Share

Chapter 5.1

Author: aiwrites
last update Last Updated: 2023-04-20 01:41:29

"Sino ang kasama mo?" Nagpalinga-linga pa si Ivory sa paligid namin na animo hinahanap kung sino ang kasama ko ngayon. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"I’m here for a costume fitting with my agent, Mrs. Lorenzo. Actually, sa boutique lang sa kabila." mabilis na tugon ko.

"Oh! Talaga? That's nice. I hope that everything is going well for the project. And by the way, you are perfect for the job."

"Hindi naman. Hindi ko nga alam bakit ako pa ang pinili ni Trey. But, thank you, Mrs. Lorenzo." Nakangiti man ako ay nagngingitngit ang kalooban ko dahil din sa paulit-ulit ko na pagtawag sa kan'ya ng Mrs. Lorenzo.

"Call me Ivory. Ikaw naman, para ka naman na iba pa sa amin. I feel like I know you so well already. Both Trey and Tyrone have stories to tell about you. And Trey is ecstatic about seeing you again." Mabait naman si Ivory sa akin pero sa kabila noon ay inis ang nararamdaman ko dahil ang nasa isipan ko ay karibal ko siya.

"I hope what they've told you about me is all good."

"They sure do. Anyway, I was really hoping to see you again, Raven. I wanted so badly to apologize to you."

Bakit niya kailangan na mag-apologize? At bakit ba ang bait-bait niya sa akin?  "Huh? Apologize, bakit naman?" naguguluhan na tanong ko pa sa kan’ya.

"I'm sorry about what happened during your contract signing in the office last time." At sa pagbanggit niya ng araw na iyon na nais ko nang kalimutan ay muli na nanumbalik ang sakit sa akin. Sakit na makita ko sila ni Tyrone na naglalandian sa harapan ko pa mismo.

"Wala naman dapat na ihingi ng tawad do'n. It was a business meeting, natural lang na naroon ka rin bilang asawa ng may-ari ng kumpanya." Ayaw ko na mahalata niya ang inis sa tono ng boses ko kaya naman pilit ko na pinapasaya ang tinig ko.

"Hindi naman iyon. Nakakahiya lang din kasi na hindi na kita masyado na nakausap dahil si Ty kasi masyadong clingy. Kauuwi niya lang kasi ng araw na iyon buhat sa conference kaya naman miss na miss niya raw ako." Ngiting-ngiti siya habang nagkukuwento habang durog na durog ako sa bawat salita niya. Pero dahil sanay na ako na magpanggap, patuloy ang pagkukunyari ko na ayos ang lahat sa akin.

"You look good together." And that is the biggest lie I have uttered today. How can they look good together when it was supposed to be me and Tyrone?

"Masaya ako na ikaw ang napili ni Trey na makapareha niya. Trey has been telling me a lot of things about you. It’s nice to finally put a face to the name that I’ve been hearing quite a lot about since then. And I'm not going to lie when I say that you and Trey look good together."

Hindi ko alam kung ano ang tunay na mararamdaman ko sa mga sinasabi niya. May parte ng puso ko na nasisiyahan sa sinabi niya na bagay kami ni Trey, pero may malaki na parte ko ang hindi maintindihan kung bakit niya pa sinasabi sa akin ang mga bagay na ito.

Inilalapit ba niya ako kay Trey dahil nahahalata na niya ang relasyon namin ni Tyrone? Baka naman din na sinasabi niya sa akin na clingy sa kan'ya si Tyrone para ipamukha niya sa akin ang magandang relasyon niya sa asawa niya? May alam na ba siya sa mga kataksilan namin ni Tyrone? Ipinipilit ba niya ako kay Trey para mailayo niya na ako sa asawa niya? Ang dami ko na naman na mga tanong, pero walang kasagutan.

Napangiti na lamang ako sa kan’ya dahil wala naman akong balak na makipagkuwentuhan pa at makipag-plastikan sa kan'ya. "Ahm, Ivory-"

"Wait, mag-order lang ako, tapos sabay na tayo na lumabas." sabi pa niya sa akin. Agad siya na tumalikod para dumiretso sa counter habang ako naman ay napabuntong hininga na lamang at nagpanggap na kinuha ang aking telepono. 

"Baby." Ang boses na iyon ang nagpatigil sa pagpapanggap na ginagawa ko, at nang mag-angat ako ng ulo ko ay kitang-kita ko ang pagpasok ng lalaki na matagal ko nang hinahanap-hanap. Hindi niya ako napansin at agad siya na nagdiretso kay Ivory na nakakailan na hakbang pa lamang buhat sa lamesa ko. 

Pagkalapit niya sa asawa niya ay agad niya nang hinalikan sa labi si Ivory kaya ang puso ko ay parang dinudurog na naman sa eksena nila na iyon. I am fucking jealous of her all the time. Bakit hindi? She can have him whenever she wants without restrictions. Normal na maghalikan sila at magyakapan sa kahit na saan lugar nila na naisin dahil legal sila na mag-asawa, samantalang ako, nakikiamot na nga ng oras, kailangan pa lahat ay patago.

"Babe, ano ka ba nakakahiya kay Raven." Malumanay na sagot naman ni Ivory na yumakap naman sa beywang ni Tyrone habang inginunguso pa ako sa asawa niya. Naging dahilan pa tuloy iyon para mapatingin ang asawa niya sa direksyon ko.  

