Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang sunod-sunod na katok ng pintuan. Mabilis akong tumayo at lumapit doon para buksan.
Katulad ng inaasahan ko ay nakatayo roon ang kakambal kong si Plumeria. Nakasuot ito ng lumang jacket na may hood, na parang hindi siya bagong kasal sa isa sa pinakamayayamang pamilya sa bansa at hindi gumigising sa tabi tabi ng asawa sa isang mansyon na puno ng staff.
Kababalik ko lang ng Pilipinas kanina dahil pinauwi niya ako sa hindi niya sinabing kadahilanan. Sinabi rin niyang wala akong dapat sabihan na babalik ako rito.
"Plumeria!" nakangiting bati ko sa kanya at niyakap niya. Niyakap naman niya ako pabalik, pero ramdam kong hindi iyon kasing init ng yakap ko.
May problema. Iyon ang sigurado ko. Kilala ko ang kakambal ko at ganitong-ganito siya kapag may problema siya.
"Maupo ka muna—"
“I need your help,” sabi niya at pinutol ang sasabihin ko.
Isinara ko ang pinto sa likod niya at hinila siya sa may dulo ng kama ko, humarap kami sa bintana.
“Anong tulog? Gaano kalaking tulong ba yan para pauwiin mo ako rito nang hindi sinasabi kay Papa?”
Humarap siya sa akin, at napansin ko ang maitim na bilog sa ilalim ng mga mata niya, ang tuklap na polish sa mga kuko niya, ang kinakabahan niyang pagpihit sa wedding ring.
“Pamela... I can't have a child,” bulong niya. "Tatlong buwan na naming sinusubukan at alam kong nauubos na ang pasensya ni Tiger. Kapag hindi ko siya mabigyan ng anak sa lalong madaling panahon ay baka totohanin talaga niya ang banta niya kay Papa."
Parang hinigop ng mga salitang 'yun ang hangin sa buong kwarto.
“W-What do you mean?"
“I've tried,” sabi niya, halatang frustrated na talaga. “We've been... doing it. Or pretending to. But it doesn't matter. It won't work. My body's broken. Sira na ata ang matress ko.”
“Plumeria!” suway ko sa kanya. "Ano bang sinasabi mo?"
“Pamela... hirap na akong magkaanak dahil sa dami ng beses akong nagpalaglag ng bata dito sa tiyan ko."
Oh my god...
Katahimikan.
Tahimik ang namuo sa buong kwarto. Napatigil ang paghinga ko sa sinabi niyang iyon. Never siyang nag-open up ng bagay sa akin tungkol doon.
Lumaki kaming dalawa sa magkaibang istilo. Ako bilang hindi kilala ng karamihan dahil parati akong nasa hospital. Mahina ang puso ko simula pa noong bata pa ako kaya bibihira lang ako narito sa bahay. Halos buong buhay ko ay naroon ako sa hospital, sa ibang bansa. Samantala, si Plumeria naman ay kabaliktaran ko. Party girl. Famous. At kahit saan magpunta ay kilala ang pangalan niya.
May mga naririnig ako tungkol sa pagiging mahilig niya sa lalaki, pero hindi ako nag-isip ng bagay na tulad ng sinasabi niya ngayon.
“I thought maybe it wouldn't matter,” sabi niya, basag ang boses. “That I could fake it, that I'd have time, that no one would notice. But they're already watching. Waiting.”
Umupo ako sa kama, lakas ng kabog ng dibdib ko. “Sa.... Sa paanong paraan kita pwede matulungan?”
“I need you to take my place.”
Umawang ang bibig ko at tila nabingi pa sandali.
“You're not serious.” Kurap ko sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.
“I am, Pamela. Seryoso ako."
“No. Hindi ko gagawin yan.” Napailing ako sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.
“Pamela, please!”
Napahilamos ako sa mukha ko at muling umiling. “I'm not doing that. That's insane.”
“You're the only one who can pull it off.” Lumapit siya sakin at lumuhod sa tapat ko, hinawakan ako sa magkabilang braso.
