LOGINMisty's POV
Sobrang hirap ng buhay namin rito sa probinsya ng La Union.Si Tatay may maliit na lupa,na siyang tinataniman namin ng gulay,bawang at sibuyas.Sapat lang ang kinikita kapag anian na-nairaraos naman namin ang pang-araw-araw. Pero kulang na kulang pa rin pagdating sa ibang bagay.Kaya tumigil muna ako sa pag-aaral,dahil kulang na kulang talaga sa pera,lalo na't tatlo kaming pag-aaralin ng mga magulang namin. Sa ikatlong taon na sana ako sa kolehiyo,pero talaga namang hindi na nakayanan ng magulang amin na sabay-sabay kaming paaralin.Hindi naman ako nagtatampo, dahil alam ko naman na sobrang hirap ng buhay namin at wala talaga pantustos sa bayarin sa school.KAya ang dalawa kung kapatid na lang ang kailangan kung pagtapusin sa pag-aaral,-at masaya na ako roon. Bente tres na ako,sexy ,mabait ,masipag at syempre maganda.Kaya lang,sabi ng mga taong inggit sa ganda ko-maitim ako kahit hindi naman masyado.Morena lang talaga ang kulay ko-pilipang-pilipina ang dating. At saka,hindi naman siguro ako magugustohan ni carlo kung sobrang itim ko.Pero kahit na magustohan ako ni carlo,hindi pa rin kami bagay at wala pa isip ko ang magkaroon ng kasintahan lalo na ang pag-aasawa. Marami pa akong pangarap, at isa na roon na iahon sa kahirapan ang parents ko.At patapusin sa pag-aaral ang dalawa ko pang kapatid. "misty,nakauwi na pala kayo."sabi sakin ni itay na kagagaling sa likod bahay namin at may bitbit din siyang palakol,nakasuot pa ito ng mejas sa paa, at saka manipis na jacket. "mano po, itay.Pero bakit nagtrabaho na kayo sa bukid.Hindi pa kayo masyadong magaling."sabi ko. "matigas ang ulo ng tatay mo,misty.Ayaw magpapigil kanina,kaya hinayaan ko na lang.Pero bago siya pumunta sa bukid,ilang beses kung sinabihan na h'wag siyang magpagod."litanya ni inay habang may hawak siyang baso na may lamang tubig,saka binigay kay itay. Tumawa ng mahina ang ama ko, at umupo. "Tatlong buwan na mula ng lumabas ako ng hospital,anak.Malakas na ako at magaling na,kAya h'wag niyo akong alalahanin."sagot ng ama ko. "pero medyo sariwa pa po ang sugat niyo sa tagiliran."sabi ko ulit. "huwag mo akong alalahanin anak.Hindi naman ako nagbuhat,binisita ko lang talaga ang tanim nating bawang.Sa susunod na lingo nga pala,pwede nang anihin ito."sabi sa amin ni itay. "magandang balita iyan,lakay(asawa).May aangkat na agad sa bawang,pero kailangan ko munang ipaalam sa kanya ito."masayang sabi rin ni inay. Masaya rin ako sa magandang balita.Kaya napangiti ako. "ah nga pala anak.MAy tawag ka kanina mula sa agency.HIndi ka raw kasi nila makuntak,kaya ako ang tinawagan."pagkuwan ay sabi ni nanay sa akin. "sige po nay,tay sa silid lang po ako."paalam ko sa kanila, pagkatapos iniwan ang magulang ko sa sala. Pagbukas ko sa nakasarang pinto ng silid namin ni Mikay,naabutan kung mahimbing na siyang natutulog.Yakap-yakap pa ang paborito niyang Stuff toy-ang Minions. Hindi ako gumawa ng ingay upang sa ganun, hindi ito maantala ang mahimbing niyang tulog.Alam ko kasing puyat siya at pagod sa maghapong trabaho sa mini grocery. Kaya pagkakuha ko ng cellpon ko sa cabinet,agad din akong umabas ng silid.Sa labas ng bahay ko na lang bubuksan ang cellpon ko,upang tawagan ang agency.Baka may bagong trabaho na ako ulit. Umupo ako sa kahoy na upuan,saka pinindot ang button ng cellphon ko,na bigay pa ng agency. Habang nakatitig ako sa hawak kung cellphon na kasalukuyang nagbubukas pa rin, napabuga ako ng hangin. Mayamaya lang,may mga mensahe na ang nag-uunahang magdatingan.Ang numero ng agency, at kay Ariana.Mayroon din mula sa unknown