Home / Romance / Indebted / Indebted 4

Share

Indebted 4

last update Last Updated: 2022-10-09 21:35:32

"Rain Montreal."

"Rain Montreal."

"Rain Montreal."

Pang ilang ulit kong narinig yung pangalan ko na binanggit ng isang gago na papunta sa direksyon na kinaroroonan ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil alam kong isang asungot lang ang may boses na ganyan. Simula nung tumuntong ako sa unibersidad na ito ay memoryado ko na ang itsura ng lalaking yun at maging boses nito ay kilalang-kilala ko na.

Patuloy lang ako sa paghahalungkot ng gamit ko mula sa locker ko at nag-aalalang baka male-late na ako sa next class ko.

"Ms. President."

Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil paniguradong mangugulo lamang siya. Wala yang ginawa kundi ang bwesitin ako.

Nang sinara ko na yung locker ko ay naramdaman ko nang papalapit na ang hakbang niya sa likuran ko.

"Babe." and this time ay  nasa likuran ko na nga siya. Ramdam ko ang hininga niya sa may bandang leeg ko at ang pagdami ng mga labi niya rin doon na nagbigay naman sa akin ng kakaibang boltahe. Yuck! Mandiri nga ako sa pinag-iisip ko. 

Mula sa kanyang pagkakaakbay ay pilit kong iwinaksi yung mga kamay niya sa balikat ko.

"Fuck off Jimenez!" nanggagalaiting sabi ko nung tuluyan ko na siyang kaharap. He just act cool. Naglip bite pa ang gago and he slightly grin.

"And one more thing, huwag mo akong tawaging babe. Huwag mo akong itulad sa mga babae mo." I start to walk away from him at tuluyan ko na siyang tinalikuran.

"What about your secret?" napahinto ako sa narinig ko mula sa bibig niya. I faced him for the second time around. I saw him smirked.

"Are you blackmailing me?" Gusto ko na talagang isampal sa kanya ang mga librong dala-dala ko ngayon. Maging ang mga kamay ko ay naikuyom ko na sa galit ko sa kanya. Hanggang kailan ba siya titigil?

"Does it work?" he raised his brows. He leaned in the locker nakuha niya pang ilagay yung mga buhok kong nakatabon sa mukha ko pabalik sa likuran ng tenga ko pero buti na lang natapik ko yung kamay niya nung sinimulan na niyang haplusin yung mukha ko.

"Huwag mo nga akong mahawak-hawakan Winter! Baka sa kung saan-saan na dumapo yang kamay mo." tila nandidiri ko pang sabi sa kanya. I didn't find any reason kung bakit maraming nanghahabol at tumitili sa kanya. Nakakabwesit nga itong isang ito.

"Woahh! Chill!" sabi pa niya sa akin na pilit akong pinapakalma. "I promised, sayo lang ako." he gestured me the panatang makabayan hand. "Hetong puso ko, sayo lang nakalaan."turo pa niya sa puso niya. "Itong isip ko, ikaw lang laman nito. "

Nasusuka ako sa mga naririnig mula sa bibig niya.

"Itong katawan ko para lang to sayo. Ito... " turo pa niya sa pagkalalaki niya na ikinakunot naman ng noo ko. Like hell hindi ako interasado sa kanya. "promise, sayo lang ito."

I just heaved a sigh. "Pwede ba Winter tantanan mo na ako? Alam mo, style mo sobrang napakabulok. Narinig ko na yang sinabi mo sa mga babaeng kinama mo na."

"Come again?" this time I was confused. Bakit parang ang saya-saya niya? "My name. Tinawag mo ako sa pangalan ko. Not my surname, not Jimenez."

"Yeah whatever." This time narinig ko na ring tumunog yung bell so I hurried up.

"Wait! Babe naman." sigaw ni Jimenez habang sumusunod sa bawat paghakbang ko. Bahala siya diyan. I-babe niyang mukha niya.

I decided first na pumunta ng C.R dahil gusto ko munang umihi. Kaunti na lang yung mga estudyanteng nasa labas at halos sa kanila ay nagmamadali para sa next subject nila.

Mga ilang minuto pa akong naroon sa cubicle dahil ayokong makasabay yung Jimenez na yun papunta sa third floor. Dahil sa malamang ay malamang hinihintay na ako nun sa labas para bwesitin na naman.

After three minutes ay napansin ko na rin na mukhang wala na ring mga babae sa ibang cubicles at rinig kong tahimik na yung labas ng C.R.