“Exactly. And that's the problem," ngitngit ko sa kanya at inalis ang kamay niya. "Para mo naman akong ginagawang laruan na pwede mong ipamigay."
"Hindi ba't ipinamigay rin naman ako ni Papa?" mahina niyang sabi.
Nakagat ko ang labi ko at biglang nakaramdam ng awa sa kanya. Hindi ko sinasadya na sabihin yun.
Nalugi ang negosyo ni Papa at nabaon siya sa pagkakautang sa bilyonaryong si Tiger Rivas. Nang singilin siya nito at walang maibayad ay si Plumeria ay ginawa niyang pambayad kay Tiger. Kapalit ng isang anak mula kay Plumeria ay buburahin ni Tiger ang mga utang na meron si Papa. At kung hindi naman mabigyan ng anak ni Plumeri si Tiger bago matapos ang taon na ito ay ipapapatay ng lalaking iyon si Papa.
“Look, I wouldn't ask if there was another way. Ito lang ang tanging paraan na alam ko, Pamela. Si Tiger... he's starting to expect something. He is obsessed with lineage. He wants an heir. Soon. If I fail, they'll ruin us. Dad. Hindi lang si Papa ang sisirain niya, kundi pati tayong dalawa."
"Pero hindi ako surrogate, Plumeria!" singhal ko sa kanya, frustrated na rin.
“You wouldn't just carry the baby,” sabi niya. “You'd live the role. Temporarily. Until I figure something out with me.”
“Temporarily,” sarkastiko akong natawa sa mga plano niya. “You think that's how it works?”
“You've always been better at pretending than me.”
At totoo iyon. Nang makalabas na ako sa hospital at sabihin sa akin ng doctor na magaling na ang sakit ko ay tatlong beses akong nagpanggap na si Plumeria kapag kinakailangan niya ng tulong ko.
Pero wala roon ang may kinalaman sa lalaki. Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend kaya paano akong aakto na siya at asawa ng isang Tiger Rivas.
“This isn't highschool theater,” bulalas ko sa kanya. “This is real. Marriage. Sex. A family.”
“He doesn't love me. He barely talks to me. It's not like he'd notice.”
“And if he does?”
“Then I handle it," mabilis niyang sagot. "But right now, you're the only one who can save us.”
Save us.
Parang isa itong sakripisyo. Parang isa akong sundalo na haharap sa malaking laban.
Humarap ako ulit sa kanya.
“I-I... don't even know what he's like.”
Tumayo siya at pinagpag ang tuhod niya. “He's cold. Private. Always traveling. He won't be around much. Hindi mo siya parating makakasama.”
“Pero hindi naman madali ang ipinagagawa mo sa akin." Bumuga ako ng malalim na hangin at tumitig sa mga mata niya. "You want me to sleep with him. You want me to give him a child.”
Tahimik ulit at hindi nakasagot.
"Nauubos na ang oras natin..." pabulong niyang wika.
Nagtitigan ulit kami.
Magkamukhang mata. Magkamukhang mukha. Bukod kay Papa at sa pinagkakatiwalaang kasambahay, wala ng makakapagsabi kung sino ba si Plumeria at kung sino ba si Pamela kapag magkaharap kaming dalawa.
“I already laid the groundwork. The staff knows I'm going to my aunt's place for a week. All I need is time. A few days. You move in, take my place, act like me. If he's gone, it'll be easy.”
“And when he's not?”
“You've seen me act all your life. You know what to do.”
Hindi na siya naghintay ng sagot ko. Sa halip ay niyakap niya ako nang mahigpit.
Nang gabi ring iyon ay nag-impake ako para gawin ang plano ni Plumeria.
Walang nakapansin mula sa Rivas state na isa akong huwad at hindi si Plumeria.Sinundo ako ng driver nang walang salita. Nag-bow ang butler sa akin, at ngumiti ang cook.
“Welcome home, Mrs. Rivas," sabi ng isang housekeeper.
Tumango ako at naglakad na parang doon talaga ako kabilang.
