Share

Chapter 183

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-10-23 19:55:39

Chapter 183

Alessandro POV

Pagkatapos ng lahat ng ingay, saya, at tawanan sa kasal, sa wakas ay kaming dalawa na lang.

Walang bisita, walang camera, walang abala—kami lang ni Solidad.

Nasa isang rest house kami sa Tagaytay, overlooking the city lights below. Malamig ang simoy ng hangin, may halong amoy ng kape at damo, at sa tabi namin, naglalaro ang liwanag ng fireplace.

Tahimik kaming nakaupo sa sofa, si Solidad ay nakasandal sa balikat ko, hawak ang mug ng mainit na tsokolate.

Hindi ko na kailangang magsalita para maramdaman kung gaano ako kasaya.

“Alessandro…” tawag niya ng marahan, habang nakatingin sa labas ng bintana.

“Hmm?”

“Ang dami na nating pinagdaanan, ano?”

Napangiti ako.

“More than I could count,” sabi ko, sabay haplos sa kanyang buhok.

“Pero alam mo… kahit anong sakit, galit, o lungkot noon—worth it lahat. Dahil bumalik ka.”

“Hindi ako bumalik,” tugon niya. “Kasi, hindi naman ako umalis. Nawala lang ako sandali para mahanap muli ang sarili ko.”

Tumitig ako sa kanya.

Iyo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 220

    Chapter 220 “Salamat sa pag-uunawa,” sabi ko na lang, mahina pero tapat. Tumango siya, parang sapat na sa kanya ang dalawang salitang iyon. Hindi na siya nagsalita pa. Umupo lang siya sa upuang malapit sa bintana, nakatingin sa labas pero ramdam kong nandoon pa rin ang atensyon niya sa akin—hindi nakakasakal, hindi mapilit. Kumain ako ng dinala niya. Dahan-dahan, tila sinusukat ang bawat kagat. Nakapagtataka dahil kahit wala akong maalala, pamilyar ang lasa. Parang may bahagi ng sarili kong nagsasabing “Oo, ito ang gusto mo.” “Masarap ba?” tanong niya, hindi lumilingon. “Oo,” sagot ko. “Parang… hinahanap ng katawan ko.” Ngumiti siya nang bahagya. “Minsan, mas nauuna ang puso at katawan kaysa sa alaala.” Hindi ko alam kung bakit, pero parang may tama ang sinabi niya. Biglang may marahang kirot sa aking tiyan. Napahinto ako sa pagkain at napahawak doon. Hindi masakit—kakaiba lang, parang may munting galaw sa loob. Napatingin siya agad sa akin. Tumayo siya pero hindi

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 219

    Chapter 219 Umupo ako ng dahan-dahan sa aking kama, dahil mahina pa ang buo kong katawan at mabilis akong mapagod. Siguro Dahil sa mga gamot at mahabang walangalay kaya nanghihina ako. Napalingon ako ng may pumasok na nurse, isang private nurse. "Mrs. Cruz. Kailang mong inumin muna ito para mabilis Kang lumakas," sabay abot sa isang basong gatas. "Thank you!" Dahan-dahan kong inabot ang baso ng gatas. Medyo nanginginig ang kamay ko kaya kinailangan kong higpitan ang hawak. “Salamat,” ulit kong sabi, mas mahina na ngayon. Ngumiti ang nurse—isang ngiting sanay mag-alaga ng mga taong nasa pagitan ng buhay at panghihina. “Kaunti-kaunti lang po ang pag-inom, Mrs. Cruz. Huwag n’yong biglain ang katawan n’yo.” Mrs. Cruz. Parang may kumurot sa dibdib ko sa tawag na iyon, pero hindi ko alam kung bakit. Uminom ako ng kaunti. Mainit-init pa ang gatas, at kahit paano ay may kakaibang ginhawang dumaloy sa loob ko. Pagkatapos ay ibinalik ko ang baso sa kanya. “Mabuti po,” sabi niya haba

