LOGINMisty's POV
Nasa silid ako habang inaayos ko ang mga damit na dadalhin ko sa trabaho.Pakiramdam ko,mabigat ang dibdib ko,- at alam ko naman kung bakit,dahil muli na naman akong lalayo sa pamilya ko,Bukas na ang byahe ko. "ate,bukas na ba talaga ang alis mo?" Bahagya akong gumalaw upang lingonin ang kapatid kung si mikay.Nakatayo siya sa hamba ng pinto. "oo eh.Kaya ikaw muna ang bahala sa tindahan natin habang wala pa kayong pasok.Sayang din ang kikitain ng tindahan."sabi ko. Lumapit siya, saka umupo sa papag paharap sakin. "ate,may tindahan na rin naman tayo.Bakit kailangan mo pang umalis, at magtrabaho sa ibang tao."sabi niya na naiiyak. Malalim akong napabuga ng hangin. "para sa inyo ni bunso itong gagawin ko,mikay.Gusto kung tulongan sila tatay at nanay.....kayo rin ni bunso.Gusto kung makapagtapos kayong dalawa, kahit ang kapalit nito ay ang paglayo ko pansamantala.Kahit pa sabihin nating may tindahan tayo,kulang na kulang pa rin ang pera, lalo't pareho na kayong nasa kolehiyo.Ayaw kung matulad kayo sakin na hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil wala tayong pera.Kaya tiis-tiis lang muna kapatid,mas malaki ang kikitain ko sa pakikipagsapalaran ko sa malayo."mahaba kung paliwanag. "titigil na lang ako sa pag-aaral ate,para hindi mo na kailangan mangamuhan at lumayo sa amin."sabi niyang muli, sabay pahid niya sa kanyang pisngi.Alam kung umiiyak na siya,-at kahit ako ay naiiyak rin.Pero pilit kong nilalabanan iyon.Ayaw kung ipakita sa kapatid kong mahirap din para sakin na lumayo sa kanila. "yan ang huwag mong gagawin,Mikay.Walang titigil sa pag-aaral.Mas pagbutihan niyo pa lalo ang pag-aaral ninyo ni bunso,dahil kapag nakamit niyo na ang pangarap.Ako na ate ninyo ni bunso ang pinakamasayang ate sa buong mundo."nahihirapan kung sabi,saka muli akong huminga malalim. Umiiyak na tumango siya,saka ako niyakap. "salamat ate Misty,napakabait mong ate sa amin ni bunso at anak sa magulang natin.Kapag nakapagtapos na ako sa kolehiyo,agad akong maghahanap ng trabaho......at ikaw, hindi kana magta-trabaho sa malayo upang hindi kana ulit lalayo sa amin ha."mangiyak-ngiyak niyang sabi. Tumango ako, kasabay ng paghagod ko sa likuran niya. Matapos kaming mag-usap ng kapatid ko,sabay kaming lumabas ng silid.Naabutan namin sila nanay at tatay na nag-uusap ng masinsinan.Tumigil lamang sila ng makita kami. "nay, tay.Kayo na ang bahala mula bukas sa tindahan.Isang taon lang naman ang kontrata ko sa amo ko.At kapag tapos na,uuwi na naman ako."nakangiti kung sabi sa kanila. "basta palagi kang mag-iingat doon,anak.Huwag mong kalimutan magdasal ha."paalala sa akin ni itay. "susundin ko po ang sinabe mo itay.Kayo rin, huwag po matigas ang ulo." "ang ama mo ang pagsabihan mo, Misty.Sa katigasan ng ulo ng ama ninyo,kaya siya napapahamak."sabi ni inay,na ramdam ko ang inis nito sa ama namin. "ikaw naman nay, hindi matigas ang ulo ko aksidente lang talaga ang nangyari sa akin noon."sabi ni itay kay nanay,saka yumapos sa kanya, at parang may ibinulong,dahilan ng pagngiti naman ng nanay namin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Mikay,na may ngiti sa aming labi.Masaya kaming pareho dahil sa nakikita naming sweetness ng mga magulang namin.Bihira lang namin sila makitang mag-away,-at kung mag-away man sila,yung tahimik,walang murahan at walang basagan ng gamit,- o pagwawala. Sana,kapag dumating din sa buhay ko ang pag-aasawa,-yung katulad ni itay ang mapapangasawa ko.Hindi mananakit, at mahamahalin ako habang buhay. ....................... Alas syete nang umaga ng ihatid ako ng pamilya ko sa terminal ng