“I’m sorry.” Parang hangin lang na lumampas sa pandinig ni Chad ang sinabi niya. Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad papasok ng café kinaumagahan. Senyales na ayaw siya nitong makausap o makita man lang. Matapos nang nangyari at mahimasmasan ay matiyaga niyang hinintay si Chad upang humingi ng sorry. Kinapalan na niya ang mukha kahit alam niyang galit ito sa kanya. “Sorry. Sorry, Chad.” Marahas nitong ipiniksi ang kamay niya nang tangkaing pigilan ito. Determinado siyang makausap ito. "Kausapin mo naman ako, Chad. Sorry.” Huminto ito at humarap sa kanya. Sumambulat ang malamig na galit sa mga mata ni Chad. Nagkasala siya kaya gaano man kalaki ang hinanakit nito ay sasalubungin niya makuha lang niya ang kapatawaran nito. “Alam kong galit ka, naiintindihan ko 'yon. Pero magalit na ang buong mundo sa akin huwag lang ikaw.” Her voice broke. Nasa bingit na siya ng pag-iyak. “I don’t think it’s a good idea for you to come here.”
Kuntento at nakangiting tinunghayan ni Nessa ang ginawang obra. Masaya siya sa kinalabasan ng pinagpaguran niyang pagla-landscape. Itinaas niya ang dalawang maruruming palad na nababalot ng working gloves at nakangiting tinitigan. Who would have thought she had such a green thumb? Magaling raw siya ayon sa mga kakilala. Gusto niyang maniwala pero hanggang maaari ay ayaw niyang paakyatin sa ulo ang mga papuring natanggap. Kanina lang ay napakatingkad ng araw ngunit bigla na lang umitim ang mga ulap. “Now, it’s time to go home.” Sa nagmamadaling mga kilos ay sininop niya ang mga gardening tools at inilagak sa likurang bahagi ng lumang maroon NIssan pick-up na gamit niya. Sa utak ay nagsagawa siya ng mental inventory. Mahirap nang may maiwan at medyo malayo ang kinaroroonan. Labas na iyon ng Cagayan de Oro. “Uuwi ka na?” Nakangiti niyang nilingon ang kliyenteng si Mrs. Robbins, ang may-ari ng magarang bahay na kinaroroonan niya. “Yes, Ma’am.” Nilibot ni Mrs. Robbins ng tingin ang kab
Sunud-sunod na tunog ng alarm clock ang gumising sa natutulog niyang diwa. Sinubukan niyang idilat ang mga mata ngunit kaagad ding napapikit muli nang sumigid ang kirot sa kanyang ulo. Shit! This hangover is killing him but he needs to get up. Napabalikwas siya ng bangon. Only to find out na hindi siya nag-iisa sa silid. May ibang tao sa loob at mismong katabi niyang nahiga sa kama. On his frigging king-sized bed. “Who the hell is this woman?” Sinuri niyang mabuti ang mukha ng katabing babae sa kama na parang tukong nakapulupot sa kanya. Lorelie ang pangalan ng babaeng ito. Game na game na nakiumpok sa kanila ng mga high school friends sa bar na kinaroroonan kagabi. “Shit!” Niyugyog niya sa balikat ang babae. “Hey, wake up!” Kasunod ng paglundo ng kama ay nagmulat ng mga mata ang naturang babae. Kumurap-kurap ito ng ilang beses, kinakabisado ang kinaroroonang lugar. “Hi sweetheart!” Matamis ang naging ngiti nito kapagkuwan. Wal
Araw ng linggo. Nagpapahinga dapat sa bahay si Nessa pero naririto sila ni Mikaela sa opisina, nagbabad sa pagrirepaso ng 3D presentation nito. Pareho silang nakaharap sa Macbook nito. Ito ang ipapakita ni Mikaela sa client nila. Their biggest client, so far. “Everything should be perfect, Ness.” Lahat ng detalye ay binubusisi ng amo. Business management graduate ito pero maalam sa AUTOCAD at mabusisi sa bawat detalye ng gagawing interior design. Ang ginagawa niya lang naman ay magbigay ng input sa babae. Nagagamit niya rin ang natutunan niya sa design subjects sa fine arts. “Do you think, this is fine?” anito na minuwestra ang design na naka-flash sa screen. Natatawang tinitigan ang mukha ng babae. All these years, hindi pa niya ito nakikitang kinakabahan. Ngayon lang. “Perfecto!” Nag-two thumbs up sign pa siya. "Lagi namang winner ang outputs mo." Isang oras pa ang tumagal bago sila umuwi. Alas siete na, nag-aaya si Mikaela na