Bahagya ang gulat na rumehsitro kay Tyrone nang makita niya ako, pero dahil magaling din siya na umarte ay agad siya na nakabawi at parang wala lang ang lahat sa kan'ya. "Ms. De Ocampo." Tipid na sabi na lang niya sa akin habang lumapit sila na mag-asawa sa lamesa ko ulit.

Asar na asar ako sa nangyayari ngayon. Bakit kailangan pa nila ako na lapitan? Bakit hindi pa niya hatakin ang asawa niya at lunurin sa kape para naman lubayan na nila ako? "She’s here for the costume fitting, babe." sabi pa ni Ivory na dikit na dikit kay Tyrone

"Mr. Lorenzo, nice to see you and your wife here." Hindi ko alam kung napansin nila ang pagkasarkastiko ng tono ko, lalo na at mukhang walang pakialam si Tyrone sa akin sa mga oras na iyon. "Well, nasa fitting kami ni Ashley for the project. Diyan lang sa kabilang boutique iyon, pero hindi lang ako sigurado kung darating din ba si Trey ngayon, but I hope he does." Ako na mismo ang nagbigay ng detalye kahit na alam ko na walang pakialam si Tyrone ngayon sa mga balak ko na gawin sa araw na ito. Kahit nga ang pagbanggit ko sa pangalan ng kapatid niya ay wala man lamang epekto sa kan'ya ngayon dahil kasama niya ang asawa niya.

"It’s good if Trey will be coming, right baby?" dagdag pa ni Ivory. "Bagay talaga sila ni Raven."

Tipid na tango lamang ang isinagot ni Tyrone at ramdam ko nang hindi siya komportable sa paghaharap namin na ito. Alam na alam ko ang mga sulyap niya na iyon sa akin. He is clearly sending me a message to leave now. At dahil ayaw ko na nahihirapan siya, nagpasya na rin ako na magpaalam na lamang sa kanila. Wala rin naman akong balak pa na pasakitan na naman ang sarili ko habang patuloy ko sila na pinapanood na dalawa.

"I have to go, Mr. and Mrs. Lorenzo, baka hinahanap na rin ako ni Ashley. It’s nice to see you both here." Nag-iwan pa ako ng matatamis na ngiti sa kanilang dalawa saka ako lumabas ng coffee shop na iyon na halos nangingilid na ang luha.

Pigil-pigil ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ko nang makalabas ako ng shop. Shit! Ang sakit lang talaga na makita na kasama ng mahal mo ang legal na asawa niya. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo, Raven? Dapat talaga ay nakinig na lang ako kay Ashley at nag-utos na lamang ako sa PA ko, sana hindi ko na nakita ang tagpo na magpapa-iyak na naman sa akin.

Hay, Raven De Ocampo, kailan ka ba matututo? Kailan ka ba mapapagod? Patuloy ko na pinapagalitan ang sarili ko dahil sobra-sobra na ang sakit na nararanasan ko, pero gano'n pa man ay wala pa rin akong balak na tumigil.

Masyado na akong nalubog sa kung ano ang mayroon kami ni Tyrone. Sa tingin ko hindi ko kayang mapagod at hindi ko kayang sumuko kapag siya ang pinag-uusapan. Hindi ko siya kaya na ibigay kay Ivory, dahil baka hindi na ako makabangon pa kapag naiwan na naman ako na nag-iisa. 

Ang sabi nila kapag nagmamahal daw dapat ay maging handa na magsakripisyo. Hindi kasi lahat ng pagmamahalan ay napupuno ng saya. Ang lahat ay dumaraan sa mga lubak na nagpapatatag sa isang relasyon. Pero paano ang relasyon namin ni Tyorne? May pag-asa pa ba na maging maayos ang lahat sa amin? May pag-asa pa ba na sa bandang huli ay maging akin siya?

Hindi ko alam kung paano ko kinaya ang mga sandali na kaharap ko ang aking mahal at ang aking karibal. Parang sinasaksak ang puso ko na makita kung gaano kalaki ang pagmamahal at ang atensyon na ibinibigay ni Tyrone kay Ivory. At inggit na inggit ako sa kan'ya. Inggit na inggit ako dahil kahit na anong pilit ko, nasa kan'ya pa rin ang tao na pinakaaasam-asam ko.

Wala akong magawa kung hindi ang patuloy na ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko na maging matatag dahil iyon ang inaasahan sa akin ni Tyrone. Kailangan ko na magpakatatag dahil wala naman akong ibang kakapitan kung hindi ang sarili ko lamang.

Nangingilid ang mga luha ko habang pilit na kinakalma ang sarili ko bago ako bumalik sa boutique. Ayaw ko na pagtalunan na naman namin ni Ashley ang bagay na ito. Napapakuyom na lamang ako ng aking palad kapag naiisip ko na naman ang mga naging eksena namin. Hanggang kailan ba magkukrus ang landas namin ng asawa niTyrone?

"Hey, sexy!" Agad ako na napa buntong hininga nang marining ang boses na iyon hindi ko pa man nakikita kung sino ang nagsalita na iyon. Kilalang-kilala ko na siya at buti na lamang ay narito siya upang kahit na paano ay maibsan at makalimot ako panandalian sa sakit na nararamdaman ko.

"Trey." Sambit ko na lamang habang tuluyan na lumandas ang mga luha ko at wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
HAYSS Iwan Wala akong maintindihan .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • In Love With His Brother's Woman   Thank You!

    Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story

  • In Love With His Brother's Woman   Epilogue

    "Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 100.1

    "Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 100

    Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 99

    It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para

  • In Love With His Brother's Woman   Chapter 98

    "Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status