Share

Pagpapanggap

NAPABUNTONGHININGA na lamang ako matapos patayin ni Iñigo ang tawag ko. Kapagkuwa'y hindi ko namalayan na bigla na pala akong napasimangot.

"Oh, anong nangyari sa'yo, Sam? Kahit yata si Leonardo Da Vinci ay hindi kayang maipinta 'yang pagmumukha mo eh!" sita sa'kin ni Nicole.

"Tsk...eh kasi naman si Sir Iñigo!" nakangusong tugon ko.

"Sus, ang ganda-ganda mo kaya, tapos sisirain mo lang dahil diyan sa pagbusangot mo."Dagdag pa ng kaibigan ko.

"Tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin." Giit pa nito na talagang pilit akong iniharap sa malaking salamin na naroon sa sala. "Sa tingin mo, may mag-aakala pa ba na broken hearted ka? Aba'y mukha ng naka-moved on 'yan eh."

"Oo na! Sige na! Salamat na rin sa libreng pa-make over niyo sa'kin ni Sir Iñigo." Naiinis na sambit ko na sinundan ko pa ng sunud-sunod na pag-irap.

"Kay Iñigo ka mag-thank you. Siya nakaisip ng ideya na 'yan at siya rin ang gumastos ng lahat." Ani Nicole habang magkakrus ang mga braso.

"Eh, kaya nga ako nakasimangot dito k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status