Share

Indebted 5

Dominique Winter Jimenez... ang lalaking kinasusuklaman ko buong buhay ko dito sa unibersidad.

Napapansin kong mukhang napakaseryoso niya this past few days. Sa aaminin ko o hindi mas mamabutihin ko pang hindi siya magseryoso. And take note, it's been two days na hindi ko siya nakikita simula nung last encounter namin sa loob ng C.R. I didn't miss him sadyang naninibago lang talaga ako sa kanya. Sabi nila busy lang daw masyado sa studies niya, pero kailangan ba talaga niyang umabsent para don?

Magkaklase kami sa ilang subjects at pati ron wala siya.

"Aray." Sigaw ko nung matamaan ako ng bola. Shit! Sa sobrang kakaisip ko napadaan na pala ako sa basketball gym kung saan madalas nagpapractice si Jimenez. Paminsan-minsan dumadalaw ako dito para makita ko yung crush ko. Siyempre tao lang rin naman ako, patunay na hindi ako abnormal at marunong ring humanga.

Nakita kong papalapit si Fajardo sa direksyon ko. Siya yung vice captain ng basketball at siya rin yung taong gusto ko. Kahit magkasama si Jake at si Fajardo sa iisang team, mortal naman silang magkalaban.

Madalas nga silang nag-aaway kapag may practice sa hindi ko malamang dahilan. Habulin rin kasi ng babae si Fajardo. Minsan ko lang siya pinapanood dito, pinagtutulukan kasi ng Jimenez na yun at ng mga barkada niya na siya yung pinapanood ko. Ayoko rin namang sabihin si Fajardo yung talagang dahilan.

"You okay?" I just nodded while he got the ball. Shit! Bakit ba ako parang nawalan ng tinig at hindi ako makapagsalita? It was first time he'd talk to me. At sa aaminin ko, ipinagpapasalamat ko pang natamaan ako ng bola dahil kung hindi, hindi niya ako kakausapin right?

"It seems that you were not okay." he slightly chuckled.

"I really am." ewan ko ba kung nasagot ko ng tama yung tanong niya. All I could do right now is to memorized his complexion. Deep blue ocean eyes, straight and proud nose, tsaka yung labi niya---

"You're Rain Montreal. Right? The brain with beauty." He smirked. Halos gumuhit yung labi ko sa malaking ngiti dahil sa narinig kong sinabi niya.

He started playing the ball at this moment. Pinaikot niya pa ito gamit yung hintuturo niya habang nagsasalita kaya napunta sa galaw ng bola yung atensyon ko. Nung marinig kong tapos na siyang magsalita ay muling dumako yung tingin ko sa kabuuan ng mukha niya.

"You know me? How?" napangiti ako sa isip ko dahil alam niya pangalan ko.

"Of course. You're well known." para na rin niya akong sinabihan ng "Obviously,what do you think?"

"I'm Chase Fajardo by the way. Nice meeting you. I'm going to my practice right now so see you next time." He gave me his warmest smile saka naghakbang na papalayo.

Hoo! See you next time daw? So may kasunod pa ito? I really hope so. Maybe I should try kung paano buohin yung like life ko. What if kung lumandi rin ako minsan? I just smiled from my thoughts. Putcha! Ano ba itong pinag-iisip ko? Mukhang mababaliw ata ako kakaisip sa nangyari sa amin ni Fajardo. Kilala niya ako. Kinausap niya ako.

"Hey Montreal!" Nilingon ko yung lalaking tumatawag sa akin mula sa di kalayuan. Nakaupo siya sa benches habang umiinom ng tubig. I know that he's from practice dahil pawis na pawis pa siya at naka-jersey. Kilala ko siya dahil isa siya sa mga barkada na palaging kasama ni Jimenez. He's name was Theo Zach Ferrer.

"Sad to say but absent si Winter ngayon. Did you already missed him?" Nang-iinis niyang tanong sa akin nung tuluyan na siyang nakalapit sa kinatatayuan ko.

"I'm not looking for him." I defended myself which was true. Si Fajardo kaya talaga yung sadya ko kung bakit ako naparito.

"Oh." Umakto siya na kunyari nasasaktan siya at hinaplos-haplos yung puso niya pero nakatawa naman. Naku! Ang sarap sapakin nito.

"For sure, Winter will be hurt if he'll heard it." I gazed at him intently then seconds later, I rolled my eyes.

"I didn't go here para makipagbiruan sayo Ferrer." I turned my back to him and was about to leave when he'd additionally said something.

"If you're looking for Jimenez, maybe he'll be in school tomorrow. May inaasikaso lang daw siya."

"Whatever you say. I'm not interested kung papasok pa siya o hindi na."

Umalis na ako pagkatapos kong magsalita. Narinig ko pa yung malakas na tawa ni Ferrer habang papalayo na ako mula sa kanya. Palagi na lang akong binebwesit ng lalaking yun. No doubt they really bestfriends! They're such a pain in ass!

I'm walking along the hallway nung nakasalubong ko si Yelin, remember her? Siya yung bitch na super habol ng habol kay Jimenez. Kulang na nga lang magpakamatay siya para tawagin siyang martyr.

"Anu ba!" I shouted dahil sinandya niya talaga akong banggain.

"You bitch!" Sasampalin niya sana ako pero buti na lang at mabilis yung kamay ko.

"Ano bang problema mo?!" Tanong ko sa kanya sabay sampal ng malutong sa mukha niya. Good for her. Siya itong sugod ng sugod. Hindi ko naman alam kong anong ginawa ko sa kanya.

"Napakalandi mo!"pagpaparatang niya pa na ikinataas naman ng kilay ko.

"Baka nagkamali ka ng narinig. Or sadyang bingi ka lang talaga." Sagot ko naman. Paano ako naging malandi? Nagpa-plano pa nga akong lumandi.

"What did you say?"

"Sabi ko, hindi ako yung malandi, ikaw yung malandi."

"Zach Ferrer told me na pumunta ka daw kanina dun para kumustahin si Winter. Ganun ka na lang ba talaga kadesperada?" I gasped. Talagang lalaking yung kung ano-ano yung pinagsasabi. Sinabihan ko nang siyang hindi si Jimenez yung sadya ko.

"At bakit? Sino ba yung habol ng habol kay Jimenez? From what I knew, yung babae yung hinahabol, hindi yung nanghahabol."

"Damned you!"

Seconds later, namalayan ko na lang na nasa sahig na kami at nagsasabunutan. Akala niya siguro, di ko siya papatulan dahil natatakot akong kalabanin siya. But she got the wrong idea.

"MS. ALONZO!!! MS. MONTREAL!!!INTO.THE.PRINCIPAL'S.OFFICE.NOW!"

Vote

Comment

Follow

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status