Konti na lang at malapit nang mabuo ang imahe ng babaeng kinopya ni Van mula sa isa sa mga larawang nasa photo gallery ng cellhpone na nakapatong sa maliit na mesita sa gilid niya.
Tingin. Marka. Tingin. Marka.
Bawat detalye, metikulosa niyang kinokopya. Ang pagtata-tattoo ang isang bagay na masasabing magaling siya kaya pinagbubutihan niya.
Isa, dalawa, tatlo pang tarak ng mga karayom.
Viola!
Another masterpiece had been created. Buhay na buhay niyang na-capture ang magandang mukha ni ‘Dear Michelle’ sa outer layer ng balat ng kustomer na si Brando.
“Tapos na ba?”
Simula kanina nang magsimula ang tattoo painting ay mahigpit nitong hawak ang armrest ng recliner na kinahihigaan nito. Kay laki-laki ng katawan, takot pala sa karayom. Halos maluha-luha pa ito kanina nang magsimula ang session nila.
Kung bakit ba naman kasi nagpadala sa pressure at buong mukha pa ng kasintahan nito ang pinagaya sa kanya. Mabuti sana kung ‘di maghihiwalay ang mga ito. Ang kaso, sa loob ng dalawang taong pagtatattoo niya ay maraming beses na ring may bumabalik sa shop nila upang ipabura ang marka ng ink na noong una ay testamento ng walang hanggang pagmamahalan ngunit kalaunan ay itinuturing na ngang sumpa pag nagkalabuan na.
“Siya na ba talaga?”
“Sigurado ka ba talaga?”
Madalas ay tanong niya sa mga kustomer. Kapag nagkabulelyasuhan. Minsan ay nadadamay pa siya sa pagpapa-laser para lang mabura ang tattoo.
“Tapos na.”
Sinimulan niyang ligpitin ang mga gamit. Tinanggal ang mga karayom mula sa tattoo machine at inilagay sa isang lalagyan at inilagak sa malapit na sink. Mamaya ay isa-sanitize niya ang mga iyon kasama ang ilan pang gamit.
“Apply-an mo na lang ng petroleum jelly para hindi mamaga. Kung sakaling makaramdam ka ng pangangati, tawagan mo kaagad ako.”
Tinanggal niya muna ang gloves at ang suot na goggles at kumuha mula sa drawer ng kaisa-isang natirang business card ng part bar at part tattoo shop na pinagtatrabahuhan niya. Kahit ganito lang ang trabaho niya, maingat siya sa mga kliyente. Kaya nga, customers keep coming back for more. Idagdag pa na magaling nga raw siya.
“Ang galing mo ha,” si Brando na sinipat-sipat sa salamin ang tattoo sa bisig nito.
Fine Arts student siya. Short nga lang ng isang taon para gumradweyt. Dito sa pagtata-tattoo niya ibinubuhos ang angking talento. Inaaba ng mga kamag-anak ang trabaho niya niya pero para sa kanya isa itong marangal na trabaho. Hiigit sa lahat, ang mahalaga ay masaya siya sa ginagawa. Para na rin siyang nagpipinta, human skin nga lang ang kanyang canvass.
“Dahil magaling ka, magti-tip ako ng malaki. Kopyang-kopya mo ang mukha ng mahal ko.”
Akmang iaabot nito sa kanya ang bills na hinugot sa pitaka ngunit tinanggihan niya. “Centralize ang tip namin dito, bosing.” Itinuro niya ang cashier na nasa main bar.
Ngumisi ang lalaki. “Loyal ka sa amo mo, ha.”
“Ang bait-bait kasi, nakakakunesensyang kupitan.”
When everyone seemed to fail and gice up on her, si Chad ang naniwala sa kanya, ang nagbigay sa kanya ng oportunidad. Kaya, lahat ay gagawin niya para matawag na worthy sa tiwalang ipinagkakaloob nito. Kailanman, she will never fail him.
Tumunog ang telepono.
Speak of the devil. Napangiti siya nang m****a ang naka-register na pangalan ng caller sa cellphone. Nag-swipe siya pakanan at itinuon sa tainga ang phone.
“Brod,” kaagad na bungad ni Chad sa kabilang linya sa usual na baritono at masayahing boses. Maingay ang background. Nasa gig si Chad kaya ganoon ang ingay na ummabot sa tainga niya. “Ikaw na munang bahalang magsara ng bar ha. Hindi ako makakaalis dito. Kausap pa ng road manager ang isa sa mga representatives ng toothpaste na possibly ay gagawan namin ng jingle.”
