공유

Chapter 117

작가: SKYGOODNOVEL
last update 최신 업데이트: 2025-09-25 11:49:40

Chapter 117

“So, anong plano mo kung tuluyang hindi kayo makilala ni Alessandro, Sol?” tanong ni Nene sa akin, mahina ngunit diretso, habang nakaupo siya sa tabi ko.

Napatingin ako kay Alessandro, nakahiga pa rin, walang kamalay-malay sa mga pangyayaring patuloy na gumugulo sa paligid niya. Pinisil ko ang palad ko, pilit nilulunok ang kirot na bumabalot sa puso ko.

“Maybe…” mahina kong sambit, halos pabulong, “…ito na ang panahon para mag-move on. Para ikabubuti ng lahat, Nene.”

Napatitig siya sa akin, parang gusto pang magtanong, pero imbes ay ngumiti na lang at dahan-dahang tumango.

“Kung ’yan ang gusto mo, susuportahan kita. Dahil kaibigan kita.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit, parang doon ko ibinuhos ang lahat ng bigat na matagal ko nang pinapasan.

“Salamat, Nene… hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat kung wala ka.”

Tahimik lang kaming dalawa sa ilang sandali, habang sa likod ng isip ko’y naglalaban ang dalawang boses—ang isa’y na
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 150

    Chapter 150 Tahimik ang buong paligid habang nagluluto si Solidad ng tanghalian. Ang amoy ng sinigang na baboy ay kumalat sa buong bahay. Si Gabriel naman ay nakaupo sa sahig, abala sa pag-aayos ng kanyang laruan, habang si Julie ay nasa kanyang kwarto, nag-aaral. Ngunit sa kabila ng katahimikan, may kung anong bigat na bumabalot sa dibdib ni Solidad—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Mula sa bintana, tanaw niya ang kalye kung saan dumaraan ang mga sasakyan paminsan-minsan. Lalo siyang kinabahan nang mapansin niya ang isang itim na SUV na dahan-dahang huminto sa may kanto. “Siguro, bisita lang ng kapitbahay,” mahinahon niyang bulong sa sarili, sabay pinatay ang kalan. Ngunit hindi mawala ang kaba. Lumapit siya kay Gabriel at hinaplos ang buhok nito. “Anak, matapos ka diyan, ha? Mamaya kakain na tayo.” “Opo, Mommy Sol,” masigla nitong tugon, ngunit napansin niyang panay ang silip ng bata sa bintana. “Mukhang may naghahanap po sa labas,” inosenteng sabi ni Gabriel. Na

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 149

    Chapter 149Third Person POV (Solidad side)Sa isang tahimik na bayan sa paanan ng bundok ng San Isidro del Norte, maagang gumigising si Solidad para maghanda ng almusal. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa pagitan ng mga ulap, tinatamaan ng liwanag ang maliit nilang bahay na gawa sa kahoy at bato.“Julie, anak, gising na. Papasok ka pa sa eskwela,” malambing na tawag niya habang nag-aayos ng mesa.Maya-maya, lumabas si Julie, ngayon ay labindalawang taong gulang na, may mahabang buhok at ngiti na kasingliwanag ng araw.“Good morning, Mommy!” bati nito, sabay halik sa pisngi niya.Kasunod naman si Gabriel, dalawang taong gulang, bitbit ang maliit na laruan niyang kotse.“Mommy Sol, gutom na po ako,” inosente nitong sabi, sabay akyat sa upuan.Ngumiti si Solidad. “Ayan na, baby. Eat well ha? Para lumakas ka.”Habang pinagmamasdan niya ang dalawang bata, napangiti siya nang may halong lungkot. Sa puso niya, alam niyang kulang pa rin ang mundong ginagalawan nila—isang bahagi ng buhay

