Share

Chapter 5

CELINE

"Asawa mo na po siya?! What the hell is going on with you, dad?! Hindi ka lang umuwi kahapon tapos magpapakasal ka na, huh?! Niloloko mo ba ako, dad?" tiim-bagang na sabi ni David sa daddy niya na asawa ko na ngayon. Nenenerbiyos tuloy ako sa kanilang dalawa.

"Oo. Asawa ko siya, David. Hindi ko na siya girlfriend, okay? Asawa ko na siya," sabi pa ng daddy niya na asawa ko na. Napamura siya sa harapan namin ng daddy niya.

Ito na talaga ang sinasabi ko na magagalit talaga ang anak niya kapag nalaman na pinakasalan na niya ako kaagad at lalo na wala itong kaalam-alam.

Sa totoo lang ay gusto ko na umalis sa mansion nila at huwag nang bumalik pa dahil natatakot ako sa posibleng mangyari sa kanilang mag-ama dahil sa akin. Nanginginig ang buong katawan ko sa nerbiyos sa kanilang mag-ama.

Masamang-masama na nakatingin sa aming dalawa ng asawa ko si David. Galit talaga siya sa amin lalo na sa daddy niya.

"Bakit hindi mo sinabi na mag-aasawa ka na, dad? Bakit sinabi mo ngayon lang sa akin na kasal ka na, huh? Bakit hindi mo ginawa 'yon? Anak mo ako, 'di ba? Dapat alam ko 'to. Pambihira ka naman, dad. Nagsabi ka pa rin dapat sa akin na mag-aasawa ka na, hindi 'yung bibiglain mo na lang ako na may asawa ka na. Nakakasama lang ng loob na anak mo ako tapos hindi mo sinasabi ang lahat ng 'to sa akin na dapat ko naman na malaman bago pa nangyari. Matagal na ba kayo ng babaeng 'yan, huh?" naghihimutok sa galit na tanong ni David sa daddy niya.

Bago sumagot muli ang asawa ko sa anak niya na si David ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga. Magkahawak-kamay pa rin kaming dalawa at para bang wala siyang balak na bitawan ang mga kamay ko.

"Hindi ko na sinabi 'yon sa 'yo dahil wala ka namang pakialam, eh. Wala ka namang pakialam sa akin, 'di ba? Kahapon pa lang kami nagkakilala ng asawa ko na si Celine, eh. Dahil sa mahal ko na siya sa unang pagkikita namin at ayaw ko na siyang mawala pa sa akin ay pinakasalan ko na kaagad siya ngayong araw na 'to, David. Hindi na kailangan pa na patagalin 'yon, eh. Gusto rin naman ako n'yan ng asawa ko. 'Wag kang mag-alala. Kung hindi ko man sinabi 'to sa 'yo, pasensiya na lang sa 'yo, David," sagot ng daddy niya sa kanya na mas lalong sumama pa ang tingin sa amin sa narinig niyang 'yon.

"W-what?! Kahapon pa lang kayong dalawa nagkakilala ng babaeng 'yan, dad?! Seryoso ka ba sa sinasabi mo, huh?" galit na tanong niya sa daddy niya na dinuduro-duro pa ako.

Mabilis naman na tumango ang daddy niya sa kanya at nagsalita, "Oo. Kahapon pa lang, David. Mahal ko siya. Gusto ko siya na mapangasawa muli kaya pinakasalan ko na siya kaagad. Ayaw ko na mawala pa siya sa akin kapag hindi ko pinakasalan siya. Pasensiya na kung hindi ko nasabi 'yon sa akin. 'Wag ka nang sumama pa ng loob sa akin. You have to accept that I'm married now. Wala na rin naman ang mommy mo. Matagal na siyang patay. Gusto ko pa na mag-asawa muli kaya hayaan mo na ako. Nandito na kami, eh. Nandito na ang asawa ko kaya tanggapin mo na lang kami. Unawain mo na lang ako, David. Pasensiya na kung hind ko pinaalam sa 'yo na ikakasal na ako kanina. Hindi na rin kasi ako makapaghintay na maikasal muli sa babaeng mahal ko. I really love her, David. Ayaw mo ba akong muli na lumigaya, huh?"

Napamura pa ng mahina ang anak niya na si David sa sinabi niyang 'yon. Gusto ko na talaga umalis. Halu-halo ang nararamdaman ko sa totoo lang. Nahihiya ako sa anak niya na si David dahil nagalit tuloy siya sa daddy niya dahil sa akin. Hindi naman ako puwedeng umalis pa. Kasal na ako sa asawa ko na hindi ko inaasahan na pakakasalan ko. Wala akong choice, eh, kundi ang magpakasal sa kanya kahit ayaw ko naman talaga.

Tinapunan muli ako ng masamang tingin ni David bago nagsalita sa daddy niya.

"Hindi ko kayang dalawa matatanggap sa kung ano man ang mayroon kayo lalo na 'yang asawa mo na mas bata pa sa 'yo. Kung iisipin ay anak mo na lang 'yan, dad. Sa dami ng babaeng puwedeng asawahin mo, 'yang babae pang 'yan ang inasawa mo na mukhang pera lang ang habol sa 'yo. Hitsura pa lang ay wala nang kadating-dating. Mukhang pera na p*ta. I'm so disappointed with you, dad. Pasensiya ka na rin dahil hindi ko matatanggap ang pagsasama n'yong dalawa!" sarkastikong sagot niya sa daddy niya. Napangiwi ako sa sinabi niyang 'yon tungkol sa akin.

