TAHIMIK AKONG nakatingin sa maingay na batis na umaagos ang tubig pababa sa kung saan ang tungo niyon. Nalala ko ang mga sinabi ni Volter sa akin. Tama siya, nakakalimutan ko na ang totoong pakay ko. Ang paghihigante. Nawawala ako sa pokus na dapat nandoon lang ang sentro ng isip ko. Dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinaparamdam sa akin ng mga lobo, nakakalimutan ko ang pakay ko sa kanila.
Bumuntong-hininga ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa malaking tipak ng bato. Umihip ang malakas na hangin, pumikit ako at nilasap ang sariwang hanging iyon na yumayakap sa akin na naghahatid ng bahagyang kaginhawahan.
Nagmulat ako ng maramdaman kong may ibang tao roon. Nagulat ako at halos hindi makagalaw ng tumambad sa akin si Marcus na halos isang dipa na lang ang layo ng mukha sa akin. Parang tumigil ang paligid. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Naaamoy ko na nga ang mabango niyang hininga at ang mainit na h
MULI KONG pinag-isipan kung tama ba ang ang sinabi ko kay Marcus nang nagdaang araw. Handa na ba akong kilalanin ang mga lobo sa likod ng pagkatao ko? Pero sa huli'y naisip kong iyon marahil ang tama kong gawin para tuluyang masagot ang mga tanong sa isip ko tungkol sa pagkatao ko.Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa berdeng paligid mula sa bintana. Nasa sala ako ngayon habang nasa mansyon ang magkapatid na sina Trina at Vernon. Si Persuz naman hindi ko alam kung nasaan. Simula nang mag-usap kami at pinagdudahan niya ako, hindi ko na siya inimikan pa. Matagal ko ng alam na wala sa akin ang loyalty niya at kung pwede ko nga lang siyang pabalikin sa mansyon ginawa ko na, pero alam kong hindi papayag si Volter dahil mawawalan siya ng mata sa bahay na ito. Hindi ko pa rin makuha kung bakit hanggang ngayon kailangan pa rin niyang bantayan ako at pagdududahan, gayong alam naman niya kung gaano ko kagustong ipaghigante ang mga magulang namin.'Hanggang ngayon ba iyon p
HINDI NA akong nagdalawang isip na sumama kay Marcus para bumalik sa village. Ito na ang simula ng hakbang sa pagtuklas ko sa totoong pagkatao ko. Kung sino ang mga lobong magulang ko at ang katotohanan kung bakit ako napunta sa mga bampira na naging tanong sa akin dahil sa sinasabi nila Marcus na katotohanan na gusto ko ng nalaman. Bukod sa kabang nararamdaman ko sa maaari kong malaman, lumitaw din ang pagkasabik ko na muling makatapak sa village na iyon at makita roon si Yena at Rossa na naging malapit na sa akin. "Syrie!" nagulat na lang ako ng bigla akong dinambahan ni Marcus daan para matumba kami at magpagulong-gulong. Naramdaman ko ang paghaging ng palasong iyon na patungo sana sa akin. Nagulat ako nang mapansing nasa ibabaw niya ako. Para akong napapaso dahil sa ramdam ko ang katawan ni Marcus sa akin. Nang akmang tatayo ako, bigla niya akong hinila pabalik. "Shh!" aniya habang nakaharang sa labi niya ang kaniyang hintuturo. "May hunters sa paligid,"
HANGGANG NGAYON hindi ko pa rin lubos maisip na pinsan ko pala si Rossa. Hindi lang talaga pumasok sa isip ko na konektado siya sa pagkatao ko. Kaya pala ganoon na lang ang pagkagaan ng loob ko sa kaniya, dahil parte siya ng buhay ko. Mayamaya pa'y dumating naman si Yena mula sa paglalaro sa kaibigan niya. Hindi niya inasahan na nandoon ako kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya ng makita akong naroon. "Ate Syrie!" sigaw niya, sabay takbo sa patungo sa akin. Sinalubong ko naman siya at niyakap ng mahigpit. Muling napunan ang pananabik na iyon sa puso ko ng mayakap ko si Yena. "Nandito ka uli," masayang sambit ng bata. "Kumusta ka na, Yena?" tanong ko rito Humiwalay si Yena sa pagkakayakap sa akin at kinalong siya sa mga binti ko. Inayos ko pa ang buhok niya na bahagyang gulo at inipit iyon sa likod ng tainga niya. "I'm glad to see you again," dagdag ko pa. Kita ko ang pagsilay ng masayang ngiti at ligaya sa Mukha ni Yena. Hindi maikakaila roon ang pananabik niya na muli akong maki
