"ETHAN, SIGURADO ka pa ba diyan sa ginagawa mo? Pre, kamukhang-kamukha nga ni Issiang iyan si Aiah pero hindi pa rin iyan si Enie."
Nakatayo ang dalawa malapit sa bintana ng kwarto kung saan piniling dalhin ang dalaga. Hindi ito isang tipikal na hospital bagkus isang lugar kung saan namalagi noon si Aiah sa ilang taong wala siyang malay.
"Of course, I know she is not Enie. She loves the sun. Ayaw niya ng dagat kaya siguro nahilo siya kanina.” He tried convincing himself. “Kalat din siyang tao, hindi tulad ni Enie na organisado."
Ano nga bang laban ni Aiah kay Eniessia? Kung nabubuhay ito ngayon, siguradong hindi na naman siya makikita ng maraming tao. Subalit hanggang ngayon pa rin naman, nasa anino pa rin siya ng kahapon.
"Tapatin mo nga ako, Ethaniel," Seth uttered seriously. "Pinagpapalit mo na ba talaga si Issiang diyan kay Aiah?"
Napalunok si Ethan. Ni hindi niya pa rin masagot ang katanungan ukol sa pagkakahati ng puso niya. Bagaman may
2027. ETHAN CAME TIRED from work. It was an emergency call from his engineering firm saying that they had an investor problematic about their partnership, which made him fly back to Manila. Naiwan niya sa isla ang kaniyang pamilya at iilan nilang mga kaibigan na abala sa pag-aayos ng pagdiriwang ng kapanganakan ng kaniyang anak. “Are you okay?” mahinahong tanong nito sa kaniya. Napalingon siya rito nang maupo sa sofa at pinagmamasdan ang kagandahan ng kaniyang asawa. Lumapit ito sa kaniya at marahang hinaplos nito ang kaniyang likod. “I am fine, Agape,” he said unto his wife. “Pagod lang ako dahil sa nangyari sa Manila.” “Anong nangyari?” mahinhing tanong nito. Ginawaran siya nito ng marahang masahe sa likod hanggang sa napapapikit na dahil sa antok. Gabi na nang marating niya ang isla, ika-labing isang araw nilang pamamalagi sa lugar. “At first, of course it was not good pero nadaan naman sa mabuting usapan,” mahina n
“PAANO NA AKO NGAYON?” Iyon ang naging tanong ni Aiah habang tinutulungan siya ni Anne na ayusin ang mga gamit na dinala sa ospital. “Paano ko pakikisamahan si Raius?” ‘Suntok sa buwan’ ang pakiwari ni Aiah sa kaniyang gagawin. Kung ang pakisamahan nga ang VESTIGE at ang AL ay nahirapan siya at tumagal ng higit dalawang taon, paano pa kaya ang pakisamahan ang ngayon niya lang muling nakilala? “Aiah, I am clueless as well, but knowing that Raius was your fiance, marami na kayong napagsamahan kaya mas magiging madaling maibalik ang dating kayo,” katuwiran nito nang mailagay ang huling gamit ni Aiah. Napabuntong-hininga na lang siya habang pinapanood ang dalaga. Kung siya ang tatanungin, lalong mahirap ibalik ang nakaraan gayong masyado silang malapit sa isa’t isa noon. Their closeness doesn’t define how possible they could be together again. “Hindi madali iyon, Anne,” malungkot niyang ani. “Being together again with someone I cannot remember is fixing m
HINDI INAKALA ni Aiah na tinabihan niya kagabi ang lalaking minsan na niyang minahal, sabi nila. Himala ring wala siyang napanaginipang masama kagabi o kahit anumang may kaugnayan kay Enie. Mabuting tao si Raius, gustuhin ng kababaihan kung tutuusin. His eyes are something that will definitely magnetize women. Marahil ito ang nagustuhan niya rito noon. Subalit may kulang sa kaniya na patuloy na hinahanap ni Aiah – ang pag-ibig. Hindi niya iyon makita sa mga mata ng binata. Aiah cannot imagine how she was able to love somebody like Raius. He is too perfect for her flawed love. Tila ang isang tulad ni Raius ay minsan lang magmamahal subalit ibinibigay ang lahat. She can clearly sense that the moment that their eyes met. Nakita niya rin iyon sa mga larawan nila noon. She just wishes that she will be able to give equal or more than what he can give to her. “You slept beside me last night.” It was nonchalant. “Hindi ko napansin na pumunta ka pala sa kwarto ko kaga
ISANG TASA NG KAPE ang kadaupang palad ni Aiah habang isang balot naman ng pan de sal ang hawak niya sa kabila. Hindi gaanong maayos ang tulog niya kagabi dahil magdamag niyang inisip ang mga nangyari sa pagitan nila ni Raius. Tuso ang kausap niya kahapon. Maingat ito at hindi basta-bastang namimigay ng sagot sa kaniyang mga katanungan. O baka talagang nasa harap na ni Aiah ang mga sagot at kailangan niya lang unawain at buksan ang kaniyang mga mata para makita ang katotohanang iyon. “Yes, Tita, I am trying my best to persuade her to accomplish it…” Aiah can clearly hear Raius talking over the phone. Naroon ulit siya sa hardin kung saan niya ito nakita kahapon, may kausap, at tila ba seryoso sa kaniyang tinuturan. “You can rely on me. I promise.” Pinagsawalang-bahala niya ang mga narinig. Saktong narating ni Aiah ang labas ng bahay nang matapos ang tawag ni Raius sa telepono. Agad itong napabaling sa kaniya at himalang nagliwanag ang mukha.
