Share

Chapter 81

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-09-15 21:22:17

Chapter 81

Jhovel POV

“Fuck!” isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ko nang makita ang kalagayan ni Sandro. Naliligo siya sa sariling dugo dahil sa tama ng pagsabog.

Agad kong kinabig ang katawan niya, pinahiga sa sahig habang nanginginig pa ang paligid sa alingawngaw ng putok at sigawan ng mga tao. “Shit, Sandro… huwag kang bibitaw!” Ang kamay ko ay mabilis na dumukot ng tela, pinisil ko sa sugat niya para kahit papaano’y mapigil ang pag-agos ng dugo.

Hindi namin ito inaasahan—sobrang bilis, sobrang brutal. Sa loob ng ilang segundo, lahat kami’y nabigla, pero wala akong oras para mag-panic. Doktor ako. At higit sa lahat, kaibigan ko siya.

“Lillian, cover us!” sigaw ko habang hawak ang pulso ni Sandro. Mahina, mabilis ang tibok. Bumabagsak. “Zeon! Buksan ang sasakyan! I-prepare mo na ‘yung first aid kit at oxygen!”

Nanginginig ang kamay ko pero kinailangan kong maging matatag. Nilagay ko ang dalawang daliri sa leeg ni Sandro, pinakiramdaman ulit. “Come on, bro, wag mong lokohin ang pulso ko. Hindi ito puwedeng matapos dito.”

Sumilip ako saglit—nakikita ko si Lillian, baril nakatutok, tinatakpan kami. Si Zeon naman, nagmamadaling hinahablot ang kit mula sa compartment. Ang paligid ay amoy pulbura at sunog, at sa gitna ng lahat ng ito, ako lang ang pwedeng humawak ng buhay ni Sandro.

“Stay with me, Sandro… wag kang matutulog, pakinggan mo ako,” bulong ko habang pinipilit kong i-compress ang sugat niya. Ang dugo’y dumikit sa palad ko, mainit, parang apoy na kumakain ng oras naming lahat.

“God dammit, Sandro. Wag kang bibitaw, gago ka,” bulong ko habang pilit kong sinasalba ang buhay niya. Mahina ang pulso niya, parang kandilang nanginginig sa hangin. Pinipisil ko ang sugat, pinapadama ko sa kanya na hindi siya nag-iisa.

“Puta, Zeon! Ngayon mo bilisan ang pagmamaneho! Kung maaari, paliparin mo na ang kotse para makarating tayo agad sa hospital!” halos sigaw ko habang hindi ko inaalis ang kamay ko sa sugat ni Sandro.

“Fuck you, Jhovel! Ano tingin mo sa takbo nitong kotse, nagbuburol?” balik ni Zeon, nanginginig din ang boses pero pilit pinapakita na buo ang loob niya.

“Tumigil kayong dalawa kung ayaw n’yong matuluyan si Sandro sa kakaingay ninyo!” malamig na putol ni Lillian, nakatutok ang mga mata sa kalsada, hawak ang baril at alerto sa paligid. “Focus on the road, Zeon.”

Alam kong matigas ang tono niya, parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Pero kilala ko si Lillian—marunong siyang magtago ng nararamdaman. Hindi siya bato. Kung makikita mo lang ang pagkakakuyom ng panga niya at ang paminsang panginginig ng kamay na nakahawak sa armas, alam mong nag-aalala siya.

“Sandro, bro, pakinggan mo ako… wag kang bibitaw,” bulong ko ulit, halos magmakaawa. “Hindi ka puwedeng mawala ngayon. Ang dami ka pang utang na bayaran."

Ramdam ko ang mabilis na takbo ng sasakyan—ang ugong ng makina, ang gulong na halos kumakain sa aspalto. Sa loob ng kotse, mabigat ang katahimikan sa pagitan ng aming mga hininga, at ang bawat segundo ay parang oras na kumakain sa buhay ng kaibigan naming nasa pagitan ng dilim at liwanag.

Hindi nagtagal, dumating kami sa ospital. Huminto ang sasakyan na halos sumayad ang gulong sa kanto ng emergency bay, at agad sumalubong ang team ng mga nurse at orderlies na nakahanda na. Binuksan ni Zeon ang pinto, at mabilis naming ibinaba si Sandro na halos wala nang pulso.

“Doc Jhovel, dito na! Handa na ang OR!” sigaw ng isa sa mga nurse habang tinutulak ang stretcher papalapit. Inilipat namin agad si Sandro doon, at habang ikinakabit ng mga nurse ang mga IV at oxygen, naramdaman kong bumibilis pa lalo ang tibok ng puso ko.

“Doc Jhovel, heto na ang mga gamit mo pati ang susuotin mo para sa operation,” sabi ng nurse na tinawagan ko kanina. Nakaabang na ang sterile gown, gloves, at mask.

