Share

CHAPTER 5

Zanevy Frealiza.

KAKATAPOS lang naming mag lunch. Ayaw ko sanang sumabay sa kanila dahil nahihiya ako kay Grace at Auntie Gloria lalo na kay Papa pero hindi ako makatanggi kay Papa. Ang pinagtaka ko lang ng walang Thyme ang sumabay sa amin sa pagkain.

Hindi ko siya nakita pagkatapos ng nangyari. Hindi kaya iniwan niya na ako sa ere?

Kailangan kong matapos ang ginagawa ko lalo pa at bukas pupunta kami ni Auntie Gloria sa doctor. Hindi ko maintindihan kong bakit kailangan ko pang gawin 'to pero kung sa ikakatahimik ng lahat at para napatunayan ko na wala akong ginagawang masama na ikakasira ng tiwala ni Papa ay kailangan kung gawin, ayaw kong mapahiya si Thyme lalo't pa wala naman talaga siyang ginagawa sa akin.

Iniisip ko na sana nandidito si Mama sa tabi ko at nakakasama ko. Gusto kung maramdaman ang pagmamahal niya kahit na impossible iyon palagi ang dalangin ng puso ko kahit sa panaginip man lang...

"Come in," Ibinaba ko ang papel na binabasa ko ng may kumatok sa pintuan.

Napansin kong may isang patak ng tubig ang papel na binabasa ko, hindi ko na pansin na umiiyak na pala ako sa iniisip ko. Pagkatapos ko kasing kumain kaagad akong bumalik sa opisina para tapusin ko ang lahat ng tatapusin.

"Hey!" Nakita kong si Thyme ang iniluwa ng pinto.

Napatingin ako sa kaniya ng makita kong mukhang galing pa lang siya sa labas, saan naman kaya siya pumunta? Halata naman na may pinuntahanan siya.

"You okay?" Kaagad kong pinunasan ang mukha ko ng marinig ko ulit ang boses niya, tumayo ako at pumunta sa harapan ng mesa ko.

"Y-yes, may naisip lang ako. Teka saan ka ba galing? Kumain ka na ba?" Nginitian niya ako.

Naglakad siya papalapit sa akin. Na upo siya sa mesa ko at hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kaniya at niyakap ako. Isinisiksik niya ang mukha niya sa dibdib ko at niyakap niya ako ng mahigpit, napa-hawak ako sa balikat niya ng nagtataka.

Nahigit ko ang hiningga ko ng dahil sa ginawa niya at 'di ko maiwasang maramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.

"I'm fine, how about you?" Bumaba ako ng tingin sa kaniya. Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin naka-angat pala siya ng tingin sa akin.

"I'm sorry," Dagdag niya pa.

Hindi ako makasagot, masyado akong na aakit sa mga mata niya kaya hindi ko maiwasang mapatitig dito.

"Para saan?" Takang tanong ko sa kaniya.

"About what happened, Zane. I'm sorry," Muli niya akong niyakap.

Naramdaman kong lumapat ang labi niya sa dibdib ko kaya bahagya ko siyang na itulak papalayo sa akin.

"H-hindi mo kailangang huminggi ng sorry, isa pa ako ang may kasalanan iyon. Actually hindi lang iyon ang pino-problema ko," Pag-aamin ko sa kaniya.

"What else?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

"Nag back out ang engineer, wala akong mahanap na bago na pwedeng ipagpatuloy ang na simulan nito dahil karamihan sa nakukuha gusto nilang simulan sa simula at magbago ng materials na gusto nila, ayaw ko namang masayang ang materials na nabili na. Isa pa na simulan na ang projects, ayaw kung ulitin pa ito dahil sa mas lalong mapapataggal ang pag-gawa..."

"You mean?"

"Kung pwede sana, ikaw na lang ang kunin ko?"

Nahihiyang tanong ko sa kaniya, nakita ko namang kumunot ang nuo niya at naramdaman ko ring niluwagan niya ang pagkakahawak sa bewang ko.

"Sinabi mo sa akin noong isang araw tutulongan mo ako sa pamamahala nitong Rancho, ito na binibigyan na kita ng duty pero kung ayaw —"

"Okay, but in one condition?" Putol niya sa sasabihin ko.