IT WAS ANOTHER MORNING for Aiah in de Villenas’ house. Wala naman siyang ibang ginagawa roon kundi ang matulog, gumising, kumain, maglakad-lakad sa buong bahay, at makipagbardagulan kay Raius. She is trying to be civil with him but it seems like he just gets deeper into her nerves. Bihira lang yata siya nitong hindi asarin. Maliban doon, na-receive niya na rin ang papeles tungkol sa pagkawala ni Elio Oliveria. Just like what other people tell her and just like what she believes, it is a hopeless case. Malinaw na nakasaad sa mga papeles kung paano ito namatay papunta sa isang kasal. The Oliverias were few of the guests and while in their way to the parking lot, they did not expect an ambush. Saglit lang na lumabas si Miss Jed ng kotse upang tingnan kung ligtas na makalalabas ang mga naak niya subalit inulan sila ng bala bago pa man makapunta sa kasal. Inilabas ni Miss Jed si Enie at nang si Elio na ang kukunin, biglang sumabog at nasunog ang sasakyan. Mainit
BUONG ARAW SIYANG PINAGSILBIHAN ni Raius kahapon. To her surprise, nagbago ang timpla nito matapos ang maliit nilang away noong umaga. Raius is becoming a little sweet to Aiah. Ramdam niya iyon. There are instances in her stay in his house that Raius will just make her feel special. Ngayon niya lang na-realize ang lahat ng iyon. On the other hand, hindi niya alam kung bakit kinakagat niya ang pa-sweet gestures in Raius. She caught herself cooking breakfast for him! Halos alas onse na rin ng umaga at hindi niya pa ito nakikitang bumaba para kumain. He just stays in his room so might as well be good to him and bring him some late breakfast and early lunch. “Knock, knock!” aniya habang sinusubukang ipangkatok ang kamay niyang may hawak na tray. “Raius?” Ilang segundo ang lumipas nang pagbuksan siya nito. He seemed surprised seeing Aiah holding a brunch for him. Nagkatinginan at napapikit-pikit pa silang dalawa. “I-I prepared som
WALANG NAKUHANG SAGOT si Aiah mula kay Raius. He didn’t even say ‘no’ to her. She didn’t even bother to ask again either. Basta, kuntento na siyang ganoon ang turing sa kaniya ng binata. She had no issues about it. Nagpaalam kanina si Raius na may pupuntahan na agad naman niyang hinayaan. He is free to do whatever he wants though. Ano namang karapatan niya maliban sa pagiging alleged fiancée nito? And it was seven in the evening when she decided to freshen up. Napapaltik na lang siya nang mapagtantong walang tubig na lumalabas mula sa gripo sa kusina. Gaya ng nabanggit ni Raius noong nakaraang linggo, madalas na mawalan ng tubig sa isla dahil hindi pa napapagawa ang bagong water supply system ng Nayon Kinahidlawan. She had to go upstairs, in Raius’ room. Ang banyo lang sa second floor ang sakop ng tanke ng tubig ng bahay at alam naman niyang maiintindihan naman nito kung makikiligo siya roon saglit. She better just be quick. Wala naman doon si Raius
WALA SI RAIUS sa kaniyang tabi paggising sa umaga. Parang ganito rin ang dinatnan niya noong unang beses na nagtabi sila subalit ngayon, tila may pakialam na ito sa kaniya. Kinumutan siya nito at pinaligiran ng mga unan. Hindi maiwasang mapangiti ni Aiah. She feels like Raius starts to care more about her. Gusto niya sanang simulant ang bawat umaga nang ganito. Indeed, a good way to start her morning. Tila biglang hinanap ng sistema niya si Raius kaya agad siyang bumangon at inayos ang higaan. Pagkabukas ng pinto, nabato na lang siya sa kinatatayuan nang tumambad doon ang binata. Halos bumangga pa siya sa d****b nito. Lalo siyang kinilabutan dahil wala itong pang-itaas at tanging cargo pants lang ang suot. Ayaw na lang niyang magkasala kaya hindi niya ito matingnan. “H-Hey,” nakatingala at ilang na bati niya rito. Tiningnan lang siya nito. Napakurap-kurap naman si Aiah. “H-How are–” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad siya n