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 218

    Chapter 218 “Sige, magpabili ako!” sabi ng lalaking sinasabing asawa ko na si Zeph agad na tumayo na parang sanay na sanay nang sundin ang kahit anong sabihin ko. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong napakunot-noo. “No,” mabilis kong sagot. Tumingin ako sa kanya, diretso. “Gusto ko ikaw ang bumili.” Nanlaki ang mga mata niya, halatang nagulat. “Ha? Ako mismo?” Tumango ako. “Oo. Ikaw.” Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit. Hindi ko siya kilala ni hindi sa alaala. Pero may kung anong humila sa akin mula sa loob. Isang kakaibang kumpiyansa na… dapat siya ang gumawa noon. Saglit siyang natigilan, tapos bigla siyang ngumiti. Hindi ‘yung mayabang. Hindi ‘yung malamig na nakita ko kanina. Kundi ‘yung ngiting parang may lamat sa puso—pero masaya. “Kahit anong gusto mo,” mahinang sabi niya. “Babalik ako agad.” Pag-alis niya, hindi ko namalayang sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa pinto. “Anak…” marahan na tawag ng babaeng sinasabing mama ko na si Mommy So

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 217

    Chapter 217 Julie POV Tahimik ang paligid, pero ang loob ko ay magulo. Parang may kulang—hindi, parang marami—pero hindi ko alam kung ano. May babaeng hawak ang kamay ko. Umiiyak siya, pilit ngumngiti, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. “Anak…” mahina niyang tawag. “Ako ang mommy mo.” Mommy. Sinabi niya iyon na parang sapat na dapat para maalala ko siya. Pero wala. Blangko. Tumingin ako sa paligid, isang kwarto na halatang mamahalin, maraming tao, lahat may mga matang puno ng pag-aalala. Lahat sila ay tila may koneksyon sa akin, pero ako… parang bisita lang sa sarili kong buhay. At doon ko siya nakita. Isang lalaki ang nakatayo sa bandang paanan ng kama. Matangkad, matikas, malamig ang tindig—pero ang mga mata niya… hindi tugma sa itsura niya. May sakit. May takot. May pangungulila. “Julie,” mahinang sabi niya, parang natatakot na marinig ko ang pangalan ko. “Ako si Zeph. Asawa mo.” Napakunot ang noo ko. Asawa? Sinubukan kong hanapin sa loob ko ang kahit anong

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 216

    Chapter 216 “Bahala na,” mariin kong sabi, mabigat pero buo ang loob. “Gagawa na lang ako ng kanta. Para kay Julie… walang hindi ko magagawa para sa kanya. Lahat ay gagawin ko.” Tahimik ang paligid sa loob ng silid na parang kahit ang hangin ay huminto para pakinggan ang sinabi ko. Hindi ito pananakot. Hindi ito utos. Isa itong panata. “Wow… exciting!” biglang sigaw ni Aldrich, kumikinang ang mga mata na parang batang nakakita ng paborito niyang laruan. “Isipin mo ‘yon—isang mafia boss na kakanta! At hindi lang kakanta, ikaw mismo ang magko-compose!” Napailing ako pero may bahagyang ngiti sa labi. “Tumawa ka na habang maaga,” sabi ko sa kanya. “Dahil kapag narinig na niya ang kantang ‘to, hindi na ito biro.” Sumandal si Zeon sa sofa, seryoso na rin ang tono. “Zeph, huwag mong isipin kung maganda o perpekto. Ang mahalaga, mararamdaman niya. Kahit wala siyang alaala, maririnig ng puso niya.” Napatingin ako sa direksyon ng kwarto kung saan nagpapahinga si Julie. N

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 215

    Chapter 215 Tahimik muna ng Isang segundo o Dalawa. Tapos biglang umaalingawngaw tawa ni Zeon. “Hahaha…!” malakas na tawa ni Zeon, halos mapaupo sa kakatawa. “Grabe talaga ‘yang pamilya n’yo. Mas malala pa sa teleserye!” Pero walang tumawa sa amin nina Aldrich at Dad Alessandro. Si Aldrich ay nakatitig lang kay Miss Lillian, parang naglo-load pa ang utak niya sa dami ng impormasyong ibinagsak. “So…” mabagal niyang sabi, “technically… strategic pregnancy pala ako?” “Hoy!” sabat ni Dad Alessandro, sabay irap. “Planned, pero may pagmamahal.” “Talaga?” taas-kilay ni Aldrich. “Mom tortured you emotionally for years.” “Deserve ko,” diretso ni Dad. “Kasalanan ko ang maraming bagay noon.” Tahimik si Mommy Solidad. Nakaupo lang siya, hawak ang rosaryo niya. Hindi niya tinanggi. Hindi rin siya nagalit. Parang matagal na niyang tinanggap ang kwentong iyon—na ang nakaraan ay sugat, pero ang kasalukuyan ay pinili. “Enough,” mahina pero matatag niyang sabi. “Ang mahalaga, nand

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status