May banda si Chad. Sa katunayan, ito ang gitarista at katuwang na nagko-compose para sa banda. Kung tutuusin ito ang tumatayong lider ng grupo.
“Yes, brod, akong bahalang tumulong kay Pido.”
“Maaasahan talaga kita.” Para itong nakahinga nang maluwag sa d****b.
“Ikaw pa, malakas ka sa akin, eh.”
“Kaya nga labs na labs kita.”
Panandalian siyang napatda sa sinabi nito. Alam niyang walang kahulugan kay Chad ang binitiwang salita pero iba ang epekto niyon sa kanya. Iba ang binubuhay na kaba sa d****b. He never faltered to make her heart go frantic. Pero tanging siya lang ang nakakaalam. It was her deepest secret. Masagwang malaman ng iba na ang isang kagaya niya ay may nililihim pala.
Di sinasadyang napalingon siya sa full-body size na salamin sa kanyang gilid. Itim na t-shirt na may nakaimprinta pang bungo, tattered pants na tinernuhan ng sneakers ang kabuuang outfit ng babaeng nakatingin pabalik sa kanya. If babae nga siyang tingnan ng karamihan. Maiksi ang buhok, hindi lang basta maiksi, may pagka-mohawk din iyon pero mas maliit na portion nga lang ang naaahitan at ang pinakagitna at siya na ring pinakamahaba ay itinali sa pinakaituktok ng kanyang ulo. Noong minsang magpagupit siya, bigla na lang ganitong hairstyle ang ginawa ng hairstylist. Sanay siya sa maiksing buhok ngunit naninibago siya sa ganito. Pakiwari niya ng oras na iyon, may malaking binaklas sa ulo niya, tila kasi ang gaan ng ulo niya.
“Wow, mas nagmukha ka pang astig, ah!” nakangising kantiyaw ni Chad na ginulo pa ang buhok niya. “Bobby, you have done an awesome job!” thumbs up sign pa nito sa naggupit sa kanya. Kaya imbes na singhalan si Bobby ay nakisakay na rin siya, nakitawa kahit pa sa kaloob-looban ay ayaw niya.
But she is Van del Rosario, she could carry disappointments and pretend she is alright even if most of the time ay napipingasan din ang damdamin niya.
“Hey, buddy, are you still there?”
“O-oo.” She cleared her throat. Pinalis niya ang bara sa lalamunan. “Oo naman, ‘no.”
“Pagkatapos mo diyan, can you come over here? Alam mo naman kung saan ang gig namin.”
Marami-rami din ang nagpapatattoo sa kanya, napagod din siya dahil tinutulungan pa niya sina Peter pero basta’t para kay Chad, oo kaagad ang magiging sagot niya.
“Of course, I will.”
“See you later, buddy!”
Nawala na ito sa kabilang linya. Pero siya, nakatutok pa rin sa tenga ang cellphone at nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.
Yes, she is his buddy. Kainuman. Kaibigan. Sumbungan ng mga frustrations. To Chad, she is one of the boys. She will never be considered a woman.
1
“Chad, ano ba? Hanggang kailan mo ba ako tatanggalan ng piring?” Nangangapa siya sa paligid. Purong kadiliman na lang kasi ang bumabalot sa paningin niya simula kanina nang papaibis na sila ng sasakyan. Sabi nito may espesyal silang pupuntahan. Ang aga pero gumayak na sila. Buong akala niya ay may papasyalan silang kaibigan pero bigla yatang tinopak ang asawa niya. “Shhh…almost there, Love.” Silently, pilit niyang binigyang mukha ang trail na dinaanan. Paakyat ang daang tinatahak nila at sa tantiya niya ay hindi sementado. Mga ilang minuto pa silang naglakad ay may narinig siyang tunog nang humintong motor sa tapat nila. Nakipagbatian si Chad sa isang boses lalaki. Malamang na driver. Ilang saglit pa ay inalalayan na siya ng asawa sa pagsampa sa motorsiklo. Naupo naman ito sa likod niya. Whatever Chad was into, he better made sure na magandang bagay ang makikita niya. Kung hindi, makakatikim talaga ito sa kanya. Nang huminto ang motor ay inalalayan siya ng asawa na makababa sa lupa
Buong akala niya ay sa mismong hotel sila mananatili, but Chad had something better in mind. Sakay ng ATV ay tinahak nila ang bahagi ng property na puro punongkahoy ang naraanan. Humantong sila sa isang malawak na bahagi ng lupain kung saan may nakatayong matayog na punungkahoy sa gitna. Sa itaas niyon ay ang magandang pagkakagawang treehouse. "Tree house?" nai-excite niyang tanong sa asawa. “Yes, Love. Hindi pa ito tapos talaga. I planned on building a mini-park here para sa mga anak natin.” He hugged her from the back. Dumausdos ang palad nito sa impis niyang puson. “This baby will surely enjoy here.” Napalingon siya sa asawa na awang ang bibig. “A-alam mo na?” Ngumisi ito. “Makamandag yata ang semelya ko.” Sa halip na siya ang mangsorpresa, siya pa itong nasorpresa nito. “You’ve been careless. Nakita ko sa bag mo ang pregnancy test.” Hinawakan nito ang panga niya at pilit na hinuli ang bibig upang magawaran ng masuyong halik sa labi. He caressed her face lovingly. “Thank you fo