MATAPOS ANG ilang minuto pang paglalakbay, huminto kami sa isang malawak na bahagi ng gubat. Tumambad sa akin ang isang lugar na animo'y sinira ng digmaan. Nagkalat ang bahagi ng bawat bahay sa paligid na ginagapangan na ng iba't ibang mga damo roon. Halatang matagal ng nasa ganoong ayos ang lugar na iyon. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam pero may kakaibang pakiramdam ang lumitaw sa akin. May kirot sa puso ko at may koneksyon akong nararamdaman sa lugar na iyon. Anong kinalaman ko sa lugar na ito? "Nandito na ba tayo, Kuya Marcus?" tanong ni Yena matapos pagmasdan ang paligid na makikita ang sirang hitsura niyon. Ibinaba ni Marcus si Yena sa pagkakakarga niya at ngumiti rito. "Nandito na tayo, Yena," masayang anunsyo niya. "Ano ang lugar na ito, Marcus?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "Bakit mo ako dinala rito?" Bumaling ako sa kaniya na puno ng tanong ang aking isip. "Ito ang nasirang village nang digmaang naganap isang daang taon na ang nakakalip
HANGGANG SA makauwi ako sa bahay, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nalaman ko tungkol sa tunay kong mga magulang. Hindi ko pa rin lubos maisip na isang bampira ang ama ko habang isang lobo naman ang aking ina. Marami pa akong gustong itanong kay Marcus ngunit hindi na niya iyon sinagot pa. Gusto kong malaman kung sino sa matataas na bampira ang tunay kong ama na maaaring konektado sa mga bampirang kumopkup sa akin. Hindi ko alam kung paano ko iyon paniniwalaan gayong alam kong nagsasabi si Marcus ng totoo. Hindi ko rin maisip ang sinabi niyang isa akong bampira at isang lobo na sa tingin ko'y napaka-imposible niyon."Hey, mukhang malalim ang iniisip mo, ah?"Napakurap ako nang marinig ko ang boses na iyon ni Trina. Mabilis akong bumaling sa kaniya at nakita ko si Vernon na nakatingin din sa akin."May problema ba, Syrie?" tanong naman ni Vernon."Kanina ko pang napapansin ang pagiging tahimik mo, simula nang bumalik ka mula sa gubat," komento ni Tri
"ANONG ginagawa mo rito, Marcus?" mahina kong sambit sa kaniya ng bigla na lang siyang lumitaw sa loob ng bahay nang saktong umalis sila Trina at Vernon doon. Bakas sa mukha ko ang pangamba na baka may makakita sa kaniya roon. Kasalukuyan akong nakatayo noon sa bintana ng silid ko habang nag-iisip sa maraming bagay na gumugulo sa isip ko. Nagsisimula nang kumalat ang dilim sa paligid. "I just can't help myself to see you, Syrie," direktang sambit niya na bakas ang senseridad sa mukha niya. Saglit akong napatingin sa gwapo niyang mukha pero agad din akong kumurap. May kakaiba sa tingin niya sa akin na hindi ko mawari kung ano iyon. "Nahihibang ka na ba, Marcus? Hindi ka nila pwedeng makita rito," giit ko sa kaniya. "Sino bang nagsabing makikita ako rito, Syrie? I know what I'm doing, so no worries na baka makita tayo rito," mahina ang boses na balik niya. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita kong expression sa mukha niya. May pananabik doon. "Pero—"
HINDI KO maalis sa isip ko ang nangyari nang nagdaang gabi sa pagitan namin ni Marcus. Ngayon ko lang lubos na naisip kung ano ang nagawa namin, kung ano'ng nagawa ko. Napapasinghap na lang ako dahil doon. Pinagsisihan ko man ang pagpayag ko sa nangyari, wala na akong magagawa dahil kusa kong isinuko ang sarili ko sa kaniya at hindi niya ako pinilit. Pero sa kabila ng pagsisisi ko, aamimin kong napaligaya ako ng sandaling iyon, ligayang noon ko lang naramdaman at napagtanto. "Lately, napapansin ko na laging malalim ang iniisip mo." Naramdaman ko si Trina na tumabi sa akin sa tapat ng bintana sa sala habang nakatingin ako sa paligid. Kasalukuyang maaliwalas ang umaga at ang sarap damhin ng hanging dumadampi sa katawan ko. Nilingon ko si Trina. "Have you ever heard about the mate of a wolf?" tanong ko sa kaniya dahil sa bagay na iyon na bumabagabag sa akin. Kumunot ang noo ni Trina at nag-isip. "I don't really kno about that, Syrie. Ang alam ko lang na ma
TAMA BA ang naging desisyon ko? Hindi ko alam ang kahahantungan ng nagawa kong desisyon pero iyon ang ibinubulong sa akin na puso ko na gawin ko—ang tanggapin si Marcus at ang pag-ibig niya sa akin. Hindi ko na pwedeng itanggi ang kakaibang nararamdaman ko para sa kaniya dahil sa tuwing mas lumalapit siya sa akin, pakiramdam ko'y hindi ko na iyon mapipigilan pa.Inabot na kami ng gabi sa batis na iyon habang yakap ako ni Marcus sa likod at nakamasid sa liwanag ng buwan at bituin. Sa bawat pagdampi ng balat niya sa akin, hatid niyo'y pakiramdam na safe ako sa kaniya. "I don't know if I'm doing the right thing, Marcus. Tama ba 'tong ginagawa natin?" kapagkuwa'y tanong ko. Sa kabila ng pagtanggap ko sa kaniya, nandoon pa rin sa isip ko ang mga tanong na iyon.Marahang gumalaw si Marcus, humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kaniya. Tumambad sa akin ang seryoso niyang mukha. "Hindi ko alam kung ano ang tama para sa iyo, Syrie pero para sa akin wal