Share

Dart Game

MASARAP sa pakiramdam na bumalik ulit sa dati ang pakikitungo saakin ni Iñigo. Ngayon ay lulan na naman ako sa kanyang kotse pauwi sa aming bahay.

''Oh, ba't huminto tayo?" puno ng pagtataka'ng tanong ko sa kanya matapos namin'g huminto sa tapat ng isang mamahaling restaurant.

Nginitian niya lang ako. Kapagkuwa'y nagmamadali itong bumaba at pagkatapos ay inalalayan rin akong makababa.

"Anong meron?" muli kong tanong.

"Nothing." Kibit balikat niyang tugon. ''Tara na, kakain muna tayo bago umuwi." Dagdag pa niya.

"Ang dami mo ng ginastos sa'kin ngayong araw ah."Reklamo ko.

"Sus, wala 'yon. Gusto ko lang bumawi sa'yo kaya pagbigyan mo na 'ko.''

''Sige na nga.'' Napipilitang pagsang-ayon ko.

Nagpatiuna na ito sa pagpasok kaya't walang imik na sumunod na lang din ako.

Nang tuluyan na kaming makaupo ay hinayaan ko na lang siya na mag-order ng aming pagkain.

"Baka may gusto ka pang idagdag?'' aniya na bahagya akong binalingan.

"Uhm...wa-wala na! Okay na sa'kin 'yon.''

''Okay.''Tanging nasabi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status