“My goodness, Nessa! Bakit ngayon ka lang dumating? Sa lahat ng araw ngayon ka pa talaga pumalya at nagkaaberya?” Ang tindi rin ng kaibigan niya, ha. Kasalanan nito kung bakit naiwan ang pinakaimportanteng gamit tapos heto at sinasabon pa siya. Kung alam lang nito ang pinagdaanan niya makaabot lang sa takdang oras. “Follow me.” Nagpatiuna na itong pumanhik sa loob ng hotel. Tumatagaktak pa ang takong nito sa bawat pag-apak sa tiles. Mabuti na lang at wedge ang suot niya at hindi maingay sa paa. “Kailangan pa ba talaga ako do'n?” Nasa kamay na ni Mikaela ang kailangan nito. Maaari na siyang umalis. Tumirik ang mga mata ni Mikaela na napahinto at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Of course, ikaw ang may mas alam sa landscaping na gagawin mo. Isa pa, nandito ka na rin lang. why don’t you try to meet with the client? 'Di 'yong ako na lang lagi ang sumasagot on your behalf.” Bakit ba may pakiramdam siya na may kakaibang mangyayar
Tila may kumalat na yelo sa kanyang mga ugat. Nanlamig siya sa narinig na pangalang binanggit ni Mikaela. Iisa lang ang Chad na kilala niya na may ganoon ding apelyido. Lihim niyang nahiling na sana ibang tao ang ka-meeting nila ni Mikaela. Hindi pa siya handang harapin ang taong ito kung saka-sakali man. No, she will never be ready, not in a lifetime. Pero mukhang iba kung maglaro ang tadhana. Dahan-dahan ay lumingon ito. Kulang ang sabihing nais niyang mawala sa mundong ibabaw ng mga oras na iyon nang mapagsino ang kaharap ni Mikaela. Her Chad. In flesh and blood. Only this time, ay malayo na ito sa band member image nito noon. Pormal at very businessman-like. The Chad she was staring exuded an aura of authority that seemed to command attention and respect. Malayo sa pa-easy-easy lang na kaibigan noon na madalas ay napipintahan ng ngiti ang mukha. Ang pananamit nito ay nagbago rin. He was sporting a casual look pero hindi matawarang executive itong tingnan. ‘
Kung pwede nga lang niyang ayawan ang magtrabaho para kay Chad ay ginagawa na niya. Pero ano naman ang idadahilan niya? ‘Di niya maaaring aminin kay Mikaela ang tunay na estado sa pagitan nila ni Chad. kapag hindi siya nagtrabaho, ano na lang ang ipantutustos niya sa mga pangangailangan niya? Hayst! Nabuburyong siya.Tinatamad tuloy siyang bumangon at maghanda. Paano ba niya iiwasan si Chad? It would be a hard mission. Inilibing niya ang mukha sa malambot niyang unan na para bang sa ginagawa ay makakahanap siya ng kasagutan.Ang gagawin niya na lang ay umaktong walang anuman ang lahat. Naipresenta na naman ni Mikaela ang lahat ng detalyeng gagawin nila. Marahil ay hindi ito tatambay sa site. Hindi na talaga niya malaman kung papaanong aakto. Mistulang sumisikip ang mundo niya kapag nasa paligid lang si Chad. Kahapon nga ay halos lumigwak ang lahat ng bituka niya sa sikmura. Bantulot siyang bumangon at sinimulan ang mga nakasanayang morning routines.
'Mahuhulog ako.' Hindi mawaring kaba ang pumuno sa d****b ni Nessa. Nawawalan siya ng panimbang at tuluyan na siyang babagsak sa lupa kung ‘di lang dahil sa mapagpalang mga bisig na sumalo sa kanya. Imbes na direktang lalagapak sa lupa, matitipunong masels ang kinahihimlayan niya. “Clumsy!” in greeted teeth ay umabot sa pandinig niya ang tila yamot na tinig. It was Chad’s hoarse voice. Ang knight-in-shining armour niya, ang tagapagligtas mula sa muntikan nang aksidente. Labis na takot ang naramdaman niya kanina pero habang nasa mga bisig siya ni Chad ay napalitan ng hindi mawaring kaba ang kanyang d****b. Ang puso niya ay pinaghaharian ng mga emosyong ninanais niyang ibaon. Breathing had suddenly become so difficult. Gaya pa rin ng dati, kapag nasa malapit si Chad. Dahan-dahan siyang napatingala sa mukha ni Chad. Concern ba ang mababakas sa mga mata nitong nakatunghay pabalik sa kanya? Sa kabila ng lahat ay may natitira pa rin bang malasakit para sa kanya ang