I was busy checking my whole  reflection in the mirror when I heard that very manly voice yet ang sakit sa tenga ko. "Maganda ka na. Kung alam ko lang nagpapaganda ka lang sa akin." he hugged me from my back then he traced a deep kiss in my neck.

"One more try Jimenez, manyakin mo pa ako at masisigurado ko talagang mawawalan ka ng future mo." I keep on staring ourselves in the mirror. Dikit pa rin yung katawan namin.

"Babe naman, pano na lang kaya kita mabibigyan ng junior, ng prinsesa? Pangako ko pa naman sayo na bubuo tayo ng isang malaking pamilya." he even trace his finger on my neck.

"Ano ba?! Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo. Huwag mo nga akong bwesitin at tigilan muna ako sa mga kalokohan mo. " I almost shouted but I tried to minimize my voice dahil baka may makarinig. "I already heard that many times na sinabi mo sa mga babaeng nagamit mo na. Am I right?" I smirked. Alam ko naman kasing laro lang ito para sa kanya. It seems that everything to him is just a mere game na kapag pagod ka na ay pwede mo lang tapusin ng salitang "Sorry".

Nakitang kong nag-iba yung mukha niya. Alam kong galit na siya ngayon. Kilala ko na itong lalaking ito.

"Paano ba kita makukuha? Hindi ka ba talaga madadaan sa usapan? Ha? Montreal?" he even raised his brow when he said those words to me.

"I can make your life a living hell within just a single of glimpse." This time I feel uneasiness dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya at sa mga matang hindi ko maipaliwanag kung ano ang emosyong kumakawala sa mga ito.

"A-ano ba talaga yung gusto mo?" nauutal ko nang tanong habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Ikaw. Yung katawan mo. How much? Magkano ka ba?" halos sumakit yung dibdib ko nung sabihin niya yun. Hindi porket mahirap ako maari na niyang tapakan ang pagkatao ng kahit na sino. Nagmistulang may sariling isip yung kamay ko at nasampal ko na lang siya.

"Hindi porket ganun yung trabaho at katayuan ko ay pwede mo na akong tratuhin na parang laruan na pwede mong bilhin na lang. Tandaan mong hindi ko ginusto ang trabahong iyon. Hindi ko ginustong sumayaw sa maraming tao na halos n*******d na. Ganun na lang ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin? Hindi lahat nabibili ng pera mo." I was about to walk away nung narinig ko siyang nagsalita.

"Just enjoy your days Montreal dahil kapag naging akin ka na sisiguraduhin kong matitikman mo ang tunay na impyerno hatid ng isang Jimenez. Sisiguraduhin kong ikaw na ang lalapit sa akin para magmakaawa."

Vote and Comment!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Indebted   Epilogue

    His' PovI would have given the whole world to her long before if only I never did something stupid. Kung sana ay di ka lang tinakasan ang responsibilidad na magmahal at magpakatotoo sa tunay kong nararamdaman, kung sana ay di ko na lang dinaan sa biro at laro ang lahat, kung sana ay nagtino na ako noon pa, I would already have savored not just the world but the universe I never thought existing."Baby, ssssssh. Mommy's here Ash." I look at the both of them from afar and realized how lucky I was dahil sa kabila ng kagaguhan ko, mayroon akong masasabi kong akin lang hanggang matapos ang kailan pa man. Fudge the cheesiness but that was the hell truth.I tightened my gaze towards Montreal, never leaving a single part of her face to miss in my sight. College pa lang, mahal ko na siya kahit noong mga panahong di ko pa alam ang salitang yan. I love teasing her, underestimating the woman she is, arguing all the ideas the she has, those I called my life because I feel like

  • Indebted   Forever Indebted

    I scanned the four corners, kanya-kanyang grupo ang mga nag-uusap. Lahat naman kakilala ko subalit mas pinili ko lang na huwag munang masyadong makipaghalubilo sa kanila dahil naiilang lang ako sa hindi malamang dahilan.Jimenez is still busy socializing with our circle of friends na inimbitahan niya sa proposal niya. Nagmukha na rin naman itong reunion ng batch namin. Double purpose, ika nga nila.Masuyo kong kinakarga si Ash sa aking mga kamay. Mabuti na lang at nasa mood ang anak ko kung hindi ay nag-iiyak na naman ito at kailangan kong patahain."Montreal! What's up? Walang forever, alam mo yun?" yun ang unang bati agad sa akin nung barkada ni Jimenez. If you are guessing kung sino ang asungot noon na tumatawag rin sa akin sa apilyedo ko ay siya ring nasa harapan ko ngayon. "Tumigil ka Ferrer. Hindi ka pa rin nagbabago palibhasa wala kang lovelife, walang babaeng tumatagal sa iyo." diniinan ko pa ang salitang tumatagal para mas lubusan niyang maunawaan iyon

