Home / Romance / Illicit Affair With My Billionaire Cousin / Chapter 3: Ayaw ni Dad sa kaniya

Share

Chapter 3: Ayaw ni Dad sa kaniya

Author: DickBrain
last update Last Updated: 2025-11-19 09:51:55

"Did I see it right? Roize was here?" Malakas na sigaw ni Dad na umabot sa kwarto ko. Lumabas ako para makita siya mula sa hagdan. Sakto namang papaakyat si dad, nakatingin sa akin habang nagtatanggal ng coat.

"Ayokong nakikipagkita ka sa lalaking iyon."

"Po? But Dad, he's my classmate and he's part of our family."

"Family?" He smirked. "No. Because of their family, kaya nagkakagulo sa clan."

He walked out to his office. Napatingin na lang ako kay mom na nakasunod pala kay dad.

She just shrugged. "Huwag mo nang intindihin ang sinabi ng dad mo. Go back to your room and take some rest."

I nodded before I went back to my room. Napasalampak ako sa kama habang nakatingin sa kisame. What does Dad mean when he says Yves' family was the cause of a mess in our clan?

*****

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa Altrius Academy nang makita ko si Yves na naroon sa guard house at kausap ang isang security guard. Napakunot ang noo ko. Ano naman kaya ang ginagawa niya roon? Ngayon lang ako nakakita ng estudyanteng kumakausap sa mga guwardya at nakikipagtawanan na parang kaibigan niya ang mga iyon.

Anyway, napagdesisyunan ko nang itigil ang nararamdaman ko dahil tumatak na sa kokote ko ang lahat. Hindi kami puwede. Dumagdag pa ang sinabi ni dad kagabi sa akin na layuan ko siya. Siguro mas makatutulong nga iyon para tuluyan ko na ring maibaon sa limot ang nararamdaman ko para sa kaniya.

I went to our classroom at laking pagtataka ko nang hindi umupo sa tabi ko si Yves. Sandali nga, bakit iniiwasan niya ako?

Nagngitngit ang ngipin ko sa inis. Alam ko namang pabor ito sa akin at ilang beses ko nang sinabi sa kaniyang layuan at tigilan niya na ako, pero ngayong ginagawa niya na, hindi ako mapakali. Lalo pa't nakikipagtawanan siya sa ibang mga babae. Oo, iiwasan ko na siya, pero bakit umiiwas din siya sa akin?

I cannot!

I rolled my eyes and tried to compose myself. Calm down, Jenna. You need to calm down.

Pero sa tuwing napapatingin ako sa kaniya, hindi ko maiwasang magtanong, paano na 'yong sinabi niyang hindi naman abala sa kaniyang bantayan ako? Hindi ba't nangako siya kay Mael na aalagaan ako? Bakit naman ganito?

Natapos ang klase at hindi siya sumabay sa akin sa tanghalian. Wala akong kasamang kumain. Mag-isa lang ako't pinipigilan ang pag-iyak. Hindi niya na ako kinulit. Ni isang beses ay hindi niya ako tiningnan. Walang segundong nagkatagpo ang mga mata namin.

Napabuntong-hininga ako at tinanggap na ang pagkatalo. Wala na. Wala na. Ititigil ko na talaga ang kahibangan ko sa kaniya.

"Jenna, can you come here?" tawag sa akin ni Sir Bascus kaya naman pumunta ako sa unahan para lapitan siya.

"This is your grade sa p.e." Itinuro niya ang screen ng laptop niya. Yumuko ako para makita iyon dahil masyadong maliit ang font. "I think you need to submit a special project para mahatak ang grades mo."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa baywang ko. Masyado palang nakalipad ang utak ko kanina at hindi ko namalayang isa-isa palang pinapapunta ni Sir Bascus ang mga kaklase ko para ipatingin ang grades namin for third grading.

Seventy-three?

"A-ano pong special project? Ano pong kailangan kong gawin, Sir?" nag-aalala kong tanong. Hindi ko rin naman kasi masisisi ang grades ko dahil bagsak ang exam ko sa p.e. Actually, majority nga. Hindi naman kasi ako magaling sa academics.

Ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala. Kailangan mo lang namang mag-submit ng video ng sayaw na trending ngayon at depende sa performance mo 'yong grade mo. Posibleng ang pinakamataas na final grade mo sa third grading ay eighty two."

Napatango ako. "Sige po, sir. Magsa-submit po ako."

Binilang ko sa daliri ko ang grade na madadagdag sa akin mula seventy-three to eighty-two. Siyam. Hindi na rin masama.

Naglakad na ako pabalik sa upuan ko. Sinimulan ko nang mag-isip ng sayaw na sasayawin ko para sa special project na iyon at hindi ko namalayang uwian na pala.