Nag-iwan si Plumeria ng notes para sa akin. Kung ano ang gusto niya sa almusal. Ang perfume na suot niya. Paano siya magsalita. Ano ang iniiwasan niya. Ang favorite chair niya sa drawing room.
Sinunod ko ang script.
Perfect posture. Limited words. Crossed ankles. Sharp glares.
Nakakatakot kung gaano kadali ang lahat. Walang mali. Nagagawa ko ang mga nasa plano.
Matapos ang tatlong araw kong pananatili ay bumalik na ang asawa ng kakambal ko.
Hindi siya kumatok. Itinulak lang niya ang pinto ng bedroom at pumasok.
Napalunok ako nang makita ang kabuohan niya.
“You're here,” sabi niya, ini-scan ako ng mata.
“Of course,” ngiti ko at pinigil ang sarili na magkamali.
Kumunot ang noo niya. “Wasn't sure. You said you were leaving.”
Pinigilan ko ang panic. “Changed my mind.”
Tumango siya.
Unbothered. Distant. Iyon ang napansin ko sa kanya.
Inalis niya ang relo niya at inilagay sa nightstand.
“You're quiet."
Tumaas ang kilay niya sa akin. “You usually prefer it that way.”
Mahina akong ngumiti. “Ah... I do.”
Naglakad siya sa tabi ko papunta sa closet. In-roll up ang sleeves niya.
Pinanood ko ang likod niya.
Malapad at tensed iyon.
“You're home early,” komento ko.
“Business shifted. I figured I'd try being a husband for once.”
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko.
Humarap siya. Nag-lock ang mga mata niya sa akin.
“Kanina ko pa napapansin. You look different,” sabi niya.
Kumulo ang sikmura ko. “H-How so?”
Tumigil siya at pinasadahan ako. “I don't know. Softer, maybe. Lighter.”
Kinakabahan akong tumawa at itinuro ang ilaw. “Must be the lighting?”
Tinitigan niya ako for another second. Tapos nilampasan niya ulit ako.
Sa salamin, nakita ko ang mukha niya. Curious. But not suspicious.
Not yet.
Sa dinner naman ay magkatapat kaming nakaupo nang tahimik. Perfect ang steak. Expensive ang wine. Masyadong malaki ang kwarto para sa dalawang tao lang.
Sa wakas ay nagsalita siya.
“You never drink red.”
Nag-hesitate ako, tapos itinulak ang baso palayo. “R-Rght. Ayaw... ko sa red.”
“You also hate roses.”
Tiningnan ko ang centerpiece. A dozen red roses in crystal. "F-Fresh kasi yan... Maganda naman."
Ipinihig niya ang ulo niya sa akin. “Did something happen while I was gone?”
Hindi ako tumingin sa kanya. “You mean besides marrying a stranger?”
Na-caught siya off guard at umurong ang bibig niya. Tapos tumingin siya sa malayo.
Matapos namin kumain ay naligo na ako at nahiga sa kama. Malakas ang pintig ng dibdib ko sa kaba dahil makakatabi ko ang asawa ng kakambal ko.
Pumasok si Tiger after midnight.
Walang sinabi. Hindi siya nagsalita kahit nakita niyang gising pa ako.
Dumulas sa ilalim ng kumot sa tabi ko, at naglapat ang mga katawan namin.
“Y-You're not going to ask?” bulong ko.
“Ask what?”
“Why I'm different today.”
“I assumed it was progress.”
Humarap siya sa akin, half-lidded ang mga mata. “I don't need perfect,” sabi niya habang nakatitig sa akin. “I just need peace.”
At hinalikan niya ako!
First instinct ko ay dapat iiwas ako, pero hindi ko ginawa. Sa halip ay hinalikan ko siya pabalik.
Para kay Plumeria. Para kay Papa.
Dumulas ang kamay ni Tiger sa bewang ko. Mas lumalalim ang halikan namin nang biglang tumunog ang telepono niya.
Bumuntong-hininga siya at umiwas, chineck ang screen.
“Work,” bulong niya. “Always work.”
