Share

Chapter 7

DAVID

Habang nagluluto ang best friend ko na si Rafael ng brunch niya ay sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina sa mansion. Sinabi ko sa kanya na may asawa na ang daddy ko at mas bata pa ito sa kanya na anak na lang niya na kagaya ko kung iisipin.

"W-what?! Seryoso ka, bro? Baka binibiro mo ako n'yan. Tadyakan kita sa bay*g n'yan!" nakaawang ang mga labi na tanong ni Rafael sa akin. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ko sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro, bro? Hindi, 'no? Hindi ako nagbibiro sa 'yo. Totoo ang sinasabi ko sa 'yo na nag-asawa na si daddy at mas bata pa sa kanya ang inasawa niya na anak na lang niya kung iisipin, eh. Kaya nga ako pumunta dito sa 'yo sa condo mo para mawala ang init ng ulo ko. Gusto ko na magpalamig kahit papaano. I really want to talk to you about it," sabi ko sa kanya. Seryoso akong nakatingin sa best friend ko na si Rafael.

He didn't speak after I said that. Tumahimik siya. Hinayaan ko lang siya. Siguro ay pino-proseso pa ng utak niya ang mga sinabi kong 'yon sa kanya hanggang sa maniwala na nga siya sa sinasabi ko.

"Bakit naman umiinit ang ulo mo, huh? Dapat ay maging masaya ka na para sa daddy mo dahil nagkaroon muli siya ng asawa. Naging maligaya ulit siya sa panahon ngayon at saka hindi naman isyu ang edad sa dalawang taong nagmamahalan, 'di ba? Age doesn't really matter. Kung mas bata pa sa daddy mo ang asawa niya ngayon ay hayaan mo na siya," sabi niya sa akin.

Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya. Kailangan ko na magpaliwanag at sabihin ang lahat para maintidihan talaga niya.

"I know that, bro. Age doesn't really matter. Kaya uminit ang ulo ko at nagalit ako kay daddy dahil nagpakasal siya sa babaeng 'yon na hindi man lang nagsasabi sa akin. He didn't tell me about it. Nalaman ko lang ngayon na nasa mansion na silang dalawa at kasal na sila. Nakakabadtrip, 'di ba? Tatanungin kita, bro, hindi ka ba magagalit kung hindi rin sa 'yo sinabi ng daddy mo na magpapakasal na siya, huh? Malalaman mo na lang na kasal na siya at wala kang kaalam-alam kahit kaunti man lang. Wala sigurong matutuwa sa ginawang 'yon ng daddy ko. Kahit saan tayo pumunta ay walang matutuwa sa ginawang 'yon ni daddy. Baliw lang ang matutuwa sa ginawang 'yon niya. Nakakasama lang ng loob na hindi niya sinabi 'yon sa akin, bro.

Anak niya ako, 'di ba? Dapat sinabi niya 'yon sa akin, bro. Hindi dapat niya ginawa 'yon na magpakasal sa babaeng 'yon na hindi ako nakakaalam. Anak niya ako at may karapatan akong malaman 'yon, 'di ba? Nagalit ako sa kanya sa ginawa niyang 'yon pati sa babaeng pinakasalan niya," sabi ko sa best friend ko na si Rafael.

"Magagalit rin ako sa daddy ko kung ganoon ang ginawa niya kagaya sa daddy mo na hindi sinabi 'yon na magpapakasal na siya. Sasama rin ang loob ko sa kanya kapag ganoon nga ang ginawa just in case na ganoon rin ang nangyari pero ayaw ko na mangyari 'yon sa akin, bro. Tama ka naman sa sinasabi mo, eh. Dapat sinabi o pinaalam niya 'yon sa 'yo kahit hindi ka sumang-ayon sa pagpapakasal nilang dalawa ng babaeng 'yon, bro," sabi ni Rafael sa akin. Sumasang-ayon rin siya sa sinabi ko sa kanya.

