MasukIwinagayway ni Blair ang kamay upang tumawag ng taxi. Nang huminto ito, mabilis niyang
binuksan ang pinto at sumampa sa likod, animoy nagmamadali na makaalis sa lalo’t madaling panahon. Nang makaupo, dali-daling pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Matinding pagpipigil ang ginawa niya habang kaharap si Laura at Dan. At ngayong wala na sila sa harapan niya, labis ng bumuhos ang kaniyang emosyon. Ngayon, saan siya pupunta? Ang unang pumasok sa isip niya ay maglasing. Subalit kung pupunta siya sa bar nang mag-isa at sa ganitong oras, baka mag-aya lamang siya sa gulo. “Miss, saan po tayo?” tanong ng driver na siyang nagpataas ng kaniyang ulo. Saan nga ba? Hindi puwede sa bahay. Sina Sutton at Keira naman ay nasa trabaho. At hindi niya magagawang manatili ng mag-isa sa apartment habang paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang ala-ala ang hitsura ni Dan at ng kaniyang pinsan. ‘Kailangan ko ng alak,’ ang sabi nito sa sarili. Subalit hindi niya maisip ang sarili na pumuntang mag-isa sa bar. Sa wakas, nakapagdesisyon na si Blair. Imbes na pumunta sa bar, sinabi niya sa driver ang address ng opisina. Doon, kahit papaano, maaari siyang magpanggap na produktibo. Isa pa, baka mas makaisip din siya ng susunod na gagawin. Umandar ang taxi at huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. “May tisyu sa gitna kung kailangan mo, miss,” sabi ng driver, sabay tingin sa kanya sa rearview mirror. Malumanay ang boses ng kaniyang pananalita, na para bang sanay na sanay na siyang makakita ng customer na umiiyak sa likod ng sasakyan. Gayundin, waring alam din niya kung kailan magsasalita at tatahimik. Sa pagkakataong ito, nang mahuli si Blair ng driver na humahagulgol sa likuran, hindi na ito nakapagtimpi’t at nag-alok na ng tulong. “Salamat,” tugon ni Blair bago kumuha ng isang dakot ng tisyu. Wala naman siyang gaanong make-up kaya’t mariin niyang pinunasan ang mga luha kahit pa wala itong tigil sa pagpatak.Maya’t maya pa, tumunog na ang kaniyang cellphone. Bahagya niyang sinilip kung sino ang
nagpadala ng mensahe. At nang makita ang messages mula kay Dan, sumikip ang kaniyang dibdib. Gayunpaman, kimnuha niya ang cellphone mula sa bag at binasa ang natanggap na mensahe. “It’s not what you’re thinking, Blair.” “Magpapaliwanag ako!” “Please, talk to me.” Puro kasinungalingan! Puro palusot! Iisa lang ang sinasabi ng mga manloloko! Blair set the phone in silent. Pagkatapos, isinuksok niya ito sa kailaliman ng bag. Ilang sandali pa ay nakarating na ang taxi sa harap ng gusali kung saan siya nagtatrabaho – Ang Kingston Company. Kumuha siya ng gusot na pera mula sa bag at iniabot sa driver. Pagkatapos iabot, nakita ni Blair ang mukha sa salamin. Her face was a mess! “Kuya,” tawag nito sa driver. “Ano sa tingin niyo? Mukha ba kong kawawa? Do I look like someone who just caught her fiancé fucking with my cousin?” Natigilan ang driver. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos, sumagot ito, “Halatang umiyak ka dahil namumula ang mga mata mo, Miss. Pero, huwag kang mag-alala. Hindi naman malalaman ng iba kung anong tunay na nangyari base sa hitsura mo ngayon.” Tumingin ulit ito sa kaniyang mga mata at nagpatuloy, “Ayos ka lang ba, iha?” Iyong simple pagtatanong ng driver ay nakatulong upang maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ni Blair. Halos hindi nga siya makalunok nang tumango siya at nagsabing, “Opo. Okay lang po. Sa tingin ko, mas mabuti na nalaman ko na ng mas maaga. This is just part of my life I guess.” Sinusubukan ba niyang kumbinsihin ang driver? O baka naman, sarili talaga ang gusto niyang kumbinsihan na okay lang siya? Matapos bayaran ang driver, bumaba siya sa taxi, iniangat ang maleta at huminga ng malalim. Sinilip niya ang phone. Six missed calls.Six voice messages.