Nasaktan ako sa sinabi niyang 'yon na wala akong kadating-dating at pera lang ang habol ko sa daddy niya na kung iisipin ay tama naman siya sa sinabi niya. Ang sakit lang isipin na 'yon ang sinasabi niya laban sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Tumungo ako.

"Don't say that, David. 'Wag kang bastos! I-respeto mo naman ang asawa ko, please. Kahit hindi na ako i-respeto mo ay walang problema, basta i-respeto mo lang ang asawa ko. Asawa ko na siya, okay? Dito na siya titira sa mansion ko! Kung hindi mo kami matatanggap sa relasyon naming dalawa ni Celine ay i-respeto mo na lang siya ay okay na sa akin 'yon, David," sabi ng daddy niya sa kanya bilang pakiusap.

"What did you say, dad? I-respeto ko siya kahit ikaw ay huwag na?" singhal pa niya sa daddy niya.

Tumango ang asawa ko sa kanya at nagsalita, "Oo. Kung hindi mo siya gusto at hindi mo kami tanggap sa kung ano man ang mayroon kaming dalawa ng asawa ko ay i-respeto mo na lang siya, kahit 'yon lang, David. Wala ka nang magagawa pa, eh. Nandito na siya. Asawa ko na siya."

"Never! Hindi ko siya ire-respeto kahit asawa mo na ang babaeng 'yan, dad! Hinding-hindi ko gawin 'yon kahit kailan! Wala kayong makukuha na respeto sa akin. Ang lakas rin ng loob mo na sabihin 'yan sa akin na i-respeto ko siya, dad. Alam mo po ba ang ibig sabihin ng salitang respeto, huh? Kung alam mo po 'yon ay mahihiya ka na sabihin ang salitang 'yon sa akin dahil hindi mo ako ni-respeto bilang anak mo sa desisyon mo na magpakasal na lang ng wala akong kaalam-alam. Gusto mo siya na i-respeto ko na asawa mo pero ako ay hindi mo ni-respeto na anak mo na dugo't laman ay galing sa 'yo. You're so unfair, dad! Asawa mo lang siya, eh. Asawa mo lang siya na walang kuwenta! Bahala kayo sa mga buhay n'yo! Mas mahalag na sa 'yo ang babaeng 'yan na manggagamit! Mukhang pera!" sabi pa niya sa daddy niya.

Iyon ang huling sinabi niya sa amin ng daddy niya bago niya kami tinalikuran. Tinapunan pa nga niya kami ng masamang tingin lalo na ako bago siya umakyat ng hagdan.

Natahimik kaming dalawa ng asawa ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi naman niya pinigilan ako na kumalas sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Humarap siyang muli sa akin. Nakangusong nakatingin ako sa kanyang mga mata. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita sa kanya.

"Hindi talaga ako nagkamali sa sinabi ko sa 'yo na baka magalit ang anak mo. Tingnan mo ngayon, nagalit talaga siya sa ating dalawa lalo ka na. Alam mo nenenerbiyos ako sa inyo habang nagtatalo kayo. Gusto ko na umalis na lang pero hindi ko na puwedeng gawin 'yon dahil kasal na ako sa 'yo. Nahihiya ako sa anak mo na si David dahil sa ginawa natin na 'to," nakangusong sabi ko sa kanya.

Napasighap siya sa sinabi kong 'yon. Hinawakan muli niya ang mga kamay ko at dahan-dahan na nagsalita, "Alam mo kahit magsabi pa ako sa kanya na pakakasalan kita ay magagalit pa rin siya sa akin. Hindi niya gusto na pakasalan kita. Isa pa 'yon sa mga rason kung bakit nagagalit siya sa akin ngayon. He doesn't like you to be my wife. Kahit saan tayo lumugar ay magagalit pa rin siya. Hayaan na lang natin siya, okay? Ang importante ngayon ay kasal na tayong dalawa. Asawa na kita at asawa mo na ako. Mawawala rin ang galit niya para sa atin. Matatanggap rin niya tayo. Huwag mo nang isipin pa 'yon, okay? 'Wag ka na rin mag-alala pa. Ako ang bahala sa 'yo. I'll give you everything you want. Kung ano man ang sabihin niya sa 'yo ay hayaan mo lang siya. Nandito ka na sa akin, hindi ka na maghihirap pa. Gusto mo ba na bumalik sa buhay mo na nahihirapan ka, huh? Hindi ka mahihirapan pa ngayon sa piling ko."

Huminga muli ako nang malalim at saka nagsalita, "Ayaw ko na bumalik pa sa buhay ko na 'yon."

"Iyon naman pala, eh. 'Wag mo nang isipin o problemahin pa 'yon. Kung galit man nga siya sa atin ay hayaan mo na lang siya. Don't mind his words against you, okay? Wala naman siyang magagawa pa. Hayaan mo na lang siya. Matatanggap rin niya tayong dalawa. Ngayon lang 'yan na nalalaman pa lang niya ang tungkol sa ating dalawa. Kung may mali man akong nagawa sa kanya ay kasalanan ko na 'yon, okay? Hindi mo 'yon kasalanan kaya huwag mo nang problemahin pa 'yon. 'Pag may sinabi pa siyang hindi maganda sa 'yo ay huwag mo nang pansinin pa 'yon. Maliwanag ba 'yon sa 'yo?" sabi niya sa akin.

Dahan-dahan naman nga akong tumango sa kanya at nagsalita, "Oo. Maliwanag na 'yon sa akin." Nakanguso pa rin ako pagkasabi ko sa kanya. Hindi pa naman ako sanay na may nagagalit sa akin. Bahala na talaga. Bahala na kung ano ang susunod na mangyari. Nandito na ako. Nagpakasal na ako. Sana talaga ay maging maayos ang lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status