تسجيل الدخولAlice POV "Kinagabihan,mahimbing na ang tulog ni Carlo sa tabi ko.Ngunit ako,mulat na mulat pa rin ang mata.Kanina ko pa iniisip kong sino o ano ang pakay ng mga nakasakay sa itim na sasakyan kaninang umaga.Kung sakaling wala silang pakay,bakit may dala ang mga ito na mga baril,at bakit bigla silang umalis na makita nilang may paparating na mga pulis.Napabuga ako ng hangin. Napahaplos ako sa napakalaki kong tiyan ng biglang sumipa ng sabay ang mga babies sa loob ko.Napangiti ako. "ang dalawa kong makulit na babies,ang kukulit."wika ko ng mahina habang hinihimas ko aking malaking tiyan.Tumawa ako ng mahina ng maramdaman kong sumipa ulit sila. "excited na si mama na mahawakan kayo,mga anak."masaya kong wika.Patuloy pa rin ang paggalaw nila sa loob ko. Ang kwento sa akin ni mama—noong ako ang pinagbubuntis niya makulit din daw ako habang nasa loob ako ng kanyang sinapupunan.Ginigising ko pa raw siya kapag madaling araw para lang magbawas.Ganun din ang ginagawa sa akin ngayon ng k
Alice POV Alas singko na nang hapon,malapit nang dumilim.Malamig na rin ang simoy nang hangin.Narito ako sa may veranda,nakaupo habang hinihimas ang napakalaki ko ng tiyan.At ang aking tingin ay sa malawak na bukirin sa mismong likod ng bahay nila Carlo. Napangiti ako.Ilang buwan na ang dumaan mula ng muntik mawala sa buhay ko ang mga anak ko—oo,hindi lang iisa ang nasa loob ng sinapupunan ko,kundi dalawa—dalawang lalaki. Nalaman namin iyon nang magsagawa kami ng ultrasound ko upang malaman kung maayos lang ba ang sanggol sa loob ng tiyan ko.Ngunit bago ako sumalang sa ultrasound,kinausap agad ako ng doctor at sinabing maraming dugo ang nawala sa akin.At kong malaman na wala ng tibok ang sanggol sa sinapupunan ko,agad itakda ang operation para raspahin ako.Takot na takot ako ng mga sandaling iyon,ayaw kong mawala ang nagbibigay lakas sa akin.Kaya agad akong piping nagdasal sa panginoon na huwag pabayaan aking anak.At salamat nga sa may kapal,agad niyang dininig aking palangin
Alice POV Hindi imahinasyon..... Bago mag-alas dose ng tanghali, dumating si Carlo at may dala itong mga paper bags na naglalaman ng pagkain.Mukhang sinadya pa nitong bumili sa mamahaling restaurant sa bayan dahil sa brand ng lagayan nito. "mahal,kumain muna tayo."sabe niya,kinuha ang ballpen na hawak ko at pinatong sa papel na sinusulatan ko. Ngumiti ako."opo." Inalalayan niya akong tumayo at ganun din sa aking pag-upo.Siya rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko at tubig na rin. Asikasong-asikaso talaga niya ako at wala akong masabe.Napaka swerte ko talaga,dahil dumating sa buhay ko ang isang Carlo. Hinawakan ko ang isa niyang kamay habang nasa labi ko ang ngiti. "salamat Mahal.Napakaalaga mo sa akin.Hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita."masaya kong sabe. Ipinatong naman nito ang kanyang kamay sa kamay kong nakahawak sa kamay niya saka ngumiti. "dahil mahal kita,Alice.Tulad ng ipinangako ko,aalagaan,mamahalin at rerespetuhin.Kayo ang uunahin ko bago ang sarili
Alice POV Naalimpungatan ako dahil sa pagyakap ni Carlo mula sa aking likuran—dahilan kaya hindi na ako ulit nakatulog.Wala naman siyang ginawa,nakayakap lang siya sa akin at mahimbing nang natutulog.Mabilis ang tibok ng puso niya,parang pagod na pagod. Halos kalahating oras din ang hinintay ko bago ko napagdesisyunang babangon na.Kaya dahan-dahan kong tinanggal ang braso niyang nakadagan sa tagiliran ko at dahan-dahan din akong bumangon—hindi gumawa ng ingay.Tumingin ako kay Carlo na asawa ko na ngayon,ang sarap ng tulog niya.Napaka gwapo niya talaga.Talagang nagtataka ako—bakit ako ang nagustuhan niya.Maraming mga babae diyan ang nagpapansin sa kanya at nahuhumaling pati nga ang anak ni kapitan sa kabilang barangay sinasadya pang puntahan siya rito para lang magpapansin.Pero ako ang pinakasalan na buntis sa ibang lalaki.Napangiti ako at hinaplos ang napaka gwapo niyang mukha."maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin at sa baby natin, Carlo.Ngayon,ako naman.Susuklian ko ang p
