Share

Ruined Plan

HINDI ko namalayan na may tumutulo na pa 'lang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang paglalakad ni Lesley sa aisle. Buong akala ko ay hindi na ako maaapektuhan kapag nakita ko ang gan'tong eksena, ngunit heto at pakiwari ko ay may nakatarak na kutsilyo sa aking dibdib. Halos hindi ako makahinga lalo na ngayon'g nagsisimula na ang seremonya ng pari.

"Are you okay?" anang tinig ni Iñigo na hindi ko namalayan'g nakalapit na pala saakin.

"Sam, okay ka lang ba?" dagdag rin ni Nicole.

Tinanguan ko lang sila. Pagkatapos ay wala sa sariling naglakad ako papalapit sa ikinakasal. Batid kong nakatingin na saakin ang lahat ng tao na naroon sa loob ng simbahan. Subalit balewala lamang 'yon saakin. Dinig kong tinatawag ako nina Nicole at Iñigo ngunit, hindi ko sila pinag-aksayahan ng panahon na lingunin.

Tanging ang nasa isip ko lamang nang mga sandaling iyon ay makaganti sa pagkapahiya'ng aking natamo sa mismong araw ng aking kasal. At eksaktong paghinto ko sa harapan nila ay siya naman'g
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status