Mag-log inChapter 242Pagdating ko sa harap ng mataas at elegante na gusali ng ZC COMPANY, halos mapanganga ako. Ang glass walls, ang mga itim na sasakyang naka-park sa harap, at ang napakalaking logo sa taas ng entrance —ZCZEPHANIAH CRUZ CORPORATIONParang bigla akong nalunok ng kaba.“Hala… dito pala ako mag-aapply,” bulong ko, habang tinitingnan ang email confirmation.Tama nga.Ito ang company na pinasukan ko ng application bilang Business Secretary (BS).Nag-adjust ako ng blouse ko, inayos ang buhok, at huminga nang malalim.“Okay, Julie… kaya mo ‘to.”Pagpasok ko sa lobby, halos mapahinto ako sa ganda. Marble floors, minimalist interior, at mga empleyadong naka-formal na halos mukhang model.Lumapit ako sa front desk.“Good morning, ma’am. Appointment?” magalang na tanong ng receptionist.“Yes po. Julie Cutanda Vellaceran. For interview under Business Secretary position.”Sandali siyang tumingin sa screen, at biglang umangat ang kilay niya — hindi dahil sa gulat, kundi parang… may nalam
Chapter 241 “Thanks, Dad!” mabilis kong sagot, sabay ngiti para kahit papaano ay maibsan ang pag-aalala nila. Tumango siya at bahagyang kinamot ang batok niya, yung tipong ayaw niya lang ipakitang worried pa rin siya — pero ramdam ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, kinuha ang sling bag ko at folder ng resume, at huminga nang malalim. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko. Ito ang magiging unang hakbang ko palabas sa gulo… at papunta sa buhay na ako mismo ang pipili. “Good luck, ate!” bulong ni bunso habang ngumunguya pa ng cookies. Ngumiti ako. “Sa’yo na lahat ‘yan, para tumaba ka.” Narinig ko pa silang humalakhak habang paakyat ako sa kwarto. At sa bawat hakbang ko paakyat, unti-unti kong naramdaman ang halo-halong emosyon — kaba, pag-asa, at isang maliit na kirot sa puso ko. Pagpasok ko sa kwarto, isinara ko ang pinto at sumandal sandali. Ito na, Julie. Panibagong umaga. Panibagong laban.Pagkatapos kong magbihis ay agad din ako bumaba at naabutan ko sina mommy at daddy
Chapter 240Pagkatapos naming kumain ay agad nagtanong si Mommy sa akin. "Anak, Julie. Okay kana ba?"Ngumiti ako bago sumagot. "Yes, mom. At isa pa, I need move forward. Gusto ko makalimutan siya.pamamagitan sa pagtatrabaho.""How about to Mr. Zephaniah Cruz, ate? What do you think about him. For me, mas gusto ko siya kaysa kay Adrian!" Deritsahang tanong ni Adrian sa akin.Nanlaki ang mata ko sa diretso at walang preno na tanong ni bunso.Si Mommy ay bahagyang napatigil sa pag-inom ng kape, at si Daddy ay sumulyap sa amin bago muling nagbasa ng diyaryo—pero alam kong nakikinig siya.“B-bunso naman,” pabulong kong saway, ramdam ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ko. “Ang aga-aga, ganyan agad ang tanong mo?”Ngumisi siya, hindi man lang nagpakita ng pagsisisi. “Eh totoo naman, ‘di ba? Grabe mag-alala sayo si Mr. Cruz kahapon. Parang territory ka niya.”Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung matatawa, maiinis, o matataranta.Si Mommy naman ay nagtaas ng kilay ngunit mahinahon ang tono
Chapter 239 Pagkatapos kong uminom ng kape ay agad akong nagsimula sa pagtulong kina Manang. Habang sila ay naggagayat ng gulay at nag-aayos ng mga rekado, ako naman ay tumapat sa counter para mag–bake ng cookies. Tahimik ang buong kusina, maliban sa tunog ng mga kutsilyong sumasayad sa chopping board at ang mahihinang tunog ng oven na umiinit. At least… may nagagawa akong productive habang hinihintay ang oras. Pinagsama ko ang harina, asukal, butter, eggs, at chocolate chips—paulit-ulit, halos automatic. Isa sa mga bagay na nakakapagpakalma sa akin ay ang pagbe-bake. Parang lahat ng problema ay nagiging simple kapag nasa harap lang ako ng mixing bowl. “Senyorita, ang bango naman niyan,” sabi ni Manang habang napapatingin sa oven. “Magdadala po ako mamaya,” sabi ko, inilalapag ang tray ng bagong hugis na cookies. “Hindi ko naman sure kung may pagkain doon… at least may baon ako. For emergency purpose only.” Tumawa si Manang. “Hindi emergency ‘yan, senyorita. Strategy ‘yan. Ba
Chapter 238“Ano ba ’tong nangyayari sa akin…?”bulong ko habang nakatitig sa kisame.“Dati, tahimik lang ang buhay ko. Walang drama, walang gulo, walang…walang lalaking nagpapagulo sa utak ko.”Napahagod ako sa buhok ko, halos mabunot ko na.“Pero ngayon… dalawa sila.”Dalawang lalaking pilit akong hinihila sa magkaibang direksyon.Dalawang boses sa isip ko.Dalawang tibok ng puso na hindi ko alam kung sino ang dapat kong sundan.Napabuntong-hininga ako, malalim—parang gusto ko nang iiyak lahat pero pagod na ang luha ko.Bagsak akong humiga ulit sa kama, parang sinusubsob ng unan ang bigat sa dibdib ko.“Bakit ngayon pa sila dumating?”mahina kong tanong sa sarili.At bago ko pa mapigilan.kumabog ng sobrang lakas ang puso ko.Hindi ko alam kung dahil sa kaba… o dahil sa takot… o dahil baka.. baka unti-unti na talaga akong nahuhulog.Sa isa sa kanila. O mas masahol— baka sa kanilang dalawa.Napalingon ako sa wall clock.3:00 AM.“Great… gising pa rin ako,” bulong ko, napairap sa sar
Chapter 237 Alas-dos na pala ng umaga. Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong tulog—may kung anong kakaibang init na nakabalot sa bewang ko. Parang may braso… humihigpit… humihila sa akin palapit. Napakabilis kong iminulat ang mga mata ko. At doon ako napasinghap, nanigas, muntik pang mapaatras. Isang bisig. Isang mainit, malakas na bisig ang nakayakap sa bewang ko. At ang may-ari nito— si Zeph. Ang mukha niya, ilang pulgada lang mula sa akin. Ang hininga niyang malamig ngunit nakakaantig. At ang presensya niya… nakakakuryente sa sobrang lapit. “Z–Zeph?” mahina kong bulong, halos pabulong na humahalo sa lamig ng gabi. Hindi siya agad gumalaw. Para bang komportableng komportable siyang nakayakap sa akin, para bang matagal na kaming ganito matulog. Para bang… akin siya. Muling lumakas ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sa takot ba o sa kakaibang kilabot na gumapang sa balat ko. “B–bakit ka… nandito?” halos putol-putol ang tanong ko, ramdam ang pag-init ng pisngi







