Share

Chapter 6

DAVID

Tinalikuran ko na silang dalawa matapos kong sabihin ang nais kong sabihin sa kanila lalo na kay daddy. Galit ako sa kanilang dalawa lalo na kay daddy na hindi man lang ako sinabihan na mag-aasawa na pala siya. Ang ikinagulat ko na lang talaga ay nang malaman ko na kahapon pa lang silang dalawa nagkakilala ng babaeng 'yon na mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Mukhang pera lang ang habol ng babaeng 'yon sa kanya. Kahapon pa lang sila tapos ay kasalan na ang sumunod. Nakapagtataka nga lang. Minahal kaagad ni daddy ang babaeng 'yon.

Hindi ko silang dalawa matatanggap sa kung ano man ang mayroon sila. Kailanma'y hindi ko tatanggapin silang dalawa. Hindi ko rin nagustuhan ang sinabi sa akin ni daddy na kaya niya hindi sinabi na pakakasalan niya ang babaeng 'yon ay dahil sa wala naman akong pakialam sa kanya. Paano naman niya na sabi na wala akong pakialam sa kanya? He's my dad and the only parent I have. Kaya paano naman na magiging wala akong pakialam sa kanya? Dapat sasabihin niya sa akin na mag-aasawa siya at pakakasalan niya ito kahit hindi ko gusto na asawahin niya ang babaeng 'yon. Sinabi niya pa rin dapat sa akin dahil anak niya ako. May karapatan pa rin akong malaman 'yon. May pakialam pa rin ako sa kanya at hindi puwedeng wala.

Sadyang kagustuhan lang niya 'yon na hindi sabihin sa akin dahil kapag sinabi niya 'yon sa akin ay sigurado siya na kokontrahin ko siya at mag-aaway kaming muli na dalawa. Nag-away pa rin naman kami dahil sa ginawa niyang 'yon. Mas nadagdagan pa nga ang galit ko sa kanya sa ginawa niyang hindi pagsabi sa akin. Malalaman ko ngayon na kasal na pala siya sa babaeng 'yon. Nasaan ang respeto niya sa akin bilang anak niya.

Bumalik ako sa loob ng kuwarto ko at pinakalma ang sarili ko. Ayaw ko na makita silang dalawa lalo na ang asawa ng daddy ko. Naisipan ko na umalis sa mansion namin. Pupuntahan ko ang aking best friend na si Rafael sa condo unit niya. Gusto ko na magpalamig ng ulo ko. Baka kung ano ang magawa ko lalo na kay daddy.

Makalipas ang ilang minuto na nasa loob ako ng kuwarto ko at pinapakalma ang sarili ko ay nagsimula na akong magpalit ng damit para umalis sa mansion. Pupuntahan ko talaga ang best friend ko na si Rafael. Pagkabihis ko ng damit na panlakad ay lumabas na ako sa kuwarto ko. I locked it and went downstairs.

Wala na silang dalawa doon sa baba. Hindi ko alam kung nasaan na sila. Wala naman akong pakialam kung saan sila pumunta. Ayaw ko nga na makita silang dalawa. Nag-iinit ang ulo ko.

Nakasalubong ko si Irene na isa sa mga kasambahay namin pagkababa ko sa hagdan. Tinanong kaagad niya ako kung saan ako pupunta.

"Pupunta lang ako sa condo unit ng best friend ko na si Rafael," sabi ko sa kanya.

Tumango naman kaagad siya pagkasabi ko kung saan ako pupunta.

"Ah, ganoon po ba, Sir David. Sige po. Mag-iingat ka po sa pagmamaneho mo," sabi niya sa akin at tinanguan ko naman siya bago nagsalita.

"Thanks, Irene. I have to go now..."

"Sige po, Sir David. Paalam po. Wait lang po pala..."

"Ano 'yon?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Anong oras ka po pala uuwi? Matatagalan ka po ba?" tanong pa niya sa akin.

I sighed deeply and slowly opened my mouth to speak to her. Napakibit-balikat pa nga ako.

"Hindi ko alam, Irene. I can't tell you, okay? Bakit mo ba ako tinatanong, huh?" napapakamot sa ulo na tanong niya sa akin. Naiinis tuloy ako sa mga katanungan niyang 'yon sa akin kung matatagalan ba ako at anong oras ako uuwi. Kailangan ba niyang tanungin ako? It's not mandated to ask me, right?

Napangiwi tuloy siya sa sinabi kong 'yon. Kita naman niya ang pagkainis ko sa mga katanungan niyang 'yon. Sino ba ang hindi maiinis sa kanya? Hindi pa naman maganda ang mood ko ngayon dahil sa nangyari kanina.

"Sir David, tinatanong lang naman po kita kung anong oras ka uuwi at kung matatagalan ka po para may nakakaalam po kung anong oras ka uuwi at kung matatagalan ka. Kung may maghanap man po sa 'yo na wala ka pa po ay may nakakaalam kung nasaan ka, hindi po mag-alala at maghahanap kung nasaan ka po. Mabuti na po 'tong tinatanong kita kung saan ka po pupunta at kung anong oras ka uuwi para may nakakaalam kahit isa man lang po. 'Wag ka po sanang mainis o magalit sa akin, Sir David. Hindi naman po masama ang ginagawa ko na pagtatanong sa 'yo," paliwanag na sagot ni Irene sa akin.