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 148

    Chapter 148Alessandro POV “Sol… Julie… please, magpakita na kayo.”Mahina kong bulong habang nakatingin sa litrato naming tatlo — nakangiti si Solidad, buhat ko si Julie na noo’y tatlong taong gulang pa lang. Ngayon, siguro malaki na siya… baka hindi na nga ako kilala.Limang taon na ang lumipas, pero bawat araw, parang sugat pa rin na ayaw maghilom.Nang mawala sila, parang kasabay ding nawala ang dahilan ko para mabuhay.Ngayon, habang hawak ko ang isang report mula sa tauhan ko, muling bumilis ang tibok ng puso ko.May nakakita raw ng batang babae na hawig kay Julie sa isang bayan sa norte. Kasama raw ng isang babaeng kahawig ni Solidad.Napakapit ako sa mesa.“Kung totoo ‘to… baka sila nga.”Naroon sa tabi ko si Brandon Pattern Villaceran, tahimik pero kita sa mukha niya ang pag-aalala rin.“Pinsan,” sabi niya, “kung sakaling totoo nga ‘yan, tutulungan kitang hanapin sila. Alam kong hindi mo sila basta susukuan.”Tumingin ako sa kanya at bahagyang tumango.“Hindi ko kayang sukua

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 147

    Chapter 147Third POV Samantala, habang abala si Solidad sa tahimik na buhay nila nina Julie at Gabriel, sa kabilang panig naman ay nagngangalit ang galit ni Alessandro Villaceran. Limang taon na ang lumipas simula nang mawala ang kanyang mag-ina, at bawat araw ay parang sugat na ayaw maghilom.Nakatayo siya sa loob ng kanyang opisina, mahigpit na hawak ang lumang larawan nina Solidad at Julie. “Where are you, Solidad?” mahinang wika niya, ngunit ramdam ang poot at pangungulila sa bawat salita. Sa likod ng malamig na titig ng isang negosyante ay ang puso ng isang amang sabik muling makapiling ang pamilya.Sa kabilang banda, si Brandon Pattern Villaceran ay tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan, hawak-hawak ang larawan ni Khanna at ng anak nilang si Gabriel. Puno ng pagsisisi at pangungulila ang kanyang mukha. “Bakit mo ako iniwan, Khanna? Hindi mo man lang ako pinagbigyan na makita ang anak natin…” bulong niya, habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.Dalawang lalaking ma

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 146

    Chapter 146Tahimik muna kami ni Khanna sa video call. Kita ko sa mukha niya ang pagod, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala. Hindi ko na kayang itago ang totoo. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“Khanna… may kailangan akong sabihin sa’yo.”Napakunot ang noo niya. “Ano ‘yon, Sol? May nangyari ba kina Julie at Gabriel?”“Wala, ligtas sila,” sagot ko agad, sabay iwas ng tingin. “Pero may isang matandang babae na lumapit sa amin sa simbahan… tumingin siya kay Gabriel na parang kilalang-kilala niya. Ang sabi niya, kamukhang-kamukha raw ng anak niya.”Nakita kong unti-unting nag-iba ang ekspresyon ni Khanna.“Matandang babae? Sino ‘yon?”“Ang pangalan niya…” saglit akong tumigil, pinili ko ang mga salitang sasabihin, “…Doña Filicidad Pattern.”Nanlaki ang mga mata ni Khanna nakita ko sa screen ng phone. Halos mapatayo siya mula sa upuan.“Anong… anong sabi mo? Si Doña Filicidad Pattern? Sino siya?"Tumango ako. “Oo. At mukhang alam niyang may kinalaman si Gabriel sa pamilya nila. K

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 145

    Chapter 145“Hmmm, why not, Mommy,” sabi ni Julie habang nakangiti. “Kung mag-video call po tayo sa kanya? Para po magkita sila ni Tita Khanna?”Napatingin ako sa anak kong si Julie. Inosente ang ngiti niya, puno ng pag-asa.Si Gabriel naman ay agad napatingin sa akin, kumislap ang mga mata. “Totoo po, Mommy Sol? Pwede po ba?”Napalunok ako at bahagyang napayuko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon. Matagal nang walang balita si Khanna — walang tawag, walang sulat, walang paramdam. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalong bumibigat ang tanong kung babalik pa nga ba ito.“Ahm…” mahina kong sabi, pinilit kong ngumiti. “Hindi natin siya matawagan ngayon, anak. Baka busy pa si Tita Khanna sa ospital o baka nasa biyahe pa.”Bumagsak ang balikat ni Gabriel. “Gusto ko lang po sanang sabihin sa kanya na marunong na akong maglakad mag-isa…” bulong niya habang pinaglalaruan ang daliri niya.Napaluha ako sa sinabi niya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.“Makikita ka rin

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status