"Sige, kahit ano! Pumayag ka lang na ikaw na ang magpatuloy ng projects sa site," Walang alinlangang sagot ko sa kaniya.

"Be my girl," Napa-atras ako ng marinig ko ang sinabi niya, hindi pa nga ako pumapayag na manligaw siya tapos hihilingin niya na maging girlfriend ako?

"Ayaw mo atah eh, sige wag—"

"Yes! Oo na! Sige na...” Putol ko sa kaniya.

Napasimangot ko kasi naman naglalakad na siya papalabas ng opisina mukhang tatanggihan niya talaga ako.

"Anong yes? Oo na? Sige na?" Kunot-noong tanong niya sa akin. Low gets ganu'n?

"Oo na, tinatanggap ko ang offer mo. I'll be your girl... Now happy?" I pouted as I saw him grinning, inisahang hakbang niya ang pagitan namin.

"Wala ng bawian niyan, ah?" Hinampas ko siya sa balikat niya dahil masyado siyang demanding.

"Wala ng bawian pero dapat mong patunayan, total sinabi mo naman kay Papa na maging trababador ka niya kaya simulan mo na ngayon, mag trabaho ka sa Rancho wag lang ang sa sites ang atupagin mo bilang Boss bawal kang tumangi."

"Sinabi ko lang 'yon kapag napatunayan nila na totoo ang sinasabi ng babaeng 'yon. Isa pa wala akong planong trabador dito pwera na lang kung gusto mong itakwil ka ng Papa mo," Baliw!

"Heh! Kailan man hindi ko hindi ko gugustuhin na palayasin ako ni Papa, pero natatakot ako sa maaaring maging resulta..." Humingga ako ng malalim, bumalik siya sa pagkakaupo sa ibabaw ng mesa ko.

"Pinapatawa lang kita, wag mong dibdibin ang sinabi ko. Hindi ko hahayaan na palayasin ka ng Papa mo, nandito lang ako. Wag kang mag-alala hindi kita iiwan." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan ang likod.

Lumundag ang puso ko sa ginawa niyang iyon, I find him really sweet.

"Date check, July 25. You're now officially my girlfriend."

Ipinalibot niya sa batok niya ang braso ko bago ko naramdaman ang kamay niya sa bewang ko.

"Offer accepted Madame, but can I have a kiss first?" He demanded that makes my eyes widen. Kiss—

Bago pa man ako makapag-protesta naramdaman ko na lang na lumapat ang labi niya sa labi ko na mas lalong ikinagulat ko.

He's lips moving so tender and passionate, I can't move on my stand. Wala akong ibang nasa isip kundi ang halik niya sa akin na nakakadala kaya hindi ko maiwasang igalaw rin ang labi ko para tugunin ang halik niya. Ipinikit ko nag mata ko para damhin ang init ng kaniyang halik, nagawa kong ibigay sa kaniya ang unang halik ko ng walang pag-aalinlangan.

"Fuck, baka mapahiya ako sa hamon ko Papa mo kapag hindi pa kita iniwan rito." Sambit ni Thyme ng pakawalan niya ang mga labi ko.

"I need to go, mahirap na baka kung saan pa 'to mapunta." Dagdag niya pa at muli akong hinalikan sa labi bago tumingin sa mga mata ko.

"I love you..."

Napako ako sa kinatatayuan ko kasabay ng malakas na tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi niya ng makabawi ako sa sinabi niya ay nakalababas na siya sa opisina ko.

Thyme Xenon.

"BOSS, SIGURADO ka ba rito? Ang gwapo ko naman para maging construction worker..." Sinamaan ko ng tingin si Barrel ng marinig kong nagreklamo.

"Do you think I fit in this kind of fucking shit? Just do what I've ask you to do if you don't want me t —"

"Oo na Boss! Wag mo na akong pagbantaan, ano wala ka pa bang ibang ipapagawa?" Putol niya sa akin.

"Meron, sundan mo mamaya sila Zane alamin mo ang bawat kilos ni Gloria, wala akong tiwala sa kaniya."

