Nessa and Chad became civil with each other. Para silang hindi dating mag-bestfriends kung magturingan sa trabaho. Mas okay na rin at hindi nagiging aligaga ang puso niya. Kapag nasa site ito ay si Mikaela ang madalas nitong kausap. May posibilidad pa nga na magiging item ang dalawa. May pahampas-hampas pang nalalaman si Mikaela sa braso ni Chad kapag magkaharap ang mga ito. Well, Mikaela is a great lady. The type of girl Chad would love to date.
“Everybody, stop working!”
Ngayong araw ay maaga nilang tinapos ang mga gawain. Alas kwatro pa lang pero nakagayak na silang umuwi. Advance nga naman sila sa schedule nila. May kaunting allowance pa para magliwaliw. Birthday ni Mrs. Robbins at iyon daw ang pupuntahan nila ni Mikaela.
“You can’t miss it.”
Naubusan na siya ng idadahilan kung bakit ayaw niyang dumalo.
“Special guest ka ni Tita.”
Um-oo na siya nang matapos ang pangungulit nito. “Naadik yata sa pawis ko si Mrs. Robbins,” bir
“Ako ang maghahatid sa 'yo.” Ang maingay na usapan ay dagling naparam nang bigla na lang magsalita si Chad. Iba ang pinag-uusapan nila pero nagawa iyong isiningit ni Chad. Even Owen was dumbfounded. Nagtatanong ang mga matang napatitig ito sa kanya. “I know your place,” he said proudly. As if, may pagmamalaki na alam nito kung saan mang lupalop ang tirahan niya. Alam niyang sa kanya nakatingin ngayon sina Owen at Mikaela. Marahil ay nagtataka ang mga ito sa sudden ‘outburst’ ni Chad. “Thank you, Sir. Pero kay Mikaela na ako sasabay. Sa kanila na rin ako matutulog.” Lihim niyang pinisil ang babaeng napanganga sa tinuran niya. She never spent a single night at Mikaela's house. Mas nanaisin pa niyang magkulong sa sariling bahay. Well, bahay ni Mika. “And the night is still young.” Again, there was this unreasonable tightening of Chad’s jaw. Namalas niya rin kung paanong inisang lagok nito ang beer na kalalapag lang ng waiter. Sa biglaang pagtahim
Inis na ibinato ni Chad ang phone sa desk. Tumunog iyon at nangangambang mabasag. Kanina pa siya nakatitig sa labas ngunit tanging sina Andoy lang ang naroroon. Napasadahan na niya ang mga designs ng condo na itatayo nila dito sa mismong Cagayan din, ipinadala through email ng kapatid niya, ngunit walang anino ni Van ang dumating. Naiilang siyang magtanong kay Mikaela, napagtaasan niya ito ng boses kahapon. Napagbuntunan niya ng init ng ulo ang team nito. Ngayon nga ay dumiretso sa trabaho si Mikaela at hindi man lang nangumusta sa kanya gaya nang madalas nitong ginagawa. “Nasaan ba ang landscaper mo?” Napahinto si Mika sa pagdidikit ng wallpaper at napalingon sa kanya.Hindi na siya nakatiis pa. “Absent siya ngayon.” “Absent?” Tumaas ang tono niya. Baka nagtampo sa sinabi niya kahapon. Kinabahan siya. He was an idiot for acting so impulsively. “And why is that? May schedule tayong hinahabol.” He sounded serious at pilit tinatago ang baha
27 Ginalit ba niya si Van? He should have been more careful. Ang ganda na sana ng atmosphere sa pagitan nila. Throwing a bad punchline must have ruined everything. Ngayon lalo na unti-unti nang nawawala ang aloofness nito sa kanya. Nanganganib pang masira niya. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya sa development na ito. In all honesty, hindi na siya galit sa babae. Ito ang napatunayan niya sa buong durasyon na magkasama sila ni Van. Buong akala niya ay may nakatago pang galit sa puso niya para kay Van but to his surprise, wala na siyang makapa kahit katiting na hinampo. Ang tanging gusto lang niya ay ang mapalapit muli rito. He missed her so much. Napatunayan niya nang makita ito. Her presence excited his senses in ways he never expected. Van’s nearness evoked feelings in him so strange he couldn’t name. Halos kalahati ng mga buhay nila, sila-sila ang magkakasama pero ngayon niya lang natanto na may mga bagay itong kayang pukaw
Karaniwan na sa isang liblib na pook na kinaroroonan nila na maagang natutulog ang mga tao. Lalo pa at malayo sa mga kapitbahay ang bahay nina Tatay Fernan. Nagkataon pang nasira ang TV ng mga ito. Sa darating na pasko, ibibili niya ng bagong television sina Nanay Vicy sa bonus niya. Pero mainam na rin at nai-enjoy niya ang payapang kapaligiran. Nami-miss niya ang tahimik na gabing gaya nito. Ang katahimikan ay lumilikha ng magandang musika sa kanyang pandinig. Naalala niya dati, noong dito pa siya nakatira, she would spend the nights looking at the skies. Ipipikit na sana niya ang mga mata nang marinig ang malamyos na tunog ng gitara.Pamilyar na nota ng kanta. Pamilyar na melody. Ang sarap ng hatid na panunuot sa kanyang pandinig. Kasunod niyon ay ang malamyos na sumasabay na tinig. Chad. Pinaglalabanan ng kanyang utak at puso kung babangon at sisilip sa labas. Sa huli ay binuksan niya ang bintana. There he was. Softly strumming the instrument in the q
