita.Marahil pinagsisihan ko lahat.Pinagsisihan kong nangtiwala agad ako sa isang estranghera.Pinagsisihan kong hindi ko sinamahan sina Mom at Dad sa ancestral home, baka nailigtas ko pa si Mom.Pinagsisihan kong inuna

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 8

    Kinagabihan, nagkulong si Dad sa study room, buo pa rin ang paniniwalang nakatakas ako.Para patunayan iyon, inisa-isa pa niyang pinanood ‘yung CCTV footage sa paligid ng villa.Wala mang camera sa loob ng bahay, covered naman ang labas. Bawat sulok ng labas ng villa ay kita—kung may pumasok o lumabas.Wala. Wala akong bakas na lumabas mula nang ikulong ako sa storage."Imposible ‘to!" sigaw niya sabay hagis ng laptop sa pader. Nabasag ito at nagkalat ang mga piraso."Nag-tamper siya ng footage! Matalino si Jennifer, kaya niya ‘tong gawin!"Wala pa akong nakilalang ganyan ka-walang utang na loob!"Hindi pa siya nakuntento, kinuha pa ang ashtray at itinapon din sa pader.Eksaktong pumasok si Wendy, may dalang gatas, bigla itong natigilan nang makita ‘yung ashtray na halos bumagsak na sa tabi niya. Nalaglag ang baso, kumalat ang gatas sa sahig.Kaagad siyang dinampot ni Dad, niyakap nang mahigpit."Shh… ayos lang, Wendy. Shh. Pasensiya ka na, hindi kita gustong takutin. Naiinis lang ako

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 7

    "Mr. Stiles…" Nagulat siya nang magsalita ang butler.Bigla na lang sinipa ni Dad ang tagiliran ng butler, dahilan para mapaatras ito. "Ano pang tinatayo-tayo mo? Palayasin mo agad ‘yang mga daga!"Siguro kasabwat mo ‘yang Jennifer na ‘yon, ano? Sino pa ang may pakana ng mga daga at ‘yang bangkay d’yan?!"Napangiwi ang butler, halatang masama ang loob at nasasaktan, habang tahimik ko silang pinagmamasdan.Hindi rin naman mabait si Butler—kilala siyang tuso—pero tauhan lang siya. Hindi gaya nina Wendy na may ibang motibo, sinusunod lang niya ang gusto ng ama ko."Hindi ko ginawa ‘yon, Mr. Stiles," maingat niyang paliwanag, pilit pa rin na kalmado. "Si Miss Jennifer po talaga ‘yan. Kayo naman po ang nag-lock sa storage. Ako lang ang nagbukas ngayon."Hindi nabawasan ang galit ni Dad. Sa halip, itinuro niya ang storage room at bumulyaw, "Hindi puwedeng patay si Jennifer! Kunwari lang ‘yan! Nagpe-pretend siyang patay para makatakas!""Hintayin niya at pag nahanap ko siya, babaliin ko ‘yun

  • Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay   Kabanata 6

    Naging seryoso ang mukha ni Dad nang hindi pa rin ako lumalabas matapos ang 30 minutes."Kalahating oras na! Anong akala niya, wala akong magagawa sa kanya?!""Ang tigas talaga ng ulo! Hindi pa rin niya naiintindihan ang kasalanan niya!""Hmph! Gusto kong makita kung ano pang kaya niyang gawin!"Sa gigil, hinagis niya ‘yung hawak niyang tasa ng tea, kumalat ang shards nito na lumikha ng matinis na tunog sa sahig.Tahimik akong nakamasid sa likuran, aliw na aliw sa nakikita. Sa likod ng galit ni Dad, napansin kong may konti ring pag-aalala, kahit hindi niya aminin. Napatawa tuloy ako nang bahagya nang napatid pa siya sa isang upuan sa pagtayo."Maghintay ka rito, Wendy. Hihilahin ko mismo si Jennifer dito para mag-sorry."Bumagsak ang mabibigat niyang hakbang patungo sa storage room, halatang puno ng inis. Paglapit niya sa pinto, may biglang daga na tumakbo palabas. Nagulat si Dad, umatras nang konti."Anong nangyari?! Bakit may daga dito?!"Nakatayo lang ang butler sa tabi, putlang-put

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status