Lahat galing kay Dan. Subalit walang plano si Blair na tignan kahit isa man lang. Kaya inilagay niya uli ang cellphone sa bag at nagtungo papasok sa gusali ng Kingston – ang mataas na gusaling gawa sa salamin at bakal. Limang taon na mula ng bilhin ito ng boss na si Roman. Ang mga walong palapag sa taas, pagmamay-ari ni Roman, samantalang paupahan naman ang tatlo sa ibaba. Sa bilis ng paglago ng kumpanya, hindi na magtataka si Blair na balang araw, baka sakupin na ng Kingston Industries ang buong daigdig. Pumasok na si Blair sa loob habang inaayos ang bag na nasa balikat. “Miss Warner,” pagtawag ni Maggie, isa sa mga receptionist. Lumapit siya kay Blair at nagtanong, “Do you need some help?” Matapos siyang titigan mula ulo hanggang paa ay kinuha pa nito ang maleta sa kamay. Napakurap si Blair sa inasta ni Maggie. Doon lamang niya napansin na nadala pala niya pati ang baseball bat! Kaya naman pala namumutla si Maggie ng lumapit ito sa kaniya. Kung hindi siya kilala nito, baka akalain pang pumunta si Blair sa kumpanya para magnakaw o manakit! “I am fine, thanks for asking,” tugon ni Blair at saka huminga ng malalim. “Puwede ko bang iwan muna ang lahat ng ito habang mag-aayos ako?” “Sure, Miss warner,” mabilis na sagot ni Maggie bago muling napatingin sa baseball bat. “Blair nalang ang itawag mo sa akin,” sumamo ni Blair. “I told you to call me in my name, didn’t I?” Ang gusto kasi ni Roman, first name lang ang tawagan sa kumpanya. Ngunit hirap ang mga empleyado na sundin ito, lalo na ang mga bago pa lamang. Paano nila matatawag ang boss sa pangalan lang nito? Gayunpaman, napangiti nalang si Maggie kay Blair sabay kuha sa maleta, briefcase at bat. Nang maiwan ang mga gamit, dumiretso si Blair papunta ng restroom. Nang makatayo sa harap ng salamin ay nakahinga siya ng malalim. Hindi naman pala siya ganoon kadugyot tignan. Kumuha siya ng make-up wipes sa bag at pinunasan ang natitirang bakas ng mascara. Naglagay siya ng kaunting powder, lip gloss at eyeliner. Pinisil-pisil niya ang pisngi dahil sabi raw ng iba, nakakadagdag ito ng kulay. Pero wala namang nakikitang pagkakaiba si Blair bukod sa namamaga at namumula niyang mga mata.Kinuha niya ang suklay, inalis ang pagkakatali ng blonde niyang buhok at sinuklay ito. Inayos
niya ang pagkakatali at lumabas na sa restroom upang kuhanin pabalik ang mga gamit kay Maggie. Dala-dala ang mga gamit, nagtungo siya sa harapan ng elevator. Bigla nalang ay napaisip siya kung may meeting si Roman ngayon hapon! Natigilan si Blair. Hindi ba’t hinatid siya ni Roman pauwi ng bahay para magpahinga? Nakalimutan na niya agad ito. Sa bagay, sino bang hindi maloloka matapos mong mahuli ang nobyo na nakikipagtalik sa ibang babae? Ngayong naalala niya ito, napaisip na naman si Blair ng mga masasakit na tanong sa kaniyang isipan. Kailan pa nagsimula ang pangangaliwa at panloloko ni Dan? Paminsan minsang umaalis si Dan para sa business trip. Kung buwan na niyang itinatago ang pakikipagtalik kay Laura, ibig bang sabihin ay nakikipagkita si Dan rito tuwing oras ng trabaho? Sa wakas, dumating na ang elevator at bumukas ito. May isa pang babae na sumabay kay Blair papasok. Nagpalitan sila ng napipilitang ngiti bago pa bumaba ang babae sa pangalawang palapag. Nang mag-isa na lamang ay napasandal si Blair sa dingding ng elevator. Nakatulala siya sa kawalan, animo’y wala sa wisyo. ‘Should I tell this to Roman?’ Baka dinadaya ni Dan ang pagpasok sa trabaho para lang makipagkita kay Laura. Dapat na malaman ni Roman ang tungkol dito. Pero, nangamba siyang baka isipin ni Roman na nagsusumbong lamang si Blair dahil may personal siyang galit sa dating nobyo. Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Nang makarating sa executive floor ay napatalon sa kinauupuan ang receptionist na si Kara. “Blair! Akala ko wala ka ngayon?” Matipid na ngumiti si Blair. “Akala ko rin e. Pero nagbago ang isip ko. I will finish the meeting notes for Roman. Is he here?” Mabilis na umiling si Kara. “Wala siya rito. Umalis siya kanina. Then, he also called to say to hold every calls for him.” Mabuti na lamang at kung ganoon. At least, hindi pa niya kailangang harapin si Roman ngayon.“Thanks, Kara.”
