Share

Pagmamalupit

"Karson, honey, pakinggan mo si Luna oh, marunong ng magsalita."

"Papa!"

"Wow! Ang galing naman ng baby Luna ko. Sabihin mo nga ulit, papa."

"Papa!"

"Honey, ang galing mo talagang magturo sa anak natin."

Mapait na napangiti si Karson matapos marealize na panaginip lamang pala na kasama niya ang kaniyang mag-ina.

"I miss you honey," wika niya sa larawang nakasabit. Anim na buwan na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin kay Karson ang lahat.

Hindi niya mapigilan ang hindi umiyak. Miss na miss na niya ang kaniyang mag-ina at labis siyang nalulungkot tuwing maiisip na hindi na niya ito muling makakasama.

"Honey, gusto ko ng mamatay! Miss na miss ko na kayo ni Luna." hagulgol niya habang kunakausap ang larawan ng kaniyang asawa.

Pakiramdam ni Karson ay wala ng silbi pa ang mabuhay. Nilamon na siya ng galit at poot sa kaniyang puso at minsan ay sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil kung bakit hinayaan niyang si Mang Caloy ang magmaneho ng gabing iyon.

6 months ago.

"Oh, mang Caloy, napatawag ka?"

"Pasensya na po, tatanong ko lang po sana kung p'wede akong bumale? Ipapatutor ko lang sana 'yung anak ko."

"Ah, gano'n ba? Sige, kunin mo na lang kay Lucy."

"Naku, maraming salamat po."

"Nga pala, p'wede bang ikaw na ang sumundo sa mag-ina ko? Gagabihin kasi ako ng uwi."

"Sige po, salamat po."

Matapos ibilin ni Karson kay mang Caloy ang kaniyang mag-ina ay agad siyang nagtungo sa isang bachelor party.

Nagsinungaling siya kay Lucy na malalate siya ng uwi dahil tambak ang trabaho sa opisina. Hindi niya sibabi na pupunta siya sa isang bachelor party.

Buong gabi nagpakasaya at nagpakalunod si Karson sa alak nang biglang may tumawag dala ang isang malungkot na balita.

* *

"Hello, si Mr. Karson Wally po ba ito."

"Yes, who's this?"

"Mga Pulis ho kami, gusto lang po namin ipaalam sa inyo na nahulog pi sa bangin ang kotseng sinasakyan ng asawa niyo."

"Wait, seryoso ba 'to? Kumusta ang mag-ina ko?"

"Ikinalulungkot ko pong sabihin na sumabog po ang kotse matapos mahulog sa bangin. May narecover po kaming  dalawang bangkay ngunit hindi na po makilala dahil sunog na sunog ho,"

"Sige ho, papunta na ko diyan!"

Tila mabilis nawala ang tama ng alak kay Karson matapos ibalita ng pulis na patay na ang kaniyang mag-ina.

Pagdating niya sa pinangyarihan ng aksidente ay halos mapaluhod siya sa kalsado matapos niyang makita ang magkayakap na sunog na bangkay ng isang batang babae at sa tingin niya'y si Lucy ang isa pang bangkay dahil karga pa rin nito ang kanilang anak.

Wala nang nakapigil kay Karson mula sa pagwawala. Hindi niya lubos akalain na sa isang iglap ay mawawala sa kaniya ang pinakaiingatan niyang pamilya.

"Boss, ang pinagtataka lang namin ay kung bakit wala 'yung bangkay ng driver."

Nang tignan nila sa CCTV ay parang sinadya talagang ihulog sa bangin ang sasakyan. Dahil walang narecover na bangkay ng driver ay naisip nilang tumakas ito.

Ang lahat ng sisi ay ibinunton ni Karson kay mang Caloy dahil sa kapabayaan nito sa pagmamaneho.

"Hayaan niyo boss, sisiguraduhin namin na mapapanagot ang may kasalanan." wika ng Pulis na may hawak sa kaso.

KASALUKUYAN...

"Hoy, gising!" isang malamig na tubig ang ibinuhos ni Karson sa natutulog na si Izzy upang magising.

"Sir?" gulat na gulat si Izzy sa ginawa ni Karson at dali-daling bumangon.

"Igawa mo 'ko ng almusal, bilis!" sigaw niya sa dalaga.

"O-opo." hindi inexpect ni Izzy na ganito siya tratratuhin ni Karson. Para siyang hayop na basta na lamang sinabuyan ng tubig habang natutulog. Kung sabagay, ano pa bang aasahan niyang kabaitan dito, kumuntik na siyang magahasa kahapon dahil sa utos nito.

dali-dali niyang inayos ang kaniyang sarili at mabilis na isinuot ang unipormeng pang katulong.

Pagkababa niya ay nadatnan niya si Karson na abala sa pagbabasa ng dyaryo. Prente itong nakaupo sa malambot na sofa habang nakadekwatro pa ang paa.

"Ano kaya ang maluto?" sa isip-isip ni Izzy. Natatakot naman siyang tanungin ang kaniyang amo dahil mukhang hindi maganda ang gising nito.