Hinila ko ang hangin nang malalim, pinilit kong kalmahin ang sarili. Hindi ako pwedeng kabahan, hindi ako pwedeng magkamali. Hindi lang ito pasyente — kaibigan ko si Sandro. Alam kong bawat galaw ng kamay ko ay magdedesisyon kung makakabangon pa siya o hindi.

“Zeon, Lillian—dito lang kayo. Walang makakapasok sa OR hangga’t hindi ko sinasabi,” mariin kong bilin. Tumingin ako saglit kay Lillian, seryoso, matalim. “Kung may dumating na kahit sino, kahit anong pangalan dalhin nila—stop them. Intindihin niyo, baka may sumunod na plano.”

“Copy,” malamig na sagot ni Lillian habang tinitigan si Sandro. Hindi siya nagsalita ng sobra, pero ramdam ko ang bigat ng pag-aalala niya.

Hinawakan ko sandali ang braso ni Sandro bago ko siya tuluyang itulak papasok sa OR. “Bro, nandito ako. Hindi ka bibigay. Hindi ka pwedeng bumitaw, narinig mo?” bulong ko, kahit alam kong baka wala na siyang malay para marinig pa ako.

Sa loob ng operating room, sumalubong sa akin ang malamig na liwanag ng surgical lamps. Nasa mesa na si Sandro, duguan, mahina ang paghinga. Kinumpirma ng anesthesiologist ang vitals niya: bumabagsak, unstable.

Hinubad ko ang coat ko at isinuot ang sterile gown at gloves. Huminga ako nang malalim. Hindi ako basta doktor ngayon. Ako ang linya sa pagitan ng buhay at kamatayan ng kaibigan ko.

“Scalpel,” mahina pero matatag kong utos.

At nagsimula ang operasyon.

Author note:

Haest, Di ko alam kung ano ang idugtong ko hehehe.... nag ramble na po sa aking isipan.

By the way, maraming salamat po sa inyong walang sawang sumabaybay sa aking munting akda. Sana ay samahan ninyo ako hanggang sa dulo.ng walang hanggang, char.....

Love you all.....

-Inday Stories/ Sky GoodNovel Stories

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 152

    Chapter 152 Ngumiti lang ang babae, pero hindi nawala ang pagsusuri sa mga mata nito. “Hmm… parang may kamukha ka, hija,” sabi nito. Ngumiti lang si Solidad, pero mabilis niyang tinapos ang pamimili. Pag-uwi nila, halos bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pagpasok niya sa bahay, agad niyang isinara ang pinto at niyakap si Julie at Gabriel. “Mommy, bakit po?” nagtatakang tanong ni Julie. “Wala ‘to, anak,” bulong niya. “Minsan kasi, kahit tahimik ang paligid… may mga matang hindi mo nakikita.” Lumipas ang maghapon na tila walang nangyari, ngunit nang gabing iyon, habang natutulog na ang mga bata, nakaupo lang si Solidad sa tabi ng bintana, hawak ang rosaryong matagal na niyang dala. “Panginoon,” mahina niyang dasal, “bigyan mo ako ng lakas. Hindi ko alam hanggang kailan ako makakatakbo. Pero sana… sana, manatiling ligtas ang mga bata.” At sa gitna ng katahimikan, isang alon ng malamig na hangin ang dumaan—tila paalala na kahit gaano kalayo, hindi kailanman tuluyang makakatakas a

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 151

    Chapter 151Madaling-araw pa lang ay gising na si Solidad. Tahimik ang buong bahay, tanging kaluskos ng hangin at huni ng mga kuliglig ang maririnig. Sa tabi niya, mahimbing na natutulog sina Julie at Gabriel.Ngunit sa dibdib niya, walang kapayapaan. Hindi siya mapalagay mula nang matanggap niya ang liham na may inisyal na “AV.”“Hindi ko na puwedeng hintayin na sila pa ang maunang kumilos,” mahina niyang bulong sa sarili habang maingat na inilalagay ang mga damit ng mga bata sa isang maliit na bag.Sinulyapan niya si Julie—labindalawang taong gulang na ngayon, pero sa paningin ni Solidad, parang kahapon lang nang karga-karga pa niya ito habang umiiyak sa ulan. Si Gabriel naman, inosente pa rin, walang kamalay-malay sa bigat ng pinagdaraanan ng mga nakatatanda.“Mommy Sol…” mahina pa itong bumubulong habang tulog, dahilan para mapahinto siya. Lumapit siya at hinaplos ang buhok ng bata.“Shh… matulog ka lang, anak. Ligtas tayo, ‘yan ang importante,” mahina niyang sabi, pilit itinatago