Pumasok si Blair sa kaniyang opisina. Nang makaupo, dumukdok siya sa mesa. Damn it. Pakiramdam niya’y gumuho ang kaniyang mundo. Paano nagawa ni Dan iyon? Paano siyang nagawang lokohin ni Laura? Noong bata pa lamang sila, may ugali na si Laura na kuhanin ang mga bagay na hindi sa kaniya. Naging spoiled brat ito dahil narin sa mga magulang na palaging ibinibigay ang gusto ng anak. Pero nang lumipat na sila sa siyudad, medyo naging okay naman si Laura. Kung hindi maayos ang pagsasamahan nila eh di hindi sana’y lumipat na si Blair kasama ang mga kapatid niyang si Keira at Sutton, na kagagaling mula sa Europe. Nahihiya rin siyang iwan si Laura mag-isa para sumama sa mga ate niya. Tsaka ano pa nga ba? A, oo nga pala. May plano si Blair at Dan na magkaroon ng sariling bahay pagkatapos ng kasal nila. Itinaas ni Blair ang ulo at tumingin sa engagement ring na bigay ni Dan. Hindi malaki ang singsing dahil ayaw naman ni Blair ng magarbong singsing. Subalit titiyakin niyang ibabalik ito kay Dan. Ibenta man niya ang singsing o ibigay kay Laura, wala na siyang pakielam. Isa pa, sigurado si Blair na aayawan ni Laura ang mumurahing engagement ring. HInubad niya ito at handa na sanang ihagis kung saan dahil sa galit. Pero, ‘di bale nalang. Baka mahirapan pa siyang hanapin ito. Kaya naman binuksan niya ang drawer, hinulog ang singsing doon, sabay malakas na isinara. “I need alcohol,” bulong niya sa sarili. Kagisa-gisa, nagtungo si Blair sa opisina ni Roman. Alam niya kasing may mga bote ng alak doon. Hindi naman talaga siya mahilig uminom. Lalo pa sa mga mamahalin o matatapang na inumin. Subalit sa pagkakataong ito, kahit ano na lang siguro, papatusin na niya. Nakarating na rin siya sa wakas sa opisina ni Roman. Malaki ang mga gamit rito, matitibay at maayos ang pagkakahilera. Kitang-kita sa ayos nito kung sino ang nagmamay-ari. Siyang-siya ni Roman ang opisina, maging ang amoy na naiwan rito.“And somewhat scary,” bulong ni Blair bago nilapitan ang mesa at binuksan ang drawer. Kinuha
niya ang bote ng scotch na tinatago ng boss. Dala ang bote ng alak, umupo siya sa tabi ng bintana. Binuksan niya ang bote at nilagok ito agad. “Shit! This is too bitter!” singhap niya matapos masamid. Iba talaga ang mga tipo ni Roman sa alak. Hindi lang mamahalin, kung hindi masyado ring matapang. “Bakit gusto niyang uminom ng mga ganito?” tanong ni Blair. Gayunpaman, inunti-unti ni Blair ang pag-inom hanggang sa masanay na siya rito. Habang umiinom, inisip ni Blair ang susunod na gagawin. 3:15 PM na. Gusto niyang tawagan ang mga kapatid na sina Sutton at Keira para humingi ng tulong upang makuha ang ibang gamit mula sa bahay nila Dan at Laura. Pero alam niyang nasa trabaho pa ang mga ito. Isa pa, anim na buwang buntis si Sutton. Baka ma-stress siya kapag narinig ang nangyari. “Bakit ba kasi karamihan ng mga lalaki ay mga gago?” tanong ni Blair sa mundo. ‘Yung boss niya, arogante at minsan bastos kung magsalita. Tapos, itong si Dan naman, ilang buwan na pala siyang niloloko at ikinakama ang pinsan. At si Luca? Ang tatay ng anak ni Sutton? Iniwan si Sutton kahit pa buntis ito. Inangat niya ulit ang bote at uminom. Bigla-bigla, tumunog ang telepono sa mesa ni Roman. Noong unang tunog ay binalewala niya ito. Pero nang muli itong tumunog, napilitan na siyang bumangon mula sa kinauupuan. “Oops!” Singhap niya bago napakapit sa kung anong malapit sa kaniya. Blair was kind of dizzy. Ibinalik niya ang balanse at saka lumapit sa telepono upang sagutin ito. “Hello?” bati niya. Medyo hindi na nga propesyonal ang boses nito, dahil narin siguro sa nainom na alak. “Roman, please,” ang sabi ng babae sa kabilang linya. Kilala ni Blair ang boses na ito. It was Clair Robertson’s voice. Siya yung maliit na “fluff” ni Roman. Ito na siguro ang pinakamagandang tawag ni Blair kay Claire. Kung magsalita at kumilos kasi ito, parang batang palaging nagpapa-cute.“Wala si Roman,” sagot ni Blair sabay kapit sa mesa dahil iniiwasan niyang matumba sa sahig.