Ngayon ang araw na pupunta sila sa hospital para patingan si Zane, sa pagkaka-alam ko si Zane lang at si Gloria ang pupunta doon. Gusto ko sanang samahan siya pero may trabaho ako dito sa sites. Si Barrel ang kinuha kung trabador ng sakto naman na kulang ng isang construction worker. May mapag-uutusan ako rito sa loob ng Rancho.

I already think how long my it takes, hindi naman masyadong malaki ang bakud na pinapagawa ni Zane kaya alam kung sa loob ng isang linggo tapos na ito.

"Thyme!"

Napalingon ako kung saan nang-gagaling ang boses na tumatawag sa akin. Na pa irap ako sa hangin ng makita kong kumakaway na papalapit sa akin si Grace.

"Thyme gutom ka na ba? May dala akong snack para sayo ito tikman mo!" Iniabot niya sa akin ang isang tupperware na may lamang pagkain.

"Thanks but no thanks, I'm still full and I'm busy working, leave me alone." Malamig king tugon sa kaniya.

Binalinggan ko ang mga trababador na nakatingin sa amin ni Grace may narinig pa nga akong sumipol. Tsk. Hindi kami bagay ng babaeng ’yan!

"Wala akong kasama sa bahay eh, kaya dito na muna ako sayo kung pwede? Kaka-alis lang kasi ni Mommy at ni Isay eh,"

Hindi ko siya tinapunan ng kahit isang sulyap, pinagpatuloy ko ang pag guide sa kasamahan ko sa pag-gawa nila.

"So? Much better to prepare yourself to be my Zane’s slave." Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya at nilapitan ko si Aldo.

"Kamusta ang pinapagawa ko sayo?"

"Ayos na po, Sir!" Sumalodo pa ito sa akin.

Inutusan ko siyang bumili ng snack sa labas para sa mga kasamahan namin.

Nakita kong nakatingin sa akin si Barrel kaya suminyas ako na umalis na siya dahil naka-alis na sila Zane, baka hindi niya na maabutan.

"Twenty minutes break!" Sigaw ko sa mga kasamahan ko dahil masyado ng mainit at oras na rin naman para sa snack, paano sila sisipagin kung gutom na.

"Ang bait ng Boss natin nu?"

"May break sa gitna ng trabaho may pa snacks pa!"

Rinig kong bulungan ng dalawang trabador ng bumalik ako sa kubo kung saan ni Aldo inilagay ang mga pagkain para sa snack.

"Boss, inumin niyo..." Inabutan ako ni Aldo ng isang energy drink, tumango ako sa kaniya at binuksan ko ito para uminom.

"Sa tingin mo papayag ako na maging alipin ni Isay? Thyme, halos palagi kayong magkasama impossible na hindi mo pa siya nakukuha, mahina ka na ba ngayon sa babae?" Inubos ko lahat ng laman sa hawak kong bote, bago humarap kay Grace.

"Well, sa tingin mo ba balak kong maging trabador? Wala kang pakialam kong anong mayroon sa amin ni Zane, labas ka na doon."

Inilagay ko sa mesa ang ininuman ko at ngumiti ako ng alukin ako ng mga kasamahan ko ng kinakain nila.

"May pakialam ako Thyme dahil mahal kita at handa akong gawin ang lahat mahalin mo lang ako!"

Natigilan ang mga kasamahan ko ng marinig nila ang sinabi ni Grace. May ilang pa ngang ngumiti at sumipol.

"You most be kidding me,"

Naglakad ako papalapit sa kaniya hindi niya iyon kailangang ipagsigawan. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya at humawak sa dibdib ko. Fuck!

"I'm not! Thyme mahal kita, gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin, ibibigay ko sa ang bagay na hindi na iibigay ni Isay," She seductively said.

"I will never be yours. She trust me and I won't waste it just for you..."

Nginisihan ko siya at tinangal ang kamay na nakahawak sa dibdib ko, nakita kong bumakas sa mukha niya ang galit.

Magsasalita na sana siya ng tumunog ang phone ko, kaya umalis ako sa harapan niya nagpa-alam na rin ako kay Aldo na siya ng bahala rito.

"Hello?" Ano namang kailangan nito.

