Share

IMD 06

last update Last Updated: 2022-09-29 12:35:34

Ayaw na sana pa itong pansinin ni Jastine at ipagpatuloy ang paglalakad. Ngunit, hinawakan siya nito sa braso. Nagmatigas si Jastine. Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nakaharap lamang si Jastine sa kabilang direksyon kung saan hindi niya ito nakikita.

Pabawi na hinatak ni Jastine ang braso niya. Hinigpitan naman nito ang pagkakawak kay Jastine, pinipigilan si Jastine na umiwas at lumayo.

“Pwede ba, Jastine? Huwag ka na muna magmatigas ngayon. Pinapauwi ka nina mama at papa,” anas ng lalaki. “Gusto ka nilang makita. Hindi ka na kasi umuuwi ng bahay,” dagdag pa nito.

Huminga nang malalim si Jastine. “Uuwi ako kung gusto ko, kuya. Pipilitin lang naman nila ako na magpa-checkup kapag nasa bahay ako,” tugon ni Jastine.

Hinablot muli ni Jastine ang braso niya. Sa pagkakataon na ito ay nabawi niya nang tuluyan ang braso niya. Humarap si Jastine sa lalaki. “Kita mo naman na okay ang kalagayan ko ngayon, kuya. Sabihan mo na lang sina mama na maayos ang kalagayan ko. Wala sila dapat na ipag-alala. At saka kaya ko na maging independent, kuya. Ang tanda-tanda ko na,” halos walang hingahan na sambit ni Jastine.

Kahit hindi nakikita ni Jastine ang buong mukha ng lalaki ay ramdam niya na tinitigan siya nito nang seryoso. Humalukipkip ang kapatid ni Jastine kasabay nang pagbuntong-hininga nito.

“Talaga lang ha?” dudang tanong ng lalaki. “Sinasabi mo lang ‘yan ngayon, Jastine, dahil akala mo hindi ko nakita na nahimatay ka kanina saktong pagkatapos ng performance mo. Nahulog ka pa sa dulo ng stage. Mabuti na lang at may sumalo sa ‘yo.”

Nanlamig ang buong katawan ni Jastine sa tinuran ng lalaki. Tila naestatwa si Jastine sa kanyang kinatatayuan. Sa dinami-rami ng puwede nitong masaksihan ay ang pagkahimatay pa talaga niya dahil rin sa lalaki na sumalo sa kanya na hindi niya rin alam ang pangalan pero swak na swak sa ideal boyfriend and husband at magiging ama ng pinapangarap niyang mga anak.

Umangat ang tingin ni Jastine sa mukha ng kanyang kapatid kahit hindi niya ito lubos na naaaninag. Nakatayo kasi ito sa madilim na parte kung saan hindi nasisinagan ng streetlight.

So. . . Kanina pa siya nasa bar? Kailan pa? At bakit hindi man lang ako nilapitan o pinuntahan man lang kung nakita nga niya akong nahimatay. May mali. May mali rito.

Humakbang ang lalaki palapit kay Jastine. “Sabihin mo nga, Jastine. Paano mo nasasabi na okay ang kalusugan mo eh nahihimatay ka nga pa rin.” Lumapit pa ito na unti-unti ring kinaatras ni Jastine.

Sa bawat hakbang na ginagawa ng kanyang kapatid ay dahan-dahan rin na nasisilayan ni Jastine ang seryoso nitong mukha. Dahan-dahan na hinabol ni Jastine ang kanyang hininga. Pinapalakas ni Jastine ang kanyang loob dahil nakikita na niya na hindi nga nagbibiro ang kapatid niya. Pinagdudahan man niya ito kung nakita talaga nito ang pagkahimatay niya kanina, ngayon ay sigurado na siya. Hindi magiging ganito ang itsura ng kapatid niya kapag hindi nito nasaksihan mismo ang nangyari.

Nilabanan ni Jastine ang pagtitig ng kapatid niya sa kanya. Katulad ni Jastine ay bata pa rin ito tingnan. Hindi rin naman nagkakalayo ang kanilang edad. Mas matanda lang ito ng isang taon kay Jastine.

