Share

KABANATA 48

Penulis: janeebee
last update Terakhir Diperbarui: 2023-10-27 10:34:18

" Gael, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo, ha? Huwag mo silang pababayaan at ilayo mo sila sa kapahamakan... " ang huling habilin ni Doña Muñoz bago ito bawian ng buhay sa labis na kabiguan at kalungkutan. Banig ang ginamit upang balutin ang wala ng buhay nitong katawan at inilibing sa ilalim ng puno katabi ng puntod ng mahal nitong asawa.

Ang dating masaya at marangyang pamilya ay sa isang lumang bahay na lamang nakatira. Nawala sa kanila ang lahat matapos ng nangyaring sunog na nagpatupok sa kanilang mga ari-arian. Napalitan silang ibenta sa maliit na halaga ang malaking lupain upang may pagkunan na panggastos sa araw-araw nilang buhay na hindi rin nagtagal ay naubos na.

" Kuya, ang taas ng lagnat ni Farah. Dalhin na po natin siya sa malapit na ospital. " Mangiyak-ngiyak na saad ng trese anyos na si Franco, karga ang bunsong kapatid na babaeng inaapoy ng lagnat. Malakas man ang buhos ng ulan, walang pagdadalawang isip nilang isinugod sa ospital ang bunsong si Farah na namumutla
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Maribel Landicho Rosales
wg ka.magtiwala dyan
goodnovel comment avatar
Leni Isla
Sana wag pumayag si Isabela mapapahamak lng siya kay Catriona
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Isabella Flores   Author's Note:

    Maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta ng nobelang ito! Nawa'y nagustuhan niyo po ang buong kuwento at huwag pong mahihiya na mag iwan ng komento dahil natutuwa ako sa tuwing nakakabasa ng mga opinyon mula sainyo. Wala na pong susunod na kabanata. Hayaan na po nating makapagpahinga ang ating mga bida dahil masyado rin akong naging malupit sa kanila. Katunayan, kamuntikan ng maiba iyong wakas at mapunta sa trahedya iyong nobela. Mabuti na lang nakapag muni-muni pa ako at napagtantong masyado ng kawawa ang ating mga bida kung may papatayin akong isa sa kanila.Ayon lang, gusto ko lang naman ibahagi iyon sainyo dahil nanakit ang ulo ko kaiisip kung paano wawakasan ito, hehe. Muli, salamat po sainyong lahat! Suportahan niyo rin po ang iba kong storya at mga paparating pa. Hanggang sa muli!

  • Isabella Flores   WAKAS

    Mataas ang sikat ng araw nang makababa si Isabella mula sa kotse dala ang isang basket na may mga puting rosas. Iginala niya ang paningin sa paligid, tanghaling tapat ngunit marami-rami ngayon ang tao sa sementeryo. Karamihan sa mga nakikita niya ay isang pamilya na tahimik na nagku-kuwentuhan habang nakapalibot sa puntod na dinadalaw nila. " Madame, ako na ang magdadala ng basket. May kabigatan iyan." Napatingin si Isabella sa isang mataas at malaking babae na tumabi sa gilid niya habang may hawak na payong upang isilong siya. " Hindi na, Abi. Kayo ko namang bitbitin na 'to. " Nakangiting sagot ni Isabella sa kaniyang guwardiya na nag ngangalang Abigail. Ilang buwan na niya itong kasama ngunit hindi pa rin siya sanay sa presensya nito dahil ito na ang nagsisilbing anino niya sa tuwing siya'y lalabas ng mansyon. " Saka sasaglit lang naman ako kaya kahit dito mo na ako hintayin sa sasakyan." " Pero Madame..." Ngumiti si Isabella at inilahad ang kamay upang hingin ang payong na hawa

  • Isabella Flores   KABANATA 80 ( Huling parte )

    " Wala pa po ba sina Mama? Bakit po hindi natin sila kasama umuwi?" Naiinip na tanong ni Leonel sa lalaking naghatid sa kaniya pauwi ng mansyon. Kasalukuyan silang na sa hardin kung saan pinili ni Leonel na laruin ang mga bago niyang laruan." Mamaya lang ay nandito na sila, Señorito. Mayroon lang kailangan asikasuhin doon sa pinuntahan niyo kanina kaya hindi natin sila nakasabay umuwi. " Mahinahong sagot ng lalaki na may malaking katawan at naka-uniporme ng itim. Kagaya ng bilin ni Maximo, hindi dapat maalis sa kaniyang paningin ang bata kaya palagi siyang nakasunod dito saan man ito magpunta." Señorito? Hindi naman po 'yon pangalan ko. Ako po si Leonel. " Binitawan ni Leonel ang laruang sasakyan nang manawa sa paglalaro nang mag-isa. Inilibot niya ang tingin sa paligid at dumaan ito sa isang batang babae na nakasilip sa beranda. Namukhaan niya ito kaya agad niya itong nilapitan habang nakabuntot sa likuran ang guwardiya. " Gusto mo maglaro? "Nahihiyang umiling si Samara at umalis s

