Misty's POV "ate Misty,hindi pa ba tayo uuwi?"nakasimangot na taong ng kapatid kung si Mikay -ang pangalawa sa aming magkakapatid. Napatingin ako sa suot kung relo, nakita kung mag-alas singko pa lang naman ng hapon. Kaya naisip kong, maaga pa para umuwi."mayamaya lang ng kunti,baka may bibili pa.Sayang ang kita."sagot ko sa kanya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo,pero ako-tumawa ako ng mahina. "ate naman,hindi ka pa ba pagod?Madaling araw pa lang nandito na tayo sa palengke.Dapat,maaga rin tayong uuwi."sabi niya,saka pabagsak siyang umupo sa plastic na upuan. "dalawang buwan na natin itong ginagawa kapatid,hindi ka pa ba nasanay."nakataas ang kilay kung sabi sa kanya. "sanay na,pero uwing-uwi na kasi ako ate, at masakit na rin kasi mga binti ko."reklamo niya. Tumawa ako,pero umismid lamang ang kapatid ko. "sige na nga.Ayusin natin ang paninda,para makauwi-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang naging si flash ang kapatid ko sa bilis ng mga galaw ni
Last Updated : 2026-03-15 Read more