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 150

    Chapter 150 Tahimik ang buong paligid habang nagluluto si Solidad ng tanghalian. Ang amoy ng sinigang na baboy ay kumalat sa buong bahay. Si Gabriel naman ay nakaupo sa sahig, abala sa pag-aayos ng kanyang laruan, habang si Julie ay nasa kanyang kwarto, nag-aaral. Ngunit sa kabila ng katahimikan, may kung anong bigat na bumabalot sa dibdib ni Solidad—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Mula sa bintana, tanaw niya ang kalye kung saan dumaraan ang mga sasakyan paminsan-minsan. Lalo siyang kinabahan nang mapansin niya ang isang itim na SUV na dahan-dahang huminto sa may kanto. “Siguro, bisita lang ng kapitbahay,” mahinahon niyang bulong sa sarili, sabay pinatay ang kalan. Ngunit hindi mawala ang kaba. Lumapit siya kay Gabriel at hinaplos ang buhok nito. “Anak, matapos ka diyan, ha? Mamaya kakain na tayo.” “Opo, Mommy Sol,” masigla nitong tugon, ngunit napansin niyang panay ang silip ng bata sa bintana. “Mukhang may naghahanap po sa labas,” inosenteng sabi ni Gabriel. Na

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 149

    Chapter 149Third Person POV (Solidad side)Sa isang tahimik na bayan sa paanan ng bundok ng San Isidro del Norte, maagang gumigising si Solidad para maghanda ng almusal. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa pagitan ng mga ulap, tinatamaan ng liwanag ang maliit nilang bahay na gawa sa kahoy at bato.“Julie, anak, gising na. Papasok ka pa sa eskwela,” malambing na tawag niya habang nag-aayos ng mesa.Maya-maya, lumabas si Julie, ngayon ay labindalawang taong gulang na, may mahabang buhok at ngiti na kasingliwanag ng araw.“Good morning, Mommy!” bati nito, sabay halik sa pisngi niya.Kasunod naman si Gabriel, dalawang taong gulang, bitbit ang maliit na laruan niyang kotse.“Mommy Sol, gutom na po ako,” inosente nitong sabi, sabay akyat sa upuan.Ngumiti si Solidad. “Ayan na, baby. Eat well ha? Para lumakas ka.”Habang pinagmamasdan niya ang dalawang bata, napangiti siya nang may halong lungkot. Sa puso niya, alam niyang kulang pa rin ang mundong ginagalawan nila—isang bahagi ng buhay

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 148

    Chapter 148Alessandro POV “Sol… Julie… please, magpakita na kayo.”Mahina kong bulong habang nakatingin sa litrato naming tatlo — nakangiti si Solidad, buhat ko si Julie na noo’y tatlong taong gulang pa lang. Ngayon, siguro malaki na siya… baka hindi na nga ako kilala.Limang taon na ang lumipas, pero bawat araw, parang sugat pa rin na ayaw maghilom.Nang mawala sila, parang kasabay ding nawala ang dahilan ko para mabuhay.Ngayon, habang hawak ko ang isang report mula sa tauhan ko, muling bumilis ang tibok ng puso ko.May nakakita raw ng batang babae na hawig kay Julie sa isang bayan sa norte. Kasama raw ng isang babaeng kahawig ni Solidad.Napakapit ako sa mesa.“Kung totoo ‘to… baka sila nga.”Naroon sa tabi ko si Brandon Pattern Villaceran, tahimik pero kita sa mukha niya ang pag-aalala rin.“Pinsan,” sabi niya, “kung sakaling totoo nga ‘yan, tutulungan kitang hanapin sila. Alam kong hindi mo sila basta susukuan.”Tumingin ako sa kanya at bahagyang tumango.“Hindi ko kayang sukua

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 147

    Chapter 147Third POV Samantala, habang abala si Solidad sa tahimik na buhay nila nina Julie at Gabriel, sa kabilang panig naman ay nagngangalit ang galit ni Alessandro Villaceran. Limang taon na ang lumipas simula nang mawala ang kanyang mag-ina, at bawat araw ay parang sugat na ayaw maghilom.Nakatayo siya sa loob ng kanyang opisina, mahigpit na hawak ang lumang larawan nina Solidad at Julie. “Where are you, Solidad?” mahinang wika niya, ngunit ramdam ang poot at pangungulila sa bawat salita. Sa likod ng malamig na titig ng isang negosyante ay ang puso ng isang amang sabik muling makapiling ang pamilya.Sa kabilang banda, si Brandon Pattern Villaceran ay tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan, hawak-hawak ang larawan ni Khanna at ng anak nilang si Gabriel. Puno ng pagsisisi at pangungulila ang kanyang mukha. “Bakit mo ako iniwan, Khanna? Hindi mo man lang ako pinagbigyan na makita ang anak natin…” bulong niya, habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.Dalawang lalaking ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status