Share

PROLOGUE

THIRD PERSON'S POV

"Sir, naka-ready na po si Baby Alas." hindi naman sinagot ng lalaki ang katulong at tumango lamang dito. Umalis din naman agad ang katulong at ang butler naman ang lumapit sa kanya.

"Sir, naka-handa na po ang sasakyan." hindi ulit ito sumagot at tinanguan lamang ulit ang lalaki. Tinapos niya na ang pag-aayos ng neck tie at ang pagsusuot ng coat bago lumabas sa kwarto at kinatok ang katabing pinto.

"Alastair come on!" as usual hindi nakarinig nang sagot ang lalaki. Naghintay lamang ito ng ilang minuto, bago lumabas ang anak na may suot na back pack at may hawak na placards at ipad.

Hindi sinagot ni baby Alas ang kanyang ama at nagpatiuna na sa paglalakad. Napabuntong hininga na lamang ang lalaki at agad na sumunod sa anak.

Pagkasakay sa sasakyan agad ibinigay ng kanyang sekretarya ang report patungkol sa mga meeting na kailangan niyang daluhan mamaya.

Nangunguna ang RM Corporation pagdating sa pag-export ng mga high class weapons sa buong mundo, isa rin ang RM Corporation sa may matataas na shares sa iba't-ibang kompanya, bukod dito nagmamay-ari din ito ng iba pang establishment, katulad na lang ng hotel, hospital at iba pa. At ang na sa likod ng lahat na ito ay si Ace Duke Remington kilalang-kilala ito hindi lamang sa gwapo nitong mukha at angking talino, kun'di pati na rin sa alas nitong 'Hot Daddy'. And at the age of 19, he's known for being one of the successful businessman all around the world. He's describe as a strict and cold billionaire na mas'yadong mailap hindi lamang sa mga business partner nito, kun'di pati na rin sa mga babae. Kaya labis na lamang ang gulat ng lahat nang mapabalita na nagkaroon ito ng anak at the age of 23 and when they saw baby Alas, they knew that there is someone who can replace Duke in the future.

" How's your assignment Alas? did you finish everything." tanong nito sa anak. Tinanguan lamang siya nito, habang nakaharap sa ipad at nanonood ng educational videos.

" Are you okay?" tangka ulit na tanong ni Duke, pero ipinakita lamang ni baby alas ang hawak nitong placards na may naka-lagay na smiley face, which means that he is happy.

Napabuntong hininga na lamang si Duke dahil sa inaasta nito. Dalawang taon na ang nakakalipas simula nang hindi ito magsalita dahil sa nasaksihan nitong pangyayari na nagdulot ng trauma nito. Ginamit niya ang lahat ng connection at pera niya noon, para lang mapa-konsulta ang anak sa mga magagaling na child psychologist sa buong mundo. But, even how many times he tried, the result are still the same. Kaya wala siyang choice noon kung hindi ang sumuko na lamang.

Ang Ipad at placards na hawak ng anak, ay isa sa mga gamit nito upang kahit papaano magkaroon sila ng komunikasyon.

Ilang oras pa nang tinawag sila ng family driver upang ibalitang nakarating na sila sa RM corporation. Agad na lumabas ang sekretarya sa sasakyan at pinagbuksan ang mag-ama.

Agad na bumaba si Duke sa sasakyan kasama ang anak. Lagi na nitong kasama ang anak sa opisina dahil na rin sa hindi niya kayang ipagkatiwala ang anak sa mga katulong. Muntik na kasi itong makidnap no'ng sinubukan niyang mag-hire ng mag-aalaga kay alas. Kaya simula n'on, hindi niya na iniiwan si Alas kahit kanino.

Nabungaran nila ang mga butler na nakahilera sa magkabilang gilid para salubungin sila. Mataman lang siyang nakikinig sa sekretarya patungkol sa schedule niya mamaya, nang tumunog ang cellphone nito.

Sinagot nito ang tawag at hindi umimik, hinintay lamang nitong magsalita ang na sa kabilang linya.

"Dude, May nahanap na akong child psychologist para kay baby Alas" sabi ng kaibigan sa kabilang linya. Saglit siyang natigilan bago nag-tanong.

"Is that reliable?" naramdaman niyang kinakalabit siya ng anak, pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin at saglit lang na sinulyapan. Nakita niya itong nakakapit sa slacks niya habang nakatingin at nakaturo sa ibang direksyon.

Napakunot ang noo ni Duke sa inaasta ng anak pero hindi niya ito binigyan ng pansin nang magsalita ang tao sa kabilang linya.

