NANG marinig ni Cassandra na hinahanap ng lalaki si Ian ay agad siyang napatayo upang kilalanin ang lalaki. Maging si Lotie ay hindi rin nakasagot agad sa tanong nito at bumaling ng tingin sa kaniya. Marahil ay humihingi ito ng permiso kung magbibigay ba ito ng impormasyon patungkol sa amo.
Marahan siyang lumapit sa lalaking nakatayo sa hamba ng pintuan. Bumaling din naman ito ng tingin sa kaniya na animo sinusuri ang buo niyang pagkatao.
Samantalang napagmasdan din ni Cassandra ang kabuuan nito na nahihinuha niyang kasing tangkad din ni Ian. Bagama’t mestizo ang kulay nito na kabaliktaran naman sa pagiging moreno ng minamahal. Nakikita niya ang asian looking vibes sa lalaki kagaya na lamang sa mga idolo ng mga kabataang Kpop group ngayon.
Ang mukha ay makinis na halatang bagong ahit lang, labi na mamula-mula na hindi niya pagtatakahan kung may inilagay itong lipstick doon. Maging ang mga mata ng lalaki ay tila nangungusap na animo nakangiti parati. A boy-
NANG mahimasmasan si Cassandra ay agad siyang kumawala sa pagkakayakap kay Joshua. Mabilis din niyang pinunasan ang basang pisngi. Hindi siya makapaniwala na nagpakita siya rito ng kahinaan na bihira niyang ipakita sa isang estranghero. Nagtataka rin si Cassandra kung bakit ang babaw ng luha niya ngayon?“I’m sorry,” paumanhin niya rito at agad itong tinalikuran.Aalis na sana siyang aalis sa harapan nito subalit mabilis din naman siyang napigilan ng binata at nahawakan sa kaniyang braso.“Cass, I’m sorry, hindi ko alam na matatakot ka for my safety. I just want to be friend with you. So please, forgive me this time? Promise, I will never do that again,” pangakong pakiusap pa ni Joshua sa kaniya. Halatang sencere ito sa paghingi nito ng tawad.Natigilan naman siya sa sinabi nito. Muli siyang bumaling ng tingin dito upang mabistahan nang husto ang mukha ng binata. Nagdadalawang-isip siya kung patatawarin niya
MARAMI pa silang pinuntahan ni Joshua. Iyong mga hindi pa niya nararating ay nakapagtatakang narating nila. Namangha pa si Cassandra nang pumunta sila sa kaloob-looban na animo kagubatan na. Hindi niya alam kung paanong natuklasan ni Joshua iyon subalit tila kabisado nito ang buong kapaligiran?“Nakarating ka na ba rito, Josh?” hindi niya napigilang itanong sa binata habang hinahawi ang nakaharang na makapal na dahon sa kaniyang mukha.“No, this is my first time too,” tipid din namang tugon nito na bumaling sa kaniya saka ngumiti.“Kung gano’n, paano mo nalaman ang pasikot-sikot dito?” tanong pa niya.“Instinct,” sambit ni Joshua na tinapik pa ng hintuturong daliri ang sintido sabay ngisi sa kaniya.“I don’t believe you,” nagdududang saad din naman niya rito. Subalit hindi na siya pinansin ng binata sapagkat sa isang bagay ito nakatuon.Hindi kalayuan sa gawi nila
SAMANTALA, maagang nakarating si Ian sa mansyon nila sa Batangas. Naabutan pa niya ang amang si Manuel na abalang naghahanda dahil tila may pupuntahan itong importante. Aligaga rin itong inaayos ang suot na polo at ilang ulit na sinuklay ang buhok na numinipis na dahil sa katandaan. Bagama’t may ibubuga pa rin naman ang ama na isa sa mga tinitingala ng mga kababaihan noon pagdating sa pagandahang lalaki. Nagkataon nga lamang na mali ang minahal ni Manuel dahil sinaktan lamang ito ng madrasta.Wala sa loob na sinundan ni Ian ng tingin ang bawat kilos ng ama. Hindi rin siya napansin nito na ilang beses nang dinaanan nito. Maging ang mga kasambahay nila ay hindi magkandaugaga sa bawat utos ng matanda. Naisip ni Ian na kung nandito lamang si Manang Bell ay siguradong nakagalitan na nito ang ama.Napailing-iling habang bahagyang napangisi si Ian nang maalala ang kaingayan ng matandang katiwala, at kasabay nga niyon ay ang pag-alala niya kay Cassandra. Sagl