bus.Hindi na ako hinatid ni ma'am Elizabeth dahil alam ko na ang pupuntahan ko sa maynila-sa bahay nang magiging amo ko at may tiwala rin siya sakin. At sa ilang oras kung naging byahe.Nakarating na rin ako sa wakas sa terminal.Sasakay na lang ako ng taxi upang sa ganun,hindi ako mahirapang hanapin ang address ng amo ko. Agad kung pinara ang taxi na paparating, mabuti na lang walang ibang pasahero.Nang makasakay ako,agad kung sinabe ang address kong saan niya ako ihahatid. Dumaan ang ilang minuto, huminto ang taxing sinasakyan ko sa harap ng guard house. "ma'am, hanggang dito na lang kita maihahatid.Bawal na pong pumasok sa loob ang taxi."sabi sakin ng driver. Naintindihan ko naman si manong,dahil private Residence ang lugar, at masyado ng secured.Ang maaari lang pumasok ay mga residente na nakatira rito. Hindi ako nagreklamo. "ayos lang po manong.Heto po ang bayad ko, salamat."saka binigay ko ang pamasahe ko. Pagkatapos kung bumaba ng taxi, napabuga ako ng hangin. "kaya natin ito, Misty.Para sa pamilya."bulong ko sa sarili ko. "good afternoon, ma'am.Saan po kayo?"tanong sa akin ng isang guard. Pinakita ko sa kanya ang hawak kung papel kung saan nakasulat ang address at kung sino ang maging amo ko.Pinakota ko rin ang id ko. "ah kayo po pala ang inihabilin sa akin kanina.Sige po, ipapahatid ko na kayo,para hindi na kayo mahirapang maglakad, at saka gumagabi na rin."sabi ng guard. Bumalik siya sa kanyang pwesto, at may tinawagan sa telepono. Mayamaya lang ay may dumating na isa pang guard.May dalang masasakyan,na siyang maghahatid sa akin sa address ng amo ko. Dahil hindi naman kalakihan ang dala kung bag.Hindi na kinuha ng lalaking guard ang bag ko.Sumakay na lang ako sa sasakyan na dala nito. Ilang minuto lang ang tinakbo ng sasakyan,tumigil na ito sa tapat ng magara at kulay maroon na gate. "dito na po ang address ma'am."sabi sakin ng guard.Nagpasalamat ako rito bago ako bumaba ng sasakyan. Pagkaalis ng guard,tumingala ako.Namangha ako dahil napakalaki ng bahay ng amo ko, at mag-isa lang din siyang pagsisilbihan ko. Napangiti ako. Lumapit ako sa doorbell at pinindot ng isang beses.Ilang sandali muna akong naghintay,mayamaya lang bumukas ang maliit na gate.Lumabas ang may katandaan nang ginang. "magandang gabi po.Ako po si Misty Vergara,ang pinadala ng agency ng Laoag city."pakilala ko sa sarili ko. "pasok ka ineng.Kanina pa kita hinihintay."nakangiting sabi sa akin ng ginang. Pumasok ako sa loob, at sobra akong namangha.Napakaganda, malawak ang loob, at marami ring halaman na namumulaklak.May fountain din sa gitna nito. Continue......Misty's POV Tinatambol ng malakas ang dibdib ko matapos ang sunod-sunod na nangyari sa labas kanina. Alam kung biro lamang iyon ni Sir Rafael,pero bakit may parte sa akin na parang totoo ang mga sinabe niya. Umiling ako. "naku Misty, huwag kang magpadala sa salita lang.Dapat ang paniwalaan mo ay ang kayang gawin sayo ng lalaking mahal ka talaga.At isipin mong hindi kayo bagay."agad na kontra ng bahagi ng isipan ko. "kumalma ka heart.Isipin mo ang pangarap mo para sa pamilya mo.Hwag ka munang umibig dahil nakakasira ng utak ang pag-ibig."sita ko sa sarili. Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang malakas na kabog nito. At nang medyo kumalma na ang mabilis na pagtibok nito.Kinuha ko ang pagkakasabit ng tuwalya ko sa hanger , tuloy -tuloy akong pumasok sa banyo.Nang matapos akong maligo,naghahanap ako ng magandang isuot.Nakakahiya naman kung lalabas ako ng hindi presentable,na kasama ang gwapo,mayaman at mabango. Pero hindi pa ako tuluyang nakakapag bihis ng bumukas ang pinto.