"Her name is Raven Godfrey. She's graduated from harvard, and according to my source, wala pang bata ang hindi nito napapagaling. I already sent you the other details, just check your email." sabi nito na nagpakumbinsi kay Duke, pero hindi na rin siya umaasa na may kaibahan ito sa ibang na-hire niya. pero wala namang masama sumubok diba?

"Okay thanks-" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil sa sabay-sabay na pagtawag ng mga tao sa kanya. At nang lumingon siya, saglit itong natulala kay Alastair na may sinusundan na babae, tumawid ito na agad na sinundan ng anak pero mas lalo siyang kinabahan nang makita ang rumaragasang sasakyan patungo sa anak.

"ALASTAIR!" sigaw ni Duke

Parang nabunutan ng malaking tinik si Duke nang makita ang babaeng sinusundan ng anak na agad na inalis si Alastair bago pa masagasaan ng sasakyan.

Saglit siyang natigilan nang mapagmasdan ang babaeng may buhat sa anak at papalapit sa kanya. Meron itong mapipilantik na mata, wavy at ash gray color na buhok at ang mata nitong hazel brown, na kung makatingin ay parang kaakit-akit.

Masama itong tumingin kay Duke at ibinaba ang batang nakakapit sa leeg at sinisinghot ang amoy nito. Malamig din na tinitigan ni Duke ang babae bago hinablot ang anak sa pagkakayapos ng babae.

" What the f*ck Alistair? what did I always remind you? I told you to stay away from road and don't talk to strangers." sabi ni Duke sa anak na nananatiling nakatitig sa babae.

Parang nagpantig naman ang tenga ng babae sa narinig at hindi nakapag-pigil, pinukpok nang palad niya ang bibig ng lalaki.

"what the f*ck woman!" bulyaw ni Duke sa babae pero sinamaan lang siya nito nang tingin at sinampal ulit ang bibig.

Lalapit na sana ang mga butler upang pigilan ito, pero pinigilan sila ng sekretarya, na labis na nasisiyahan sa nangyayari. For him this is the first to hear his boss cursing ang speak loudly.

" Don't curse in front of your child, and can't you see that he is hurting by your grip?" sabi ng babae, parang natauhan naman si Duke at agad na binitawan ang anak.

Nang mabitawan niya ang anak, dali-dali itong lumapit sa estraherang babae at agad na yumapos sa binti nito. Lumambot naman ang ngiti at tingin ng babae sa bata at nag-squat upang harapin ang bata.

"Don't do it again okay? what if you we're hit by the car? your parents will cry." sabi nito at saglit na sinulyapan ang lalaki sa likod ng bata na nakamasid lang sa kanila.

Masunurin naman na tumango ang bata at nagsulat nang sasabihin sa hawak nitong ipad.

'What's your name?'

Nang mabasa ng babae ang nakasulat sa ipad, ay napangiti s'ya at ginulo ang buhok ni Alastair.

"Hi! Im Raven Godfrey, nice to meet you baby Alas." sabi ng babae habang nakalahad ang kamay, pero natigilan s'ya, dahil imbis na kamayan siya pabalik ni Alastair agad itong yumakap sa kanya at suminghot sa leeg.

Nakangiting inilayo ni Raven si Alastair at ginulo muli ang buhok bago tumayo at bumaling kay Duke.

"Next time, make sure that your full attention is in your son, even if you are busy with your own business." sabi pa nito bago inabot si Alastair sa ama. Hindi naman nakakibo ang huli at himawakan lang sa kamay ang anak.

Nag-paalam pa si Raven sa bata bago tumalikod at naglakad palayo. Natigilan si Duke nang marinig ang anak na mag-salita for the first time, at ang mas nakakagulat ay ang binanggit nito.

"M-mommy..." sambit ni Alas habang nangingilid ang luha, saglit na natigilan si Raven bago mag-patuloy umalis.

Napaawang naman ang bibig ni Duke sa narinig, he can't believe it, ito ang unang beses na narinig niya ulit ang anak na mag-salita. Natigilan siya at sinagot ang tawag na hindi pala napatay kanina.

" I already saw her..." sabi nito sa kausap, saglit na tumahimik sa kabilang linya at nagtanong kung sino ang tinutukoy nito.

"Raven..." sambit pa nito bago lumuhod at pinantayan ang anak. Nahabag siya nang makita ang anak na tahimik na lumuluha habang nakatitig sa pigura ng papalayong babae. Pinunasan n'ya ang luha nito at niyakap.

"Don't worry son... we will find her." sabi ni Duke na may determinadong boses.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status