Naisip niyang magluto na lamang ng hotdog at itlog bilang almusal ng kaniyang amo. Nagtimola na rin siya ng orange juice bilang panulak. Nang matapos siyang maghain ay kaagad na niyang tinawag si Karson upang kumain.

"Sir, nakahanda na po 'yung almusal." wika niya habang hinimas ang kaniyang tiyan. Kagabi pa kasi siya hindi kumakain kaya naman tumutunog na ang kaniyang sikmura.

"What's this?" dismayadong tanong ni Karson. "Almusal ang gusto ko tapos juice ang ihahanda mo?" mabilis nitong binasag ang baso na may lamang juice dahilan para matalsikan si Izzy ng bubog. "At eto, ayoko ng ganitong almusal." itinapon rin ni Karson ang niluto ni Izzy sa sahig at mabilis na bumalik sa kwarto.

Hindi na ininda ni Izzy ang dumudugo niyang binti gawa ng pagtalsik ng bubog. Sa halip, mabilit niyang pinulot ang hotdog at itlog sa sahig at mabilis na kinain. Gutom na gutom na kasi siya kaya naman wala na siyang selan sa pagkain.

Nang matapos siyang kumain ay dali-dali siyang nag-mop ng sahig. Isa-isa niya ring pinulot ang mga bubog na nagkalat sa paligid.

Maya maya pa ay narinig niya ang mabibigat na yabag sa hagdan. It's Karson wearing a tuxedo.

Muling yumuko Izzy dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito.

"Iho, saglit, maaari ba kitang makausap?" wika ni Manang fe kay Karson.

Agad namang huminto si Karson sa paglalakad upang kausapin ang matanda. "What?" wika niya gamit ang tamad na boses.

"Magpapaalam lang sana ako at magpapasalamat na rin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo at kailangan mo kaming tanggalin sa trabaho pero ang akin lang sana ay ituloy mo ang buhay mo. Huwag mong punuin ng galit 'yang puso mo, bata ka pa at tiyak makakanap ka pang muli ng magmamahal sa 'yo."

Nasa 32 anyos lang kasi si Karson ng mabyudo sa asawa. Guwapo, mayaman at hindi mahirap mahalin. Tumigas lamang ang puso niya ng mawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina.

"Are you done? Late na kasi ako sa trabaho." malamig na tugon ni Karson sa matandang katulong.

"Sige, iho. Hangad ko na sumaya kang muli." malungkot na wika ni Manang Fe.

Hindi na nagsalita si Karson at mabilis lang itong nilagpasan kaya naman agad nilapitan ni Izzy ang matanda upang yakapin.

"Manang fe, ako nga po pala si Izzy." pakilala niya.

"Izzy, anak, habaan mo ang pasensya mo kay Karson. Mabait naman 'yan kaso lang may pinagdadaanan siya ngayon kaya intindihin mo na lang." bilin ni Manang Fe sa kaniya.

"Opo, hanggang kaya ko po."

"Oh siya, mauna na kami at baka maiwan kami ng bus na sasakyan namin."

Tanging si Izzy na lamang ang naiwan sa mansyon dahil umalis na ang lahat ng katulong.

Hindi niya malaman kung ano ang uunahing linisin dahil sa laki at lawak nitong mansyon.

Naisipan niyang unahing linisin ang labas ng mansyon dahil marami ng tuyong dahon ang nagkalat sa paligid.

Halos makuba si Izzy dahil isa-isa niya ring binunot ang mga damong ligaw sa garden.

At panghuli, gamit ang pansala ay nilinis niya ang malawak na swimming pool.

"Hay, nakakapagod!" d***g niya matapos niyang linisin ang labas ng mansyon. "Ano kaya kung maligo ako rito?" wika niya sa sarili habang nakatingin sa pool. "Tama! Wala namang tao kaya walang magbabawal sa 'kin."

Mabilis niyang hinubad ang kaniyang uniporme at tanging ang kaniyang lumang bra at maluwang na panty ang naiwang saplot niya sa katawan.

Kun 'di lang butas ang suot niyang panty ay iisipin mong modelo siya dahil sa ganda ng hubog ng kaniyang katawan. Idagdag mo pa ang bilugan at natural niyang s**o na animo'y melon sa laki.

"Grabe, ang sarap maligo!" sigaw niya habang nagtatampisaw sa tubig. Enjoy na enjoy si Izzy kakalangoy at hindi na namalayan ang oras.

Ngayon lang kasi siya ulit nakaligo sa swimming pool dahil madalas ay sa ilog lamang siya naliligo noon.

Hindi alam ni Izzy na mayroong CCTV sa lahat ng sulok ng mansyon at nakikita siya ni Karson sa mga oras na ito.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Camela Bermejo
hihihihihuhihuhihijijijiijijiijijijijijiijj
goodnovel comment avatar
Lani Collarga
yung butas na panty tlga nag-dala......
goodnovel comment avatar
Vanissa Barce
natawa aq sa butas na panty
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status