Bumuga ako ng malamig na hangin at saka nagsalita, "Iyon na nga ang sinasabi ko, bro. Sinabi pa rin niya sa akin 'yon o pinaalam kahit sabihin na hindi ako sumasang-ayon sa pagpapakasal nilang dalawa. Dapat sinabi niya 'yon sa akin dahil karapatan ko na malaman 'yon dahil anak niya ako. Ni-respeto naman sana niya ako. Paano ko sila re-respetuhin kung hindi nila ako ni-respeto lalo na si daddy, 'di ba?"

Tumango ang best friend ko pagkasabi ko.

"Totoo 'yang sinabi mo, bro. Ni-respeto ka naman dapat niya, eh. Iyon ang mali ng daddy mo. He didn't tell you about his plan to marry that girl."

"Sabi pa niya sa akin kaya raw hindi niya ginawa 'yon na sabihin sa akin dahil wala naman akong pakialam. Paano naman nasabi 'yon niya na wala akong pakialam? May pakialam ako, bro. Kung wala akong pakialam ay hindi sana ako nagagalit sa kanilang dalawa. Hinayaan ko lang sana sila pero hindi, eh," sabi ko pa sa kanya.

"Alam mo ba na kahapon pa lang silang dalawa ng babaeng 'yon nagkita ngunit pinakasalan na kaagad niya kanina dahil mahal niya raw ito at ayaw niya na mawala pa ito sa kanya kaya pinakasalan kaagad niya."

His eyes got bigger after I said that to him.

"Talaga ba, bro? Kahapon lang silang dalawa nagkakilala?" paniniguradong tanong ni Rafael sa akin na tinanguan ko naman kaagad.

"Oo, bro. Kahapon pa lang talaga, bro. Nakapagtataka nga lang talaga," sabi ko pa sa best friend ko.

He sighed deeply and asked, "Ano ba ang hitsura ng babaeng 'yan, huh? Ang ganda-ganda siguro ng babaeng 'yan dahil pinakasalan kaagad ng daddy mo kahit kahapon pa lang silang dalawa nagkakilala."

"Maganda naman ang babaeng 'yon, bro. Maganda rin ang pangangatawan kaso lang..."

"Kaso lang ay ano?" tanong niya sa akin.

Bumuga muli ako ng malamig na hangin bago nagsalita sa kanya.

"Kaso nga lang ay... mukhang mahirap, eh. Malakas ang kutob ko na pera lang ang habol ng babaeng 'yon sa daddy ko. Mukhang manggagamit siya kaya isa pa 'yon sa ikinagagalit ko na huthutan siya ng babaeng 'yon," sabi ko pa sa kanya.

"Ah, talaga ba, bro? Naku, hindi pala magandang napangasawa ng daddy mo ang babaeng 'yon. Delikado. Hindi ka nga talaga nagkakamali at nararapat na ipaglaban mo 'yang pinuputok ng butsi mo. Wala ka namang magagawa pa, bro. Asawa na ng daddy mo ang babaeng 'yon," sabi pa ng best friend ko sa akin.

"Wala na nga akong magagawa pa talaga, eh. Hindi ko sila matatanggap na dalawa sa kung ano man ang mayroon sila. Hindi ko sila tatanggapin kahit kailan. Hindi ko rin patatawarin ang daddy ko sa ginawa niyang 'yon na hindi pagsabi sa akin. Gusto niyang i-respeto ko ang babaeng pinakasalan niya, hindi nga niya ako ni-respeto kay hindi ko sila re-respetuhin kahit ano pa ang mangyari. Bahala silang dalawa sa buhay nila!" sabi ko pa sa best friend ko na si Rafael. "Magsama silang dalawa ng asawa niyang 'yon."

Humugot nang malalim na buntong-hininga ang best friend ko na si Rafael matapos 'yon. Tumahimik kaming dalawa parehas. Sunod-sunod na bumuntong-hininga ako. Umiinit na naman tuloy ang ulo ko dahil sa pinag-uusapan naming dalawa ni Rafael ang nangyari kanina.

