Share

Sulat

KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan ng manuot sa ilong ko ang mabango'ng amoy ng pagkain. Kaya naman bumangon ako at sinundan kung saan nagmumula ang amoy na 'yon.

Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. At halos himatayin ako sa tumambad saakin.

Napatakip ako sa aking bibig. Pakiwari ko ay nakadikit na rin ang aking mga paa sa pinto ng kusina pagkakita ko sa hubad na likuran ng lalaking abala sa pagluluto.

Kahit nakatalikod ito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga bang Poncio Pilato iyon.

"Hindi ka pa rin ba tapos na titigan ang aking likuran? Halika, pwede kang lumipat sa harapan para mas lalo mong maaninag ang maganda kong katawan." Puno ng sarkasmo ang kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang iyon.

Ilang segundo rin na hindi ako nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Kaya't napilitan itong humarap at lapitan ako.

"I-Iñigo?" sa wakas ay garalgal ang tinig na naibulalas ko.

"Mmm...ba't gulat na gulat ka yata? Ayaw mo bang ipagluto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status