Share

Kabanata 24

NAKAAKBAY SA kanya si Tadeo habang naglalakad sila sa tabing dagat. Malapit na ang dapit hapon at nagpasya silang umuwi na. Makulimlim ang kalangitan at hindi pa man sila nakakalayo sa batong kanilang kinauupuan kanina ay nagsimula nang umambon.

Hinubad nito ang kamesang suot, ipinandong sa kanyang ulo. Pinoprotektahan siya nito upang hindi mabasa. Natatawa nalang siya, kahit anong pagsecure na gawin nito nababasa pa rin dahil palakas ng palakas ang ulan.

"Tumakbo nalang kaya tayo?" aniya.

Pumayag naman ang binata. "Pagbilang ko ng tatlo sabay tayong tatakbo."

Bumilang nga ito at nang marating ang pangatlo ay sabay silang tumakbo. Mas lalong lumakas ang ulan. Nagtatawanan sila habang tumatakbo patungo sa tricycle na dala nila. Dahil tago ang lugar wala silang ibang masisilungan.

Pinauna siyang pumasok ni Tadeo sa tricycle. Mabilis nitong ibinaba ang mga tabing na plastik na siyang nagsisilbing protektsyon para hind
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status