Tumugon naman si Claire. “Nasaan siya?” “Hindi ko alam. Paano ko naman malalaman?” sagot ni Blair. “Excuse me? You are his secretary,” naiinis na sagot ni Claire. “Sekretarya, hindi yaya,” may pagkapilosopong banggit ni Blair. “At wala rin akong bolang crystal para matukoy ang lugar niya. Bakit hindi mo siya tawagan o itext?” “Well, he’s not answering. Ilang araw na niyang hindi pinapansin at sinasagot ang mga tawag ko,” reklamo ni Clair. Bahagyang bumuka ang labi ni Blair. Ah. Alam na niya kung bakit. Ganito ang galawan ni Roman. Hindi siya yung tipong nakikipag-away o gumagawa ng dramatic exit sa isang relasyon. Tahimik lang ito, iiwas, at pagkatapos ay biglang makikipaghiwalay. Kung ilang araw nang walang balita si Claire, ibig sabihin ay tapos na ang lahat ng mayroon sa kanila. Sabihin kaya niya ito kay Claire na walang kaide-ideya? Kung hindi lang lasing si Blair, baka mapigilan niya ang demonyong pilit na bumubulong sa kaniyang isipan. Sa kasamaang palad, hindi niya napigilan ang sarili. “Dalawa lang ‘yan,” ang sabi niya. “Either break na kayo o kaya naman patay na siya.” Napasinghap si Claire sa kabila ng linya. Gulat na gulat ito sa narinig! Subalit kalmado lamang si Blair habang lumalagok ng alak bago muling nagsalita. “Sa totoo lang, hindi siya husband material. Humanap ka na lang ng iba.” Hindi na niya hinintay ang sagot mula sa kabilang linya at ibinaba na lamang ang telepono. Bumalik siya sa upuan at lumagok ng alak. Pagkabalik sa puwesto ay nakalimutan na niya agad si Claire at naisip na naman niya si Dan at Laura. Bakit wala siyang nakitang senyales noon?Hindi naman siya tanga. Salesman si Dan, at waring naibenta nito ang isang pangarap ng
masayang pagsasama kay Blair. Siguro, hindi lang niya nakita na may bitak na pala sa relasyon nila noon pa man. Dahil ba sa sex? Nagkulang ba si Blair na maibigay ang sex na gusto ni Dan? Nakita niya kung paano nasarapan si Laura habang nakikipag-sex kay Dan. Ganoon din naman si Blair noon. Nag-eenjoy rin siya pero hindi siya napapasigaw na kagaya ng kay Laura. Dapat ba, umuungol din siya ng malakas katulad ni Laura? Hindi niya alam. Si Dan lang ang naging lalaki ni Blair at siya dapat ang nagturo sa kaniya ng lahat tungkol sa sex. Ilang oras ang lumipas. Kung ilang oras siyang umiinom ay hindi na niya alam. Basta, gusto lang niyang tumulala, uminom at murahin ang pangalan ni Dan. Mamaya-maya pa, nang iangat ni Blair ang bote ng alak, napansin niya ang anino na paparating. Natigilan siya upang tignan ang matangkad at malabong pigura ng lalaki sa harapan niya. Napakurap ito, pilit pinapalinaw ang paningin. Hindi pa man niya nakilala kung sino ang nasa harapan ay nginitian niya ito at binati. “Hello.” Sinubukan ni Blair na muling inumin ang alak. Subalit hinablot ng lalaki ang bote mula sa kaniyang mga kamay. “Hoy! Akin ‘yan!” reklamo ni Blair. “Kung gusto mong uminom, kumuha ka ng para sayo!” Pumikit siya sandali at pilit na kinilala ang umagaw ng kaniyang inumin. Sa wakas, nakilala na niya kung sino ito. “Roman?” singhap niya. “What are you doing to yourself, Blair?” Roman asked with a cold voice. Ang nanlalaking mga mata ni Blair ay bumalik sa dati nitong hitsura. Dahil sa kalasingan, siguro nga’t nawala na siya sa wisyo kahit pa si Roman na ang kaharap. “Halata naman kung ano ang ginagawa ko, ‘di ba? I wanted to get drunk. Kaya, p’wede ba? Ibalik mo nalang ‘yan sakin.”Inabot niya ang bote pero inilayo ito ni Roman mula sa kanina.