["Don't tell me naka-score ka na? Pftt,"] Napairap ako sa hangin at binuksan ko ang driver side ng sasakyan ko bago pumasok sa loob.

"Alam mo chismoso ka rin minsan, teka saan mo naman iyan na pulot ah?"

["Mom ask me if I know what's going on you, like you are asking her expertise,"] Natatawa niyang sambit.

"You got it wrong, I need Tita's expertise to check her up if she's... You know!" Sumandal ako sa headrest sa driver set.

["Pfft! Ganiyan ka ba ka sigurista para alamin pa ang bagay na 'yan?"] Hindi makapaniwalang tanong ni Tristan sa kabilang linya.

"I'm not. Someone caught us up,"

["Sabihin mo nakabuntis ka! Congrats man!"]

Napamura ako sa isip ko ng marinig ko ang sinabi ni Tristan.

"Of course not! Maliban na lang kung nakakabuntis na ang maramdaman ng babae na nabubuhay ang alaga mo." Singhal ko sa kaniya.

Iremember Zane's reaction as she feel my friend getting hard.

["Haha na purnada pala ang process ng pamangkin ko, so what's now?"]

"Just like what I told you, someone caught us at isinumbong kami. Then, this is just a solution to prove that there is nothing happened between us that time,"

["Ow... Malas naman niyan, Haha! Nasa plano mo pa ba 'yan ah? Baka nam —"]

"Of course! Naka-ayon lahat sa plano ko, kaya maghanda na kayo, tsk!" Narinig ko namang tumawa sa kabilang linya si Tristan.

["Yeah! Whatever buddy, if that so. Wala pala akong dapat na ipagdiwang. Payong kaibigan, tol, mag-iingat ka sa susunod wag masyadong maingay para walang nakakarinig,"]

"Gago! Tumawag ka ba para asarin ako? Sige na may gagawin pa ako."

["Bata ba 'yan?"]

"Ulol!"

Pinatayan ko ng tawag si Tristan, sira ulo.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko pabalik sa bahay, hindi ko akalain na madali kong makukuha si Zane sa isang linggo ko rito walang na sayang na oras she's now my girl, in fact lahat ng nangyayari ay na ayon sa plano kapag lumabas na ang results for sure na marriage certificate naman ang aasekasuhin ko.

Sa kalagitnaan ko sa byahe narinig kong nag-ingay ang phone ko.

[“What the hell did you do Thyme? I said marry her not to took her advantage!”] Dad should angerly as I answer the phone.

"Dad, I didn't take her advantage! I can't do that to her she's so innocent for that! I'll prove it to you that I didn't use her," Itinigil ko ang sasakyan sa harapan ng Bahay ni Mayor.

["Siguradohin mo lang Thyme dahil hindi mo ako kakampi kapag lumabas ang resulta, panindigan mo ang hamon mo kay Francisco!"]

"I stand on my own Dad, I know what I'm doing so don't worry about it I can handle it, I'll hang up now."

Kaagad kong pinatay ang tawag ni Dad at lumabas ako ng sasakyan at pumunta sa kwarto. Na ligo ako at nagbihis. Nagmamadali akong umalis sa Mansion para sunduin si Zane para sabay kaming punta kay Tita.

Gusto ko ng malinis at malinaw na resulta lalo pa at ako ang nanghamon, ayaw kong mapahiya ang sarili ko at lalo na kay Dad. He's mad, I know it.

Madali akong nakarating sa hospital kaya ipinarada ko ang sasakyan bago bumaba, sa sasakyan ko dala ang isang boutique of flower para kay Zane na nabili ko sa nadaanan kong flower shop. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao, gwapo ko talaga!

I dialed Zane's number.

["Hello? Zanevy's speaking, me I know who's the caller please?"] I smiled as I heard formality.

"Your boyfriend, Miss Zanevy, yeah. Your name are so beautiful like you..." Sambit ko at pumasok sa lobby ng hospital.

["Thyme? Saan mo naman nakuha ang number ko? Teka bakit napatawag?"]

"Where are you?" Balik kong tanong at inilibot ko ang tingin ko sa kabuohan ng looby.

["Nasa hospital bakit?"]

"Exact location?"