“Okay. . . I’ll take your silence as a yes. Kaya sasama ka sa akin ngayon. Nag-aalala na talaga sina mama sa ‘yo, Jastine,” pinal na saad ng lalaki. Agad na inabot nito si Jastine sa pulsuhan upang hawakan. Pero mabilis na ginalaw ni Jastine ang kanyang braso at inilayo sa kamay nito.

“Hindi ako sasama sa ‘yo. Uuwi na ako sa unit ko. Masyado nang gabi at gusto ko na magpahinga.” Tinakpan ni Jastine ang kanyang bibig gamit ang isang kamay. Napaubo si Jastine. Kanina pa niya ito pinipigilan simula nang makaharap ang kapatid. “Kung totoo nga ang sinasabi mo na nahimatay ako, bakit hindi mo man lang ako pinuntahan? Ni anino mo nga hindi ko napansin. Huwag ako, Jeremy. Huwag ako,”paghahamon pa rin ni Jastine kahit alam naman na niya ang totoo.

Mapakla na ngumiti ang kapatid ni Jastine. “Hindi ka talaga okay, Jastine. Kaya sumama ka na lang sa akin. Uuwi tayo sa bahay para makapagpahinga ka nang maayos. Hindi ka rin naman makakapagpahinga nang maayos sa unit mo dahil mag-isa ka lang. Walang mag-aalaga sa ‘yo kaya ikaw lang din ang kikilos ng lahat. In the end, hindi ka pa rin makakapagpahinga,” mahabang sermon ng kapatid ni Jastine. “At saka paano kita lalapitan? Eh mukhang enjoy na enjoy ka sa atensyon na binibigay ng nakasalamin na lalaking ‘yon? Kung sa bagay, pasok na pasok ‘yon sa qualities ng lalaki na nasa standards mo.”

Saglit na natigilan si Jastine. Agad naman siyang umiling pagkaraan ng isang segundo. “Sabing ayoko at hindi ako uuwi, kuya.” Tumalikod si Jastine at mabilis na humakbong palayo sa kanyang kapatid. Ngunit hindi pa man nakakalayo talaga si Jastine mula sa eskinita ng sa bar na kanyang pinagtatrabahuhan, naramdaman ni Jastine ang dalawang malalakas na bisig ang nag-angat sa kanya.

Napasigaw si Jastine nang wala sa oras. Nanlaki ang mga mata ni Jastine sa gulat ng mapagtanto na lamang niya na kinakarga na siya ng kapatid niya. Walang pakialam ang kapatid ni Jastine na naglakad papunta sa kung saan nakaparada ang kotse nito.

“Ano ba! Ibaba mo nga ako, Jeremy! Hindi na ako bata para kargahin mo lang nang basta-basta,” angil ni Jastine. Gumalaw-galaw si Jastine. Sinusubukan niya na makawala siya sa pagkakahawak ng kanyang kapatid. Hindi na alintana ni Jastine kung bumagsak man siya sa sementadong sidewalk na tinatahak ng kanyang kapatid. Ang importante sa kanya ay ang makawala sa pagkakakarga nito sa kanya at makatakas.

Lalo pang nagpumiglas si Jastine.

“Jastine! Huminahon ka nga. Dinaan na kita sa maayos na usapan pero ayaw mo pa rin makinig sa akin. Kaya pasensyahan na lang tayo. Napag-utusan lang din ako. At nag-aalala ako sa kalagayan mo. Halatang hindi mo inaalagaan nang maayos ang kalusugan mo,” tugon ni Jeremy. Hinigpitan nito ang pagkakahawak kay Jastine. “Kita mo, oh. Sobra ka na ring nangangayayat. Halos buto na lang ang nahahawakan ko sa ‘yo.”

Suminghap si Jastine. “Oo na. Sasama na ako sa ‘yo, Jeremy. Ibaba mo na ako. Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo?”

“Bakit naman ako mahihiya? Wala namang malisya itong ginagawa ko sa ‘yo. Magkapatid naman tayo, Jastine. At para rin ‘to sa ikabubuti mo,” sagot ni Jeremy nang nakatingin lang sa nilalakaran nito. “And no. . . Hindi kita ibaba hangga’t wala ka sa loob ng kotse, Jastine. Alam ko kung ano ‘yang iniisip mo. Pero nice try. But try harder, Jastine. Kilalang-kilala na kita at alam ko na mga galawan mo.”