Kumuha ng malamig na soda ang best friend ko na si Rafael at ibinigay 'yon sa akin. "Uminom ka muna nito para mawala ang init ng ulo mo baka makatulong, bro," sabi nga niya sa akin pagkabigay niya ng malamig na soda.

"Thanks, bro," pasalamat ko sa kanya.

"You're always welcome, bro," sabi niya.

Binuksan ko naman nga 'yung malamig na soda na binigay niya sa akin para inumin 'yon.

Mayamaya pa ay magsisimula na nga siyang kumain ng brunch. Niyaya pa nga niya akong kumain pero tumanggi naman ako. Busog pa ako. May binigay pa nga siyang cake sa akin kasama ng soda kaya 'yon ang kinakain-kain ko habang nag-uusap kaming dalawa.

"Ano'ng gagawin mo ngayon, bro? Doon na rin ang asawa ng daddy mo titira sa mansion n'yo. Araw-araw mo na silang dalawa makikita n'yan. Hindi ka ba aalis doon? Iinit lang ang ulo mo n'yan sa kanilang dalawa kapag palagi mo silang nakikita," tanong niya sa akin.

I sighed first before I speak to him.

"I don't know, bro. I don't know what to do, but I'll stay there. Hindi ako puwedeng umalis sa mansion namin na 'yon. Matutuwa silang dalawa n'yan lalo na ang babaeng 'yon na asawa niya kapag umalis ako. Silang dalawa ang umalis sa mansion na 'yon, hindi ako lalo na ang babaeng 'yon," matigas na tugon ko sa best friend ko na si Rafael.

He nodded immediately after I said that.

Marami pa kaming pinag-usapan na dalawa ng best friend ko hindi lang ang tungkol sa daddy ko at ang bagong asawa niya. Dito muna ako mananatili ng maraming oras sa condo unit ng best friend ko. Baka gabi na ako makauwi. Wala namang problema 'yon. I have my own car and I can go home anytime I want. Ayaw ko na muna silang dalawa makita lalo na si daddy.

CELINE

Dinala ako ng asawa ko sa kuwarto niya kung saan nandoon na rin ang mga gamit ko. Ang kuwarto niya ay magiging kuwarto ko na rin. Maganda naman ang kuwarto niya. Maaliwalas sa loob. Malaki naman ang kuwarto niya. Ang laki nga ng kama niya at mukhang ang lambot-lambot nitong higaan. Tahimik lang ako habang nasa loob kami ng kuwarto niya. Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang tungkol kanina sa eksenang nangyari sa baba at ang sinabi ng anak niya na si David na hindi ko nagustuhan lalo na 'yung tungkol sa akin. Tama naman siya sa sinasabi niya, eh. Kaya naman ako nagpakasal sa daddy niya dahil para hindi na ako maghirap pa. Kung hindi ako pumayag na magpakasal sa daddy niya ay baka kung ano na ang mangyari sa akin nito. Baka mamatay ako nito ng dilat ang mga mata dahil sa gutom. Wala pa naman akong trabaho. Wala na rin akong pera. Wala namang ibang tutulong sa akin, eh.

"Okay ka lang ba?" mahinang tanong niya sa akin nang mapansin niya na tahimik ako at mukhang may malalim na iniisip habang nakaupo sa upuan na nandoon sa loob ng kuwarto niya.

Nginitian ko naman siya ng pilit na ngiti at saka mahinang nagsalita, "Okay lang ako."

"Talaga ba, huh?" I quickly nods my head.

"Oo. Okay lang ako. Naninibago lang siguro ako," sagot ko sa kanya bilang dahilan kahit hindi naman ako naninibago. May iniisip lang talaga ako. Naninibago naman ng kaunti, hindi maiiwasan 'yon ngunit hindi talaga maalis-alis sa isipan ko ang nangyari kanina at ang mga binitiwan na salita ng anak niya na si David sa amin lalo na sa akin. Nasasaktan ako pero 'yon ang totoo, eh. Wala akong magagawa sa totoo lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status