Carlo POV Maling Silid.... Kaunti lang naman ang nainom ko,pero bakit pakiramdam ko lumagok ako ng ilang bote ng vodka.San Mig lang naman ang ininom namin ni Lexus,wala akong balak na nagpakalasing dahil unang gabi namin ito ni Alice na magkasama sa iisang silid.Sabik na sabik na akong makasama siya,pero kong hindi pa siya handa—kaya ko naman magtiis basta ang sa akin lang,makatabi ko siya sa pagtulog.... kuntento na ako du'n at malaki ang respeto ko sa kanya. "bro,una na ako.Puntahan ko na asawa ko sa silid namin."paalam ko sa kaibigan ko.Tumango naman ito. "sige lang bro.Magdahan-dahan ka lang ha,buntis pa namn ang asawa mo?"sabi niya sabay kindat sa akin. Tinapik-tapik ko ang balikat niya saka tumawa ako ng mahina. Kahit nanlalabo aking paningin, pinilit kong makarating sa silid namin ng asawa kong si Alice.Tuloy-tuloy akong pumasok,nakita kong nakahiga na siya sa kama ko at nakatalikod.Kaya nagmamadali kong hinubad ang damit ko maliban sa brief kong sout.Hindi naman sigur
Alice POVKasal at imahinasyon ni Alice...... Ito na ang araw ng pinakahihintay namin—ang kasal namin ni Carlo.Lahat ng babaeng ikakasal ay damang-dama ang nag-uumapaw na kaligayahan dahil ikakasal na sa lalaking mahal niya.Ngunit kabaliktaran naman sa akin o mas sabihing hindi ako ramdam iyon.Masaya naman ako,pero hindi tulad ng ibang babaeng ikakasal. Inaamin ko sa sarili ko na —hindi ko ramdam ang kilig,ang tibok ng puso ko at masayang awra.Hindi ko alam kung bakit? Ngunit kailangan kong ipakita sa lahat na masayang-masaya ako ngayong araw,dahil nga ito ang araw namin ni Carlo bilang mag-asawa.At ang pakiramdam nang babaeng ikakasal ay siguro hindi pa ngayon,baka sa sandaling magkasama na kayo sa iisang bubong. Sinuyod kong tinignan ang kabuuan ko sa salamin matapos akong ayusan ng make up artist—at natutuwa ito ng makita ang kinalabasan kahit simple lang naman ang ginawa niya. "super beautiful!perfect."tuwang-tuwa niyang sabe.Umikot pa ito,sinisigurong maayos na talaga ang suo
Alice POV Naghahanda na ako para sa pagpasok ko ng barangay hall.Kailangan kong maagang pumasok ngayon,dahil nakatanggap ako ng mensahe kagabi,na bibisita ngayon si Mayor Gerry Calderon.Kaya hindi ako dapat malate na pumasok.Ano na lang ang sasabihin ng butihing mayor kong pahuli-huli ako sa tra
Alice POV Naging mahirap at nakakapagod ang isang buwang paghahanda para sa fiesta ng Santa Barbara. Pagkatapos ng isang linggo,natapos na rin sa wakas.Talo man kami sa mga aktibidad,basta ang mahalaga ay naitawid namin ng maayos nang walang problema.Ang problema ko naman sa expenses ay natapos
Alice POV Maaga pa lang,gumayak na ako.Dadaan pa kasi ako ng police station para makausap ang driver ng truck at si Hepe.Kawawa naman si manong Mario kong hindi ko agad asikasuhin ang problemang ito at panagutin ang may sala. Isa pa naman si manong Mario ang pinaka tapat at mabait na naglilingk
Alice POV Dalawang lingo na ang dumaan,kaya tatlong lingo na rin akong nakaupo bilang kapitana.At si manong mario naman ay nakalabas na nang hospital at ito'y kasalukuyang nagpapagaling na sa kanilang bahay. Bago ako uuwi mamaya, kailangan ko munang dumaan sa bahay nila upang ibigay ang retirem