Tumigil si Jastine pagpupumiglas. Bumuntong-hininga si Jastine. Mukhang hindi na talaga niya matatakasan ang kapatid niya. Ano ba namang laban niya rito? Kung sa katawan lang naman, lamang na ito dahil malaki ang build nito at idagdag pa na natural na malakas ang lalaki.

Pinaling ni Jastine ang kanyang ulo. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita niya ang lalaking dahilan ng pagkahimatay niya at ang parehong lalaki na sumagip sa kanya. Bigla tuloy naisip ni Jastine na baka sinadya talaga nito ang lahat para makuha ang pansin niya.

Nagtama ang tingin ni Jastine at ng lalaki. Nakatayo lang ito sa tabi ng isang kumikinang na maitim na kotse. Bahagyang nakasandal ang gilid nito at ang mga kamay nito ay nasa loob ng bulsa.

Ayaw man ni Jastine gawin ang nasa isip niya ay wala na siyang naisip pa na ibang paraan. Huminga nang malalim si Jastine. “Tulong! Tulungan mo ko mula sa manyak na ‘to!” sigaw ni Jastine sa lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Inject Me, Doctor   IMD 25

    Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Jastine. Hindi na niya napigilan pa ang pag-uunahan ng bwat patak nito na makatakas sa kanyang mga mata. “D-Drei. . . B-bakit. . . H-hindi mo a-agad sinabi?” mahinang sabi ni Jastine. Diretso ang titig niya sa mga mata ni Drei. Sa isang iglap, naramdaman ni Jastine ang init ng pagyakap ni Drei sa kanya. Inaalo pa siya nito upang tumahan. “Jastine, I know I should have told you immediately. But. . . gusto ko rin muna na maalala mo ako at kung ano ako sa ‘yo kaya hindi ko agad sinabi sa ‘yo. I’m so sorry for doing that.” Sinagot ni Jastine ang yakap ni Drei. “No. . . Ako dapat ang mag-sorry. Kinalimutan ko ang lahat ng tungkol sa ‘tin. At hindi ko agad naalala.” Nanatili silang dalawa na magkayakap. Bahagya nang nakaluhod si Drei sa kama habang si Jastine ay nakaupo pa rin. Marahan nitong hinahaplos ang likuran ni Jastine. “Shh. . . It’s not your fault, babe. I’m the at fault for leaving you behind given your situation. I shouldn’t have muste

  • Inject Me, Doctor   IMD 24

    Umabot ng mahigit isang oras ang paghihintay nina Jastine sa results ng mga medical at laboratory exam. At imbes na maburyo sa paghihintay nito lalo na nasa loob lamang siya ng office ng mama ni Drei, she felt more excited staying at the small lounge inside the office. Nanaig sa kanya ang isipin na masisilayan niyang muli ang nag-iisang lalake na umabot sa sa standards niya.After more or less an hour of waiting, bumalik na sa loob ang mama ni Drei na may dalang balita kay Jastine. Pero wala pa ring kahit na anino ni Drei ang nakita ni Jastine. She concluded that Drei must be off-duty at the moment kaya hindi niya ito nakita. Pinagpalagay na lamang niya ito na ganoon. At tinatak sa isipan niya na marami pa silang pagkakataon na magkitang muli lalo pa’t alam na niya kung saan ito nagtatrabaho.And Jastine did not expect that what she was thinking will immediately come true dahil sa balitang sinabi ng mama ni Drei sa kanya. In fact, mas natuwa pa nang marinig ito. Kabaliktaran sa inaasa