Rafael's POV Nasa library ako at tinatapos ang mga dapat gawin para wala na muna akong iisipin ng isang linggo.KAsaluyan kong hinihintay si Misty dahil may pupuntahan kami ngayon.Plano kung ipasyal sa bahay nila phyton,dahil alam kung matutuwa si Misty nito. At isa pa kaya ako nandito, naghihintay ng tawag mula sa isa ko pang kaibigan-si Lance Montemayor.Si Lance Montemayor,isang tanyag na Surgeon Doctor,pareho silang dalawa ni Tristan, at businessman rin sa Italy,na kung saan siya kasalukuyang nakatira ngayon.Kaya hindi namin siya nakakasama sa gimik. At kami nila phyton, Jordan,Jax ,at Marco ay mga purong businessman sa buong bansa.Magkasosyo rin sa negosyo. Magkakaiba man ang pananaw namin sa buhay.Pero mas higit pa sa pagkakaibigan ang turingan namin sa isa't-isa-kundi parang magkakapatid. Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng takong nang sandal,palapit.Alam kung hindi mahilig sa matataas na sandal si Misty.Dahil ang nakahiligan niya,ay mga flat shoes.Ngunit kaninong
Misty's POV Tanghali na ng maisipan kung lumabas ng silid, nakaramdam na rin kasi ako ng gutom.Kaya kahit kabado ako ng mga sandaling ito,lumabas pa rin ako.Hindi ako maaaring magpagutom baka magparamdam na naman ulit ang sakit kong ulcer.Mahirap na.Wala pa naman mag-aalaga sakin rito. Kasalanan rin kasi ng matabil kung dila-kung bakit kasi iyon pa ang nasabe ko.Para tuloy akong wanted nito,na nagtatago sa otoridad.Ang kaibahan lang,amo ko ang pinagtataguan ko. Pero bahala na si Wonderwoman sa akin,basta ang mahalaga sa akin ngayon,makakain ako dahil kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan. Luminga-linga ako sa paligid, baka makakasalubong ko ito sa pasilyo papuntang kusina , at inaabangan akong lumabas.Kung bakit kasi ang laki ng bahay niya,may second floor pa.... mag-isa lang naman siyang nakatira. Pwera na lang kung may balak siyang magparami ng lahi.Kung sabagay,gwapo naman siya, matikas ang pangangatawan,mayaman, at malakas ang sex appeal.Walang babae ang hindi si
Misty's POV Hanggang sa...... “Hindi ka pa rin talaga masyadong marunong.” Napasinghap ako,kaya bigla akong napalingon, at halos mapaatras din ako dahil nasa likod ko na pala siya ng hindiko namamalayan at saka sbrang lapit niya. “S-sir Rafael…anong ginagawa n’yo dito?”nauutal kong tanong. “Pinapanood ka." diretsong sagot niya. Nagulaat ako,pero agad din akong umiling. “Ano?Pwedeng du'n kana lang po.Magluluto muna ako ng pagkain mo."taboy ko sa amo ko. “Bakit? Bawal ba na nandito ako?” tanong niya, habang hindi inaalis ang tingin sa’kin. Hindi agad ako nakasagot.Dahil sa totoo lang…hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong isasagot.Wala naman talagang bawal kahit nandito siya sa kusina,dahil bahay niya 'to.Katulong lamang niya ako. Napabuntong-hininga siya at lalo pa siyang lumapit sa akin. “Give me that."sabi niya sabay abot sa kutsilyo na hawak ko. Pero bago ko pa maibigay,hinawakan na niya ang kamay ko.Kaya napasinghap ako. “Sir—” “Shh…” mahina niyang sab
Misty's POV "naghihintay kami ng sagot mo, Misty.Ayaw mo nu'n,may magtatanggol sayo, mula sa amo mong matanda."nakangising sabi ni Sir Tristan sakin,sabay tingin nito ng pang-aasar kay sir Rafael. Masamang tingin naman ang ipinukol ni Sir Rafael sa kaibigan nito.Ngunit tinawanan lamang niya si sir Rafael. Hindi pa rin ako kumikibo.Dahil isa lang ang gusto kung mangyari.......gusto ko nang umalis,gusto kung mag-back out sa trabahong ito.Ayaw ko siyang maging amo. Pero kung gagawin ko iyon, ako ang magbabayad sa amo ko.Dahil nasa pinirmahan kung kontrata,na kailangan kung tapusin ang isang taon.Malaki rin kasi ang multa kapag hindi ko tinapos ang isang taon-singkwenta mil(50) din iyon. Ano ang dapat kong gawin? Alam kong hindi magiging madali ang pananatili ko sa bahay na ito.Lalo na…kung siya ang amo ko.Pero para sa pamilya....siguro kakayanin ko na lang. Humakbang si sir Jax habang may ngisi sa kanyang labi.Akala ko kay sir Rafael siya lalapit,pero sa akin pala. Nagul
Misty's POV Abala ako sa paghahanda ng mga lulutuin ko. Isa-isa kong inayos ang mga sangkap sa mesa. Ngunit napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang mga hugasin sa lababo. Bakit may mga hugasin na?Alam kong malinis ang kusina ng i-tour ako ni manang Fe kagabi. Napailing ako at dahan-dahang lumapit sa lababo. Hinawakan ko ang isang plato, tinitigang maigi. “May dumating na ba?” bulong ko sa sarili. Hindi ko naman narinig ang pagdating ng amo ko kagabi. O baka naman sobrang lalim lang talaga ng tulog ko… Napabuntong-hininga ako. Ay naku, Misty… unang araw mo pa lang, papalpak ka na agad. Mabilis kong hinugasan ang mga iyon at inayos ang kusina.Ayokong isipin ng amo ko na tamad ako o pabaya. Habang abala ako, bigla kong naalala.... Yung malalakas na katok kanina. Napahinto ako.Siya kaya iyon? Kinabahan ako bigla. Kung siya nga iyon, ibig sabihin....... nandito na ang amo ko?At mukhang hindi maganda ang unang impresyon niya sa akin. Napakagat ako sa labi.







