Share

Isang CEO Pala Ang Forever Ko
Isang CEO Pala Ang Forever Ko
Author: eZymSeXy_05

Naudlot Na Kasal

NANGINGINIG ang aking mga tuhod habang nakatayo ako at tinatanaw ang papalayong bulto ng lalaking nangako saakin ng walang hanggang na pag-ibig.

Kaya't wala sa sariling hinayaan ko lang na pumatak ang masasaganang luha sa aking pisngi hanggang sa tuluyan nang lumabo ang aking paningin at hindi ko na nga maaninag pa si Jordan.

"Hoy, Samantha! Babalatan ko talaga ng buhay ang Jordan na ‘yon kapag nagkita ulit ang landas namin!" Gigil na sambit ng matalik kong kaibigan na si Nicole. Siya rin sana ang maid of honor ko.

"Aba, isipin mo huh...grabe ang kahihiyan na idinulot niya sa'yo! At saka sayang din ang ginastos niya. Ang bongga pa naman sana nito'ng simbahan oh. Akalain mo 'yon dito ka dapat ikakasal sa pinakamaganda at pinakamalaking simbahan sa Makati. Tapos bigla lang mauudlot." Patuloy pa rin sa pagdaldal si Nicole at wala man lang itong pakialam sa paligid kahit pa nga pinagtitinginan na siya ng mga tao.

"Ang tanga talaga niyan ni Jordan! Ni-hindi man lang siya nanghinayang sa anim na taon niyong relasyon pati na rin sa pang miss universe mong beauty. Naku! Mapapatay ko talaga siya!" Giit pa ni nito.

Sa halip na sawayin siya sa kanyang mga sinasabi ay hinayaan ko na lamang ito. Nagmamadaling naglakad ako palabas ng simbahan. Hinubad ko na rin ang sapatos kong four inches ang takong. Maging ang lahat ng naroon ay hindi ko na rin pinansin lalo pa't alam kong ako ang pinagbubulungan nila.

"Hoy Sam! Sandali nga! Hintayin mo naman ako!" Malakas na hiyaw ni Nicole, ngunit hindi ko man lang ito nagawang lingunin.

Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa masalubong ko ang bestfriend ni Jordan na siya rin sana’ng magiging best man sa kasal namin..

"Oh, Sam...what happen?" Anang lalaki. Bakas sa tinig nito ang labis na pag-aalala.

Hindi ko siya sinagot. Dire-direstso lamang ako sa paglalakad, ngunit hindi ko inaasahan'g susundan niya pa pala ako.

"Hey! What's wrong?" Gulat akong napalingon nang maulinigan kong muli ang kanyang tinig. ''Ano ba'ng nangyari? Where is Jordan? Akala ko ba ngayon ang kasal niyo ng kaibigan ko?" Sunud-sunod na tanong nito saakin.

"Sir Iñigo, iniwan niya na ako!" Hindi ko na napigilan pa ang emosyon na kanina ko pa'ng kinikimkim. Kaagad ko siyang niyakap at walang pag-aalinlangan na umiyak ako sa kanyang dibdib.

Maya-maya lang ay dahan-dahan niyang kinalas ang mga braso kong nakayakap sa kanya at pagkatapos ay nakangiwing tumingin saakin.

"Yong damit ko ba't idinamay mo sa problema mo?" reklamo nito habang nandidiring itinuturo ang nabasa'ng bahagi ng kanyang damit.

"So-sorry na sir." Nakangusong paghingi ko ng paumanhin. "Kasalanan mo rin naman kasi 'yan eh. Kung hindi ka dumating eh 'di sana'y hindi ikaw ang napili kong iyakan at singahan ng uhog." Animo'y isa akong bata na sinisisi siya.

"So, kasalanan ko pa pala? Ako na nga ang tumulong sa'yo para gumaan ang pakiramdam mo ngayon eh!" dagdag pa nito.

"Eh 'di thank you na lang Sir Iñigo Bartolome! Ang arte mo naman! Siguro magkasabwat kayo ng kaibigan mo!" Puno ng pagdududang pinandilatan ko pa ito ng mata.

"Hoy, Samantha Dimaguiba, ayusin mo nga 'yang pananalita mo! Dahil wala akong alam sa sinasabi mo! Huwag mo nga akong idamay sa kalokohan ni Jordan! Magkaiba kami no'n!" Gigil niyang pahayag bago ako tinalikuran.

"Hala! Nagalit yata sa'kin si Sir Iñigo!" Wala sa sariling naibulalas ko. Agad rin akong napalingon nang marinig ko naman ang boses ng aking kaibigan.

"Sam, nandito ka lang pala eh! Kanina pa kaya kita hinahanap!" Hinihingal na reklamo ni Nicole matapos akong yakapin.

"Sorry, nawala ako sa sarili matapos akong iwanan kanina ni Jordan eh." Nakayukong tugon ko.

"Naku, mabuti pa umuwi na tayo. Mag-beauty rest na lang tayo tutal naman ay wala na rin naman'g pag-asang matutuloy pa ang kasal ninyo ng lintik na Jordan na iyon." Anang kaibigan ko na ngayon ay magkakrus pa ang dalawang braso habang sunud-sunod ang ginawang pag-irap.

"Siya nga pala Sam, natanaw ko kanina na galing rito 'yong kaibigan ng groom mo ah. Ano 'yon dumidiskarte na agad sa'yo?" Pangungulit pa nito.

"Hoy! Tumigil ka nga! Ang dumi niyang isip mo eh!"