number. Hindi ko pinansin ang ibang mensahe,dahil alam kung sa agency lang din ang mga iyon.Ganun naman kasi ang agency,kapag hindi nila ako nakuntak,iba ang gagamitin nila,-o dikaya naman ay si inay ang tatawagan nila. At mamaya ko na lang titingnan ang mensahe ni Ariana.Mis ko na rin ang babaeng iyon.Pero kailangan ko munang unahing tawagan ang agency na tumawag kay inay,baka may trabaho nang nababagay sa akin. Nakailang ring pa lang, sumagot na agad ang nasa kabilang linya. "hello!" "ma'am Elizabeth,ako ito!si Misty."sabi ko. "oh Misty,long time no call ah.Kamusta kana?" "maayos naman po ma'am!"agad kong sagot. "hmm! ma'am,tumawag daw ho kayo kay inay kanina.May trabaho na po ba?"dagdag ko. "oo, meron na.Noong isang araw pa kita tinatawagan,kaya lang hindi kita makuntak.Anong nangyari sayo,Misty?"tanong sakin ni ma'am Elizabeth. "may pinagkakaabalahan lang po ako ma'am."sagot ko. "ah kaya pala.Sige bukas Misty, pumunta ka rito sa office para mapag-usapan natin ng maayos ang bago mong trabaho." "sige po ma'am.Pupunta po ako bukas." Matapos kaming mag-usap ni ma'am Elizabeth,napangiti ako kasabay ng pagmalikot ng paningin ko sa paligid,na medyo madilim na. "bagong trabaho ulit Misty,kaya natin ito.....para sayo at para sa pamilya mo.Isang taon lang naman,makakasama mo ulit ang pamilya mo."sabi ko sa sarili ko. Maaga akong gumising kinabukasan,dahil ako pa ang magbubukas sa maliit naming tindahan.Ang kapatid ko munang si Mikay ang tatao doon,habang wala ako. Mabuti na lang hindi araw ng palengke ngayon,kaya walang masyadong tao na bibili.At saka,ilang oras lang naman akong mawawala. Pagdating ko ng opisina ng agency,agad kung pinuntahan ang pinaka opisina ni ma'am Elizabeth.Mabait si ma'am Elizabeth sa akin.Nang una ko siyang makilala,naging malapit ako agad sa kanya,pala-kwento kasi siyang tao, palakaibigan at binigyan pa niya ako ng mababait na amo....tulad kay Ariana at Sir Phyton noon at sa dalawang una kung naging amo. Tatlong beses muna akong kumatok.Mayamaya lang narinig ko ang boses niya sa loob.Kaya binuksan ko ang pinto.Ang nakangiting mukha ni ma'am Elizabeth agad ang bumungad sa akin. "good morning po,ma'am Elizabeth."nakangiti kong bati sa kanya. "good morning din,Misty." "maupo ka."dagdag niya.Kaya agad akong umupo sa harap ng mesa niya.Pagkatapos,may nilapag siyang papel sa harap ko.Alam kung ang kontrata at kung sino ang maging amo ko. Kinuha ko iyon, ngunit pagkakita ko ng surname ng maging amo ko-napakunot ang noo ko,dahil sa apelyido,pero ang pinagkaibahan lang ay ang pangalan.Misty's POV Tinatambol ng malakas ang dibdib ko matapos ang sunod-sunod na nangyari sa labas kanina. Alam kung biro lamang iyon ni Sir Rafael,pero bakit may parte sa akin na parang totoo ang mga sinabe niya. Umiling ako. "naku Misty, huwag kang magpadala sa salita lang.Dapat ang paniwalaan mo ay ang kayang gawin sayo ng lalaking mahal ka talaga.At isipin mong hindi kayo bagay."agad na kontra ng bahagi ng isipan ko. "kumalma ka heart.Isipin mo ang pangarap mo para sa pamilya mo.Hwag ka munang umibig dahil nakakasira ng utak ang pag-ibig."sita ko sa sarili. Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang malakas na kabog nito. At nang medyo kumalma na ang mabilis na pagtibok nito.Kinuha ko ang pagkakasabit ng tuwalya ko sa hanger , tuloy -tuloy akong pumasok sa banyo.Nang matapos akong maligo,naghahanap ako ng magandang isuot.Nakakahiya naman kung lalabas ako ng hindi presentable,na kasama ang gwapo,mayaman at mabango. Pero hindi pa ako tuluyang nakakapag bihis ng bumukas ang pinto.