"Anong sabi sa 'yo ni Sir?" Nabigla ako nang makita sa tabi ko si Yves. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Agad akong nanghina. Ang galing niya talagang patibukin nang mabilis ang puso ko.

"H-ha? B-bakit?"

"What did he say?"

I gulped. "W-wala naman. Bakit mo ba tinatanong?" Tsaka bakit ko sasabihin sa kaniyang bagsak ako? Nakakahiya! Baka makarating pa kay mom.

Umiling siya. "Wala rin."

"Okay?"

Inayos ko na ang gamit ko at dagling papalabas na ng classroom nang muling tawagin ni Sir Bascus ang pangalan ko.

"Jenna, come to my office immediately."

"Yes, sir!"

Nilagpasan ko na si Yves para sumunod kay Sir Bascus dahil mukhang kakausapin niya ulit ako tungkol sa grades ko. Tamang-tama, may tanong din ako regarding sa sayaw na ipinapagawa niya. Baka kasi hindi niya magustuhan 'yong sayaw na napili ko. Kailangan maganda, para mataas ang grades.

"Jenna!"

Napalingon ako nang may humawak sa braso ko. It was Yves. "I'll join you."

Hindi na ako nakapalag dahil mukhang kahit anong pagtanggi ko ay susundan niya pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon kaseryoso ang timpla niya ngayon. Kanina lang ay hindi niya ako pinapansin at lumipat pa siya ng upuan, ngayon naman ay kakausapin niya ako na parang walang nangyari na para bang hindi niya ako iniwasan.

"Jenna!" nakangiting bati sa akin ni Sir Bascus nang pumasok ako sa office niya. "Oh, you're with Yves." Nawala ang ngiti niya nang makita si Yves na pumasok sa office na kasama ko.

"Yes, sir. I'm sorry. Ang kulit niya kasi. Anyway, bakit niyo po ako pinapapunta rito sa office niyo?"

He cleared his throat. "This is confidential, Jenna. You don't want anyone else to know about your case, right?"

Napanganga ako. Oo nga pala. Nakakahiya kung malalaman ni Yves na seventy-three lang ang grade ko sa p.e.

"Anyway, I'll talk to you next time when you don't have anyone else with you. I'll be going now."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang lumabas na si Sir Bascus sa office niya na para bang inis. Napakagat ako sa labi ko. Nanganganib na ba lalo ang grades ko?

"Next time, huwag mo na akong samahan," sambit ko kay Yves bago ako lumabas. Sumunod naman siya.

"At bakit hindi kita sasamahan?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Illicit Affair With My Billionaire Cousin   Chapter 79: Magpakasal tayo

    "Kaso binenta mo naman," komento ko."Yeah, I need some funds para sa requirements sa trabaho, eh. Mabuti nga at hindi ako pinagalitan ni Aunt Elisse."Hindi ko maiwasang tumanaw ng utang na loob sa mama ni Mael. Kahit hindi niya totoong kamag-anak si Yves, tinuring niya itong parang kadugo niya. At natutuwa rin ako dahil parang sa kaniya naman ni Mael ang pagiging matulungin sa kapuwa although ganoon din naman si Uncle Mikael. Kaya ganoon na lang din ang pagtanaw ko ng utang na loob kay Mael dahil katulad ng nangyari kanina, tinulungan niya akong makawala sa taong gumigipit sa akin, sa amin ni Yves."Alam mo ba noon, Jenna, hindi ko talaga inakalang magugustuhan mo ako. I don't often smile. I am not rich. Compared to you, I'm just a commoner, a penniless, who's not worthy of your attention, but yet you keep on showering me with your love, which I don't know if I can reciprocate enough since I don't have a lot even to show myself."Nangilid ang mga luha ko. Ngayon ko lang nakitang gan

  • Illicit Affair With My Billionaire Cousin   Chapter 78: Magkasama na ulit kami

    "Undress me like we just got married today, Yves."Ngumiti siya. Doon ko nalaman na totoo ang hinala ko. He was acting. Hindi na totoo ang mga sugat at pasa niya sa katawan. Masyado niya lang akong pinag-alala para lang makita kung gaano ko hindi kayang mawala siya sa akin. Siguro'y lihim niya akong pinagtatawanan."Where's the zipper?" tanong niya."Look for it." Kinindatan ko siya, pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. He inserted his hand inside the corset of my wedding gown."What the hell?" Natatawa kong tanong."Why? Hindi ko mahanap, eh. Ito ang pinakamabilis na paraan. Come here, I'll suck them."Akmang lalapit na ako sa kaniya nang may marinig kaming tumikhim. Pareho kaming napalingon sa pintuan at nakita namin si Mael na naka-cross arms at umiiling. "Fix yourself, masyado ka nang nakakaabala sa hospital ko."Napaturo ako sa sarili. "Sorry," nakangiting sagot ni Yves. Kumunot ang noo ko. Teka nga."Hospital mo?" tanong ko kay Mael."Yeah. This is my hospital. Why? Isn't