  • Indebted   Indebted 32

    "Hush baby. Stop crying." Hindi ko man gustong umiyak ay hindi ko na mapipigilan ang pag-agos ng mga butil ng luha sa aking mata.Tila may buhay ang mga kamay ko at kusa na lang itong yumakap sa taong pilit akong pinapatahan. "I missed you Raine, so much. It's okay, bumalik na ang dating ikaw, ang babaeng minahal ko, yung palaban, yung kinakalaban ako. Stop it baby." I feel his lips planting kisses on my temple. Nanatili ako sa mga bisig niya. My head leaning his shoulder."I love you." Pilit ko na ring pinapakalma ang sarili ko. I admit, I am comfortable with him. He made me face him. He is trying to dry my tears. Hushing me to stop from being a crying baby."Ash might hear you, he'll be awake knowing his mommy is crying. Baka mamaya sisisihin pa ako ni baby." Without hearing what I want to say, his mouth landed unto mine.Savoring the moment like we were back from the old time. Seems we're lovers who longed for each other's warm, aren't we?"Maha

  • Indebted   Indebted 31

    "You can. You can always go back to me Winter but only if you'll do the right thing first." Hindi ko na napigilan pang bitawan ang mga salita mula sa aking bibig. Napadapo ang tingin ko muli sa kanya. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Mula sa mga matang titig na titig sa akin ay ibinaling niya ang atensyon sa paligid namin. Ayaw niyang magtama ang mata namin. Agad akong nanlumo, maybe he just can't do the right thing. Anong gusto niya? Kusa akong sasama sa kanya kahit alam kong hindi pa nase-settled lahat? I closed my eyes. "Winter, don't let me fail this time. You have already ample of times which you have failed me. Ilang beses kang humingi ng chances para tanggapin kita ulit kaya ngayon heto na, tinatanggap na kita ulit. Akin ka." Heto naman kasi ang matagal ko nang gustong sabihin. Heto naman kasi ang totoong gusto ko diba? "Hiwalayan mo siya. Ayaw ko nang may kahati ako Winter dahil kahit kailan walang babae ang gugustuhing maging option.

  • Indebted   Indebted 30

    Pain. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Unti-unti na akong kinain ng paghihinayang sa aking nakikita. Ganun pa man, I will stand up with my decision. Sapat na sa akin kung anong ugnayan ang mayroon sa amin ni Winter. He is the father of my child. That is all what he means for me. Iyon na lang. Hanggang doon na lang. We already have this kind of settlement. Anytime, pwedeng dalawin ni Winter yung anak namin... wala akong problema doon. Hindi ko ipinagkait sa kanya ang maging ama para kay Ash. Sapat na siguro iyon para maging okay na ang lahat. It is been three months na rin mula nang mapagkasunduan namin ang tungkol dito. And well, they are happily living together. Hindi na rin naman kasi tutol dito si Maxine. She already knew about our child at wala iyong problema sa kanya since magiging mommy na rin siya. She is just making a favor for Ash's sake. I heaved a sigh as I dismissed my sight towards Winter who is carrying Ash at the moment. He seemingly enjoy the

  • Indebted   Indebted 29

    Walang tigil sa pag-aalsa itong puso ko.  Pilit kong nilalakasan ang aking loob sa bawat paghakbang papalayo sa iskandalo kani-kanina lang nangyari na kinasasabwatan ko. Hindi maiwasang manginig ng tuhod ko dahil siguro ay dala na rin sa kahihiyan na maari kong maani nito kalaunan. I am hesitant whether I should follow Winter or not. Kung susundan ko naman siya ay baka mas lalo ko lang pinatunayan na kabit ako na wala namang katotohanan. Kapag hindi ko naman siya susundan ay wala naman akong ibang alam na pupuntahan o ewan ko na nga ba kung may mapupuntahan ako. "Raine! Get in." Napatingin ako kay Winter na hanggang ngayon ay iritado pa rin ang mukha.  Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan habang hinihintay akong pumasok. "Bilisan mo. The media is fast approaching towards us." Bigla akong napalingon sa likod ko. Halos nakikita ko na ang mga nag-iilaw na camera na kanilang dala kahit ang layo pa lang nila. Kahit ano mang minuto ngayon ay pwede nila akong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status