Simula nang nagtungo sila ni Chad sa Bukidnon ay may malaking pagbabago na sa pakikitungo nila sa isa’t-isa. Unti-unting nanunumbalik ang sigla ng pagkakaibigan nila. Kapag nasa Cagayan si Chad ay bigla-bigla na lang itong sumusulpot sa bahay niya, may dalang kung anu-anong pagkain o ‘di kaya ay doon nakikikain. Pati yata lahat ng kasamahan niya ay naambunan. Wala sa oras kasi itong umorder ng kung anu-anong take out food at ipapakain sa kanilang lahat na kadalasan ay mga paborito niya. Kapag umuuwi na siya ay nakabuntot ito sa kanya bago tutuloy sa hotel nito. Para na rin siyang hatid-sundo. May mga pagkakataon din na basta na lang ito nagpapadala ng messages sa text o sa messenger kagaya na lang ngayon. Need help? Mensaheng nababasa niya sa cellphone niya. Nailing na natatawa siya habang binabasa ang mensahe. Nasa isang silid lang naman ito at tinatanaw siya mula sa glass wall. Standing so handsome in his casual clothes. Naka-gray t-shirt at Levis
First thing in the morning ay nasa Cagayan na si Chad. Sa cite kaagad siya dumiretso ngunit wala si Van doon. Nasanay siyang maaga kaysa sa karaniwang oras ang pasok nito. Ilang saglit din siyang naghintay bago may humintong kotse at bumaba ang isang matangkad na foreigner at binuksan ang passenger’s side. His heart crunched upon seeing Van stepped out of the vehicle. Ang lalaking naghatid kay Van ay walang iba kundi ang nasa post ni Mika. H*****k pa sa pisngi nito ang hudas. ‘I swear, I could punch that guy on his nose.’ Selos na selos na siya. Yes, this jealousy is too much to take. Parang bulkang sasabog na ang kanyang d****b. His heart pounded so frantically. Naroroong palakad-lakad siya nang nakakuyom ang mga kamao. Nang sa wakas ay naglakad na si Van papasok sa gate. Nagulat pa ito nang makita siya. Sa sobrang atensyon sa lalaki, hindi man lang nito napansin ang kotse niya. “Kailan ka dumating?” Walang kangiti-ngiti siyang sumagot. “Just this m
Kung kailan tupok na tupok na siya ay saka naman huminto si Chad. Ito ang kusang pumutol sa nakaliliyong tagpo. Napadilat siya at ganoon na lang ang pagsigid ng reyalisasyon. Nakabukas na pala ang harapan ng blusa niya. Hantad ang d****b niya sa nagnanasang mga titig ni Chad. “I’m sorry,” paanas nitong wika sa magkalapat na mga labi nila. “I said we will take it slow.” Pumapaypay ang mainit at mabangong hininga ni Chad sa mukha niya. Ang mga titig nito ay matitiim ngunit may bahid na ng pagsuyo ngayon. Ramdam niya iyon kahit sa paraan ng pagdantay at paghagod ng daliri nito sa balat niya. “This jealousy is killing me inside, Van.” Nagseseolos ito? Kanino? Kay James ba? Umayos ito ng tayo at maingat siyang inalalayang makaupo sa gilid ng mesa. Eratiko ang tibok ng puso nito, kagaya ng sa kanya. Kung gaano ito nagtimpi ay nakamamangha because right at that moment, batid niya sa sarili kung saan man ninais ni Chad na humantong ang tagpo, kusa siyang bibi
“Congratulations to us! And thanks to all of you!” Kasabay nang paglipad ng cork ng champagne na hawak ni Mika ay magkanapanabay na umalingawngaw sa ere ang sipol at palakpakan. Itinaas ni Mikaela ang champagne glass nito sa ere at gumaya ang lahat ng naroroon. “Great job, everyone! This project will surely open doors for more clients in the industry.” Si Mikaela ang namuno sa simpleng celebration. First big client nga naman nila ang kumpanya ni Chad. Maganda nga naman ang kinalabasan ng trabaho nila. They exceeded expectations. Ngayong araw ay opisyal na natapos dalawang araw bago ang deadline. “’Di ako papayag na hindi ka iinom. You don’t have to be sober right now.” Iniabot nito sa kanya ang hawak na isa pang tulip glass. “Huwag na talaga.” Sumimangot ito. “O baka naman ayaw ni Chad ng babaeng lasengga. The last time na uminom ka nag-alburuto ang mama.” “Mikaela!” “Kunwari pa ito,” tudyo nito na ibinalik sa mesa ang