“Stop it,” utos ng boss. Sinamaan siya ng tingin ni Blair. “You are really an asshole sometimes. Ay, hindi pala sometimes. YOU ARE ASSHOLE MOST OF THE TIME.” “Pagsisisihan mo ‘to bukas.” Imbes na magalit si Roman, nagulat si Blair dahil bigla nalang itong umupo sa tabi niya.Tumalon si Luca palabas ng kotse bago pa ito tuluyang huminto, na para bang hindi na siyamakapaghintay. Waring apoy ay tumakbo ito papasok ng gusali. Dahil sa pagmamadali, hindi naniya nasagot ang bati ng doorman at nagpatuloy lamang.Parang walang katapusan ang paghihintay sa elevator. Pinindot pa nga niya ang open button nghalos apat na beses. Nang makapasok na, agad niyang dinako ang numero otso sa pindutan.Tumaas ang elevator, kasabay ng pagpigil niya sa paghinga.Marami siyang dapat ayusin. Napakarami!Sa wakas, bumukas na ang pinto sa ikawalong palapag. Lumabas siya, tumawid sa hallway, atsinimulang katukin ang pamilyar na pinto.“Audrey!” sigaw niya. “Si Luca ‘to. Open the door. Kailangan nating mag-usap!”Pero, walang sumagot.Kaya mas nilakasan niya ang tawag at ang pagkatok.“Sweetheart. Let me in. May kailangan akong sabihin!”Naghintay siya.At naghintay.Ngunit katahimikan lamang ang bumungad.Nanikip ang dibdib ni Luca at napaisip ito.‘Audrey was calling me yesterd
Dumapo sa desk ni Luca ang pregnancy test. Naka-padded envelope, at walang ibang lamankung hindi ang test na may dalawang linya lang.Karaniwan na, ang sekretarya ang nagbubukas muna ng mail bago pa makarating sa kaniya.Subalit may naka-mark sa package na “Personal and Confidential.” Kung hindi, baka nabuksanna ito. Sana nga lang talaga ay hindi pa ito nabuksan.Habang tinititigan ang dalawang linya, gusto nalang ni Luca na matawa.“Fucking bitch,” bungad niya, sabay tapon ng test sa basurahan.Audrey cheated on him.Nagloko siya!At sinubukan pa niyang baligtarin ang lahat! Sino raw ang ama? Si Luca?Malaking kalokohan!Siguro nga’t may ibang lalaki pa sa likod ni Luca. At ngayon, naiintidihan na niya kung bakit siyanaiiyak sa mga nangyari.May mga babae talaga na manipulador at walang kwenta.Kaya naman, itinapon din ni Luca ang padded envelope para masiguradong walang matitirangbakas.Bumalik siya sa trabaho, pilit itinatago ang galit at ang sakit. Idinampi niya ang mukha gami
Isang linggo siyang naghintay.Pitong araw ng katahimikan.Walang plano si Sutton na maghintay nang matagal. Sinabi niya sa sarili: dalawang araw lang.Tatlo na kung sobra. Sapat na ‘yon para magkalinawan, para huminga,at para mag-isip. Kasinormal lang naman ‘yun, ‘di ba? Kapag nasaktan o natakot ang tao, umaatras muna. Pero sahuli… babalik din.At si Luca—babalik din siya.Kapag naisip niyang hindi siya niloko, kapag napagtantong niyang nagsasabi siya ng totoo…babalik din ‘to.Araw-araw, ito ang kaniyang dasal. Binubulong habang nakatitig sa phone, habang naka-patongang hinlalaki niya sa pangalan ni Luca sa contact list. Tuwing magvibrate ang phone, parang maykumikirot sa sikmura niya. Pero kapag tahimik lang ito, parang may parte sa kanya ang sasabog.Nag-iwan siya ng mga mensahe. May isang voicemail pa: “Please… call me.”Pero wala siyang natanggap na tawag. At ni minsan, hindi sinagot ni Luca ang tawag niya.Pagdating ng ikalimang araw, unti-unti nang naubos ang pag-asa. Nagl