  • Inject Me, Doctor   IMD 23

    “Jastine!” pagtawga ulit ng mama ni Jastine sa kanya. At saka lang umaba ang tingin niya’t napatingin sa mama niya.Bahagya na nakakunot ang noo ni Jastine. Ngunit, hindi niya ito ipinahalata nang magkasalubong na ang tingin nila ng mama niya.“Yes, ma,” sagot ni Jastine. Ngumiti siya at saka sumunod na pumasok.Bago pa man tuluyan na makapasok si Jastine ay napatingin siya sa likuran niya. At gaya ng inaasahan niya ay makahulugan pa rin na nakatitig sa kanya ang si Jeremy. Mas lalo lang itong naging kakaiba na tila may napansin itong panibago.Pinanliitan ni Jastine ng mga mata si Jeremy. Mukhang napansin nito ang pagkabigla niya nang mabasa ang nakalagay na pangalan sa pinto.Wala namang sinabi si Jeremy sa kanya patungkol sa kung ano ang nasa utak nito gaya ng nakagawian, mapanuri lamang itong nakatingin sa kanya. Kaya ay tinalikuran na niya ito. Ngunit iniwanan niya ito ng isang may pagbabanta na tingin.Nakita pa ni Jastine ang marahan na pagngisi ni Jeremy sa dulo ng labi nito.

  • Inject Me, Doctor   IMD 22

    Malalim na humugot ng hininga si Jastine. At dahan-dahan niya itong ibinuga habang pinapakalma ang kanyang sarili. Hindi mawari ni Jastine kung ano ang eksakto na nararamdaman niya. Magkahalo ang excitement, kaba, at iba pang mga pakiramdam na nagpapalakas sa pagkabog ng kanyang dibdib.Inangat ni Jastine ang tingin niya at itinuon ang paningin sa malaking karatola ng entrance. Wala sa sarili na ngumiti siya kasabay nang pagsisimula ng kanyang utak na gumawa ng mga eksena sa loob ng imagination niya.Tahimik pa na tinanong niya ang kanyang sarili kung ano dapat ang gawin niya sa oras na magkita silang muli ni Drei. Kung susunggaban ba niya ito kaagad o magpapakipot pa na parang dalagang hindi makabasag ng pinggan, umakto na tila isang dalagang pilipina sa sinaunang panahon.Napailing si Jastine sa huli niyang naisip. Hindi niya ito maari na gawin. Lalo lang magtataka sa kanya ang magaling niyang kapatid, lalo pa’t kahapon pa niya nararamdaman ang kakaibang tingin na pinupukol nito sa

  • Inject Me, Doctor   Notice

    Hello, guys! Sana na enjoy n'yo ang story ni Drei at Jastine. Thank sa mga umabot sa Chapter 21 nitong story na to. Hihingi lang sana ang pasensya dahil hindi ko pa ito ma-update sa ngayon. Baka sa November ko pa ito ma-update at ma-Post ang Chapter 22. Masyado pang hectic ang schedule ko at occupied pa ang utak ko ng ibang bagay sa personal. Kaya humihingi ako ng kunting pag-unawa. Pero susubukan ko pa rin magsulat kapag nagkaroon ng oras. At sana susubaybayan pa rin ninyo itong story kahit hindi consistent ang pag-update. Super thank you sa mga nagbabasa, naghihintay ng update, at nag-aabang sa susunod na mangyayari sa story ni Jastine at Drei. ❤️❤️❤️

  • Inject Me, Doctor   IMD 21

    Hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa buong mukha ni Jastine kahit pa hindi siya ngumingiti. Excitement were written all over her. Maging ang vibes na lumalabas sa kanya ay nakapagtataka sa kanyang mga kasama lalo na kay Jeremy na kanina pa panay titig kay Jastine habang nakakunot ang noo.Simula pa lang ng madaling umaga nang magising si Jastine at bumaba papunta sa dining area upang kumain ng agahan ay kakaiba na ang kinikilos nito. Kahit ang paggising lang ni Jastine nang maaga ay isa nang misteryo. Alam na alam ng pamilya ni Jastine na alas diyes ng umaga na ang pinakamaaga niyang paggising. And since then, Jeremy kept his eyes on Jastine.“Excited ka ata na bumalik ng hospital, Jastine?” hindi na nakatiis na tanong ni Jeremy pagpasok ng sasakyan. Tiningnan pa nito si Jastine mula sa rear-view mirror.Tila wala naman na narinig si Jastine sa sinabi ni Jeremy. Komportable lang si Jastine na nakaupo sa isang side sa backseat. Nakasandal ang likod at ulo niya habang ngumingiti ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status