Rafael's POV Nasa library ako at tinatapos ang mga dapat gawin para wala na muna akong iisipin ng isang linggo.KAsaluyan kong hinihintay si Misty dahil may pupuntahan kami ngayon.Plano kung ipasyal sa bahay nila phyton,dahil alam kung matutuwa si Misty nito. At isa pa kaya ako nandito, naghihintay ng tawag mula sa isa ko pang kaibigan-si Lance Montemayor.Si Lance Montemayor,isang tanyag na Surgeon Doctor,pareho silang dalawa ni Tristan, at businessman rin sa Italy,na kung saan siya kasalukuyang nakatira ngayon.Kaya hindi namin siya nakakasama sa gimik. At kami nila phyton, Jordan,Jax ,at Marco ay mga purong businessman sa buong bansa.Magkasosyo rin sa negosyo. Magkakaiba man ang pananaw namin sa buhay.Pero mas higit pa sa pagkakaibigan ang turingan namin sa isa't-isa-kundi parang magkakapatid. Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng takong nang sandal,palapit.Alam kung hindi mahilig sa matataas na sandal si Misty.Dahil ang nakahiligan niya,ay mga flat shoes.Ngunit kaninong
Misty's POV Tanghali na ng maisipan kung lumabas ng silid, nakaramdam na rin kasi ako ng gutom.Kaya kahit kabado ako ng mga sandaling ito,lumabas pa rin ako.Hindi ako maaaring magpagutom baka magparamdam na naman ulit ang sakit kong ulcer.Mahirap na.Wala pa naman mag-aalaga sakin rito. Kasalanan rin kasi ng matabil kung dila-kung bakit kasi iyon pa ang nasabe ko.Para tuloy akong wanted nito,na nagtatago sa otoridad.Ang kaibahan lang,amo ko ang pinagtataguan ko. Pero bahala na si Wonderwoman sa akin,basta ang mahalaga sa akin ngayon,makakain ako dahil kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan. Luminga-linga ako sa paligid, baka makakasalubong ko ito sa pasilyo papuntang kusina , at inaabangan akong lumabas.Kung bakit kasi ang laki ng bahay niya,may second floor pa.... mag-isa lang naman siyang nakatira. Pwera na lang kung may balak siyang magparami ng lahi.Kung sabagay,gwapo naman siya, matikas ang pangangatawan,mayaman, at malakas ang sex appeal.Walang babae ang hindi si
Misty's POV Hanggang sa...... “Hindi ka pa rin talaga masyadong marunong.” Napasinghap ako,kaya bigla akong napalingon, at halos mapaatras din ako dahil nasa likod ko na pala siya ng hindiko namamalayan at saka sbrang lapit niya. “S-sir Rafael…anong ginagawa n’yo dito?”nauutal kong tanong. “Pinapanood ka." diretsong sagot niya. Nagulaat ako,pero agad din akong umiling. “Ano?Pwedeng du'n kana lang po.Magluluto muna ako ng pagkain mo."taboy ko sa amo ko. “Bakit? Bawal ba na nandito ako?” tanong niya, habang hindi inaalis ang tingin sa’kin. Hindi agad ako nakasagot.Dahil sa totoo lang…hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong isasagot.Wala naman talagang bawal kahit nandito siya sa kusina,dahil bahay niya 'to.Katulong lamang niya ako. Napabuntong-hininga siya at lalo pa siyang lumapit sa akin. “Give me that."sabi niya sabay abot sa kutsilyo na hawak ko. Pero bago ko pa maibigay,hinawakan na niya ang kamay ko.Kaya napasinghap ako. “Sir—” “Shh…” mahina niyang sab
Misty's POV "naghihintay kami ng sagot mo, Misty.Ayaw mo nu'n,may magtatanggol sayo, mula sa amo mong matanda."nakangising sabi ni Sir Tristan sakin,sabay tingin nito ng pang-aasar kay sir Rafael. Masamang tingin naman ang ipinukol ni Sir Rafael sa kaibigan nito.Ngunit tinawanan lamang niya si sir Rafael. Hindi pa rin ako kumikibo.Dahil isa lang ang gusto kung mangyari.......gusto ko nang umalis,gusto kung mag-back out sa trabahong ito.Ayaw ko siyang maging amo. Pero kung gagawin ko iyon, ako ang magbabayad sa amo ko.Dahil nasa pinirmahan kung kontrata,na kailangan kung tapusin ang isang taon.Malaki rin kasi ang multa kapag hindi ko tinapos ang isang taon-singkwenta mil(50) din iyon. Ano ang dapat kong gawin? Alam kong hindi magiging madali ang pananatili ko sa bahay na ito.Lalo na…kung siya ang amo ko.Pero para sa pamilya....siguro kakayanin ko na lang. Humakbang si sir Jax habang may ngisi sa kanyang labi.Akala ko kay sir Rafael siya lalapit,pero sa akin pala. Nagul
Misty's POV Abala ako sa paghahanda ng mga lulutuin ko. Isa-isa kong inayos ang mga sangkap sa mesa. Ngunit napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang mga hugasin sa lababo. Bakit may mga hugasin na?Alam kong malinis ang kusina ng i-tour ako ni manang Fe kagabi. Napailing ako at dahan-dahang lumapit sa lababo. Hinawakan ko ang isang plato, tinitigang maigi. “May dumating na ba?” bulong ko sa sarili. Hindi ko naman narinig ang pagdating ng amo ko kagabi. O baka naman sobrang lalim lang talaga ng tulog ko… Napabuntong-hininga ako. Ay naku, Misty… unang araw mo pa lang, papalpak ka na agad. Mabilis kong hinugasan ang mga iyon at inayos ang kusina.Ayokong isipin ng amo ko na tamad ako o pabaya. Habang abala ako, bigla kong naalala.... Yung malalakas na katok kanina. Napahinto ako.Siya kaya iyon? Kinabahan ako bigla. Kung siya nga iyon, ibig sabihin....... nandito na ang amo ko?At mukhang hindi maganda ang unang impresyon niya sa akin. Napakagat ako sa labi.







