Share

Punishment

PAGDATING ko dito sa bahay ay halos sumabog na ang aking cellphone sa sunud-sunod na chat at call ni Iñigo.

"Oh, Sam! Ba't 'di mo sagutin 'yan?" Hindi na nakatiis pa si Nicole.

"Hayaan mo lang 'yan." Tipid kong tugon.

"Nagkasagutan na naman ba kayo?" Muli niyang tanong na ang tinutukoy ay si Iñigo.

Hindi ako nakasagot agad. Sa halip ay nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntonghininga.

"Sus, sabi ko na nga ba eh." Dagdag pa niya at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. "Ano ba talaga ang-"

Naudlot ang iba pang sasabihin ni Nicole nang biglang may kumatok sa pintuan.

"May inaasahan ka bang bisita na darating ngayon?" Aniya bago tumayo at tinungo ang pintuan. Umiling naman ako kaya't napilitan na rin itong buksan ang pinto.

Namilog ang aking mga mata nnag pumasok na si Iñigo. Balak ko sana'ng senysasan si Nicole na palabasin ito ngunit huli na ang lahat. Dahil eksaktong paglingon ko ay siya naman'g pagtama ng aming paningin ni Iñigo.

Wala na rin akong nagawa lalo pa't inanyay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status