  • Isabella Flores   KABANATA 80 ( Unang parte )

    Alas kuwatro ng umaga nagising si Catriona mula sa hindi pamilyar na kuwarto habang katabi sa kama ang isang estranghero. Bumangon siya at kinuha ang panali niya sa buhok sa ibabaw ng lamesitang nasa gilid niya upang itali ang kaniyang magulong buhok. Bumaba siya sa kama, pinulot isa-isa ang mga damit niya upang isuot muli ang mga ito." Aalis ka na? Aga pa, ah? " Napalingon si Catriona sa likuran nang marinig ang boses ng lalaki. Nakangisi ito sa kaniya habang kinakamot-kamot ang malaki nitong tiyan. " Mahiga ka pa dito at baka pagod ka pa. Hindi naman kita pinapaalis kaagad kaya walang rason para magmadali ka."" Isang gabi lang ang usapan natin, 'di ba? " Paalala ni Catriona habang isinusuot ang pantalon niya." Nasaan na pala 'yong baril na binili ko? Baka magkalimutan tayo. "Tamad na bumangon ang lalaki sa kama na walang kahit na anong saplot sa katawan upang buksan ang kabinet na nasa silid at kuhanin ang rebolber na binili sa kaniya ni Catriona. " Alam mo ba kung paano gumamit n

  • Isabella Flores   KABANATA 79

    Tulalang nakatingin si Isabella sa bumungad sa kaniya sa aparador nang buksan niya ito para ilagay ang mga dala niyang gamit. Karmihan ngayon sa mga nakikita niyang nakasampay ay halatang bago habang ang iba ay ang mga pamilyar na damit na pagmamay-ari niya anim na taon na ang nakararan. " Hindi niya itinapon..." wala sa sariling sambit ni Isabella, pinagmamasdan 'yong dalawang bulaklaking bestida na paborito niyang sinusuot noon na ngayon ay na sa harapan niya. Napahawak siya sa dibdib dahil tila may humaplos dito bagay na kinainit ng dalawa niyang mga mata kaya bago pa siya muling maiyak ay kumilos na siya at inilagay na ang dalang damit sa aparador na para sa kaniya. Bago isarado, kumuha muna siya ng pamalit pantulog at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Alas nuebe na ng gabi, si Maximo ay nasa kuwarto ni Leonel at tinutulungan itong ayusin ang 'sangkatutak na laruan na nakakalat ngayon sa kuwarto. Iniwanan ni Isabella ang mag-ama para magkaroon ito kahit sandaling oras

  • Isabella Flores   KABANATA 78

    Hindi alam ni Isabella kung tama ba ang ginagawa niya dahil sa bawat paglagay niya ng mga damit sa maletang nasa harap niya, siya ring bigat ng dibdib niya dahilan para mahirapan siyang huminga. Sandali siyang huminto sa ginagawa para punasan ang luhang lumalandas sa kaniyang pisngi at kumuha ulit nang lakas nang loob sa pamamagitan ng paghinga nang malalim." Mama..." Napalingon si Isabella sa likuran nang madinig ang boses ng anak na kanina pa gising at pinanonood ang ginagawa ng ina. Naupo mula sa pagkakahiga si Leonel at kinusot-kusot ang mata habang nakatingin sa maleta. " Ano po ginagawa niyo, Ma? Aalis po ba tayo? "Inalis ni Isabella ang tingin sa anak at pasimpleng pinunasan ang luha sa pisngi niya bago siya lumapit sa kama at maupo sa gilid ni Leonel. " Anak, kagigising mo lang? Kumusta...kumusta ang tulog mo? "" Kanina pa po ako gising. Ngayon lang po ako bumangon, " ani Leonel saka nilipat ang tingin sa maleta. " Uuwi na po ba tayo saatin? Nasaan po si Papa? May pangingi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status