ILANG sandaling nanahimik ang dalawang lalaki. Nagpapakiramdaman lamang sa isa’t isa. Walang gustong sumuko sa argumentong ipinaglalaban.Pagkatapos ay napahawak sa sintido si Manuel at hinilot-hilot iyon. Marahil dahil hindi siya nito mapaniwala na mabuting tao ang pamilya ni Dolores o dahil hindi na nito maalis sa kaniyang isipan ang itinanim nitong masamang binhi sa anak?Nakita niyang malalim na huminga si Manuel upang pagluwagin ang dibdib saka siya hinarap na animo suko na ito sa pagpapaintindi sa kaniya.“Okay, Anak, you won,” malungkot na saad ng matanda.Napahinga naman siya nang maluwag na sa wakas ay nakumbinsi niya rin ang ama. Subalit ang inakala niyang titigilan na nito ang madrasta at ang pamilya nito ay nagkakamali pala siya, sapagkat dinugtungan ni Manuel ang sinasabi.“Nagpa-DNA test kami ng kapatid mo—”“She’s not my sister,” putol niyang bigla sa sinasabi n
LIHIM na napailing si Ian habang pinagmamasdan ang papalapit na mag-lola na kilalang-kilala niya. Paano nga ba niya makalilimutan ang batang naging dahilan kung bakit ginusto niyang magkaroon ng anak ngayon?Nang araw na maghiwalay sila ng bata ay hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit sabik na sabik siyang muling makita ang bata? Inakala ni Ian noon na nais lamang niyang magkaanak na. Iyon din naman kasi ang ikinukulit sa kaniya ng ama kaya marahil ganoon ang nararamdaman niya.Napagtanto ng binata na ang batang kinagiliwan niya noon at ang kasama nitong lola sa park na pinagtambayan niya, sapagkat hindi niya mahanap kung saan nakatira si Cassandra, ay ang mismong madrasta pala niyang si Dolores na kaytagal nang nawalay at ayaw magpakita sa kanilang mag-ama.Mahinang napapalatak na lamang si Ian kung paano siya pinaglaruan ng tadhana. Hindi niya akalaing ang babaeng ayaw na ayaw niyang makita at hiniling na sana’y huwag nang magparamdam sa kanil
TAHIMIK ang tatlo sa loob ng sala nang marinig nila na may tumawag sa madrasta na si Dolores. Napalingon pa si Ian sa may kusina at lihim na sinilip ang matanda dahil sa kuryosidad kung sino ang kausap nito?Pagkatapos ay bumaling siya sa ama at sumenyas ang kaniyang bibig ng ‘Sino ‘yon?’.“Your sister,” mahinang tugon din naman ni Manuel.“Pa’no mo nalaman, Dad?” muling anas niya.“I just know,” tipid na tugon din naman ng matanda at ngumisi sa kaniya nang nakakaloko.Sasagot pa sana si Ian nang marinig niyang muli ang boses ng madrasta habang may kausap ito sa cellphone.“Okay lang si Cassey dito, Anak, huwag mo siyang alalahanin. Tuwang-tuwa siyang kalaro ang tito niya ngayon,” narinig ni Ian na turan ng matanda.“Argh!” mahinang daing niya sa sinabi nitong tito siya ng bata. Bagama’t giliw siya sa bata ay hindi pa rin niya m
PABALING-BALING si Cassandra sa kaniyang higaan. Kanina pagkatapos niyang tawagan ang ina ay nagpasya siyang maidlip muna sandali bago ang kanilang hapunan. Sigurado naman kasi siyang tatawagin ni Manang Bell kapag oras na ng kainan. Subalit ilang minuto na siyang nakapikit ay hindi pa rin siya dalawin ng antok.Makalipas nga lamang ang trenta minutos sa ganoong gawi ay nakarinig ng katok ang dalaga. Nagmulat siya ng mga mata at sinipat ang orasan sa kaniyang braso upang malaman kung anong oras na? Nakita niyang alas-singko y media pa lamang ng hapon.Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga upang pagbuksan ang taong kumakatok. Nang pagbukas nga niya ng pintuan ay nabungaran niya si Joshua na nakatayo roon. Nakapagbihis na rin ito na kasalukuyang nakasuot ng puting polo at puting khaki short. Basa pa rin ang buhok nito na nakasuklay patalikod kung kaya nagmukha talaga itong malinis sa paningin. Maliban pang sadyang perpekto ang katawan nito na animo modelo sa
TANGING ang tibok ng puso lamang ni Cassandra ang kaniyang naririnig habang papalapit siya kung saan naroroon si Manang Bell. Nasa kuwarto nito ang matanda ng mga sandaling iyon.Kanina pagbaba niya ng hagdanan ay nasalubong pa niya si Lotie habang nag-iimis sa sala na tanging trabaho nito.Nakita pa ng dalagita na umiiyak siya kung kaya nag-aalalang nagtanong ito, “Señorita, ayos ka lang po?” anitong agad siyang nilapitan at itinigil ang ginagawa.Dahil tila may nakabikig sa kaniyang lalamunan kung kaya hindi niya nasagot ang dalagita at sa halip ay tumango lamang siya rito. Mabilis din niyang pinunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata.Pagkatapos ay hinanap niya si Manang Bell subalit hindi niya nabistahan ang matanda roon.“Lotie, si... Manang... Bell?” putol-putol na tanong niya sa dalagita sa pagitan ng mga luha niya.Nag-aalala man at malaki ang pagtataka ng dalagita ay hindi na i