Share

In Love With My Ex-Bestfriend
In Love With My Ex-Bestfriend
Author: Grace Ayana

Excerpt

“Hindi ka dapat minamahal. Nakakasuka ka. Nakakasakal. I regret the day na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. I hate you, Van. I hate you so much that I could strangle you right now."

Sunud-sunod na suntok sa dingding ang pinakawalan ni Chad na para bang mukha ni Vanessa ang nais nitong patamaan. Hindi niya napigil ang pagtulo ng mga luha. Chad had always been gentle with her, ngayon ay para itong liyon na nakahandang manlapa. Hindi niya ito masisisi. May nagawa siyang mabigat na kasalanan.

“Go home hanggang kaya ko pang kantiin ang galit ko, habang naalala ko pa na minsan ay naging magkaibigan tayo.”

Naging. Past tense.

Bakit pa kasi siya nagpadala sa bugso ng damdamin? Sana itinago na lang niya hanggang hukay ang lahat. Things would have been better. Tama si Chad. Napaka-selfish niya at nararapat siyang maparusahan. If only she had the power to undo what happened.

Naramdaman na lang niya ang pagluwag ng espasyo sa pagitan nila ni Chad. Hanggang sa laylay ang mga balikat na naglakad ito ngunit bago pa man ito tuluyang nakalayo ay muli itong nangusap.

“I don’t want to see you ever again. Just be gone from my life forever.”

Ang sakit. Sobra.

“Kung…kung ‘yan ang gusto mo at kung sa ganoong paraan ko man mababayaran ang lahat ng ginawa kong pagkakamali, gagawin ko kahit masakit sa kalooban ko. Pero, sana huwag mo ring kalimutan that I am a woman, too, who longed for your love for a very, very long time. And I deserved to be loved also. Na kahit hindi mo man ako nakikita bilang isang babae, mahal na mahal kita.” Pinahid niya ang mga luhang malayang namalisbis sa pisngi niya. “I promise you, the next time na magkikita tayo, I would act as if I didn't know you.”

Comments (12)
goodnovel comment avatar
Tita Figueroa Estigoy
asan n po kasunod
goodnovel comment avatar
Aljie Sabado
Alam kuna pala guys ...ganun lang pala......
goodnovel comment avatar
Cheng Cheng
another masakit na story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status