I didn't speak to her after she said that. Naisip ko na may punto naman siya sa sinabi niyang 'yon sa akin. Wala namang masama sa ginawa niyang pagtatanong sa akin. Ako lang talaga ang may problema. Siguro madaling nainis ako dahil sa nangyari kanina na kulang na lang ay magwala ako.

Hindi na ako nagreklamo o nagsabi ng hindi maganda sa kanya. Tinanguan ko na lang siya. Nagsalita pa rin ako.

"Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi, Irene. Uuwi naman ako pagkagaling ko sa condo unit ng best friend ko, okay? Alam mo na kung saan ako pupunta at alam mo na rin na hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi mamaya basta uuwi pa rin ako. Hindi ako puwedeng hindi umuwi sa mansion nito. Matutuwa ang daddy ko at ang asawa niyang mukhang pera kapag umalis ako dito," sabi ko kay Irene na may pasaring tungkol sa daddy ko at asawa nito.

Tumango lang si Irene pagkasabi ko.

"Okay po, Sir David. Maraming salamat po sa pagsagot sa mga tanong ko na 'yon. Mag-iingat ka po sa pagmamaneho mo," sabi niya sa akin. "Iyon lang naman po ang nais kong malaman sa 'yo, Sir David. Ako na po ang bahala kapag may naghanap sa 'yo."

Tinanguan ko naman siya pagkasabi niya.

"Salamat sa 'yo, Irene. I have to go now," sabi ko sa kanya. Pinasalamatan ko naman siya kahit papaano.

"Walang anuman po 'yon, Sir David."

Tumalikod na ako sa kanya pagkasabi niya. Iniwan ko na siya doon sa loob ng mansion ko. Wala naman sa akin masyadong nakapansin sa pag-alis ko sa mansion maliban kay Irene.

Pagkapasok ko sa loob ng kotse ko ay binuhay ko kaagad ang engine nito at mabilis na umalis patungo sa condo unit ng best friend ko. Hindi ko na siya tinawagan pa na pupunta ako. Masu-supresa na lang siya n'yan kapag nandoon na ako. Tatawag ako sa kanya kapag nasa labas na ako ng unit niya.

"Why are you here, bro?" tanong ng best friend ko na si Rafael sa akin pagkapasok ko sa condo unit niya.

Hindi pa nga ako nakakahinga nang malalim ay tinatanong niya na ako kung bakit ako nandito sa condo unit niya. Parang tanga rin talaga ang best friend ko na 'to. Nakatopless lang siya at mukhang kagigising lang niya. Malapit na mag-lunch, eh. Mabuti ay wala siyang babae na kasama dito sa condo unit niya. Madalas ay may babae akong naaabutan dito sa condo unit niya. Himala na wala ngayong babae. One time nga ay naabutan ko pa siya at ang babaeng inuwi niya dito sa condo unit niya na nagse-sex sila. Rinig na rinig ko ang mga ungol nila. Ang ginawa ko ay lumabas na lang muna ako sa unit niya. Hinintay ko muna na matapos sila bago ako pumasok muli. Gago rin 'tong best friend ko. Ang hilig-hilig sa babae.

Hindi muna ako sumagot sa tanong niyang 'yon. Ang ginawa ko ay umupo ako couch na nandoon at seryosong tinititigan siya. I took a deep breath first and said, "Gusto ko lang ng makakausap kaya ako nandito, bro. Hindi naman ako pupunta dito sa unit mo kung wala akong gagawin o kaya ay makikipag-usap sa 'yo."

Tumango-tango siya pagkasabi ko.

"Ah, okay, bro..." sabi niya sa akin.

"Kagigising mo lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes, bro. Kagigising ko lang nga, eh," sagot niya sa akin.

"Halata nga, bro. Inumaga ka naman ng uwi kanina galing sa bar, 'no? Tama ba ako, bro?" tanong ko sa kanya.

Mabilis naman nga niya akong tinanguan at nagsalita, "Yes, bro. Inumaga na nga ako ng uwi galing sa bar."

"Mabuti ay nakauwi ka pa," sabi ko sa kanya na namimilosopo. Kinunutan niya ako ng kanyang noo.

"Of course ay uuwi pa rin ako, bro. Wala naman akong ibang mauuwian kundi dito sa condo unit ko. Ayaw ko na umuwi pa doon sa amin sa mansion. Walang katapusan na sermon ang aabutin ko nito kay mommy..." sagot niya sa akin.

"Gago ka rin kasi, eh, kaya ka senesermunan ni Tita Elvira," sabi ko sa kanya kaya napangiwi siya. "Himala dahil wala kang inuwi na babae dito sa condo unit mo, bro. Unlike these past few weeks."

Rafael breathes deeply before he speaks to me again.

"Pahinga na muna tayo sa mga babae, bro. Mauubos ang sperm ko n'yan," pabirong sagot niya sa akin at humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya.

"Gago! Ngayon mo pa talaga naisipan 'yan. E, halos ang dami mo nang panganay na anak," sagot ko sa kanya.

"Wow naman, bro. Nagsalita ang hindi babaero," sabi ng best friend ko sa akin. "Baka sabihin mo n'yan ay mas marami kang panganay kaysa sa akin." Tinawanan ko muli ang best friend ko na mukhang napipikon sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Of course not. I used protections. Stop me, bro," sabi ko sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status