Walking down the aisle was every woman’s absolute dream. Today, one woman's prayer was realized. Finally. Ang saya sa puso ni Vanessa ay nag-uumapaw lalo pa ngayon na ang tatay niya mismo ang maghahatid sa kanya sa altar patungo kay Chad habang umalingawngaw ang kantang Haplos sa paligid. 'Oh, Chad.' Ipinangako niya sa sarili noon na ikakasal lang siya sa taong mahal niya, sa bestfriend niya. Her feelings for him were kept secret for years. Malamlam ang tsansa niyang magkaroon ng katuparan iyon pero lihim niyang inalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal. Ni sa hinagap, hindi niya inakalang magkatotoo. Looking at Chad at the end of the aisle, she can't help but reminisce about the past. She was heartbroken many times. She came this far with all those heartbreaks and pains. She cried a lot. Kapag nakikita niya itong may kasamang ibang babae, lihim siyang nagseselos at nasasaktan. Despite all those pains, her love for him never swayed, it never faltered, not a bit. Umani man siya ng s
Good things come to those who wait, ika nga. As for Vanessa, she waited long enough for this day to finally arrive- her wedding day. “You look so lovely, Nessa.” Mikaela was all praises for her. Ito ang tumatayong maid of honor niya. Tatlong araw na itong nasa Maynila at iniwanan na lang ang business sa assistant. Mula nang dumating ito ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Aside kay Mika, naroroon din ang iba pang mahahalagang tao sa buhay niya. “At ang ganda ng damit mo, anak,” naiiyak ding bulalas ni Nanay Vicky ng paghanga habang nakatitig sa kanya. Buong pamilya nito ang pinasundo ni Chad para dumalo sa kasal nila. May part nga si Elaine sa entourage. Chad made sure that all important people in her life were present in this milestone. Pero hi
47 Driving her back to her house added this heaviness in his heart. Idagdag pa ang pangngatiyaw nina Derek. Baka kung saan daw niya iliko si Van. Sa lahat ng pangngantiyaw ay nagiging pula na ang mukha ni Vanessa. Finally, they both enjoyed piece and quiet. But he was far from being peaceful. Ginugulo siya ng nag-uumapaw na sexual tension sa katawan niya. It was even manifested by his bulging manhood. Kapag hindi pa napakawalan ang nasa ilalim ng kanyang pantalon ay baka mabaliw na siya. Vanessa is his fiancée at may nangyari na sa kanila ng maraming beses pero nakakahiyaan niyang hilingin dito ang isang bagay na ngumangatngat sa kanyang utak. “Are you okay?” Napansin marahil ni Van ang pag-igting ng kanyang mga panga at ang paggitiw ng ugat sa kanyang braso. Is he okay? No, he isn’t okay, will never be . Nakatuon sa kalsada ang pansin niya ngunit pasimpleng bumitaw ang kanang kamay at dahan-dahang naglakbay palapit sa nobya. Dumapo iyon sa binti ni Van.
Being away with Van was difficult. He missed her so much. They had been away for so long and enduring another separation was unbearable. Pero ito ang kiasa-isang kundisyon ni Tita Marion, he had no option than to adhere to it. Pasasaan ba at magkakasama rin sila nang tuluyan ni Van. Hahabaan niya muna ang pasensya at pagtitimpi. Siya naman ngayon ang magtitiis. Bumuga siya ng hangin. Nagdesisyon siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napadako ang mga mata niya sa kabilang side ng king-sized bed. Vanessa was supposed to be lying beside him here. It was supposed to be their matrimonial bed. The same bed he made love to her countless times. Kung bakit ba kasi niya mas piniling magmukmok sa bahay na ito. Binibisista siya ng pangungulila kay Van sa bawat beses na sumasagi sa isip niya ang lahat ng namagitan sa kanila sa loob ng mga araw na ibinuro niya ito rito. Ilang linggo nang ganito. Vanessa and he were denied of the freedom they were supposed to enjoy as a