  • Illicit Affair With My Billionaire Cousin   Chapter 77: Hindi ko kayang mawala siya

    Yves shrugged and pouted. Hindi ko alam kung bakit nawala na ang mga luha ko at napalitan ng kilig habang pinagmamasdan siyang nagpapalambing. "You left me there, Jenna. I thought we could finally be together after we secretly got married, pero katulad ng dati ay iniwan mo ako, ang masaklap pa ay matapos pang may mangyari sa ating dalawa. Paggising ko wala ka na. You made me so insane and worried. Inakala ko pang panaginip lang ang lahat. Imagine, how am I supposed to react when I see myself on the bed alone? I just got married and yet my wife disappeared without a proper notice," mahaba niyang paliwanag. Bakas ang frustration sa kaniyang mukha. "Look, I'm sorry. I just have to do something. Kita mo naman, nasa harap mo na akong muli. Everything went perfectly as planned, Yves. I heard from Mael that you helped him." Hinaplos ko ang pisngi niya na kahit may mga sugat ay hindi kabawasan ng pagiging guwapo niya sa paningin ko. "That won't happen again. I promise. Hindi

  • Illicit Affair With My Billionaire Cousin   Chapter 76: Ligtas ang pinakamamahal ko

    Pinaharurot na ni manong ang sasakyan at hindi naman ako naghintay nang matagal nang tumigil na siya sa Avenzon Hospital. Bumaba na ako at nagbayad. Lakad-takbo akong pumapasok sa hospital, habang pinagtitinginan ng mga tao. Wala na akong pakialam. I need to see Yves. I need to check on my husband. I hope he's fine. I hope he is. Nagtanong ako sa nurse kung saan ang kwarto ni Yves at itinuro niya naman iyon sa akin. My knees began to shake in nervousness. Lalo't naiisip ko ang posibleng itsura niya ngayon. My eyes became weary. Ni hindi ko na makita ang dinadaanan ko. It's blurred because of my tears. Nanghihina ako sa isipin palang na nasa hospital siya dahil naaksidente siya. Sumasakit ang puso ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at napanganga ako at halos hindi makagalaw. Hindi ko magawang humakbang papalapit sa kaniya. This is not the scene I want to see him in. "Yves... I'm

  • Illicit Affair With My Billionaire Cousin   Chapter 75: Pupuntahan ko ang asawa ko

    Hindi ko na napigilang umiyak pa lalo. How I wish Yves was there waiting for me... "Stop crying," Dad whispered. "Smile because today is your day, Jenna." "You know that this is not my day, Dad. This day is the worst day of my life," banggit ko sa kaniya habang pinipilit na ngumiti. "I hate this day so much." Nagsimula na kaming maglakad nang tumugtog ang kantang pangkasal. Hindi ko alam kung bakit sa pandinig ko ay parang kanta ito para sa patay. Sabagay, para na rin naman akong patay dahil ikakasal ako sa lalaking hindi ko mahal at may plano pang masama sa pamilya ko. At higit sa lahat, balak na patayin ang taong totoo kong mahal. "You'll be near to God as I walk you to the altar. Sulitin mo na ang bawat segundo para magdasal. Baka pakinggan ng Diyos ang kahilingan mo," wika ni dad. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o ano. "Hindi ako malakas sa Kaniya."

  • Illicit Affair With My Billionaire Cousin   Chapter 74: Ikakasal na ako

    "I did. Narinig kong nagtalo sila ni Desiree, kaya nabangga sila." Nadurog ang puso ko sa balitang iyon. "But who knows? Baka sinadya ni Desiree na ibangga ang kotse dahil sa sobrang galit niya sa manloloko niyang fiance. I know she can do that." Lumalim ang paghinga ko. Hindi ko akalaing kaya nila itong gawin sa taong mahal nila. Mali, baka hindi totoong pagmamahal ang nararamdaman nila, dahil ang totoong nagmamahal, kayang magpalaya. "You know what? I saw Yves lying on that cold bed barely breathing. Kung wala lang doon ang pinsan mong si Mael ay tutuluyan ko na sana siya." "Fuck you! Don't you dare touch him! Ako ang makakalaban mo!" Napapalatak siya ng tawa. "Don't make me laugh, Jenna. We both know wala kang magagawa sa posisyon mo ngayon. All you can do is obey me, kung ayaw mong mamatay ang taong mahal mo." "What do you really want?!" "Dalawa lang naman—ang matuloy ang kasal natin, at ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status