Antok pang bumangon si Luca sa kama. Nang tumingin sa gilid, nakita niya si Audrey. Hubo’thubad ito, at bahagyang natatakpang ng kumot. Mahimbing parin ang tulog ng dalaga na parabang walang nangyari kagabi.‘Shit,’ Luca cursed inwardly.Wala siyang planong makipag-sex kagabi. Ang totoo, pumunta siya rito para tapusin na anglahat.Clean. Straight. No drama.Pero nang makita niya ang babae, mahawakan at mahalikan, bumigay siya sa tukso. At anglaman niya ay laging sabik para rito. Waring isang bagay na nakakaadik. Tigilan man ng isa namanigarilyo, babalik at babalik ito kapag nakaamoy man lang ng yosi.Para kay Luca, ganiyan si Audrey. Kung hindi, ay bakit sila umabot ng halos isang taon? Ito namarahil ang pinakamatagal niyang pakikipagrelasyon. Pero sa totoo lang, sana matagal na itongtinapos ni Luca. Darating ang araw kung kailan haharapin niya ang mga responsibilidad sabuhay. Mga bagay na hindi niya matatakbuhan, katulad nalang ng muntikan ng pagkamatay ngkaniyang tatay mula
Nakatayo si Sutton sa harap ng salamin, inaayos pa ang ilang detalye ng buhok at makeuphabang hinihintay ang pagdating ng nobyo na si Luca.Ang kaniyang buhok ay kulay matingkad na ginto, at ang asul niyang mga mata ay natatakpanng berdeng contact lens na kaniyang ginamit sa photoshoot kanina lamang.Habang tinitignan ang sarili, naalala niya ng tawag ni Luca mula sa airport at ang balitangpapauwi na ito. Limang linggo na mula noong huli silang nagkita. At dahil dito, talaga namangnananabik na si Sutton na magkasama silang muli. Ito na kasi ang pinakamatagal na araw kungkailan hindi sila nagkita. Kaya naman kahit marinig lang boses ni Luca, hindi na niya maitago angpagkasabik.“Luca’s voice was down,” ang napansin ni Sutton.Pagod siguro siya, ang hula nito. Pero hindi naman naging hadlang ang dahilang ito kahit panoon. Dumidiretso palagi si Luca sa kaniya kahit galing sa malayong biyahe. Hindi pa nga silaumaabot sa kwarto, sinasalubong na siya nito ng yakap at halik, na para
Napabuntong-hininga si Blair. Isang linggo pagkatapos ng kasal nila, lumabas ang usap-usapansa magazine ang kwento ng buong gulo. Ang daming maling impormasyon! Dahil doon, biglangdumami ang mga paparazzi at mga tanong mula sa media.“Sino?” tanong niya, kahit may kutob na siya.“Si Jessica,” sagot ni Roman, mahigpit ang panga. “Binenta niya ang kwento sa halagang fiftythousand dollars. Kahit na sinabihan ko na siyang blacklisted siya.”“Hindi na ako nagulat,” napailing si Blair. “So, anong gagawin natin?”“Well, kumalat na ang balita. Kung idedemanda natin siya, mas lalo lang siyang magpapapansin.Besides, ikaw naman ang naging bida mga balita. They called you the woman who foughtagainst a murderer and found true love. Exaggerated ang story pero mas pabor sayo. What agood public image you have, Mrs. Kingston.”Napatawa si Blair nang mahina. “Public image daw. Ang weird pakinggan.”Ngumiti si Roman habang hinahaplos ang buhok niya. “Masasanay ka rin. You are now one ofthe big pl