"Sus, ako pa tuloy huh! Eh anong ginawa no'n sa'yo kanina? Nakita kong nakayakap ka sa kanya ah."

"Wala nga! Nag-usap lang kami."

"Talaga ba? Naku, siguraduhin mo lang Sam. Remember, broken hearted ka ngayon. Kaya please lang huwag mo muna'ng pairalin 'yang kagagahan mo! Bawal muna'ng lumandi at magtiwala ng basta-basta lang."

"Hay naku, walang malisya 'yon! At saka kaibigan 'yon ni Jordan! Siguro naman walang masama kong sabihin ko sa kanya ang ginawa ng kaibigan niya." Katwiran ko pa.

"Tss, ewan ko sa'yo!Concern lang naman ako sa beauty mong iniwanan!" nakairap niyang sambit.

"Kumalma ka nga!" naiinis na singhal ko sa kanya.

"Hmm...okay. Sabi mo eh!" Napipilitan'g pag-sang-ayon nito. "Tara na uuwi na lang tayo." Nagpatiuna na ito sa sasakyan kaya't bubulong-bulong na sumunod na lang din ako.

"Hoy! Ano nga ba kasi ang pinag-usapan niyo kanina ni sir pogi?" Akala ko pa naman ay okay na ang tungkol sa bagay na iyon, subalit hindi pa rin pala. Patuloy niya akong kinulit sa loob ng sasakyan kaya't naiinis na tinarayan ko ito.

"Puwede ba Nicole, manahimik ka nga muna! Ang gulu-gulo ng isip ko ngayon oh! " Naiiritang singhal ko sa kanya.

"Sus, napaka-sensitive." Reklamo pa nito.

Sa halip na kumibo pa ay itinuon ko na lang sa labas ang aking atensiyon at hanggang sa makarating na kami sa bahay ay tahimik lang akong dumiretso sa aking silid. Subalit nanatili lamang akong nasandal sa hamba ng pintuan nitong silid ko kaya’t dinig na dinig ko ang kanilang pag-uusap sa sala.

"Tingnan mo 'yon. Paniguradong magluluksa na 'yon sa ginawa ng kanyang hudas na groom!" Pabulong na saad ni Nicole ngunit hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig.

"Ano'ng nangyari sa kaibigan natin? Kumusta nga pala ang wedding no'n?" dinig kong sabad ni Lesley na ngayon ay kakarating lang galing Paris. Mabuti na lang talaga at hindi ito um-attend sa wedding ko, dahil masasayang lang ang oras at panahon nito.

"Naku, ang malas ng kaibigan natin! Nabiktima ng budol-budol niyang groom." Pagkukuwento rito ni Nicole.

"Ano?" gulat na tanong ni Lesley. "Paanong nabudol? Na-nasaan si Jordan?" Patuloy na usisa nito.

"Ewan ko kung nasaan. Basta kanina sumulpot sa simbahan, palihim na nag-sorry kay Sam, tapos nagmamadali ng umalis." Ani Nicole."Eh ikaw, ba't nandito ka? Akala ko ba hindi ka makakauwi ng Pilipinas kasi sabi mo may fashion show na magaganap ngayon'g araw na ito sa Paris."

"Huh? Eh, ano kasi...na-na-cancelled. Oo, na-cancelled 'yong fashion show at pina re-schedule na lang. So, baka one of these days ay babalik din ako doon."

"Okay. Mapera ka pala. Marami kang pambayad sa plane ticket!" Ani Nicole na kahit hindi ko nakikita ay batid kong nakairap na naman ito.

"So ano, hindi man lang ba natin iko-comfort si Sam?" Anang boses ni Lesley.

"Eh, anong gagawin natin, samahan siya sa kuwarto at maki-duet tayo sa pagngalngal niya?" Puno ng iritasyon sa tinig ni Nocole. "Kung ako 'yan sa club ako didiretso eh. Magsi-celebrate pa ako do'n."

Mas lalo pa nitong nilakasan ang kanyang tinig. Marahil ay sinasadya niya iyon para lumabas ako ng silid.

"Naku, grabe ka naman! Ang harsh mo naman sa kaibigan natin." Saway rito ni Lesley.

Hindi rin ako nakatiis. Lumabas nga ako at nilapitan sila.

"Sa tingin ko tama ka nga Nicole. Mabuti pa siguro lumabas tayo at mag-enjoy na lang." Walang buhay na suhestiyon ko sa kanila.

"Sabi ko na sa'yo Sam eh!" Tumitiling sigaw ni Nicole. Kapagkuwa'y sinugod ako nito ng mahigpit na yakap.

"Tara na dali!" dagdag pa ni Nicole na halos kaladkarin na ako nito palabas ng kanyang bahay.

"Hindi ako sasama. Pagod ako sa biyahe eh." Ani Lesley na siyang ipinagtaka namin.

"Huh? Hindi puwede 'yon. Akala ko ba dadamayan niyo ako." Mas lalo lang nadagdagan ang sama ng loob ko.

"Sam, sorry talaga. Promise babawi ako next time. Sadyang-"

"Oops...tama na ang pag-eexplain." Pagpigil ni Nicole sa iba pang sasabihin ni Lesley. "Sam,huwag na lang natin pilitin ang ayaw!" sarkastikong dagdag pa nito.

Sabay namin'g tinalikuran si Lesley. Madalas kasi ay may pagka-kill joy at kuripot itong kaibigan namin kaya minsan ay naaasar kami sa kanya lalo na kapag may perang involve sa mga naiisipan namin'g gawin ni Nicole.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
missXmaam
familiar ang Jordan teaaa. HAHAHHAHA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status