["Third floor, bakit?"]

"How's your check up?" Tanong ko.

Naglakad ko papunta sa elevator then I press the three button buti na lang walang tao kaya sulo ko nag elevator.

["Tapos na, naghihintay na lang ako ng results. Kinakabahan na nga ako eh, parang ayaw kong marinig ang results. Bakit mo nga pala na tanong?"]

"Don't be, after this you're going to be my wife. Haha, nasa saan nga pala ang kasama mo?"

Nakita ko siyang nakaupo sa isang waiting area at wala akong nakikitang Gloria sa tabihan niya.

["Nakakainis ka na ah! Kanina pa ako nagtatanong pero kahit isa wala kang sinasagot, kung wala ka ng ibang sasabihin iba—"] I cut's her off as I saw her irritating face.

"I love you..." I lick my lower lip as I saw her reaction when she heard what I've said.

["T-Thyme hindi ako nakikipag-biruan na saan ka ba?"] Tumayo pa siya.

Nakahawak pa sa bewang niya ang isa niyang kamay na nakatalikod sa akin, she's wearing a pink off shoulder dress pair with white shoes, kitang-kita ko ang kurba ng kaniyang katawan, I walk towards her.

Nang limang hakbang na lang ang pagitan namin ay tumigil ako. Itinago ko sa likod ko ang kaliwang kamay ko kung na saan ang bulaklak na hawak ko.

"At your back," Mahinang sagot ko. Ibababa ko na sana ang phone ko ng lumingon siya sa akin.

Napalunok ako na para pang slow motion siyang lumingon sa akin, ang buhok niya at sumasabay sa kaniyang pag lingon, nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi, ang tuwa sa kaniyang mukha na hindi ko maiwasang mapa-awang ang labi ko sa iisipin na napaka-ganda ng babaeng nasa harapan ko.

"May dumi ba ako sa mukha?"

Natauhan ako ng marinig ko ang boses niya nasa tapat ko na pala siya, napakurap-kurap ako at nagmamadaling inilagay ko sa bulsa ko ang phone ko, narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Nginitian ko siya.

"Sinusundo ang girlfriend ko, masama ba?"

Inilapit ko sa kaniya ang mukha ko at hinalikan ko siya pisngi, napangiti ako ng makita ang pag blush niya.

"You're so beautiful," Bulong ko sa kaniya ng dumukwang ako papalapit sa kaniya.

"For you..." Iniabot ko sa kaniya ang bulaklak, I can see she was surprise.

"T-thank you," Tinanggap niya ang bulaklak na ibinigay ko sa kaniya at nginitian ako, I smiled back.

"Tara?"

"Wait. Si Auntie Gloria—"

"Where is she?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Nagpa-alam siya sa akin na pupunta sa banyo baka pabalik na rin iyon, hindi pa lumalabas ang results eh," Tumango ako sa kaniya.

"Call her, sabihin mong siya na lang ang maghintay ng results mauuna ka na sa kaniya, may pupuntahan pa tayo."

Nagtatakang tumango naman siya, kaagad ko siyang hinila papunta sa elevator papunta sa fifth floor kung na saan ang office ni Tita.

Kaagad kaming huminto sa harap ng isang pinto at kumatok ako.

"Anong gagawin natin dito?" Kunot noong tanong sa akin ni Zane.

"For assurance, can you do it once again? This is for our safety," Hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat habang may pagtataka sa mukha.

"Thyme may mangyayari ba? Kakapa check-up ko pa lang," Nagtataka niyang tanong na para bang may hinala na rin siya.

"Okay, sige. Ipapaputol ko ang dalawang daliri ko pag nagkamali ako ng hinala na may maling gagawin ang Tita Gloria mo sa results mo, but please just obeyed me. This is for us. Kailangan nating magmadali para maka-alis na tayo rito, magtiwala ka sa akin," I said straightly into her eyes.

Papanindigan ko ang mga sinasabi ko, hindi ako duwag para hindi ito panindigan. Nandidito na 'to kung mali ang hinala ko kay Gloria, goodbye two fingers.

I don't trust that woman, after all, I wish I was right.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Zia Zeus Padilla
super ganda
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status