Tumayo siya, umalis sa kwarto, at sinagot ang tawag.
I curled into the pillow, nanginginig ang buong katawan.
This was a game na hindi namin pwedeng laruin habangbuhay. At wala akong ideya kung ano ang mangyayari kung malaman niya na hindi ako ang babaeng pinakasalan niya.
Napansin niyang iba ako. Pero hinalikan pa rin niya ako. At hinalikan ko siya pabalik. At ngayon, hindi ako sigurado kung nagpapanggap pa rin ba ako.
May kakaiba rin kay Tiger. Hindi ko ma-explain pero parang less guarded siya. Mas present.Siya pa rin si Tiger, yung lalaking may calendar na masikip parang lubid, schedule na naka-ukit sa bato. Pero nitong mga nakaraang araw, hindi siya ang tipong dumadaan lang. Nagtatagal siya. Sa breakfast, humahabol sa pangalawang tasa ng kape imbes na tumakbo agad.Sa balcony, halos magkadikit lang ang balikat namin habang pinapanood niya ang umagang ulap nawawala sa mga inayos na halaman. Sa hallway ng kwarto namin, ramdam ko muna ang tingin niya bago ko pa siya makita. Mukhang may gusto siyang sabihin, seryoso at totoo, pero hindi niya alam paano i-raise iyon.Nakakatakot.At naiinis ako na nagugustuhan ko pa.May malamig na boses sa utak ko, yung boses ng pag-iingat, na sigaw na dapat maghanda na akong umalis. Hindi dapat tumagal ang switch na ito lampas sa purpose niya. Pero heto ako, hindi nagpa-packing, imbes ididin memorize yung precise na pagkunot ng mata niya kapag genuine ang ngiti, yu
Wala na si Tiger nang magising ako. Walang note. Walang text. Walang paliwanag.Mas mabuti iyon para sa akin. Mas madali ang pananatili ko dito. Mas kaunti ang tanong, mas kaunting tsansa na mabuking ang mukha. Pero hindi naman nakapagbigay ng ginhawa ang katahimikan. Parang paalala lang kung bakit ako narito.Ginugol ko ang umaga sa tahimik at maingat na pag-aaral ng mga gamit ni Plumeria. Ang crystal atomizers ng French perfumes na may halong jasmine at hint ng pera. Ang fine-tipped cursive sa leather-bound journals niya. Ang eclectic at medyo pretentious na playlists na naka-save sa antique record player. Bawat detalye ay mahalaga sa papel na ginagampanan ko. Kailangan kong maging siya, hindi lang kamuka.Pinapanood ako ng staff na parang mga lawin. Sila ang pinaka-mapanganib na audience. Pero ngumiti ako sa tamang dami, nag-nod politely, nag-practice ng small talk tungkol sa panahon, at sinunod ko ang routine ni Plumeria nang eksakto. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahit isang bak
Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang sunod-sunod na katok ng pintuan. Mabilis akong tumayo at lumapit doon para buksan.Katulad ng inaasahan ko ay nakatayo roon ang kakambal kong si Plumeria. Nakasuot ito ng lumang jacket na may hood, na parang hindi siya bagong kasal sa isa sa pinakamayayamang pamilya sa bansa at hindi gumigising sa tabi tabi ng asawa sa isang mansyon na puno ng staff.Kababalik ko lang ng Pilipinas kanina dahil pinauwi niya ako sa hindi niya sinabing kadahilanan. Sinabi rin niyang wala akong dapat sabihan na babalik ako rito."Plumeria!" nakangiting bati ko sa kanya at niyakap niya. Niyakap naman niya ako pabalik, pero ramdam kong hindi iyon kasing init ng yakap ko.May problema. Iyon ang sigurado ko. Kilala ko ang kakambal ko at ganitong-ganito siya kapag may problema siya."Maupo ka muna—"“I need your help,” sabi niya at pinutol ang sasabihin ko.Isinara ko ang pinto sa likod niya at hinila siya sa may dulo ng kama ko, humarap kami sa bintana.“Anong tulog?